Kabanata 27

8.1K 244 18
                                    

Kabanata 27

Pabi's Pov

Paggising ko ay nasa tent na ko at balot na balot ng kumot,bumangon ako at nagkusot kusot ng mata nag-unat unat na din ako at tinignan yung paligid.

'Gising na pala yung dalawa!'

Napangiwi pa ko at kinapa ang cellphone ko,binuksan ko yun at dun ko nakita ang picture namin ni Hello Kitty.Umangat ang paningin ko sa oras na nakalagay duon,dun nanlaki ang mata ko ng mapansin kong 10:30 na pala!!

Hala siya!uuwi na ata kami mamaya di pa kami nakakapag-enjoy,agad ako lumabas ng tent at tinignan yung paligid.

Yung iba sakanila ay naka pang swimming na at agaw eksena si Zsa Zsa na naka two piece kasama ang alipores niya,panay sulyap siya kay Khalex na kausap si Kei.

Hinanap ko si Sephora at Everly.

"Woiiiii!!"

"Kingina niyo!gugulatin niyo pako"inis na sabi ko sakanila na tatawa tawa lang.

"Nakakahiya naman sa mahal na prinsesa!ang aga mo kasing gumising e"sarkastikong sabi ni Sephora.

"Alam mo bang hindi pa kami nachibog nitong si bruhilda!"inis na reklamo ni Everly.

"Eh bakit ba hindi kayo lumamon?!"nakapameywang na sabi ko.

"Aba nakakahiya naman kung makikikain kami ng wala ka!okay sana kung kasing kapal namin ng muka si Zsa Zsa"mataray na sabi ni Sephora.

"Oh siya siya tara na't kumain"sabi ko at inakbayan silang dalawa,lumapit kami kila mommy na nagpapaypay.Nagluluto sila ng barbeque,dugo,ulo ng manok,adidas at......bulate!!!

"Iyown!bulate"nakangiting sabi ko.

"Anong bulate?"nandidiring tanong ni Sephora.

"Oh anak,kain na kayo"nakangiting sabi ni mommy.

"Mommy diba bulate yan?!"sabi ko at tinuro yung bulate na nakatusok sa stick.

Mahinang tumawa si mommy."Isaw 'toh"

"Bulate ka diyan!"si Everly.

"Kain na kayo oh"sabi ni mommy at nilagay sa pinggan yung mga niluluto niya.

"Thank you po mommy"

"Thank you po Tita"in chorus na sagot naming tatlo at umupo sa buhanginan.

"Gusto ko yung barbeque"sabi ni Sephora kaya inabutan ko siya ganun din si Everly.

Kinagatan ko yun at napapikit ako sa sarap."Ang sarap"sabi ko tumango lang sila na parang sang-ayon sa sinabi ko.

Ganun lang ang ginawa naming tatlo,nakain habang pinapanood yung mga taong nagpapabalikbalik sa harapan namin.

"Eto pa Pabi"sabi ni mommy na inabutan ulit kami ng pinggan ng barbeque.

"Thank you po"in chorus na sagot ulit namin.

"Okay lang ba?"nakangiting tanong ni mommy na tinabihan kami.

"Opo nga po Tita!first time ko nga lang po kumain ng madami"sabi ni Everly.

"Talaga ba?!kaya pala lagi kang nakatambay sa canteen at inuubos yung paninda"pang-aasar na sabi ni Sephora.

"Ano ba!nadiskarte nga ako kay Tita 'eh!ang ingay mo naman"bulong ni Everly.

Natawa naman kami ni mommy sakanila."Pwede pa naman kayong humingi sakin,don't hesitate to ask"

"Syempre naman po Tita"sabi ni Everly at inagaw yung pinggan sakin at nilantakan yung barbeque.

OWNED BY KHALEX MONTENEGROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon