Kabanata 26

8.3K 278 44
                                    

Kabanata 26

Pabi's Pov

Nang makatulog yung mga bata ay nagpasya ng magpahinga sila mommy at Tita at isa pa hindi magandang magpuyat si Tita dahil buntis siya.

Natutulog na si Sephora dahil hindi daw siya sanay sa puyatan pero etong si Everly ay natutulog na sa hita ko.

"Tsk!hindi daw matutulog"nakangising sabi ko at hinaplos ang buhok niya,maganda naman siya kaso parang boyish minsan umasta.

"Akin na yan dadalhin ko na sa tent niyo"sabi ni Evan na nasa harapan ko,tumango ako sakaniya kaya binuhat niya si Everly na parang sako ng bigas.

"Hoy ayusin mo naman!parang hindi kapatid e"inis na sabi ko sakaniya,kaya sininghalan niya ko at inayos yung buhat kay Everly.

"Ayan!ihiga mo ng ayos 'ah!"bilin ko sakaniya."Opo madam"aniya at naglakad na papuntang tent namin,muli akong umupo sa buhangin at medyo lumapit dun sa bonfire dahil nilalamig na ko.

Pinagkiskis ko ang palad ko at tinapat dun sa bonfire."Pabi oh"sabi ni Tito Klyde na binalot sakin yung jacket niya kaya ngumiti ako.

"Thank you po Tito"sagot ko sakaniya,nabigla ako ng akbayan niya ko at ginulo gulo yung buhok ko.Dun ko napansin na parang lasing na pala siya

"Parang dati lang ikaw yung batang binabantayan ko ah"pumipikit pikit pang sabi ni Tito."Ang laki laki mo na"aniya at pinisil ang pisngi ko.

"Tito naman eh!hindi na ko bata"nakapout na sabi ko."Ang ganda ganda mo!siguro dahil nung maliit ka pa nahawaan ka ng kagwapuhan ko kaya ganyan ka na ngayon"mayabang na sabi niya.

"Wow Tito 'ah!ang hangin"sarcastic na sabi ko."Eh anong magagawa mo?!nasa lahi natin ang magaganda ang itsura"aniya.

'Natin?!'

"Ikaw ba ay may nobyo na?"tanong niya habang seryoso ang muka niya kaya naisip kong magbiro.

"Opo"sagot ko,mula sa gilid ng mata ko ay nakita kong napatigil sa pag-uusap sila daddy na napatingin samin.

"Ano!!pakilala mo sakin papasuntok natin sa daddy mo"aniya na nanlalaki ang mata."Anong pangalan?!anong itsura?kailan naging kayo?bakit mo sinagot?may ginagawa ba sayong masama?"sunod sunod na tanong niya.

Nag-imbento ako ng pangalan."Si Fred po,isang bwan na nga po kami..gwapo siya,matangkad,maskulado,yamado,malaki Tito"sa loob loob ko ay tawang tawa na ko dahil magkasalubong na yung kilay ni Tito.

"May nangyari na sainyo?!"galit na sigaw niya.

"Opo,buntis nga po ako 'e"sagot ko,tumingin ako kay daddy na galit na nakatingin sakin ganun din si Kei at Khalex.

"Kalma!nagjojoke lang ako e"dun ako bumulalas ng tawa,tumayo pa ko habang natawa kay Tito.

"Lagot ka sakin!"sabi ni Tito na agad tumayo,tumakbo ako dahil hinahabol na ko ni Tito hanggang sa sumunod si Kei na sobrang bilis tumakbo.

"Lagot ka sakin!buntis pala ah"inis na sigaw ni Kei na hinablot ang likod ng damit ko at hinead lock ako.

"Sinong buntis ah?"maangas na tanong niya at kinaladkad ako palapit kay daddy na nanlilisik ang tingin sakin.

"Ehhhh nagbibiro lang naman ako e!ang seryoso niyo naman kasi ih!"pagmamaktol ko,nang makalapit na kami kay daddy ay mas sinamaan pa niya yung tingin sakin.

"Daddy nagjojoke lang po ako"

"Hindi magandang biro yun"seryosong sabi niya,hindi ko tuloy alam yung gagawin ko.

'Lintek na!dapat pala di ko na sinabi yun!!!tanga kasi!'

"Hindi ako matutuwa sa biro mo"mas lalong naging seryoso si daddy kaya nakaramdam na ko ng takot.

OWNED BY KHALEX MONTENEGROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon