Montenegro & Montemayor

5.7K 222 80
                                    

Bumuntong hininga si Lexi at pinanood na umalis ang asawa kasama ang panganay niya, kapatid at bayaw. Tuwing naaalala niya ang itsura ni Pabi kanina ay rumerehistro sa isipan niya ang memorya nung namatay si Clark sa bisig niya.

Sumisikip ang dibdib niya kapag sumasagi iyon sa isip niya. Napamahal na ang mga anak niya kay Pabi kaya paniguradong nasasaktan din ang mga ito sa nangyari kanina at wala ng mas sasakit pa sa isang inang nakikitang nasasaktan ang anak niya.

"M-Mommy, t-tinatawagan ko p-po si Ate. H-hindi niya po ako s-sinasagot"nahikbing turan ni Kairen, inabutan ito ng tubig ni Kei pero hindi nito tinggap dahil abala parin ito sa pag dial ng number ni Pabi."G-galit ba siya sakin? W-wala naman p-po akong p-pakeelam kahit d-di kami m-magkadugo 'e"pinunasan ang niya ang muka niya gamit ang kaniyang palad.

"Tahan ka na, Kairen"sabi ni Lexi at nagsquat para haplusin ang pisngi ng anak."Hindi galit sa'yo si Ate Pabi, intindihin muna natin na may pinagdadaanan siya ngayon"

"P-Pero h-hindi niya po sinasagot yung t-tawag ko"

"Kaya nga intindihin mo muna siya, hindi ka niya sasagutin ngayon dahil masama pa ang loob niya pero mawawala din yon. Hindi naman non kayang magalit sa'yo diba?"pagpapakalma ni Lexi sa anak at mahigpit na niyakap ito.

"PWEDE BA TUMAHIMIK KAYO?"galit na sigaw ni Everlyze sa mga schoolmates na pinagbubulungan si Pabi. Pinag-uusapan nila kung gaano sila nagsisisi na pinakitunguhan nila ng maayos si Pabi gayong mahirap lang daw pala talaga ito.

"Seriously? Pera ba ang basehan niyo kung paano niyo itatrato ang isang tao?"galit na dagdag ni Everly.

"Umalis nalang kayo dito"inis na sabi ni Sephora na masama ang tingin sa mga babae.

"Talagang aalis kami. Nakakapanghinayang lang ang ginastos ng mga Montenegro, pinaghandaan nila ng malaki ang taong ampon lang naman? O maybe, pinilit ni Pabi dahil muka naman siyang pera"

"Tama! Hindi na siya nahiya sa mga Montenegro? Ngayong nalaman niya na ang totoo, nakuha niya pang magalit kaysa magpasalamat sa lahat lahat ng luho na natanggap niya?"

"Mukang pera ang kaibigan niyo"

"Kaya nga, manggagamit"

"Hindi namin hinihingi ang opinyon niyo"pambabara ni Everly, tinaas niya ang gitnang daliri."Mga pakyu kayo! Kasing pangit ng muka niyo ang ugali niyo"

"Shoo! Nangangamoy basura dito dahil sa baho ng ugali niyo, "mataray na sabi ni Sephora sa mga intrimitida.

"Uh-Sephora, Everlyze.Tama na"sabi iyon ni Lexi at tumingin sa mga schoolmates ni Pabi."Miss, pwede na kayong umalis. The party was ended already"mahinahong sabi ni Lexi at hinarap ang ibang panauhin na pinag-uusapan parin ang nangyari.

"Everyone!"pagtatawag niya ng atensyon."You can go home now and take a rest. I'm so sorry for the conflict you've just witness, I hope we all respect Phoebe Alisha's private life and I hope that you don't judge her personal background, she's a nice and loving person"aniya at tumingin sa mga babaeng pinag-uusapan kanina si Pabi, napapahiyang tumungo ang mga ito.

Nagsimula ng umalis ang iba pero meron paring nanatili doon. Lumapit si Barron kasama ang mga Valencia na imbitado din sa debut ni Pabi.

"How's Phoebe Alisha, Mrs.Montenegro?"nag-aalalang tanong ni Barron.

Bumuntong hininga si Lexi."I still don't know but I'm sure as of now, she's not okay"malungkot na sabi ni Lexi.

"If you need help, you can call us darling"sabi ng sopistikadang ginang na nagngangalang Lucciana. Sa itsura, pananamit, pananalita at tayo palang nito ay nagsusumigaw na agad ng karangyaan.

OWNED BY KHALEX MONTENEGROWhere stories live. Discover now