Kabanata 28

7.8K 276 36
                                    

Kabanata 28

Pabi's Pov

Malungkot man isipin pero uuwi na kami,tumingin ako sa bintana at pinagmasdan yung dagat na mukang mapayapa.

Naisip kong gayahin yung mga napapanood ko,yung nagdodrawing sila ng heart sa bintana.

Hiningahan ko muna yung bintana bago magdrawing ng heart na may sad face.

"Ano ba yan Pabi!!ang baho"reklamo ni Kei na nasa likod ko,inambaan ko lang siya ng kamao ko.

"Bunso,pa charge nga"utos ni Evan kay Everly agad namang tumalima si Everly at nilabas ang powerbank niya.

"Sana all ganun yung tawagan"pagpaparinig ko kay Kei.

"Tungek!mas matanda ka kaya sakin"

"Oo nga pala"nakangusong sabi ko.

"Pabi tingin ka"tawag sakin ni Sephora na hawak yung cellphone niya,ngumiti naman ako ng kuhanan na niya kaming tatlo ng litrato.

"Ano ba yan blurred"inis na sabi ni Sephora na dinelete yung pic,kaya nagpicture kaming muli.

"Gusto ko yung may asong filter"sabi ni Everly,binuksan naman ni Sephora yung app niyang may filter.

"Kami nalang ni Pabi yung may filter muka ka nanamang aso e"nakangiting sabi ni Everly.

"Wag ka na kayang sumali!"inis na sabi ni Sephora.

"Tumigil na nga kayo,mag-aaway nanaman kayo e"suway ko sakanila.

Tumahimik na yung dalawa at nagpicture picture nalang ulit kaming tatlo."Baka namang pwede niyo kaming isali diba?"sarkastikong tanong ni Sean.

"Sayang naman tong kagwapuhan ko kung hindi makukuhanan ng picture"untag naman ni Kei.

"Isama na natin si Sir Drei kasi diba malapit lapit ng matapos ang first quarter"pagpaparinig ni Evan.

"Beke nemen,kahit 99 lang sa filipino"pagpaparinig din ni Kei.

"99?!eh wala nga kayong ginawa sa klase ko kundi ang magbatuhan ng papel"inis na sabi ni Drei.

Matapos naming makapagpicture picture ay pansin ang katahimikan sa loob ng van,tahimik yung lima sa likod syempre lalo na si Khalex na kala mong hindi nag eexist parang nanonood ata sila ng movie eh.

Ganun din naman sa unahan,tulog ata sila Kairen at Kurt dahil walang naimik.Si mommy at daddy naman ay hindi nag-uusap,nakahalukipkip lang si mommy habang si daddy ay nakatingin kay mommy.

Etong dalawang katabi ko ay natutulog,isinandal ko nalang yung ulo ko sa bintana.Naisip ko tuloy bigla si Hello Kitty,kamusta na kaya siya?miss ko na siya!

Paano kaya bukas?paano pagpumasok ako bukas?makakarinig ba ko ng mga masasakit na salita?aalis na sila mommy at daddy bukas paano na ulit ako.

Ang dami kong iniisip,ang daming gumugulo sa isip ko.

"Pabi"napaigtad ako sa baritonong boses ni Khalex,nanlalaking mata lumingon ako sakaniya na nakakunot lang ang noo.

"B-bakit?"hindi ko alam kung bakit ako nauutal.Bakit nga ba?

"Pakuha nga nung headphone diyan"aniya na tinuro yung pocket na nasa harapan ko,kinuha ko yun at inabot sakaniya.

Hindi man lang nagpasalamat ang talipandas at basta basta nalang umupo,umirap nalang ako at bumuntong hininga.

"Phoebe Alisha!"tawag sakin ni Kei.

"Bakit?!"inis na tanong ko sakaniya.

"Bakit pag ako tatawag sayo ang init ng ulo mo?!Tsk!tatanungin lang kita kung gusto mong manood"

OWNED BY KHALEX MONTENEGROWhere stories live. Discover now