Dear KILLER [Completed]

By Yengkoy

1.5M 57.2K 7.5K

유♥웃 Dear, Killer Una sa lahat, gusto ko magpasalamat sa pinadala mong love letter. Alam mo bang, tumatalon an... More

DEAR, KILLER (PLOT♥)
DK-♥PROLOGUE♥
DK彡Introduction^_^
DK彡Love at First Shot??!
DK彡Curiosity Kills the Cat
DK彡The Unexpected Visitor
DK彡OH NO!
DK彡Death Wish
DK彡Nine Months?!!
DK彡FIRST LETTER♥♥
DK彡Guidance Office
DK彡♥FIRST KISS??!!♥
DK彡♥Hue, Hue! Textmate?♥
DK彡 ♥Tippy is Falling......♥
DK彡♥Crush, Crush, Crush! Three times a day?♥
DK彡 ♥TippyLoveKiller♥
DK彡 Next To Him♥♥
DK彡The Confession
DK彡 Never Say Die?^_^ (I♥Ginebra)
DK彡LETTERS TO KILLER♥♥♥
DK彡♥Alexander Dela Cruz♥
DK彡 I IIII III
DK■ Hero
DK彡Date?♥
DK彡⇨ School Fair ⇦
DK彡Missing Him╮(╯_╰)╭
DK彡Mutual Understanding♥♥
DK彡It's Complicated
DK彡Secret Admirer
DK彡YAM ♥ YAMO
DK彡Reippy or Xanppy?
DK彡Alexander's Confession
DK彡Pool Party
DK彡Pool Party Continuation
DK彡Best Night Ever?
DK彡Awkward!!
DK彡Inspector.Ramon Guevara & SPO1.Morgan Castro
DK彡Rumors
DK彡Doom
DK彡The Heartbreaks
DK彡Runaway
彡The Promises彡
☜The Deadly Finale☜
♥Dear, KILLER.♥
P.S. I Love You

DK彡Killer's Identity

24.5K 984 64
By Yengkoy

Two days.

Ganun daw ako katagal natulog sabi ng Mommy ko. ewan ko ba kung matagal iyon eh parang umidlip nga lang ako eh- iyon lang may sugat sa tagiliran. buti daw walang natamaan sa mga organs ko kundi tigok na ako at buti na rin daw wala ring bala ang bumaon sa katawan ko. kaya mabilis agad ang recovery ko.

Isang linggo pa ako nanatili sa hospital para masiguro na ok na talaga ako- madalas din bumibisita sina Xander, Lee at Brian kasama si Jay pagkagaling nila sa school.

Bantay sarado din ako nina Mommy at Daddy, infact may dalawang bodyguards na ako na nagbabantay sa akin 24/7 para siguradong hindi na makalapit si Red sa akin.

Siya kasi iyong sinisisi ng parents ko dahil mula daw ng makilala ko siya, nakadalawang pasok na rin ako sa ospital. Actually, hindi ko siya sinisisi. Hero nga ang tingin ko sakanya diba? At mahal ko siya. Handa ako kaharapin lahat ng panganib basta nandyan lang siya sa paligid at handa akong iligtas.

Iyong tungkol sa bumaril sa akin? ayon! nakatakas at wala pa ring pagkakakilanlan hanggang ngayon. kaya alam ko na hindi pa ako ligtas lalo pa't nabasa din ng parents ko iyong card na nakasabit sa teddy bear na iniwan noon sa labas ng bahay namin.

Kaya heto ako ngayon, kasama ang dalawang police na dati ng nagpunta sa school at tinatanong ako kung gaano ko kakilala si Red.

"Magsalita ka na Nene, para naman umusad ang imbestigasyon na ginagawa namin at para sa kaligtasan mo rin to."

Sinamaan ko lang ng tingin si Inspector kalbo habang nasa living room kami.

Kanina pa sila tanong ng tanong pero ni isa wala akong sinagot.

"Come on Sweety, wag kang matakot." dinig ko na sabi ng Mommy ko na nakaupo sa tabi ko habang nasa harapan ko naman sina Inspector kalbo at Spo1 Castro.

"Sa tingin mo, sino ang nagpadala ng teddy bear sayo?" muling tanong ni kalbo sabay pakita sa akin ng teddy bear na iyon.

"Secret Admirer." tipid na sagot ko.

Sabay na napabuntong-hininga iyong dalawang police bago tumingin sa Daddy ko na nakatayo sa pinto.

"Ayaw makipag-cooperate ng anak niyo Mr.Mercado."

"I'll talk to her." sagot ng Dad ko kaya nagpaalam na ang dalawang police na babalik nalang sila kapag malinaw na ang pag-iisip ko. litsi lang eh?

"Aakyat na po ako sa kwarto ko." paalam ko ng makaalis na ang mga police pero pinigilan ako ng Daddy ko at inutusan akong umupo ulit.

"Let's talk." seryosong sabi ng Daddy ko kaya sumunod nalang ako at umupo na rin ulit.

"I know you like that boy. pero princess, alam mo bang sangkot sa isang sindikato ang lalaking iyon?"

"Wala pang ebidensyang nahahanap ang mga police Dad."

"Exactly! kaya lalong mapanganib kung patuloy kapa rin sa pakikipaglapit sakanya princess."

"I love him Dad." diretsang pag amin ko ng hindi siya tinitingnan.

Namayani ang sandaling katahimikan bago ulit nagsalita si Daddy.

"Bata kapa Tippy. marami ka pang makikilalang lalaki."

Ayoko isipin iyon. Gusto ko si Denson na ang makasama ko habang buhay. Ayoko sa iba.

"Wala sa edad kung kailan mo mararamdaman ang true love Dad."

"Masyado ka pang bata Tippy para isipin na siya na ang lalaking mamahalin mo habang buhay."

"Bakit ba kayo kumokontra? ayaw niyo ba ako maging masaya?" nagsimula ng mamuo ang luha sa mga mata ko na anumang oras malalaglag na.

"Walang magulang ang ayaw na maging masaya ang anak nila. pero sa sitwasyon mo princess, hindi ko kaya makita ka ng masaya sa taong alam ko mapapahamak ka lang."

Tuluyan na ako napaiyak kaya agad lumapit ang Mommy ko sa akin para yakapin ako.

"We love you Sweety, ikaw lang ang meron kami ng Daddy mo." sabi ng Mommy ko.

Mula ng araw na iyon, pinilit ko na sundin nalang sila. hindi muna ako pumasok ng school para makaiwas sa maraming tao. medyo natrauma din ako sa nangyari sa akin kaya kain, tulog lang ako habang bantay sarado ng mga bodyguards ko sa bahay.

Aaminin ko, miss na miss ko na si Denson na ngayon ay wala na akong balita tungkol sakanya.

Pinagbawalan din kasi ako nina Daddy at Mommy na gumamit ng anumang gadgets kaya hindi ko alam kung paano siya kokontakin. Hirap naman ng pag ibig na to oh!

Nakaramdam ako ng gutom habang nagbabasa ng libro kaya lumabas muna ako ng kwarto para kumuha ng pagkain. pababa na sana ako ng hagdan ng marinig ang usapan ng Daddy ko at ng dalawang tao na nasa sala.

"Ang maipapayo ko lang Mr.Mercado, dalhin niyo muna sa ibang bansa ang anak niyo. mukhang hindi na siya ligtas dito."

Boses ni kalbo iyon ah! para mapatunayan ang hinala ko- bumaba pa ako ng ilang baitang bago sinilip iyong tatlong tao na nag-uusap.

Tama nga ako, naroon na naman iyong dalawang pakialamerong police.

"Nasaan na iyong Red?" tanong ng Daddy ko habang palakad-lakad sa buong sala.

"Wala pa kaming ideya kung nasaan siya Sir, pero ang sigurado kami- hinahanap din niya iyong taong bumaril sa anak niyo." sagot ni SPO1 Castro.

Tumigil sa paglalakad si Dad at tiningnan ng mabuti si Castro.

"Kilala niyo na ba iyong bumaril sa anak ko?"

Inabot ni Inspector ang isang brown envelope kay Dad na agad naman niya binuksan at tiningnan.

"Frank Morres. iyon ang pangalan ng bumaril sa anak niyo. isa siyang hired killer."

No! Si Frank?! iyong buhay na patay?! why?????!

"Teka, nakita ko na siya noon sa balita ah, diba patay na siya?" narinig ko na tanong ni Mommy na naroon din pala.

"Iyon din ang pagkakaalam namin, pero set up lang niya iyon, para matuon na kay Red ang atensyon ng mga police at isipin na patay na talaga siya."

"How about the corpse? wala ba kayong ideya na hindi na pala iyon si Frank?"

"Iyon na nga ang isa pang problema Mr.Mercado, may kasabwat ang grupo ni Frank sa kasamahan namin at wala kaming ideya kung sino iyon."

"Ano naman ang kinalaman ng anak ko rito Inspector?" nakita ko sa mukha ni Daddy na nag-aalala siya para sa kaligtasan ko.

"Malaki ang kinalaman ng anak niyo sa kasong to Mr.Mercado. nasa deadlists siya ni Oliver ayon na rin sa isang source namin."

"And who's this Oliver? siya ba iyong master mind?"

"Isa siya sa may pinakamalaking patong sa ulo. Matagal na siya hinahanap ng mga otoridad pero wala pa rin kaming ideya kung nasaan siya."

"Naguguluhan na ako Inspector, anong kinalaman ng anak ko sa mga criminal na yan?!" tanong ng Mommy ko habang umiiyak na.

"Malapit po ang anak niyo kay Red Denson."

"And? pwede ba Inspector, sabihin niyo nalang ang kailangan namin malaman!" agad nilapitan ng Daddy ko ang Mommy ko para aluin to.

"Mapanganib na tao si Oliver Mr.Mercado. bukod sa leader siya ng isang sindikato, bihasa rin siya sa pagpatay ng mga taong hadlang sa plano niya. Nine years ago mula ng malaman namin ang mga transaksyon na ginagawa niya at ang pagpatay niya sa mga taong may kasalanan sakanila.
May kinakasama siya noon na Monic ang pangalan, tulad ni Oliver kriminal din ang babaeng iyon."

"Kapatid si Monic ng nagngangalan na Rodjan na siyang tumulong noon sa mga police para matukoy kung saan nagtatago ang grupo ni Oliver pero sa kasamaang palad, napatay ng mga police si Monic at hindi napanindigan ang pangako kay Rodjan na magiging ligtas ang kapatid niya."

"Mula ng araw na iyon wala na kaming balita kay Rodjan. patuloy ko siyang hinanap noon sa laguna."

"Teka, ano naman ang kailangan ni Oliver sa anak namin at sino naman tong si Rodjan?" tanong ng Mommy ko.

"Isang banta kay Oliver ang anak niyo Mrs.Mercado dahil baka mawala sa grupo nila si Rodjan."

"A-anong ibig niyong sabihin Inspector?"

"Nalaman ko na inampon pala ni Mr.Dela Cruz si Rodjan na nakatira na pala sa batangas kaya hindi agad namin siya nahanap dahil nag-iba siya ng pangalan."

"And?"

"May hinala kami na iyong si Rodjan ay nagta-trabaho na kay Oliver na tinatawag nilang boss ni Frank Morres."

"Hindi ko pa rin maintindihan Inspector. wala namang kakilala ang anak namin na pangalan ay Rodjan, kaya bakit naging banta ang anak namin kay Oliver?"

Nagkatinginan muna ang dalawang police na parang sinisiguro kung iyon na ba ang tamang oras para sabihin ang nalalaman nila.

Tumingin ulit si Inspector kay Daddy bago ulit nagsalita.

"Nitong nakaraang linggo lang namin nabalitaan kay Mr.Vincent Alegre na iyong batang si Rodjan Salvador ay nandito lang pala at kinatatagpo ng anak niyo."

"Ano?!" gulat na tanong nina Mommy at Daddy.

"Banta ang tingin ni Oliver sa anak niyo dahil......"

"Dahil ano Inspector?! sabihin mo!"

Napabuntong-hininga si kalbo at parang nalugi ng isang milyong sa sasabihin niya.

"Nagkakagustuhan ang anak niyo at si Rodjan, na ngayon ay si Red Denson na."

Continue Reading

You'll Also Like

39.3K 515 5
States about on how to write and pronounce Hangul correctly.
11K 512 33
[COMPLETED] TAMING THE AÑONUEVO SERIES #1 Red Añonuevo is a well-known jerk who drinks from the tears of the girls that fell for him. But it changes...
729K 26K 45
It's a gxg story so if you're homophobic feel free to ignore my story. Date started: May 17,2020 Date finished: July 2,2020
11.4M 482K 32
Hanapan ng girlpren si bitter bestfriend na friendzoned since birth? Game!