✔She Writes

By luxylightbringer

75K 3K 877

Altair only dedicates her songs and lyrics to the one she's in love with. It is her way of telling someone ho... More

PROLOGUE
TPM.1
TPM.2
TPM.3
TPM.4
TPM.5
TPM.6
TPM.7
TPM.8
TPM.9
TPM.10
TPM.11
TPM.12
TPM.13
TPM.14
TPM.15
TPM.16
TPM.17
TPM.18
😍
TPM.19
TPM.20
TPM.21
TPM.22
TPM.23
TPM.24
TPM.25
TMP.26
TPM.27
TPM.28
TPM.29
TPM.30
TPM.31
TPM.32
TPM.33
TPM.34
TPM.35
TPM.36
TPM.37
TPM.38
TPM.39
TPM.40
TPM.41
TPM.42
TPM.43
TPM.44
TPM.45
TPM.46
TPM.47
TPM.48
TPM.49
TPM.50
TPM.51
TPM.53
TPM.54
TPM.55
TPM.56
TPM.57
TPM.58
TPM.59
TPM.60
TPM.61
TPM.62
TPM.63
TPM.64
TPM.65
EPILOGUE
Special Chapter
Christmas Special 2019

TPM.52

1.3K 57 28
By luxylightbringer

Hindi ko maintindihan ang expressions nya, he looks serious and worried about me. And that makes me crazy right now. Hinihiling ko na sana ulitin nya ang paghalik sakin.

"Did you bring your meds? Where is it?"

"M..my bag" nanghihina kong saad.

"Kate, get her bag"utos ni Kurt.

"Okay" Mabilis na tumakbo si Kate at kinuha ang bag ko sa baba.

Pagbalik nya ay binuksan nya ito at agad binigay ang nag iisang gamot na nandoon. Pinainom ako ni Caspian at binigyan narin ng tubig na nasa bote.

"Louchi, who did this to you? Hindi ako naniniwalang kinulong mo ang sarili mo sa bodega" seryosong tanong ni Damon.

I look at Sierra pero umiwas lang sya ng tingin. Lahat sila ay napatingin kay Sierra at alam kong may namumuo ng ideya sa mga isio nila.

"Sierra" tinignan sya ni Damon. "Ikaw ang kasama ni Louchi bago ako umalis" aniya

"So?"pabalang nyang sagot.

"Sinong gumawa nito sa kanya?"tanong ni Damon.

"How would I know? ako ba ang inaakusahan mo? What the hell Damon?" Inis nyang saad.

"Bakit naman hindi? If I know you're insecure about Loui?" Sabat ni Kate.

She seems disgusted, she gave a death glare to Kate and look at me.

"And why would I?! I am better than her!" Inis nyang saad.

"Sierra, did you do this to her?"si Caspian na ang nagtanong sa kanya.

"Pati ba naman ikaw?! Zach do you think I can do that?!"

"Then who did this?!" He said annoyingly.

"I can't believe that you can accuse me with this kind of shit Zach"

Sierra looks disappointed. Naiiling siya at inirapan ako bago mag walk out.

"Sierra.. Sierra!!" Pagtawag ni Caspian.

"Aba tignan mo ang babaeng yun? Ang galing umarte! Eh halatang guilty naman!"inis na sabi ni Kate.

"Rest yourself hanggang umepekto na ang gamot"habilin ni Caspian at lumabas na para sundan si Sierra.

"Bakit sinundan nya pa yun?! Napaka arte talaga ng Sierra na yun! I really hate her!"inis na sabi ni Kate.

"Loui.. si Sierra ba ang nagkulong sayo sa bodega?" Tanong ni Axel.

Mahina naman akong tumungo, wala naman akong dahilan para pagtakpan pa ang babaeng yun.

"Bakit nagka allergy ka? Grape juice lang naman ang binigay ko sayo kanina diba?"saad ni Kurt.

"Hindi ko rin alam. Kanina biglang pumait ang juice ko"

"Kurt, you should have check the cctv on your house. Pwedeng ikamatay ni Loui ang nangyari sa kanya kanina, hindi natin 'to pwedeng palagpasin"ani ni Cooper.

"Sure, I will" saad ni Kurt at lumabas na ng kwarto kasama si Janelle.

"I shouldn't have leave you earlier"ani Monchi.

"Ayos lang ako Monchi"

"Mukhang effective na ang gamot mo, hindi ka na masyadong namumutla" saad ni Kate at umupo sa kama.

"Thanks to Zach at nahanap ka nya agad. Nang mapansin namin nawawala ka, sya agad ang humalubog sa bahay para lang mahanap ka"aniya.

My heart is filled with joy after hearing that. Sino ba namang hindi matutuwa na malaman na nag aalala pala sayo ng sobra ang taong mahal mo.

"Mabuti may dala kang gamot palagi" kinuha naman ni Kate yung natitirang gamot ko at inilagay sa bag pero napatigil sya ng makita ang isang papel sa bag ko.

I swallowed as she bring it out and read it.

"Transferred form?" Nagtatakang saad nya at tumingin sakin.

"Uh Kate.."

"Bakit may transferred form ka? At approved na 'to? Ito ba yung inaasikaso mo sa school?" Sunod sunod na tanong ni Kate.

"Lilipat kana ng school Loui?" Tanong din ni Cooper.

Napatungo nalang ako, wala narin naman akong magagawa pa. Nalaman na nila at nakita na nila yung form ko.

"Bakit? Bakit ka aalis? A..ayaw mo na ba sa school?" Ramdam ko ang lungkot sa boses ni Kate.

"Sorry Kate..." napatingin nalang ako sa sahig.

"Dahil ba sa mga nangyari nung nakaraan? Dahil kay Sierra? Loui sabihin mo kung bakit" Malapit na maluha si Kate pero pilit nya yung pinipigilan.

"Kung tungkol 'to sa name mo, kaya namin ayusin yun, sorry kung nanahimik kami tungkol dun. Hindi mo kailangan umalis Loui" saad ni Axel.

"We're sorry Lou, nakakahiya dahil wala manlang kaming ginawa para protektahan ang pangalan mo. Pasensya na sa mga nangyari. Wala manlang kaming nagawang maganda para sayo, hindi namin naisip ang mararamdaman mo sa mga nangyari. Sana wag kang umalis, bigyan mo kami ng pagkakataon makabawi"ani Cooper.

"She's a forgiving person. Napatawad na nya kayo, pero hindi ibig sabihin nun na hindi parin sya nasasaktan hanggang ngayon. Everyone is moved on pero sya hindi pa. Just let her leave guys, this is for her own good"saad ni Monchi.

"This is all your fault" inis na sabi ni Kate at tumingin kina Axel at Cooper.

"Kayong mga Lovesickers! Dahil sa walang hiyang deal nyo hindi masasaktan ng ganito si Loui!!" Napatayo si Kate dinuro sila.

"Kate.. calm down"wika ni Axel..

"Calm down?! Pano ako kakalma?! Aalis na yung taong tinuturing ko ng bestfriend! At kasalanan nyo lahat 'to! lalo na si Zach!" Napaiyak na si Kate sa harap namin.

"Kate..." tinawag ko si Kate dahil baka may masabi pa syang iba. I need to calm her down.

"Kate.. aayusin namin yung tungkol sa pangalan nya—"Axel

"Sa tingin mo ba yun lang ang dahilan niya para umalis? Napakamanhid nyo kasing lahat!! Kung hindi nyo pinalapit si Zach sa kanya dahil sa walang kwentang deal na yan hindi 'to mangyayari!!"

"Kate stop.." I tried to stop her pero hindi nya ako pinapansin.

Namumula na ang mukha nya sa inis at galit. Her fists are also clenching in anger, wala parin tigil sa pagluha ang mga mata nya.

"Matagal na syang nasasaktan!! Hindi lang dahil sa pagkawala ng pangalan nya kundi dahil din kay Zach!!"

Napatigil ako ng pumasok si Caspian. He stop as he saw Kate clenching in anger. Lalo akong kinabahan dahil baka kung ano pang masabi ni Kate na ayokong mangyari.

"Kate tama na please.."pakiusap ko pero hindi parin sya nagpatinag.

"Mahal na nya si Zach!! Pero pinili nya yung itago dahil kay Sierra!! Pinili nyang masaktan ng palihim para wala ng gulo!!"

Nagulat si Caspian at napatingin sakin, I avoided his gaze and clench my fist.

"Please tama na.."

"Napaka insensitive nyong apat!! Hindi nyo manlang naisip na baka ma fall si Loui kay Zach bago nyo gawin yang deal na yan!! At ngayon nagtagumpay kayo ha?! Masaya na kayo na nasasaktan sya?! Masaya na kayo na aalis na sya?!—"

"SABING TAMA NA!" Napasigaw na ako dahil sobra sobra na ang sinabi ni Kate.

Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko. Nakaramdam ako ng sobrang pagkahiya, hindi ako makatingin kay Caspian. Feeling ko wala na akong maihaharap pa sa kanya.

"L..Loui I'm s..sorry—"

Tumayo na ako at lumabas bitbit ang bag ko.

"Loui!! Loui!!" Umiiyak ako habang tumatakbo.

Gusto ko ng lumayo. Hindi ko kayang harapin pa si Caspian, para akong napahiya sa harap nya. Isa lang naman ang gusto ko bago ako umalis eh, ang manatiling sikreto ang nararamdaman ko kay Caspian. Yun lang sana ang gusto ko para naman manatili parin ang dignidad ng puso ko. Pero sinira lang yun ni Kate, pinagkatiwalaan ko pa naman sya.

"Altair! Altair!"

Palabas ng ako ng bahay ng marinig ko ang pagtawag ni Caspian. Lalo akong nataranta at mabilis na lumabas ng bahay. Tumawid ako agad pero hindi ko napansin na may kotse palang sasalubong sakin.

*PEEEP*

Mabuti nalang ay may humila sakin pabalik bago pa ako mabunggo. Nauntog ako sa dibdib nya at ng mapatingin ako sa kanya ay agad akong napabitaw.

"Altair—"

"Uuwi na ako"sabi ko agad at tumalikod na pero hindi nya ako binitawan.

"Aalis ka na ng school? Saan ka pupunta? Bakit hindi mo manlang sinabi sakin?"seryosong tanong nya.

"Caspian let me go. Gusto ko na umuwi"

"Why are you leaving? Tell me why!"

"Ano ba?! Gusto ko ng umuwi!" Nagpumiglas ako sa kanya pero hindi nya parin ako binibitawan.

Damn this guy!

"Dahil ba sakin? Altair tell me, ako ba ang dahilan ng pag alis mo?" He look at me seriously. Hindi ako makatingin sa kanya.

His eyes are so adorable, ayokong mainlove pa lalo sa kanya. Tama na Loui. Please isipin mo ang sarili mo.

"Altair.. mahal mo ba ako?"

Bigla akong nanghina dahil sa tanong nya. Kusang bumagsak ang mga luha ko sa hindi ko malaman na dahilan. Hindi ko akalain darating ang araw na 'to. Ayokong man malaman nya pero mukhang wala na akong magagawa pa. Thanks to Kate.

"Look at me, mahal mo ba ako?" He held my chin and force me to look at him.

Iniwas ko ang mukha ko sa kanya. Naiinis ako, naiinis ako dahil kung kailan huling araw ko na ay tsaka pa nya nalaman ang tungkol sa feelings ko.

"Answer me Al. Are you inlove with me?" Nawawalan na sya ng pasensya.

"Never"inis na sabi ko.

"Then what do you mean by this? You wrote this right? You wrote this for me" nilabas nya ng pink na papel kung saan nakasulat ang love confession ko mula sa bulsa nya.

Nanlaki ang mata ko at napaiwas ng tingin.

"You said before that you will only write to the person you're inlove with. Now tell me, mahal mo ba ako?"

Ilang segundo bago ako bumuntong hininga. Wala na akong magagawa pa kundi ang umamin.

"So what?" I look at him bravely. "Bawal ba? Masama bang mainlove sayo? May batas ba na bawal magkagusto sayo ha?" Sarkastiko kong sagot.

Hindi naman sya makasagot, his mouth is slightly opened, mukhang hindi rin sya makapaniwala sa sinabi ko.

"Oo aalis ako dahil sayo. P..pagod na kasi akong masaktan, ang sakit na dito oh" sabi ko at tinuro ang puso ko.

Napaiwas ako at tumulo na naman ang mga luha ko. Agad ko iyong pinunasan at tumawa ng mahina.

"Nagulat ka ba? Akala mo hindi ako magkakagusto sayo diba? Ako rin nagulat eh haha" para akong tanga na tumatawa habang umiiyak. Baka mabaliw na ako dahil sa pag ibig na 'to.

Sya naman ay hindi makapagsalita, tila gulat parin sa mga pinagsasabi ko.

"Oo mahal kita, matagal na. And you can't blame me of feeling that way? Pa fall ka eh, sobra! At napakamanhid mo pa! Napaka insensitive mo!"inis na sabi ko.

"Alam mo? Sabi ko sa sarili ko na kailanman hindi kita sisisihin sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Because I know that I am the one who clicked your bait, it is all my fault that I fall for you kahit na alam kong una palang may ibang babae ka ng mahal. Ako ang may kasalanan kung bakit ako nasasaktan ngayon" pinunasan ko ang mga luha ko pero patuloy parin sila sa pagtulo.

"Altair.." he tried to wipe my tears pero umiwas agad ako.

"Nagsisisi ako na minahal pa kita. Hindi ko nga alam kung bakit mas masakit pa 'to kesa kay Monchi eh. Kung pwede lang sana mabura lahat, sana noon ko pa ginawa. Kasi sobrang sakit na, hindi ko na kaya, konting konti nalang mamamatay na ako sa sakit" napahikbi ako.

"I hate that I love you, and I hate the love itself. If love makes people feel such pain, then I don't want to love anymore... I don't want to feel this thing again. Hindi na ako magmamahal pa pagkatapos nito, sarili ko nalang ang mamahalin ko"

I look at him straightly to his eyes. Guilt, sadness and pity are written in his face. I hate those expression, para bang kinakaawaan nya ang kalagayan ko ngayon. I simply smile at him.

"You don't need to look at me like that. Wag kang maawa sakin Caspian. I can move on, I can forget about you, I can forget all the pain, at kapag nangyari yun? Ako na ang pinakamasyang tao sa lahat. Because finally, I am free, free from this freaking pain"

Hindi parin sya makapagsalita, bumukas ang bibig nya ngunit wala ni isang salita ang lumabas mula sa kanya. In the end, he hold back and close his mouth.

"This will be my last day here. And for the last time, I want to say goodbye to you"

Tumingkayad ako at mabilis syang hinalikan sa labi. Agad akong tumalikod para umalis ng bigla syang nagsalita.

"Jet' aime" aniya.

Napalingon ako at ngumiti sa kanya. Napakagat sya bigla sa labi at tila parang nagulat sa sinabi nyang salita kanina.

"I...I mean..." nautal sya bigla at hindi malaman kung anong sasabihin.

"Jet' aime Caspian" sagot ko.

Umawang ang bibig nya, para bang may gusto syang sabihin pero pinili nalang nyang sarilihin yun. Tumalikod na ako at hindi na muling lumingon pa.

At last, it is now a goodbye.

✴✴✴

To be continue...

Continue Reading

You'll Also Like

640K 39.9K 59
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...
105K 6.8K 4
Maia Celine Zorales vowed to never cross paths with Finley Angelo Suarez again... which was hard considering that they are attending the same school...
9.4K 1.1K 63
☕︎| 𝒓𝒂𝒏𝒌𝒆𝒅 1ˢᵗ 𝒊𝒏 𝒍𝒖𝒉𝒂 • 𝒓𝒂𝒏𝒌𝒆𝒅 1ˢᵗ 𝒊𝒏 𝒍𝒖𝒏𝒈𝒌𝒐𝒕 • 𝒓𝒂𝒏𝒌𝒆𝒅 1ˢᵗ 𝒊𝒏 𝒕𝒖𝒍𝒂 • 𝒓𝒂𝒏𝒌𝒆𝒅 2ⁿᵈ 𝒊𝒏 𝒔𝒂𝒘𝒊 "Ito ay t...
23.2K 1.2K 30
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...