Dear KILLER [Completed]

By Yengkoy

1.5M 57.1K 7.5K

유♥웃 Dear, Killer Una sa lahat, gusto ko magpasalamat sa pinadala mong love letter. Alam mo bang, tumatalon an... More

DEAR, KILLER (PLOT♥)
DK-♥PROLOGUE♥
DK彡Introduction^_^
DK彡Love at First Shot??!
DK彡Curiosity Kills the Cat
DK彡The Unexpected Visitor
DK彡OH NO!
DK彡Death Wish
DK彡Nine Months?!!
DK彡FIRST LETTER♥♥
DK彡Guidance Office
DK彡♥FIRST KISS??!!♥
DK彡♥Hue, Hue! Textmate?♥
DK彡 ♥Tippy is Falling......♥
DK彡♥Crush, Crush, Crush! Three times a day?♥
DK彡 ♥TippyLoveKiller♥
DK彡 Next To Him♥♥
DK彡The Confession
DK彡 Never Say Die?^_^ (I♥Ginebra)
DK彡LETTERS TO KILLER♥♥♥
DK彡♥Alexander Dela Cruz♥
DK彡 I IIII III
DK■ Hero
DK彡Date?♥
DK彡⇨ School Fair ⇦
DK彡Missing Him╮(╯_╰)╭
DK彡Mutual Understanding♥♥
DK彡It's Complicated
DK彡Secret Admirer
DK彡YAM ♥ YAMO
DK彡Reippy or Xanppy?
DK彡Alexander's Confession
DK彡Pool Party
DK彡Pool Party Continuation
DK彡Awkward!!
DK彡Inspector.Ramon Guevara & SPO1.Morgan Castro
DK彡Rumors
DK彡Doom
DK彡Killer's Identity
DK彡The Heartbreaks
DK彡Runaway
彡The Promises彡
☜The Deadly Finale☜
♥Dear, KILLER.♥
P.S. I Love You

DK彡Best Night Ever?

27.7K 1K 199
By Yengkoy

Isang oras na kami ni Denson na palibot-libot sa batangas at parang hindi niya alam kung saan kami pupunta hanggang sa tumigil kami sa isang drive thru at umorder ng isang coke float.

Noong una, akala ko para sakanya lang iyon dahil kanina pa siya nagrereklamo na nauuhaw siya, pero ng nasa isang park na kami- aba, kalain mo, inalok ako.

"Tititigan mo lang ba yan?" tanong niya habang pinapanood ako sa pakikipagtitigan sa straw ng coke float na ininuman na niya.

Napalunok ako ng laway sa isipan na kapag uminom ako sa straw na iyon may indirect kiss ng nagaganap at gustong-gusto ko iyon! Hindi ko alam na ganito pala kaexciting makipag lips to lips sa straw.

Dahan-dahan ko nilapit sa bibig ko ang straw na iyon na parang labi ni Denson ng-

"Ate palimos po." natigil sa ere ang gagawin kong pakikipag halikan sa straw ng may biglang sumingit na batang gusgusin sa harapan ko.

Wala akong dalang pera at malagkit ang tingin ng bata sa coke float ko!

Tiningnan ko ang katabing si Denson na patay malisya lang sa nagaganap.

"Nagugutom at uhaw na uhaw na po ako ate."

'Ako din bata! nagugutom na ako sa pagmamahal ni Denson at uhaw na uhaw na rin ako sa halik niya!' tiningnan ko ulit iyong coke float bago mabigat ang loob na inabot iyon sa bata.

"Salamat ate!" masayang sabi ng batang babae at sa harapan ko pa ininom iyong coke float. Akin yan eh!

"Hoy bata, saan ang mga magulang mo?" tanong ni Denson sa bata na nagkibit balikat lang bago kami iniwan at nanghingi na naman ng pagkain sa ibang tao na naroon sa park.

"Wag ka agad nagbibigay ng kung ano-ano sa mga pulubi Mercado."

"Bakit naman? hindi ka ba naaawa sa batang iyon?"

"Hindi. mas naawa ako sayo." halata sa boses niya na pinipigilan lang niya matawa.

"Mukha ba akong pulubi?"

Hindi na siya muli sumagot at nangingiti nalang na nakatingin sa dalawang lalaking nasa isang sulok at halatang nagso-solvent. Romantic naman ng lugar na to!

Bigla kumislap ang mata ko ng makita ang isang simbahan malapit sa amin kaya niyaya ko si Denson.

"Hindi ako nagsisimba."

"Sige na Denson, sandali lang tayo."

"Ayoko."

"Denson naman eh-"

"No."

"Sige, kapag hindi ka pumayag, hindi na kita kakausapin."

Napataas ang kilay niya sa sinabi ko.

"Kaya mo?" nagdududang tanong niya.

Tumayo na ako mula sa kinauupuan na bench bago sumagot.

"Hindi."

Tuluyan na siya napangiti sa sagot ko at tumayo na rin.

"Tara, ikaw lang ang magdadasal." nakangiting tumango lang ako sabay pulupot ng kamay sa braso niya.

"Para hindi ako maligaw." sabi ko agad ng tumingin siya sa kamay ko na nasa braso niya.

Hindi na siya umangal kaya parang bata talaga na dumikit pa ako sakanya ng naglalakad na kami patungo sa simbahan.

Feeling ko ng mga oras na iyon-isa akong bride, tapos siya ang groom. Amp! nakikiliti na naman si heart.

Sa pinto lang kami ng simbahan tumayo dahil ayaw niya talaga pumasok. sayang nga eh ang akala ko maglalakad na kami sa altar. amp!

Tinanggal ko na ang kamay sa braso niya at taimtim na nagdasal habang nakatayo sa pinto ng simbahan. buti nalang wala ng masyadong tao ng mga oras na iyon kaya feeling ko, kinakasal pa rin kami.

Lord,
Nakikita niyo po ba iyong lalaking katabi ko?
Siya po si Red Denson. eighteen years old at isang kampon ng bespwen niyong si Satanas.
Lord, gusto ko po linisin niyo ang maitim na budhi ng lalaking to para makita na niya ng tuluyan ang liwanag ng kagandahan ko.
Pero kung mahihirapan po kayo, kausapin niyo nalang si Kupido at panain na niya si Denson sa lahat ng bahagi ng katawan niya para siguradong mahalin na niya ako.
Ang hirap kasi magpakatanga Lord, lalo pa kung may kamartiran at kadesperadahan na kasama. whao! ang hirap, kaya please lang! nagmamakaawa po ako sa inyo, tulungan niyo akong mahalin ako ng lalaking to ng sa gayon maikasal na kami agad. siya lang po ang gusto ko mapangasawa at siya lang ang gusto kong makasama.
Lord, aasahan ko po kayo.

In the name of the father the son and the holy spirit.

Amen.

"Ano iyong dinasal mo?" tanong niya ng naglalakad na kami pabalik sa nakapark na motor niya.

Tiningnan ko siya at ngumiti ng matamis. "World peace."

Kumunot lang ang noo niya sa sinagot ko pero hindi na nag tanong ulit. Mamahalin mo rin ako Red Denson, hindi ngayon hindi mamaya or hindi bukas pero malapit na.

Malapit na sana kami sa motor ng may biglang matabang lalaki ang bumangga sa akin na muntik ko na ikatumba kung hindi lang maagap sa paghawak si Denson sa akin.

Feel na feel ko na isa akong prinsesa na muntik na matumba pero nasalo ng prisipe at ayaw ng pakawalan dahil gusto niya ikasal na agad. lol!

Parang slow motion ang lahat- titigan portion ang nangyari habang nasa bisig niya ako at gusto ko pa iyon i-enjoy. iyon bang pelikula talaga ang dating? amp! pero tulad sa pelikula- maraming epal na istorbo sa moment ng mga bida.

"Bulag ka ba?!" maangas na wika ng matabang lalaki na dahilan ng pagkabasag ng moment namin ni Denson.

Umayos muna ako ng tayo bago hinarap iyong epal.

"Hindi ako bulag, baboy ka lang kaya nabangga mo ako!"

"Aba,matapang ang pandak na to ah!"

Pandak? me? haleeer! 5'4 kaya ako!

"Hoy-"

"I'm sorry, kasalanan ng kasama ko." putol ni Denson sa sasabihin ko na kinagulat ko.

"Denson! hindi ko iyon kasalanan!" angal ko pero nagbabanta lang na tiningnan niya ako.

"Gwapo ka sana pre, sayang lang pumatol ka sa ganyang babae." sabi ng baboy na lalo nagpainit ng ulo ko. akmang susugurin ko na sana siya ng bigla naman ako pigilan ni Denson. Kaasar ka Red! iniinsulto ako ng baboy na yan! huhuhuhu!

"Sorry ulit." hinging paumanhin ni Denson na labis ko pinagtataka at kinaaasar.

Tumango lang iyong matabang lalaki bago kami nilampasan kasama ang tatlong mga mukhang gangster na kakababa lang sa isang itim na kotse bago sumunod kay baboy.

Doon ko lang nagets na ayaw ng gulo ni Denson at masyado marami ang mga epal.

"Kaasar! hindi mo ba sila kaya patumbahin?!" tanong ko kay Denson habang habol ng tingin ang B4 or Baboy over flowers! lol!

"Kunin mo iyong bato Mercado." pambabalewala niya sa tanong ko at inutusan ako kunin iyong isang malaking bato na naroon sa gilid ng kalye.

Nagtataka na tiningnan ko siya.

"Para saan?"

"Kunin mo nalang."

Asar na talaga ako pero sumunod pa rin ako sa utos niya. kinuha ko iyong bato at binuhat iyon patungo sakanya.

"Bilis."

"Teka,ang bigat nito! ikaw kaya magbuhat!"

"Inuutusan mo ako?"

"Syempre! hindi." Takot ko lang sayo noh!

Binaba ko na sa harap niya iyong bato bago siya tiningnan.

"Aanhin mo naman iyong bato?" tanong ko ng walang kahirap-hirap na binuhat niya iyon.

"Nganga ka." utos niya na pinagtaka,ko pero sumunod naman.

"Subukan mo lunukin to."

Bigla ko nasarado ang bibig at tiningnan siya ng masama ng naglakad na siya patungo sa isang itim na kotse na nakapark di kalayuan sa pwesto namin. Sama talaga ng ugali ng lalaking to!

"Hoy Denson, anong gaga-" hindi ko na natapos ang tanong ng bigla niya binato sa harapan ng kotse iyong bato kaya nabasag ang salamim nun at bigla tumunog ang alarm na meron sa kotseng iyon.

"Denson!" gulat na sambit ko.

Lumingon lang siya bago ngumisi.

"Ganito ka dapat mag sorry."

Shocked. iyon lang ang naging reaksyon ko bago ako nakarinig ng sigaw ng isang baboy.

"Mga puta kayo! anong ginawa niyo kay MJ?!"

MJ? lol! may pangalan pala iyong kotse?!

"Bilis na!" naramdaman ko na hinila nalang ako ni Denson patungo sa motor niya ng tumatakbo na patungo sa amin iyong B4.

Nakasampa na kami sa motor niya ng ayaw naman niyon mag start.

"Denson! parating na ang mga baboy ramo!"

"Wala na palang gas." parang natatawa pa na sabi niya bago bumaba sa motor niya sinundan ko lang siya ng tingin na hindi makapaniwala.

"You got to be kidding me!"

"Bilis na, ayan na sila." sabi niya sabay alalay sa akin para makaalis sa motor niya.

"Ano na ang gagawin natin? lalabanan mo sila?!"

"Hindi. pero tatakbo tayo." kinuha niya agad ang kamay ko sabay takbo habang nasa likuran namin iyong mga baboy. Mas romantic ang ganito, iyong magkahawak kamay kayo ng mahal mong tumatakbo habang hinahabol ng kamatayan.

Tumawid kami ni Denson sa kabilang kalsada na may nakasulat na No Jaywalking! kaya sinita kami ng isang traffic enforcer na nakapwesto di kalayuan sa amin.

Huminto kami sa pagtakbo ng naglalakad na palapit sa amin iyong traffic enforcer at tumingin sa baywang ni Denson na may nakasuksok na baril. LAGOT NA!

"Denson...makukulong ba tayo?"

"Hindi. basta tumakbo na tayo." pagkasabi niyang iyon ay tumalikod na kami sa traffic enforcer pero para lang makita ang mga B4 na palapit na rin sa amin.

"Denson! sa kanan o sa kaliwa?!"

"Sa gitna." nagtaka pa ako kung anong ibig niyang sabihin hanggang sa hinila niya ako para tumawid ulit kami sa kabilang kalsada.

Humabol agad iyong B4 kasama iyong traffic enforcer.

Hinihingal na ako habang parang sanay na sanay sa marathon iyong kasama ko dahil hindi makikitaan na pagod na siya.

Nagtago kami sa likuran ng nakaparadang truck ng basura habang nasa paligid lang iyong mga humahabol sa amin.

"Saan na tayo Denson?" mahina ang boses ko habang nagtatakip ng ilong, ang baho kaya ng basura!

Nagpalingon-lingon siya sa paligid hanggang napansin na namin iyong pagsakay ng driver ng truck na iyon.

"No choice. sakay." hindi makapaniwala na tiningnan ko siya ng umakyat na siya sa track ng basura at inabot sa akin ang kamay.

"Denson, ang baho dyan."

"Bilis na Mercado, paalis na to."

Tutol man ay sumunod nalang ako lalo na ng mamataan iyong mga B4 na patuloy pa rin sa paghahanap sa amin.

Kinuha ko ang kamay at walang kahirap-hirap na hinila niya ako paakyat pero dahil madiskarte ako ginamit ko na iyong pagkakataon para makapuntos. nagpabigat ako kaya sabay kami natumba sa mga supot ng basura, ako ang nakapaibabaw sakanya.

"Damn it Mercado!" mukhang nasaktan siya sa ginawa ko kaya agad ako napaupo para tignan sana ang pinsala niya pero nagulat ako ng umandar na iyong truck kaya bumalik ulit ako sa pagkakadapa ko sakanya.

Natahimik kami dalawa habang nasa gaanong posisyon. malakas ang kabog ng dibdib ko dahil sa sobrang lapit ng katawan namin sa isa't-isa.

"Mercado." tawag niya sa akin kaya napatingin ako sa mata niya.

"Ba-bakit?" kinakabahan na tanong ko ng maramdaman ang kamay niya na pumulupot sa baywang ko.

"This is the best night ever."

"Nag enjoy ka?!" hindi makapaniwala na tanong ko. ngumiti lang siya bago gumalaw para siguro makaupo. gusto ko pa iyong posisyon namin pero ayoko naman masabihan na manyakis kaya umupo na rin ako.

"Sira na ba ulo mo Denson? muntik na kaya tayo mamatay!" sabi ko ng maayos na kaming nakaupo katabi ang mga mababahong basura.

"Isipin mo nalang nagde-date tayo."

Napakurap lang ako sa sinabi niya habang iniisip kung ano ang magandang nangyari sa gabing iyon.

"Date?!"

Nakangiti na tumango lang siya bago humiga sa balikat ko.

"Idlip muna ako, subukan mo magsalita, ihuhulog kita."

Argh! kaasar!

___________

Nagising kami sa sita ng driver ng truck kaya agad kami bumaba at tahimik na naglakad ng ilang kilometro bago tuluyan nakarating sa resort ng pamilya ni Xander.

"Ang malas natin." napapagod sabi ko ng papasok na kami sa lobby ng hotel ng resort, parehas kaming mabaho at madungis kaya masama ang tingin sa amin ng mga guests.

Tahimik lang kami sumakay ng elevator para makabalik sa party ni Xander- at dahil mabaho at madungis kami ay walang gusto sumabay sa amin kaya solong-solo namin iyong elevator.

"Kakaibang date." narinig ko na sabi niya kaya nagkatinginan kami bago sabay na tumawa.

Bumukas na ang elevator kaya lumabas na ako pero nagtataka ako ng hindi sumunod si Denson kaya nilingon ko siya.

"Magkita nalang tayo sa lunes."

"Teka, hindi ka sasabay?"

"Hindi na. may pupuntahan pa ako."

Hinold niya ang pinto ng elevator habang nagtititigan lang kami. ewan ko ba, feeling ko may kulang sa date namin-

Napabuntong-hininga nalang siya bago lumabas ng elevator at lumapit sa akin.

Nakasunod lang ang tingin ko sakanya hanggang sa hawakan niya ng dalawang kamay ang pisngi ko at halikan ako sa labi. napapikit nalang ako at tumugon.

Iyon ang kulang sa date namin, ang kiss. lol!

Habol ang hininga ng maghiwalay ang labi namin at nagtitigan ulit. Tanungin mo na Tippy! tanungin mo na kung mahal ka niya!!

"Red. . . . ."

"Bakit?"

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

"Virgin pa ako."

Continue Reading

You'll Also Like

49K 1.5K 34
[SB19 Series #5 | KEN FAN FICTION | Completed] A pure, innocent guy and a girl who hates boys. How would she be able to turn his innocence away?
15.1M 676K 75
(FHS#1) Braylee wants to make her friends happy, Denver wants to get some sleep. She's hell-bent on making the world a better place while he's desper...
14.6K 210 20
Samantha Bliss Cordova is single for a long time. She's too bitter for love. She despises those cheesy interactions especially during Valentines Seas...
2.9M 82.8K 60
WARNING: This story is my oldest story! You might encounter some cringe and immature scenes that needs some revisions! ... He bought me, but I didn't...