✔She Writes

Por luxylightbringer

75.6K 3K 878

Altair only dedicates her songs and lyrics to the one she's in love with. It is her way of telling someone ho... Más

PROLOGUE
TPM.1
TPM.2
TPM.3
TPM.4
TPM.5
TPM.6
TPM.7
TPM.8
TPM.9
TPM.10
TPM.11
TPM.12
TPM.13
TPM.14
TPM.15
TPM.16
TPM.17
TPM.18
😍
TPM.19
TPM.20
TPM.21
TPM.22
TPM.23
TPM.24
TPM.25
TMP.26
TPM.27
TPM.28
TPM.29
TPM.30
TPM.31
TPM.32
TPM.33
TPM.34
TPM.35
TPM.36
TPM.37
TPM.38
TPM.39
TPM.40
TPM.41
TPM.43
TPM.44
TPM.45
TPM.46
TPM.47
TPM.48
TPM.49
TPM.50
TPM.51
TPM.52
TPM.53
TPM.54
TPM.55
TPM.56
TPM.57
TPM.58
TPM.59
TPM.60
TPM.61
TPM.62
TPM.63
TPM.64
TPM.65
EPILOGUE
Special Chapter
Christmas Special 2019

TPM.42

911 39 7
Por luxylightbringer

Happy 35k The Playboy S.A 💕 sa mga hindi pa nakakabasa, visit nyo lang po ang timeline ko.

Thank you po~

===

"Get in" maawtoridad na wika ni Caspian ng makarating kami sa parking lot.

Pumasok naman ako agad tapos ay umikot sya para pumasok sa driver's seat. Nakakunot parin sya ng noo, seryoso ang mukha at nag iigting ang panga.

"C..Caspian-"

"Are you with them earlier kaya nag ditch ka na naman ng class? Bakit ba panay ang cutting mo these passed few days? Noong friday nag ditch ka din ng afternoon class!"inis na sambit niya.

"Eh kasi-"

"Are you with that two guys earlier? Tell me, kasama mo ba sila maghapon?!"

"Si Damon lang ang kasama ko! Si Jared nakita ko lang sa harap ng school-"

"Jared huh? And Damon? I thought you hate him? Why are you with him?"

"We're friends now. Humingi na sya sakin ng tawad. Okay na kaming dalawa"

Napairap sya sakin at mahigpit na hinawakan ang manibela.

"Okay? Nakalimutan mo na ba ang ginawa nya sayo noon? He used you! He doesn't care about you!"

Nainis ako sa inaakto nya, paano nya nasasabi ang mga bagay na ginagawa nya rin sakin ngayon? Wala na ba talaga syang konsensya? Nakakatuwa ba talaga na nagmumukha akong tanga sa harap nya?

"Break na sila ni Sierra, wala na akong dahilan para magalit pa sa kanya"seryosong saad ko.

Napatitig naman sya sakin, naging blangko ang ekspresyon nya. Walang bahid ng anumang emosyon. Yung inis nya kanina ay tila natunaw nalang bigla.

"Oo ginamit nya ako, pero para yun sa pangarap nya. Tanggap ko na yun, na mas pinili nya ang pangarap nya kesa sakin. Pero ayokong masayang yung pinagsamahan namin noon, I don't want to end our friendship dahil sa ginawa nya"ani ko at umiwas ng tingin.

"Friendship? Sa tingin mo ba ganun din ang tingin nya sayo? Matapos ka nyang gamitin?"

Tinignan ko nalang sya, ilang segundo akong nagpakalma ng sarili ko. I need to absorb what he is saying, hindi nya ba nare-realize na lahat ng sinasabi nya ay reflected sa kanya?

"May duty pa ako, aalis na ako" lalabas na sana ako ng kotse ng paganahin nya ang engine.

Muli ko syang nilingon.

"Ihahatid na kita"aniya at pinaandar agad ang kotse.

Tahimik kami sa biyahe. Diretso lang ang tingin nya sa daan, ako naman ay sa bintana.

Sa tuwing nababanggit ko si Sierra nagiiba ang mga kilos nya, pansin na pansin ko yun. Ganun nalang ba talaga ang epekto sa kanya ni Sierra? Siguro nga sobrang mahal nya ang babaeng yun, at ako naman ay isang hadlang sa pagsasama nilang dalawa.

Hindi ko alam kung hanggang kailan ako magpapakatanga, pero pakiramdam ko... malapit na akong sumuko.

Isa nalang ang naiisip kong paraan para malaman kung ipagpapatuloy ko pa 'tong ginagawa ko. I need to confess to him, I need to know kung may nararamdaman sya kahit katiting lang. He said I am special... yun ang sinabi nya sa talkshow, sana kahit sa special na yun, may pag asa ako kahit papaano.

"Wait, I'll just buy a drink on that store" itinigil nya ang sasakyan at bumaba saglit.

Ako naman ay naiwan hawak ang backpack ko. Unconciously ay binuksan ko yun at bumungad sakin ang love letter na ginawa ko. Agad ko itong kinuha at inilagay sa loob ng bag ni Caspian, inipit ko sya sa isa sa mga notebook nya.

Pagkabalik nya ay may dala na syang delight. Eto yung palagi kong iniinom sa school. Sya na ang naglagay ng straw at binigay sakin.

"I think I am rude earlier, kaya binilihan kita"

"Ah suhol?"taas kilay kong saad.

Napakamot naman sya ng ulo at nahihiyang ngumiti.

"I know you like that drink"he said.

"Thanks"

Nagpatuloy kami sa biyahe, nakangiti ako habang nakatingin sa bintana at sumisipsip ng delight ko. I'm just happy yet nervous, pano kung mabasa na nya ang love letter ko? Ano kayang magiging reaksyon nya?

Hindi ko namalayan na kanina pa pala ng nakatigil ang sasakyan. Tinignan ko sya ngunit ngayon ko lang napansin na kanina pa sya nakatingin sakin.

"Iniisip mo ko no?"aniya ng may ngisi.

"D..dito na ako"saad ko.

"Wait" hinawakan nya bigla ang braso ko bago pa ako makababa sa kotse.

"W..what do you feel about Damon now? May gusto ka pa ba sa kanya?"tanong nya.

Ngumiti naman ako, hindi ko alam kung bakit yun ang naging reaksyon ko. Siguro narealize ko lang, na sa lahat ng lalaking nakilala ko, hindi lang si Damon ang pinaka manhid-kundi si Caspian.

"Hindi naman importante ang feelings ko. Ang mahalaga... okay na kami"sabi ko at ngumiti.

Hindi na mahalaga kung anong nararamdaman ko, basta okay tayo Caspian.

Nag alangan ako ngunit lumapit parin ako sa kanya at hinalikan sya ng marahan.

Tumugon sya ngunit humiwalay agad ako matapos ang ilang segundo. Napakagat sya ng labi, tila bakas sa mukha nya ang pagkabitin.

"Sige na, ba-bye" tumalikod na ako para buksan ang pinto ngunit hinila nya ulit ako sa braso.

"I'll drive you home later. Hintayin mo ko dito mismo, understand?"

Tumungo tungo nalang ako. Tuluyan na akong bumaba at kumaway nalang habang paalis ang kotse ni Caspian.

"How sweet huh?"

Nagulat ako ng sumulpot sa likod ko si Courtney. Nakataas ang kilay nya sakin at dahan-dahan akong inikutan.

"I really don't know kung anong nakita sayo ni Caspian, we're the same lang naman ah? Maganda ka, maganda rin ako. Pero anong meron ka na wala ako?!" Nagpipigil ang inis nya.

Bumuntong hininga ako at tinignan si Courtney.

"Alam mo Court? Hindi ako ang dapat mong pagselosan"

"Sino naman kung ganon?" Tumigil sya at tinaasan ako ng kilay.

"Ang taong mahal nya"

Kumunot ang noo nya sakin, tila nagtataka sa sinabi ko.

"Huh? Hindi ba ikaw yun?"

"Sana nga ako nalang yun" ani ko at nilagpasan sya.

"Wait! Wait! Wait! I don't get your point! Ibig sabihin, bukod sayo may iba pa akong karibal?" Sinabayan nya ako sa paglalakad.

"Oo, alam mo kasi sa totoo lang marami ka naman talagang karibal pag nagustuhan mo si Caspian, marami syang fans eh"

"Argh! I don't want that! Kalabanin ka nga hirap na ako eh! Tapos dadagdag pa sila?! Help me Loui! help me get rid of them!"

Nagulat ako ng kumapit sya sa braso ko at nagpuppy eyes.

"S..seryoso ka? Diba karibal din ang tingin mo sakin?"

"Psh, yes pero.. pero naisip ko kasi na may karapatan kang maging karibal ko kasi maganda ka. Unlike them? They're just nobodies"

"Ganun?"

"Yup! So what do you think? It's a deal?"nakangiti nyang saad.

"Ayoko"tipid kong sagot at naglakad na ulit.

"But I can't do it alone! I need someone to help me"Napanguso naman sya sakin at nagpaawa.

Pinigilan ko ang pagtawa, aaminin kong napakacute ni Courtney, lalo na yung chinita eyes nya. Para syang bata.

"Courtney.. nagiging ganap na idol na si Caspian, at kung wala syang fans hindi sya sisikat. Isa pa, ikaw lang din ang kawawa, baka ma bash ka"

Napanguso naman sya at napatingin sa sahig.

"Bakit ba hindi ako magustuhan ng taong gusto ko? Hindi ba ako maganda? Sabi ni mommy at daddy para daw akong barbie doll, ayaw ba ni Zach sa barbie doll?"

Tinap ko ang ulo nya, mas matangkad ako kay Courtney kaya para lang syang nakababata kong kapatid.

"Alam mo? Mahirap talaga pag may iba ng mahal ang taong gusto mo, mahirap maghabol sa taong may hinahabol ring iba. Gawin mo man ang best mo para magustuhan ka nya, hindi nya parin makikita ang efforts mo. Kasi hindi ikaw sya, hindi ikaw yung taong mahal nya"

She look at me with a teary eyes. Nakanguso parin sya at malungkot.

"Why are you so rude? You're making me cry!"

"Courtney... pansinin mo si Jack. Mahal ka nya noon pa man, at siguradong kapag nagsawa na syang suyuin ka, tsaka mo lang mare-realize kung gaano sya kahalaga"

"Courtney? Akala ko nasa cr ka? Bakit ka lumabas?" Pareho kaming napatingin ni Court kay Jackson.

Napangiti agad sya ng makita ako.

"Hi Loui! Mabuti nakarating kana, alam mo bang niyaya ako ni Court para lang makita ka?"

"Hindi ah!" Umirap naman si Court kay Jackson tapos napatingin sakin pero umiwas ulit.

"At bakit naman gusto mo akong makita?"nakangiti kong tanong kay Court.

"Hindi kita gustong makita no! I hate you kaya! Hmph! Jackson let's go home na!"

"What? Akala ko ba gusto mong tanungin si Loui about sa beauty routines nya? Gusto mo nga rin syang yayain magmall next week para malaman mo yung fashion na gusto nya diba?"ani Jack na may ngisi sa labi.

"No! Let's go home! Sa bahay na tayo mag dinner! Psh!"hinigit na nya si Jack.

Natawa naman ako sa kanilang dalawa. Si Courtney namumula sa hindi ko alam na dahilan.

"Goodluck sa dinner!"ani ko.

Nagpigil ng ngiti si Court at inirapan ako. Hindi ko nalang maiwasang mapangiti sa kanilang dalawa. They're actually good together.

Pumasok na ako sa resto at nagtrabaho. As usual na dinadaldal na naman ako ni Olivia, iniintriga ako tungkol sa amin ni Caspian. Tinanong nya pa kung saan kami nagspend ng weekend dalawa dahil dalawang araw daw hindi umuwi ang kuya nya.

I lied to her. Kahit alam kong si Sierra ang kasama nya. I felt a twinge in my heart, so he spend the whole weekend with her? At talagang over night sya kasama ang babaeng yun?

Nang matapos ang duty ko ay naghintay ako sa mismong spot na pinagusapan namin kanina. Nakatayo lang ako doon, nakaabang na makita ang kotse ni Caspian ngunit lumipas ang dalawang oras ay wala parin sya.

It's already 10:00 pm. Hindi ko na alam kung maghihintay pa ba ako o hindi. Pumuti na ang mata ko kakahintay sa kanya pero walang dumating na Caspian. Nakailang text at tawag na ako pero wala parin. Where the heck is he?!

Nagulat ako ng tumawag sya sakin. I quickly pick it up and answer it.

"Hello?"

"Hi, Loui.."

Napatigil ako ng marinig ang boses ni Sierra. Her bitch voice makes me annoyed, halatang natutuwa sya ngayon.

"Nasaan si Caspian?"

"My Zach? I'm with him. He's already drunk actually. Kaya kita tinawagan para sunduin sya, puntahan mo sya dito sa bar malapit sa school. Pakibilisan ah?"

"What-" binabaan nya agad ako kaya lalo akong nainis.

"B*tch!" Kahit naiinis ay sinunod ko sya. Pumunta ako sa bar para sunduin si Caspian.

Kung ganon ay sya ang dahilan kung bakit hindi nya ako sinundo? Her again? Why he keeps choosing her over me?! Napaka importante nya ba talaga?!

As I reached the bar ay hinarangan agad ako ng bouncer. I am just 17 at bawal pa ako sa ganitong lugar.

"E..eighteen na po ako"ani ko.

"Sigurado ka? Birth certificate?"

"Huh? E..eh wala akong dala! Kuya may kailangan lang akong sunduin!"

"Hindi pwede miss, bawal menor de edad"

"She's with me, honey bakit ang tagal mo? Kanina pa kita hinihintay"

Nagulat ako ng makita si Jared at inakbayan agad ako papasok. Hindi naman sya napigilan ng bouncer kahit nakakunot ang noo nito.

"Jared? T..thank you"

Ngumiti naman sya sakin.

"Thank you? I don't accept thank you, I want....you tonight"binulong nya ang huling mga salita nya sa tenga ko.

Kinilabutan ako at binatukan sya.

"Aray! Ang sakit ah!"

"Bastos!Sana hindi mo nalang ako tinulungan!"inis na sabi ko.

Tawa naman sya ng tawa, kahit na napakaingay sa loob ay dinig ko parin ang tawa nya.

"Alam mo? Ang seryoso mo talaga! Haha!"

"Ewan ko sayo, dyan kana. May hahanapin pa ako"ani ko.

"Sino naman?"

"Boyfriend ko"mabilis kong saad at nilagpasan agad sya.

Gumilid ako habang hinahanap si Caspian. May lumalapit saking mga lalaki at nag aalok ng drinks pero tanggi ako ng tanggi sa kanila. Ilang saglit pa ay nagtext ulit sakin si Sierra gamit ang number ni Caspian.

"Sa taas. Sa VIP area"

Tumingin naman ako sa itaas, hindi ko sila makita pero umakyat parin ako. And there I saw Caspian sitting on a couch, drunked. Katabi nya si Sierra na nakalingkis sa kanya, marahang dinadampian ng halik ang pisngi nya.

"Baby... may sundo kana" ani Sierra at tinignan ako ng may ngisi.

Napayukom ako, gusto kong magwala, sumigaw at sabunutan ang babaeng 'to. Gusto ko syang lunurin sa alak hanggang sa mamatay sya. Gusto ko syang sabunutan kalmutin kahit saan pero lahat ng iyon ay naglalaro lang sa isipan ko.

"Baby..."tumingin sa kanya si Caspian, tila napapapikit na sa antok.

"I love you... I love you.." aniya at hinalikan ng malalim si Sierra.

Nanlaki ang mata ni Sierra sa gulat pero napangiti sya at ginantihan ang matinding halik ni Caspian.

"I love you too Zach"

Hinila ni Caspian si Sierra pahiga sa couch. They're kissing passionately in front of me. Nanatili lang akong nakatingin sa kanila, wala pinapakitang emosyon, pinipilit na nagpakatatag kahit ilang bilyong beses ng tinatarak ang puso ko sa sakit.

Si Sierra na ang pumutol sa mahabang halik nila, she giggled and look at me.

"Sorry about that"aniya ng nakangisi.

Tumayo sya at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Tinaasan nya ako ng kilay at may halong panglalait at insecurities ang mga tingin nya. Ngumiti sya sakin ng plastik.

"Siguro naman malinaw na sayo na hindi mo na dapat ipagsiksikan ang sarili mo kay Zach diba?"

Kumunot ang noo ko sa kanya. Kumukulo na ang dugo ko, sa nakakaasar nyang mukha at sa walang humpay na confidence nya.

"Alam kong matagal mo ng alam na nagkabalikan na kami pero nagbubulag-bulagan ka lang. Para ano? Para agawin sya sakin?"

"Ikaw ang mang aagaw at hindi ako"

"Haha! Alam kong hindi seryoso ang relasyon nyo ni Zach. Everything between you and him are just all a deal, pinagpustahan ka lang nila at ikaw naman si engot na nagpakagat sa paing" the humor is written all over her face.

Hindi ako sumagot, lumalalim ang paghinga ko sa pagpipigil ng inis at galit.

"And now successful na ang mission ni Zach. Hindi ka na nya kailangan, magbreak na kayo para maipakilala na nya ako sa lahat. After all, there's nothing between you and him right? Zach don't love you from the very start dahil ako lang ang mahal nya. So f*ck off. Layuan mo na siya, makipagbreak kana" aniya.

I clench my fist tighter. Gusto kong basagin ang mukha nya pero hindi pwede, this is a public place, I can't make a scene.

"At bakit ko gagawin yun?"

"At bakit naman hindi?"mapanghamon nyang saad at umabante papalapit sakin.

Nangningkit ang mata nya sakin at ngumisi.

"Unless you're already inlove with him? Tama ako diba? Well itigil mo na ang pag iilusyon, you're just a trash and Zach don't need a trash"

"Sumusobra kana!" Sinampal ko sya ng malakas sa mukha.

Itinaas nya rin ang kamay nya para sampalin ako, napapikit ako ngunit may ibang kamay ang humarang para sakin.

"Don't you ever lay your dirty hand to her"

It's Jared. Napasama naman ang tingin ni Sierra sa kanya at marahas na inagaw ang kamay nya.

"May knight in shining armor ka pala, hindi binaggit ni Zach ang tungkol sa lalaki mo" ngumisi sya sakin ng nakakaasar.

Nakakainis ang mga ngisi nya akala nya napakaganda nya at over confidence, sarap durugin ng mukha.

"Ikaw na pala ang bahala sa baby ko. Hindi ko sya pwedeng ihatid dahil sabi ni Zach na ayaw nya pang expose ako sa media. You're still lucky Loui.. dahil ikaw ang girlfriend ni Zach sa mata ng lahat"

Titig na titig sya sakin habang sinasabi ang mga katagang yun, tila nagbabanta sakin.

"But I will make sure that your spotlight, will be mine as soon as posssible. Sisiguraduhin kong itsapwera ka lang huli"bulong nya at nilagpasan ako.

✴✴✴

To be continue...

Seguir leyendo

También te gustarán

258K 11.2K 38
He is a jerk, a brat, and a headache. He is Aidan Josh Guirero Zamora.
238K 4.2K 51
"I'll kill you soon even I love you." MAFIA/GANGSTERS STORY
389K 17.7K 22
Maia Celine Zorales vowed to never cross paths with Finley Angelo Suarez again... which was hard considering that they are attending the same school...
2.7K 423 26
GIRL HOUSE SERIES #1: Dimple Castro ---- Dimple Castro is a person scared to trust people. As her family died in a house fire, her life started to ex...