✔She Writes

By luxylightbringer

75K 3K 877

Altair only dedicates her songs and lyrics to the one she's in love with. It is her way of telling someone ho... More

PROLOGUE
TPM.1
TPM.2
TPM.3
TPM.4
TPM.5
TPM.6
TPM.7
TPM.8
TPM.9
TPM.10
TPM.11
TPM.12
TPM.13
TPM.14
TPM.15
TPM.16
TPM.17
TPM.18
😍
TPM.19
TPM.20
TPM.21
TPM.22
TPM.23
TPM.24
TPM.25
TMP.26
TPM.27
TPM.28
TPM.29
TPM.30
TPM.31
TPM.32
TPM.33
TPM.34
TPM.35
TPM.36
TPM.37
TPM.38
TPM.39
TPM.40
TPM.42
TPM.43
TPM.44
TPM.45
TPM.46
TPM.47
TPM.48
TPM.49
TPM.50
TPM.51
TPM.52
TPM.53
TPM.54
TPM.55
TPM.56
TPM.57
TPM.58
TPM.59
TPM.60
TPM.61
TPM.62
TPM.63
TPM.64
TPM.65
EPILOGUE
Special Chapter
Christmas Special 2019

TPM.41

933 46 19
By luxylightbringer

Nasa rooftop ako ngayon, mag isa at nagmumuni-muni. Matapos ang foodtrip namin ng streefoods, dito agad ako dumeretso.

I cried, again. Pero ngayon ay nagrerelax nalang ako. I can't cry all the time, kailangan kong mag isip ng mga paraan para sa akin bumaling si Caspian.

"Oh no, the rhyme is not good enough"

Naantala ang pag eemo ko ng makarinig ng tunog ng gitara at isang pamilyar na boses.

"Keep me baby, I can show you how love-argh! Ang pangit!"

Nilapitan ko kung saan yun nanggagaling. Nagulat ako ng makita si Damon. Naka indian seat, may notebook at gitarang dala.

"Damon?"

Napapitlag sya at agad na tinakpan ang notebook nya.

"L..Louchi? What are you doing here?"

"Dito ako tumatambay. Ikaw? Anong ginagawa mo?"

"Uh.. nothing. Just playing"aniya at umiwas ng tingin.

Umupo naman ako malapit sa kanya at sinilip ang notebook nya pero lalo nya itong tinakpan.

"You're writing a song, isn't it?"saad ko.

"Y..yes actually. Pinaghahandaan ko lang yung susunod na monthly intraschool performance"nahihiyang saad nya at napakamot sa batok.

He's writing a song? Wow, that's so unusual.

"Bakit? Wala ka na bang stock ng lyrics ko noon?"sarkastiko kong saad.

"Hindi na ako tulad ng dati Lou.. susubukan ko ng gumawa ng kanta na ako mismo ang naghirap"aniya.

"Okay" aalis na sana ako ng bigla ulit syang magsalita.

"Louchi.. sorry nga pala sa ginawa ko sayo noon.."napatigil ako at tinignan sya.

"Alam kong importante sayo ang mga lyrics mo dahil yun ang nilalaman ng feelings mo, sorry kung hindi ko pinahalagahan ang nararamdaman mo sakin"

"Naka-move on na ako sa nangyari. Pero sa tingin ko... hindi parin kita napapatawad"

Nalungkot naman sya at napatingin sa sahig.

"Alam mo bang sa bawat pagsusulat ko noon, ikaw lagi ang nasa isip ko? Kahit nagkalayo tayo, nagpatuloy ako sa pagsusulat kasi akala ko may halaga ang ginagawa ko sayo. Akala ko may pag asa ako noon. Pero bakit sa lahat ng babaeng kaclose mo, ako yung hindi mo pwedeng magustuhan? Marami kang naging girlfriend pero hindi manlang ako naging isa sa mga yun. Bakit ba ayaw mo sakin?"

"Hindi naman sa ayaw kita. The truth is I am treating you as my bestfriend, palagi kang nasa tabi ko at palagi kang nakasupport sa pagtugtog ko noon. You don't know how happy I am that I have you. Pero magkaiba tayong dalawa, alam kong mayaman ka, isang heredera, malaki ang pagitan nating dalawa. Iba ang magiging landas mo kesa sakin, kaya mas pinili ko nalang na maging kaibigan mo. Yun ang totoo Louchi.."

"I..ibig sabihin.. dahil lang sa mayaman ako kaya binalewala mo ang feelings ko?"

"Oo-aray! Bakit naninipa?!"

"Stupido!"singhal ko.

"Kahit may kaya kami, hindi parin kita pwedeng i-pursue. Kilala ng magulang ko ang pamilya mo, sabi nila ikaw lang ang nag iisang heredera ng mga Lacosta kaya malamang may nakatakda ng ikasal sayo"

"Pero.. kung hindi ba ako isang Lacosta magugustuhan mo ko?"

Gusto ko lang malaman kung may pag asa ba ako o meron kung sakali. Nagustuhan ko sya noon, malamang curious din ako.

"Oo naman, maganda ka at talented. Tsaka crush naman talaga kita dati. Pero crush lang yun at wala na yun ngayon"aniya.

Napangiti ako ng maliit at huminga sa ilong ko. Well kahit papaano ay hindi na bumaba ang dignidad ko bilang babae, akala ko kasi talaga kasuklam-suklam ang itsura ko kaya hindi nya ako magustuhan.

"Sayang.. kung hindi ka duwag, edi sana tayo na noon pa. Pero okay lang, atleast nalaman ko na hindi naman pala ganun kasama ang itsura ko"ani ko.

Ilang segundo kaming natahimik, tila parang may dumaang anghel. Sa totoo lang, ngayon ko nalang ulit nakausap si Damon ng matino.

"Louchi.. gusto ko rin mag sorry ulit sayo. Ang totoo nyang kami ni Sierra ang gumawa ng issue noon tungkol sa inyo ni Zach"

"Huh?"

"Yung mga pictures noon na nilabas online at sa bulletin board, kaming dalawa ang gumawa nun para magkaroon ng dahilan si Sierra na makipaghiwalay kay Zach at maitaboy sya"

"K..kayong dalawa yun?"tumungo naman sya.

"Damon.. pwede bang sabihin mo sakin ang tungkol kay Sierra? Yung mga plano nyo noon?"

"Si Sierra.. inakit nya ako para maging girlfriend ko sya at sumali sa WildInnocents. Aaminin ko, nagpaakit ako at nagustuhan ko talaga sya. Pareho kaming mataas ang pangarap, gusto nya ring sumikat kagaya ko. Nagpursigi akong mapunta sa top para sa kanya, pero hindi ko akalaing malala pala ang ugali nun"

Kumunot ang noo nya ng sabihin yun, tila disappointed kay Sierra.

"Nang makuha namin ang rank 1 last month, napakasaya nya at napakasweet pero nang maging rank 2 kami this month, sobra ang pagrerebelde at pagrereklamo nya sakin. Tinakot nya pa ako na babalikan nya si Zach. Nang mapanood nya ang Lovesickers sa tv, nakipag break na agad sya sakin"

"Nakipagbreak agad sya? Yung araw na kinausap mo ako?"

"Oo. Una ayokong pumayag, akala ko talaga gusto nya ako, nasaktan ako sa mga pinagsasabi nya sakin kaya sa huli hinayaan ko nalang sya"

"Kung ganon masama pala talaga ang ugali ng Sierra na yan"napaismid ako sa sariling opinyon.

"Louchi.. wag kang magugulat sa sasabihin ko, pero sila na ulit ni Zach ngayon. Mula ng araw pagkatapos ng talkshow, nakita ko silang dalawang nagkikita. Minsan sinusundan ko sila at madalas na silang magkasama. Niloloko ka nila"

Natawa ako ng peke.

"Alam ko"sagot ko.

"Alam mo na?"nagulat sya.

"Sa totoo lang, hindi naman totoo ang relasyon naming dalawa ni Caspian. Naging kami dahil sa isang deal pero hindi ko alam na ang deal na yun ay isang patibong. Niloko nya rin ako, ginamit nya ako katulad ng ginawa mo sakin" napasama ang tingin ko sa kanya ng sabihin ko yun.

Napaiwas naman sya at muling naguilty.

"Pero mas masahol pa ang ginawa nya kesa sayo. Lahat ng yun ay ginawa nya para bumalik ulit si Sierra sa kanya. Mahal nya si Sierra" hindi ko maiwasang malungkot. Tumingin ako sa langit para pigilan ang mga luha ko.

"At.. mahal mo narin si Zach tama ba?"ani Damon.

Hindi ko sya sinagot, imbes ay natawa ako ng mahina. Isang tawang sarkastiko. Bakit kasi na-fall ako? Bakit pa-fall ang mokong na yun? Una palang sinabi nya na wala syang interes at si Sierra ang gusto nya bakit hindi ko yun tinanim sa utak ko?

"Ano bang meron kay Sierra? Bakit yung mga taong nagugustuhan ko sya nalang palagi ang gusto? Gagawin nyo ang lahat para lang sa kanya, ganun ba talaga sya ka espesyal!? Palagi nalang kayong pabor sa kanya!"inis na sabi ko. Bigla akong naluha sa sinabi kong yun. Nagpunas agad ako at huminga ng malalim

"I.. I'm sorry" yan nalang ang nasabi nya.

"Alam mo? Dahil sayo naging immune na ako sa sakit. Kahit alam ko ng niloloko ako ni Caspian, go parin"natawa ako sa sarili ko.

"Hindi pa kayo naghihiwalay?"

"Ayoko" sabi ko at umiling iling.

"Louchi naman... Makipaghiwalay kana!"

"Damon.. alam mo ba kung gaano kasarap maramdaman na pag mamay ari mo ang isang taong mahal mo? Ayokong makipaghiwalay sa kanya. Mahal ko sya"ani ko.

"Tanga ka pala"

"Alam ko"

"At hanggang kailan mo naman titiisin yan? Sa huli ikaw rin ang talo. Alam kong wala akong karapatang magsalita sayo dahil nasaktan na kita noon, pero sana naman wag mo ng ulitin yun sa sarili mo dahil sa pagkamartir mo!"

"Gusto kong agawin si Caspian kay Sierra. Hanggat hindi pa sya nakikipag break pipilitin ko syang ma-fall sakin"

Marahas na bumuntong hininga si Damon at napamasahe sa sentido nya.

"Bahala ka. Basta sinabihan na kita. Mas masasaktan ka pag pinagpatuloy mo yan"

Napangiti ako ng maliit. Hindi ko akalain na makakausap ko si Damon ng ganito, at natutuwa ako dahil may pag aalala sya sakin ngayon. Maybe this is the right time para sa closure naming dalawa, may pinagsamahan din naman kami kahit papaano.

"Minsan naglilista ako ng maraming rhyming words para idugtong sa dulo ng mga lines. Tip ko yun para hindi mahirapang mag isip. Make sure lang na yung word na yun ay related sa message na gusto mong iparating"ani ko.

"Huh?" Nagulat naman sya sa sinabi ko.

Tumayo na ako at ngumiti sa kanya.

"Damon.. good job dahil tumatayo kana sa sarili mong paa. At gusto kong sabihin na napatawad na talaga kita"

Agad naman syang napangiti sakin at tumayo rin.

"Thanks Loui.."

Nagulat ako ng yakapin nya ako ng mahigpit. Napangiti nalang ako at tinap ang likod nya.

"Thank you Louchi.."

"Thank you din... Monchi"

"I hope we can start a new friendship form now on"aniya.

"Sure"

===

Hanggang uwian ay magkasama kami ni Damon sa rooftop. Tinulungan ko syang magcompose ng kanta para sa susunod nilang performance. Maraming ideas si Damon, marami syang lines na tagos sa puso. He's learning quickly.

"Thanks Lou.. ako na ang tatapos nito. Hindi na sayo ipaparinig, I want you to be surprise to this song"

"Wow, sure yan ah"

"Yup. And I will also credit your name—"

"Wag na! Hindi pwedeng maging lyricist din si Star sa ibang banda. Tsaka ikaw lahat ang gumawa, nag suggest lang naman ako"

"But—"

"No buts, ikaw ang gumawa nyan. Credit yourself Damon, and be proud of it. Dedication nalang, masaya na ako dun"

Napangiti naman sya at pinisil ang pisngi ko.

"Sure Louchi"

Sabay kaming lumabas ni Damon, nagulat ako ng makita si Jared sa tapat ng school. Nakasalamin pa ang loko habang nakasandal sa kotse nya ng nakapamulsa. Akala mo nagmomodel, pinagtitinginan narin sya ng iba lalo na ang mga babae.

Napatingin sya sakin pero iniwasan ko sya at nagpatuloy lang sa paglalakad.

"Hey! Loui Olivar!" Tinawag nya ako ng malakas.

Tumigil kami ni Damon, nakaramdam ako ng hiya ng lumapit sakin si Jared ng nakangiti ng malapad. Overflowing ang confidence. Akala ko wala na syang guts na makita ako matapos ko syang sungitan nung nakaraan? Saan na naman nakahugot 'to ng lakas?

"You did notice me right? How could you ignore me earlier"aniya ng makalapit

"Kilala mo ba yan?"tanong ni Damon.

"Medyo?"sagot ko.

Napakunot ng noo si Jared at tinignan si Damon. Yung tingin na parang nanlalait.

"Who's this?"

"Pake mo? At bakit ka nandito? Tinawag mo pa ako, gumagawa ka ng eksena"

"Gusto lang naman kitang kumustahin eh, after that day na sinungitan mo ko? Nagkaroon ako ng reflection, I think I should watch you from now on, palagi ka kasing malungkot kaya gusto kitang pasayahin! What do you think?"

Nagkatinginan kami ni Damon na parahong nakaawang ang bibig. Bakit ba over sa feeling close ang isang 'to?

"You don't have to. I can watch her bro. Tara na Louchi" hinila ako ni Damon pero hinila din ako ni Jared sa kabilang kamay.

"Wait! Teka nga? Bakit ka nakikisabat? Si Loui ka ba?"inis na sabi ni Jared.

"Let go of her hands please" inis narin si Damon sa kanya.

Napangisi naman si Jared at umiling iling.

"Tell me Loui... eto ba yung boyfriend mo?"tanong nya at tinignan si Damon mula ulo hanggang paa.

"No. I am the boyfriend"

Pare-pareho kaming napalingon sa gate, nanlaki ang mata ko ng makita si Caspian na seryosong nakahalukipkip ang mga braso. His eyes are darkening habang nakatingin kina Damon at Jared. Kakaibang tindig ang pinakita nya, medyo nakakakaba, para syang mangangain ng tao.

"C..Caspian?"

Tinignan nya ako at mabilis akong kinuha sa dalawa.

"Wala ba kayong girlfriend at pinag aagawan nyo yung girlfriend ng iba? Find someone else! pag aari ko na 'tong babaeng 'to"aniya at hinila na ako palayo sa kanila.

Kabog ng kabog ang dibdib ko habang naglalakad kami. Hindi nya manlang ako tinitignan, madilim parin ang mata nya at kita ko pa ang pag iigting ng nga panga nya sa inis.

I never seen him like this.. and by just looking at him now, he's like... he's like... hindi naman ako assuming but....

Is he jealous?

✴✴✴

To be continue...

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 72.7K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...
278K 5.3K 80
"Blue rose embodies the desire for the unattainable." Reina grew up with a simple life. Simple lang din naman ang hiling niya, ang magkaroon ng perm...
800K 24.1K 21
(Painful Series #1) Do you know what is the worst feeling in this world? It is being unwanted by everyone. No one is caring.. No one is loving... You...
955 166 66
Fiona Madeline Munoz is a cheerful, happy-go-lucky girl who had been crushed to her classmate for almost years who named Solomon Kyle Hayes. Kyle has...