✔She Writes

By luxylightbringer

75K 3K 877

Altair only dedicates her songs and lyrics to the one she's in love with. It is her way of telling someone ho... More

PROLOGUE
TPM.1
TPM.2
TPM.3
TPM.4
TPM.5
TPM.6
TPM.7
TPM.8
TPM.9
TPM.10
TPM.11
TPM.12
TPM.13
TPM.14
TPM.15
TPM.16
TPM.17
TPM.18
😍
TPM.19
TPM.20
TPM.21
TPM.22
TPM.23
TPM.24
TPM.25
TMP.26
TPM.27
TPM.28
TPM.29
TPM.30
TPM.31
TPM.32
TPM.33
TPM.34
TPM.35
TPM.37
TPM.38
TPM.39
TPM.40
TPM.41
TPM.42
TPM.43
TPM.44
TPM.45
TPM.46
TPM.47
TPM.48
TPM.49
TPM.50
TPM.51
TPM.52
TPM.53
TPM.54
TPM.55
TPM.56
TPM.57
TPM.58
TPM.59
TPM.60
TPM.61
TPM.62
TPM.63
TPM.64
TPM.65
EPILOGUE
Special Chapter
Christmas Special 2019

TPM.36

780 40 5
By luxylightbringer

Tahimik ako buong klase, ang dami parin umiikot sa utak ko, iniiwasan kong mapasulyap kay Caspian. Gusto ko syang tanungin, kung saan sya galing kaninang lunch at kung sino ang kasama nya kahapon pero wala akong lakas ng loob.

Ito ang unang araw na madalang lang kaming mag usap ni Caspian. Very unusual. Nang tumunog ang bell ay mabilis kong inayos ang mga gamit ko sa bag, wala naman akong duty ngayon kaya maaga akong makakauwi.

"Aalis kana agad? Bye Loui.."ani Kate.

"Bye"paalam ko. Napatingin ako kay Caspian na nakatingin din sakin.

"Uwi na ako"wika ko sa kanya. Bigla syang tumayo at hinawakan ang kamay ko.

"Ihahatid na kita"

Habang naglalakad kami sa corridor ay pansin ko ang pagiging bad mood nya. Hindi manlang nya ako tinitignan o kinakausap habang naglalakad kami.

"Uh.. galit ka ba?"tanong ko.

"Mabilis ka bang hinatid ni Jack kahapon? Hindi kayo nagsama ng matagal?" Medyo irita ang boses nya ng sabihin nya yun.

"Hindi naman. Nagusap lang kami ng konti"

"At ano namang pag uusapan nyo? Close ba kayo?"

"Siguro? Nagkita na kami noon sa party ng lola mo. Pinakilala sya sakin ni Lola Kath, at sya rin ang nagtour sakin sa mansion"

Dahil sa sinabi ko ay parang mas lalo syang nainis. Hindi ko alam kung anong nasa isip nya ngayon pero hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa mga reaksyon nya.

Nakarating kami sa kotse nya. Pagpasok namin ay nakabusangot parin sya.

"Ano bang mukha yan? Kanina pa lukot na lukot"

Hindi naman sya sumagot at nagdrive nalang. Hindi na naman nya ako kinakausap kaya ako na ang naunang magsalita.

"Caspian.. pwede ba tayong kumain sa labas ngayon?"tanong ko.

"Why?"

"Wala lang. Normal lang naman yun sa mag girlfriend-boyfriend diba?"ani ko.

Napasulyap sya sakin saglit at tumingin ulit sa daan. Tila parang nag iisip kung papayag ba sya o hindi.

"Well... okay"

"Talaga?!"Napangiti naman ako agad.

"Yeah why not?"

"Eh kasi mukhang galit ka, sinusubukan ko lang naman kung papayag ka o hindi"

"Di ako galit"

"Weh? Di nga? Pakiayos nga ng mukha mo" hinawakan ko ang magkabilang pisngi nya para pakortehin sa pagngiti.

"Stop squishing me. I'm driving Al"masungit nyang saad.

"Ay? Ang sungit sungit ng boyfriend ko oh!"pinisil pisil ko ang pisngi nya ng mabilis nya akong lingunin at halikan sa labi.

Napabitaw ako bigla at lumayo agad sa kanya. Ang puso ko ay nagtatambol na naman sa loob ko. Narinig ko ang mahinang pagtawa nya.

"Kiss lang pala ang katapat mo eh"aniya habang nakangisi.

"Che, magdrive ka na nga. Magnanakaw ng halik" nagkunwari akong masungit kahit sa loob loob ko ay kinikiliti na ako ng mga paru-paro ko sa tyan.

Ngunit naantala ang biyahe namin ng nagring ang phone ni Caspian. Tumigil sya at sandaling lumabas para sagutin ang tawag.

Sino naman kaya ang katawagan nun at kailangan nasa labas pa sya? Bawal ko bang marinig?

Maya maya pa ay sumakay na ulit sya at nagdrive pero this time ay ang daan na pauwi sa bahay ko ang dinadaanan namin.

"Akala ko ba kakain tayo?"

"I have something to do pa pala, I forgot na nakapangako pala ako kay...."

"Kanino?"

Napatigil sya bigla.

"Basta. Next time nalang tayo kumain hmm?" Ngumiti sya ng maliit sakin.

"Sino munang kasama mo?"

"An old friend. Hindi mo kilala"tipid nyang sagot.

"Okay.." hindi ko pinahalata ang disappointment ko pero mukhang hindi ako magaling sa ganung bagay.

Hinawakan nya ang chin ko at inangat ang mukha ko.

"Aba.. marunong ka ng magtampo-tampo ah"nakangiti nyang saad.

"Tch! Bilisan mo na, baka naghihintay na yung taong kausap mo kanina"inalis ko ang kamay nya at tumingin nalang sa bintana.

"Hey... next time. Promise magdidinner tayo hmm?" Sinundot sundot nya ang pisngi ko, tumungo tungo nalang ako sa kanya.

Huminto ang kotse sa harap ng bahay, bumaba na ako at tinignan sya mula sa labas ng kotse.

"Bye, ingat ka"paalam ko.

"Bye"he smiled a little tsaka pinaandar ang sasakyan nya.

Pumasok na ako sa bahay at sinalubong ni Lucky habang winawagayway pa ang buntot nya. Napangiti ako pero hindi ko alam kung bakit napakalungkot ng ngiti ko.

"Hi.. gutom kana ba?"

"Arf!arf!"

Nilutuan ko ng cornbeef si Lucky, kaso konti lang ang kinain nya.

"Nagsasawa kana ba sa cornbeef?"tanong ko.

Hindi sya sumagot at tinignan lang ako. Bumuntong hininga ako at nagpalit ng damit, mukhang kailangan ko ng bumili talaga ng dogfood.

Isang simpleng black shirt at pantalon ang suot ko. Sinuot ko rin yung necklace ko na may star na pendant, ito yung regalo sakin nina tito Rein at Tita Ruan noon.

Sumakay ako ng jeep papunta sa pinakamalapit na mall. Unang pinuntahan ko ang hypermarket, at laking pasasalamat ko naman dahil mayroon silang tindang sako ng dogfood. Bumili ako ng isang maliit na sako, mabigat lang ng konti so kaya ko naman buhatin gamit ang isang braso ko.

Napadaan ako sa ilang boutique, maraming magagandang damit, hindi ko tuloy naiwasang mapatingin at bumili narin. Hindi na kasi ako nakakapagshopping, kadalasan si Mamita ang bumibili ng mga damit ko, ayoko pa naman na sya ang pumipili ng damit ko dahil ang mamahal ng presyo.

Pagkatapos ng ilang boutique ay napadaan ako sa arcade area, naalala ko yung date namin ni Caspian last last week. It was really fun with him, palagi akong natatalo sa kanya.

Hindi ko namalayan na gabi na pala dahil sa pamimili ng damit. Lumabas na ako sa mall at naglakad papunta sa sakayan, ngunit napatigil ako sa tapat ng isang resto ng makita si Caspian kasama si Sierra sa iisang table

Akala ko ay namamalik-mata lang ako pero ilang minuto na akong nakatingin sa kanila ay hindi parin mabago ang pagkakatingin ko sa kanila. It was really them, Caspian and Sierra.

Although may suot na nerdy glasses si Caspian ay nakilala ko parin sya. His brownish hair, his pointed nose and his well-fined pink lips. Iba ang porma nya ngayon, nakashirt syang white at polo sa labas na nakabukas ang lahat ng butones.

They're eating and talking to each other. Pareho silang nakangiti sa isa't isa at base sa mga tinginan nila at mukha silang inlove na inlove.

W..why? Why they are together?

Ilang kirot sa dibdib ang naramdaman ko pero hindi parin ako umalis doon, nagtago ako sa gilid at pinanood silang dalawa.

So it is her? Sya ang kausap ni Caspian kanina? Sya yung taong pinangakuan nya? What's happening? Nagkabalikan na ba sila? Habang kami pa? Is he... cheating on me?

Napakaraming tanong sa utak ko pero ni isa wala akong mahanap na sagot, at kung meron ma ay hindi matanggap ng utak ko.

Marami silang pinag uusapan na sa tingin ko ay nakakatuwa para sa kanila, walang oras na hindi sila nakangiti sa isa't isa. May pagkakataon pang naghahawak sila ng kamay ng isa't isa. I can also see Caspian's eyes brightening as he look at her, and that makes a hard pinch on my heart.

Halos isang oras din akong nakatayo roon hanggang sa lumabas na sila ng resto. Sinundan ko sila ng palihim, siniguro kong malayo ang distansya ko at tinatago ko ang mukha ko gamit shopping bag. Magkahawak sila ng kamay, magkahawak sila habang naglalakad.

Papunta sila sa parking lot pero bago sila pumasok sa kotse ay hinila ni Sierra ang damit ni Caspian. Nanlaki ang mata ko ng mabilis nyang halikan si Caspian, bakas din sa mukha ng boyfriend ko ang pagkagulat.

What the hell is that? She kissed him?

Yumukom ang palad ko, gusto kong magpakita pero may pumipigil sakin. Kaya tumalikod nalang ako dahil sa hindi ko na nakayanan ang mga nakita ko.

Hinarangan ko agad ang isang taxi at sumakay. Naramdaman ko nalang na nababasa na ang pisngi ko.

Bakit magkasama sila? At bakit hindi manlang sinasabi sakin ni Caspian? O baka nagkakamali lang ako ng akala?

"Manong magkano po papunta sa Drakewell village?"tanong ko.

"Do you really think I'm a taxi driver? At may taxi ba na mercedez?" Nagulat ako ng makita ang isang lalaking halos kasing edad ko lang.

Napapunas ako sa mukha ko at kumunot ang noo.

"Eh bakit tumigil ka ng magpara ako?"

"Excuse me? Hinarangan mo ang kotse ko at bigla kang pumasok"

"Eh bakit ka umandar?! Hindi mo ko pinababa?!"

"Do you want me to cause a traffic? And If I drop you here baka masagasaan ka pa, ako pa managot sayo!"

Hindi na ako nakasagot. Bumalik na naman sa utak ko lahat ng nakita ko kanina. I still can't believe it, sana ay namamalik mata lang ako kanina pero sinasampal ako ng katotohanan.

"Hey.. bakit ka nga pala umiiyak?"biglang tanong nya.

"Pake mo? Kilala ba kita?"masungit kong saad.

"Wow... ikaw na nga ang nakisakay sakin. Ikaw pa ang masungit"punong puno ng sarcasm ang pahayag nya, naguilty tuloy ako.

"Ayokong.... ayoko ng alalahanin pa, kaya please sana wag mo ng itanong"malungkot kong saad.

"Brokenhearted? Break up?" Kitang kita ko ang ngisi nya sa salamin.

"Ano ba? Sabi ko wag mo ng itanong diba?"lalo akong nainis sa kanya.

"Alright. Alright. What's your name by the way?"

"At bakit ko sasabihin sayo?"

"Talaga bang masungit ka ha? At hindi pa ba sapat na nakasakay ka ngayon sa auto ko para sabihin ang name mo? Mamaya masamang tao ka pala, I just wanna make sure"

"Ako masamang tao? Sa itsura kong 'to? Seryoso ka ba?"

"Why not? Most of the devils disguise as an angel"

"Whatever you say" napahalukipkip nalang ako at inirapan sya.

"I'm Jared. Jared Wilson. Ayan ako na ang nagpakilala, can you tell your name now?"

"Loui"tipid kong saad ng hindi manlang sya tinitignan.

"Loui...? Loui what?"

"Olivar, Loui Olivar"ani ko.

Naaninag ko ang pagkurba ng labi nya sa salamin. Kumunot ang noo ko sa kanya.

"Mukha kang manyak sa ngiti mong yan. Pwede bang tigilan mo yan"

"Hoy hindi ako manyak. Medyo bastos lang" kinindatan nya ako bigla.

Napasiksik ako sa gilidbat kinilabutan.

"I..ibaba mo na nga ako!"

Bigla syang natawa at umiling iling.

"You're quite funny huh? I'm just kidding, I know you're pretty pero may fiance na ako okay?"

"Psh, whatever you say"

"Malapit na tayo sa village, pakituro nalang yung bahay mo"

Luckily ay nakauwi naman ako ng matiwasay, inihatid ako ni Jared sa tapat ng bahay ko ng walang bayad. Mabuti nalang talaga at hindi ako napahamak sa isang 'to.

"Well.. it's a goodbye then. I hope hindi kana sumasakay bigla sa mga kotse ng iba hmm??"

Nahiya ako sa sinabi nya, at the same time ay thankful din dahil mukha naman syang mabait at hindi minasama ang ginawa ko.

"Sorry naabala kita. Tsaka... thank you... Jared"

"Nah. Don't mention it. Sige na, bye Loui"

Ngumiti nalang ako sa kanya. Pinaandar na nya ang kotse. Pumasok ako sa loob ng bahay pero tulog na si Lucky. Kahit tulog na sya ay nilagyan ko agad ng dogfood ang kainan nya, para in case na magising sya ay may makakain agad sya.

Napaupo ako sa sofa, sobrang bigat ng dibdib ko. Tinignan ko ang ceiling at huminga ng napakalalim.

I know I shouldn't believe yet what I saw. Hindi pa naman ako sure diba? Malay mo.... baka may dahilan si Caspian.

"Hays..." napahawak ako sa necklace ko pero ng kapain ko ito ay wala na sa leeg ko.

"Hala! Asan na yun?!"

Wtf. Naiwala ko na yun noon tapos pati ngayon nawala ulit? Argh!

✴✴✴

To be continue...

Continue Reading

You'll Also Like

20.4K 827 44
Cleomiya Chardeline Riddle is a fourth-year college student. She's a normal student at Kliven University, one of the biggest and well-known universit...
40.4K 1.5K 46
Lish Anya Guia or Lian, grow up spoon feed of love from her parents and sister. At a young age, she doesn't feel unwanted and unlove. Everybody likes...
3.5K 1.2K 30
Chase. It's not an order, it's a name. A name of a girl who's completely lost. There's something missing in her. She doesn't know that yet. Will she...
1M 41.4K 100
crush back series #1 ❝crush kita. what if jowain mo ko, ha?❞