✔She Writes

By luxylightbringer

75K 3K 877

Altair only dedicates her songs and lyrics to the one she's in love with. It is her way of telling someone ho... More

PROLOGUE
TPM.1
TPM.2
TPM.3
TPM.4
TPM.5
TPM.6
TPM.7
TPM.8
TPM.9
TPM.10
TPM.11
TPM.12
TPM.13
TPM.14
TPM.15
TPM.16
TPM.17
TPM.18
😍
TPM.20
TPM.21
TPM.22
TPM.23
TPM.24
TPM.25
TMP.26
TPM.27
TPM.28
TPM.29
TPM.30
TPM.31
TPM.32
TPM.33
TPM.34
TPM.35
TPM.36
TPM.37
TPM.38
TPM.39
TPM.40
TPM.41
TPM.42
TPM.43
TPM.44
TPM.45
TPM.46
TPM.47
TPM.48
TPM.49
TPM.50
TPM.51
TPM.52
TPM.53
TPM.54
TPM.55
TPM.56
TPM.57
TPM.58
TPM.59
TPM.60
TPM.61
TPM.62
TPM.63
TPM.64
TPM.65
EPILOGUE
Special Chapter
Christmas Special 2019

TPM.19

1K 39 15
By luxylightbringer

HINDI KO AKALAIN na ganito kasaya ang pamilya ni Zach. Mababait ang magulang nya, at magkakasundo silang lahat. Magulo man minsan dahil sobrang makukulit ng kambal, masasabi kong isang dream happy family ang Anderson Family. Nakakainggit.

Nasa hapag kaming lahat. Buong Anderson Family ay nakalinya sa isang mahabang mesa. Nasa pinakadulo si Tito Rein kandong ang bunso nilang si Keila. Nasa gilid nya si Tita Ruan, sina Lane at Luke, at Yohan. Sa kabilang gilid naman ay si Caspian, ako naman ang sumunod tapos ang kapatid nyang si Jairo.

Kahit marami na kami ay hindi parin namin napuno ang mesa. Sobrang laki kasi! As in parang pinaghandaan na ng pamilya nila na bumili ng malaking mesa para sa isang malaking pamilya.

Napakaraming pagkain, iba't ibang putahe ang nakahain at may mga desserts pa. Sadyang napakalaki nga ng pamilya ni Caspian pero hindi yun problema dahil mayaman sila.

"Have some more Altair, kumain ka ng madami" alok sakin ni tita Ruan.

"Opo tita"

Omg. Super bait nya! Hindi ko akalaing ganito ka approachable ang mommy at daddy ni Caspian. Palagi silang nakangiti sakin, at sa paraan nila ng pagtingin ay talagang mararamdaman mo na welcome ka.

"Try the caldereta Altair, that's my baby's specialty. I'm sure you will like it" ani naman ni Tito Rein.

"Sige po"

Sa totoo lang, kanina pa ako kinikikig sa kanya! Literal! Kasi ang gwapo gwapo eh! At ang sweet sweet pa nila ni tita Ruan! Tapos baby parin ang tawagan nila kahit ang dami na nilang babies. Err..kainggit!

Nagulat ako ng may naglagay ng pagkain sa plato ko. Si Caspian, at nakataas pa ang kilay nya sakin.

"Sabi ni Mom kumain, sabi ni Dad i-try mo yung caldereta. Anong ginagawa mo? Tumutunganga habang nakangiti"pabulong nyang saad sakin.

"Eh kasi kinikilig ako sa parents mo hihi!"nakangiti parin ako habang bumubulong sa kanya.

Napatingin naman sya sa magulang nya. Pinupunasan ni Tita Ruan yung gilid ng labi ni Tito Rein kasi hawak hawak nya yung bunso nilang si Keila. Tapos biglang hinuli ni Tito yung kamay nya at pinag intertwined pa!

"You also want holding hands while eating?" Ngumisi si Caspian sakin kaya inirapan ko sya at kumain ulit.

Napatigil ako ng maramdaman ko sa ilalim ng mesa ang kamay nya na tumiklop sa mga palad ko. Aalisin ko sana ngunit humigpit pa ito lalo. Tinignan ko si Caspian pero nagpatay malisya lang sya at patuloy parin sa pagkain.

"So Zach said that he'll going to compose a song with your lyrics? Does it means na member ka narin ng banda nila Altair?" Tanong sakin ni Tito.

"Po? Uhh..."

"Yes Dad, she is. She's our lyricist from now on"si Caspian na ang sumagot.

Napatingin ako kay Caspian. Teka? Napag usapan na namin 'to diba? Hindi ako sasali sa kanila, ibibigay ko lang yung mga gawa ko noon. At akala ko ba may practice sila nina Kurt ngayon?

"Well that's good. You can work together, and mas magiging in-touch kayo dahil connected lang ang hobbies nyo. Hilig din kasi ni Zach na gumawa ng tono ng kanta"nakangiting saad ni Tita Ruan.

"I can sing too!" Sabat ni Lane habang nakataas pa ang isang kamay.

"And me too!"itinaas din

"No one's interested"banat ni Jairo sa kambal.

Sumama naman ang tingin ng dalawa at biglang kinuha yung apple na nasa gilid para ihagis.

"Lane, Luke"maawtoridad ang boses ni Tito Rein ng suwayin nya ang dalawa.

Serious ang mukha nya pero shet, ang gwapo talaga! Takte!

"Sorry Dad" Sabay naman nilang binaba ang mansanas habang nakanguso.

"And stop teasing them Jairo"pahabol na saad ni Tito.

Napanguso tuloy si Jairo na nasa tabi ko at kumain ulit.

"Stop with the pouting honey" kinurot ni tita ang chin ni Jairo kaya napangiti agad ito.

"Mom! Pinch my chin also!"
"Me too mom!"

Natawa si Tita sa kanila at pinanggigilan ang chin at pisngi ng kambal. Humagikgik naman ang dalawa at tuwang tuwa sa kanilang mommy.

"Me too Mimi" nakapout ang isang cute na batang nasa kandungan ni Tito Rein.

Pare-pareho kaming napa 'aww' kay Keila. Behave lang kasi sya at super cute pa. Super mabait na bata.

"Aww.. of course you too baby" hinalikan ni Tita si Keila sa lips. At sabay nun ang pag nguso din ni Tito.

"Baby ako din.."malambing ang boses ni tito at hindi ko talaga maiwasang kiligin!

"Mamaya kana baby" umirap si tita at sinubuan si Keila ng pagkain. Ngumisi naman si tito at parang sabik sa 'mamaya'

Napakagat ako ng labi dahil sa lambingan nilang dalawa. Wahh! Sila na ang PDA na hindi awkward sa harap ng mga anak nila!

"Mom, stop spoiling dad"saad ni Caspian.

"And stop with that 'mamaya'. Keila is still young. Wait for another year dad" saad naman ni Yohan at tumawa.

"Hey you two!" Nainis naman si Tito pero tinawanan lang sya nina Caspian at Yohan.

Si tito naman ay naaasar pero natutuwa din. Wow.. hindi ko akalain nabibiro nila ng ganito ang tatay nila. At hindi ko rin akalain na ganito kagaan ng atmosphere sa pagitan nila, kadalasan kasi ilag ang mga anak sa tatay nila but in this scene right now? Parang tropa lang ang turingan nila.

"We're not yet complete okay? So expect for more little Ruan and Rein"loko lokong saad ni tito.

"Tarantado" bulong ni tita at binatukan si Tito.

"Baby, you're a sadist as ever" Nakangusong saad ni Tito.

"Triplets na kasi agad mom,dad. Para saktong ten na kami diba?"nakangisi si Yohan.

Aba ang isang 'to ay maraming nalalaman huh?

"Manahimik ka dyan Yohan, ikaw ang manganak kung gusto mo"sagot ni tita Ruan.

"Ako gusto ko!"sambit ni Luke.
"Ako din!"si Lane.

Natawa kaming lahat dahil sa kanila.
Hindi ko lubos maisip na ang ganitong pamilya ay nag e-exist, o sadyang hindi ko lang kasi danas ang ganitong pamilya, patay na kasi ang mama ko, samantalang ang papa ko ay busy sa work. Kaya nakakainggit. Sobra.

"Mom is pregnant. Magiging eleven tayo pag triplets"saad ni Caspian.

"Mom is pregnant?!" Parehong nagulat sina Yohan at Jairo.

So hindi pa pala alam ng nga kapatid nya? Sina Kurt nga alam na agad eh. Wow nangunguna pa sa balita.

"Wieee! New baby!" Ang kambal naman ay nagpalakpakan kasama na si Keila.

"How dare you Zach. Inunahan mo pa akong magsabi?" Taas kilay na sabi ni Tito.

"Sorry Dad"

"Kailan pa Mom?"tanong ni Yohan.

"One month palang sweetheart"

"Kaya wag kayong makulit. Baka mastress ang mommy nyo. Kambal behave palagi"paalala ni tito Rein.

"Yes daddy!!"
"We have a new baby!!"

"We should celebrate it mom, dad"

"Tsaka na pag medyo malaki na ang bump ko"nakangiting sabi ni tita.

"I hope it's a triplets"saad ni Jairo.

"No way Jairo"sagot ni tita. Tinawanan nalang sya ng anak nya.

Gusto nya yatang mahirapan ang mommy nya. Triplets? Seryoso? Ang bigat nun haha.

"Congrats po sa bagong baby nyo tita"bati ko.

"Thank you iha"ngumiti si tita.

Ginantihan ko naman sya ng ngiti.

"Oo nga pala kuya Zach, Ate Altair is a little bit familiar. Diba sya yung nasa scrap-"

Hindi naituloy ni Jairo ang sasabihin nya ng takpan ni Caspian ang bibig nya gamit ang isa pa nyang kamay-nakahawak parin kasi sya sa kamay ko!

"Yes that's her. His childhood girl" Yohan answered.

"Ang daldal talaga" sinamaan sya ng tingin ni Caspian.

"Huh?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Yohan. Ano daw?! Childhood girl?!nagkaboyfriend ba ako dati?!

"And they're still together? Wow.. what a strong relationship"ani ni Jairo habang nakasilip sa magkahawak naming kamay.

Napabitaw ako kay Caspian dahil nakasilip din sina Yohan, si Keila pati ang kambal sa kamay namin.

Parehong natawa sina Tito at Tita dahil sa reaksyon ko. Ako naman ay litong lito sa kanila. Ewan ko parang silang lahat ay kilala na ako pero ako wala manlang alam! Feeling betrayed!

"She seems like she doesn't remember you at all kuya" Yohan chukled.

Napatingin ako kay Caspian. Nalilito ako. Magkakilala kami noon pa? Pero paano? wala akong natatandaan!

"She's still young that time. At hindi nya talaga yun maaalala"saad naman ni Tita Ruan.

"A..ang alin po? Kilala nyo na po ako?"

Seryoso ba 'to? Wala akong ka alam alam na kilala na pala nila ako noon pa!

"You used to lived here before. One year old and a half palang kayo ni Caspian noon. Kami ang nag alaga sayo pero isang taon ka lang nag stay dito sa bahay"paliwanag ni tito.

"T..talaga po?"

"Mukhang hindi sayo nakwento ni Arnold amg tungkol dun"ani ni Tita.

"Kilala nyo din po ang papa ko?" Halos hindi na maalis ang tingin ko kina tito at tita.

Mas lalo akong nagkainteres sa mga sasabihin nila. Hindi ko akalain na may koneksyon na pala kami noon pa. Omg, kaya ba ang weird ni Caspian nung nakaraan? At sinasabi nya na katulad parin ako ng dati? Pero one year old palang kami nun ah? Natatandaan nya ba yung memories namin kahit one year old palang kami?

"Yes and he's friends with us actually"sagot ni tito.

"Kung ganon... kilala nyo din po ba ang mama ko?"

Ngumiti naman si tito sakin. Tumingin sya sa kanyang asawa na si Tita Ruan na nakangiti din sa kanya.

"Of course. Tania... is part of our unforgettable past Altair"ani ni tito Rein.

✴✴✴

To be continue...

Continue Reading

You'll Also Like

2.8M 54K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
1M 41.4K 100
crush back series #1 ❝crush kita. what if jowain mo ko, ha?❞
145K 6.7K 43
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...
3.5K 1.2K 30
Chase. It's not an order, it's a name. A name of a girl who's completely lost. There's something missing in her. She doesn't know that yet. Will she...