✔She Writes

By luxylightbringer

75K 3K 877

Altair only dedicates her songs and lyrics to the one she's in love with. It is her way of telling someone ho... More

PROLOGUE
TPM.1
TPM.3
TPM.4
TPM.5
TPM.6
TPM.7
TPM.8
TPM.9
TPM.10
TPM.11
TPM.12
TPM.13
TPM.14
TPM.15
TPM.16
TPM.17
TPM.18
😍
TPM.19
TPM.20
TPM.21
TPM.22
TPM.23
TPM.24
TPM.25
TMP.26
TPM.27
TPM.28
TPM.29
TPM.30
TPM.31
TPM.32
TPM.33
TPM.34
TPM.35
TPM.36
TPM.37
TPM.38
TPM.39
TPM.40
TPM.41
TPM.42
TPM.43
TPM.44
TPM.45
TPM.46
TPM.47
TPM.48
TPM.49
TPM.50
TPM.51
TPM.52
TPM.53
TPM.54
TPM.55
TPM.56
TPM.57
TPM.58
TPM.59
TPM.60
TPM.61
TPM.62
TPM.63
TPM.64
TPM.65
EPILOGUE
Special Chapter
Christmas Special 2019

TPM.2

1.2K 39 1
By luxylightbringer

"Hey Fangirl?"

Tinaasan nya ako ng kilay na tila ba nangaasar sakin, naramdaman ko ang unti unting pamumula ng mukha ko.

"F..Fangirl?!"

Anong klaseng nickname yun?! Ang kapal ng mukha nyang sabihan ako ng fangirl!

"Ayaw mo ng Fangirl? Gusto mo ng Confession Girl?"he grinned.

"I..ikaw!—"

"Confession girl?"napatanong sila.

The guy smirked at them.

"She confessed that she loves me yesterd—mmm!!"tinakpan ko ang bibig nya, nahirapan pa ako dahil ang tangkad nya.

Mabuti at nagawa ko syang payukuin para lang patahimikin ang madaldal nyang bunganga.

"Uhh.. s..sandali lang ah? Kakausapin ko lang 'tong assumero nyong kaibigan hehe"nahihiya kong sabi at hinila sya sa gilid ng building.

"Do you really love me that you need to drag me here? Para ba masolo mo ko huh?"taas kilay nyang saad pero may ngisi parin sa labi nya.

"Ang kapal mo naman! Ano bang mga sinasabi mo kanina?!"inis kong untag sa kanya.

"What? I am just telling the truth? You really did confessed to me yesterday right?" He grinned.

"Oo na! Pero nagkamali lang ako kahapon okay? Kaya wag kang mag assume na gusto kita no!"hindi parin mawala ang inis ko sa kanya.

Napaka assumero naman kasi ng lalaking 'to! Porket gwapo sya? At excuse me, si Monchi lang ang nilalaman ng puso ko! Wala ng iba pa!

He just chuckled and shake his head.

"Fine.Fine.Whatever, you're not my type though. Babaeng hindi na tumangkad"

Nag usok ang magkabilang tenga ko sa sinabi nya at sinipa sya sa binti.

"Ouch! What the hell?!" Napatalon sya habang hawak ang isang binti nya.

Aba nakakainis ang pang lalait nya ah! Oo alam kong maliit ako! Hanggang balikat nya lang ako pero hindi ibig sabihin nun na mamaliitin nya na ako!

"Bagay yan sayo! Mayabang!" Nag walk out ako sa kanya at dumeretso sa room.

Hindi ko na binalikan si Kate dahil mukhang kaya naman nya ang sarili nya.

That guy! Nakakainis talaga ang mga ngisi at kayabangan nya! Grr!

Dinala nalang ako ng mga paa ko sa Music building. Hindi ito ang unang beses na pagpunta ko rito, kahapon ay nakapasok din ako dito at naswertehan na makita si Monchi.

Pero matapos yung kahihiyan ko kahapon ay hindi ko na ulit sya makita. Sana naman ngayon ay suwertehin ulit ako.

Habang naglalakad sa hallway ay may bumukas na pinto at lumabas ang isang babae.

Matangkad sya, morena, may mahaba,makintab at straight na itim syang buhok. Model type ang katawan nya at sobrang artistahin ng mukha. Aaminin kong sobrang nagandahan ako sa kanya, hindi ko tuloy maiwasang maikumpara ang sarili ko sa kanya.

Napansin nya ako at medyo napakunot sya ng noo.

"You're not familiar.."takang tanong nya.

Medyo maarte sya magsalita pero yung pagkamaarte nya ay bumagay sa maganda nyang mukha.

"N..napadaan lang ako actually. Naghahanap kasi ako ng cr?"pagsisinungaling ko.

Napataas sya ng kilay sakin.

"Uhh.. transferee kasi ako kaya hindi ko alam"dahilan ko.

"May comfort room dyan sa left side. You can use that"saad nya at nilagpasan agad ako.

Sinundan ko sya ng tingin, medyo suplada ang dating nya sakin pero bakit bumabagay ang lahat yun sa kanya? Err..de bale na.

Sinunod ko naman sya at dumeretso pero napatigil ako sa kwarto kung saan galing yung babae kanina nang makita ko si Monchi sa loob mula sa bintana.

May kasama pa syang dalawang lalaki na kausap nya ngayon. Nagtatawanan sila habang sinisiko pa sya ng dalawa na para bang nanunukso.

Lumakas bigla ang tibok ng puso ko, dalawang taon narin ang nakalipas nang huli kaming nagkita. Hindi ko maipagkakaila na malaki ang pinagbago ng itsura nya, mas naging manly sya at lalo pang gumwapo.

Napakagat ako ng labi ng maalala ang mga nakaraan namin. Si Damon Residencia.. ang taong minamahal ko mula pa noong highschool. Sa wakas nakita ko narin sya ulit.

Inayos kong mabuti ang buhok ko at pinunasan ang mukha ko kung sakaling may dumi.

Ano kayang magiging reaksyon nya pag nakita ako?

Tinaas ko ang kamay ko para sana kumatok ng may sumita sakin.

"Hoy miss.. bakit ka nandito? Club member ka ba?"tanong ni Manong guard na may hawak pang baton.

"Club member?"

"Hindi ka club member? Hindi ka pwedeng pumasok dito. Alis na"

"Pero—"

"Sabing alis na, baka mapagalitan pa ako!"

Wala akong nagawa kundi ang umalis dahil sa manong guard na yun.

Argh! Pagkakataon ko na yun eh! Kailangan makapasok ako ulit dun!

Pumasok ako sa room ng nakasimangot. Nakakainis talaga! Ang tagal kong hindi nakita si Monchi! Gusto ko na syang makausap!

"Loui? Saan ka galing? At bakit hinila mo si Zach huh? Kayo ah.. may namamagitan sa inyo no?"

"Sinong Zach?"

"Si Zach? Yung hinila mong lalaki kanina. Pagkaalis nyo hindi na kayo bumalik, saan kayo galing huh? Huh"
siniko siko nya ako at tinaas taas pa ang kilay nya para mang asar.

"Pwede bang tigilan mo ang mukhang yan? Wala akong gusto sa mayabang na unggoy na yun no"napairap ako.

"Wushu! Sinabi nya kaya na umamin ka sa kanya kahapon—"

"That was just a mistake FYI. Akala ko sya yung taong gusto ko, nakatalikod kasi sya kaya mali yung nahila kong damit!"paliwanag ko.

"Haha! Seriously?"natawa sya sakin.

"Oo kaya wag mong isiping may gusto ako sa lalaking yun dahil may iba na akong gusto"napangiwi ako sa kanya.

"Okay sige. Akalain mo yun? May babae pa palang hindi nahuhumaling sa isang Caspian Zachary Anderson? Haha!"

Caspian huh?

Napangiti ako bigla hindi dahil sa sinabi nya, kundi dahil sa pangalan ng mayabang na unggoy na yun. Ewan ko ba, I just find it so cute.

"Nasaan nga pala yung Lovesickers?"napansin ko kasi na wala sila dito, ilang minuto nalang at simula na ang susunod naming klase.

"May meeting sila about sa intraschool performance. Alam mo na? Lahat ng banda dapat nandun dahil nalalapit na naman ang end of the month"sabi ni Kate at nagsimulang kumain ng cookies galing sa bag nya.

Binigyan nya rin ako at kumain din.

"Medyo pressure ngayon. Balita ko kasi... kung sino ang mag top ngayong month, magiging representative sa battle of the bands sa Canada. That's so great opportunity at lahat ng banda ay umaasa na makuha ang rank one next month"

"Wow.. napaka supportive ng school na 'to pagdating sa music"komento ko.

"Yup. At karamihan sa mga studyante na galing dito, sikat na! Madalas kasing kumuha ng artist ang nga talent manager dito. No wonder kung maraming pumapasok dito"

Ngayon alam ko na kung bakit dito pumasok si Monchi. Noon pa man, pangarap na nyang maging isang sikat na rockstar. Tumutugtog sya palagi noon sa harap ko habang kumakanta, kunwari ay ako ang audience nya.

Matagal na kaming magkaibigan noon, sa kanya ako natutong mag gitara. Napakaganda rin ng boses nya at dahil doon ay lalo akong nainlove sa kanya. Pero ng matapos ang junior highschool ay lumipat sila sa ng bahay dito sa Manila kaya hindi na kami muling nagkita pa.

"Kate?" Napalingon sa akin si Kate habang ngumunguya ng cookies.

"Yes?"

"Paano magkaroon ng access sa music building?"tanong ko.

"Sa music building? Hmm.. ayon sa school rules, kailangan isa kang music club member, pwede ka sa glee club, orchestra club, band club, or opera club. Basta pumunta ka lang sa Student club management office. Bakit? Balak mo bang sumali sa club?"tanong nya.

"Uhm..." napaisip naman ako bigla.

Sa totoo lang, ayoko ng responsibilidad sa mga club dahil may part time job na ako next week.

Pero isa yun sa opportunity para magkita kami ni Monchi. Kaso ayoko naman sumali sa nga club na masyado akong mae-expose. Ni hindi nga ako kumakanta sa harap ng maraming tao. Tanging kay Monchi lang.

"Siguro...pag iisipan ko muna. Ang totoo nyan gusto kong pumasok doon dahil sa isang personal na dahilan. Masyadong malaki ang school at doon ko lang madalas makita sa music building ang taong palaging hinahanap ko"sagot ko.

"Yiiee.. yan ba yung sinasabi mong bebe mo? Anong pangalan hmm? Hmm?" Siniko siko ako ni Kate. Ang hilig nya talaga maniko.

Napangiti naman ako bigla. Oo sya ang bebe ko haha!

"Si Monchi. Kababata ko sya"sagot ko.

"Ayiie!sabi ko na nga ba! Hmm.. kung ganon part pala sya ng music club, masyado kasi malaki ang music club tapos may branch clubs pa sya kaya mahihirapan ka ngang mag hanap sa kanya"napahawak sya sa chin nya at bigla nalang ngumiti ng tumingin sakin.

"Alam ko na! Sumali ka sa Lovesickers!"untag nya.

"Eh?"

"Bakit ayaw mo ba? Kung interesado ka sa music club malamang may kahit anong talent ka sa music no"

"Hindi ako sasali sa Lovesickers okay? Hindi ako interesado"nababagot kong sagot.

Ngumuso naman sya at humalukipkip habang kumakain ng cookies.

"Psh. Ang ganda kaya ng suggestion ko alam mo yun?"

"Hindi ako sasali sa banda. At anong gagawin ko dun? Tsaka hindi naman sila nangangailangan ng bagong miyembro. Psh"

"Fine.fine. Bahala ka, nag s-suggest lang naman ako no"

Nang magdismissal ay hinila agad ako ni Kate palabas. May practice performance kasi ang Lovesickers ngayon sa gym. Ayoko nga sanang pumunta pero hindi na ako nakatanggi dahil kay Kate.

"S..sandali Kate!" Napatigil ako ng maalalang naiwan ko pala yung phone ko sa ilalim ng desk.

"Bakit?"

"Yung phone ko pala nasa room pa! Mauna kana!"

"Eh? Haist. Sige dalian mo ah!"

Tumakbo ako pabalik sa room. Wala ng tao pero nakabukas pa ang pinto. Dumeretso ako sa upuan ko at yumuko para kunin ang phone ko.

Patayo palang sana ako ng marinig ko ang biglaang pagsara ng pinto.

"Mmm.. mm.. Zach.. hmm.." nanlaki ang mata ko ng makita si Caspian na na nakikipaghalikan sa isang babae.

Nakasandal yung babae at nakayakap sa leeg nya habang malalim silang naghahalikan. Hinawakan si Caspian ang isang legs ng babae at pinatong sa gilid ng bewang nya para mas madama nito ang ibaba nya.

Napatakip ako ng bibig para iwasan ang paggawa ko ng ingay. Walanghiyang lalaking 'to, dito pa talaga nila ginawa yan? Pwede namang pagkaalis ko nalang diba?!

"Zach.. Zach..uhh.." bumaba ang halik ni Caspian sa mga leeg nya kaya nakita ko na ang mukha ng babaeng sarap na sarap sa bawat pagdampi ng labi ni Caspian sa kanya.

Sya yung babaeng nakasalubong ko kanina sa music room! OMG. Sila ba ng mayabang na unggoy na 'to?

Biglang humiwalay si Caspian sa babae at inipit ang buhok nito sa tenga nya.

"Mauna kana sa gym. I'll just get something here"saad nya.

"Okay. 15 minutes nalang bago magsimula yung performance nyo. Hurry up"

"Yeah I will" the smack quickly, bago umalis yung babae kaya nakahinga naman ako ng maluwag.

Phew. Akala ko matatagalan pa yung pagtutukaan nilang dalawa.

"Don't hide yourself"biglang nagsalita si Caspian na ikinagulat ko.

Bakit ba ayaw pang umalis ng unggoy na 'to? Ayokong magtago dito ng matagal no! Nakakangalay!

Kinabahan ako ng magsimula syang maglakad papalapit sakin. Pumikit ako at itinago pa ang mukha ko sa ilalim ng desk. Patay na! Argh!

"Psh. It is you again" napadilat ako at napatingala kay Caspian na nasa harap ko.

"Uhh...H..Hi? Ikaw pala hehe.. "kinakabahan kong sabi.

Napataas sya kilay sakin at medyo napairap.

"Did you enjoy our live show? Hmm?"

✴✴✴
To be continue...

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 72.7K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...
393K 25.9K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
800K 24.1K 21
(Painful Series #1) Do you know what is the worst feeling in this world? It is being unwanted by everyone. No one is caring.. No one is loving... You...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.