Endless Love (COMPLETED)

By Blythe_Baby

38.2K 545 8

This is a work of fiction. A Fan Fiction of Ricci Rivero and everything on this story are solely based on my... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Epilogue
Author's Note:

Chapter 47

506 8 0
By Blythe_Baby

*Akisha Jade POV*

"I'm sorry." Seryosong sabi niya habang nakayakap sakin.

Pagkatapos niya akong buhatin kanina dinala niya ako sa kotse niya at nandito nga kami sa condo niya ngayon. Buong byahe namin hindi kami nag uusap, kahit simpleng pagsulyap sa kanya hindi ko din magawa. Hindi din niya ako kinakausap buong byahe hanggang nakapasok na kami sa condo niya hindi niya pa din ako kinakausap.

"I'm really sorry for everything." Ramdam na ramdam ko ang sobrang higpit ng pagkakayakap niya sakin.

Aalisin ko sana ang braso niyang nakayakap sakin ng maramdaman kong mas lalong humigpit ang pagkakayakap niya sakin.

"S-orry, sorry for everything, sorry mahal."

Parang nanigas ako sa narinig ko. Parang ako yata ang dapat na mag sorry pero bakit siya ang nagsosorry? Alam ko may mali din siya sakin pero mas malaki ang kasalanan ko sakanya. Iniwan ko nanaman siya ng walang pasabi, tapos hindi ko pa nasasabi lahat sa kanya.

"I'm sorry mahal alam ko isa akong g@g* noon, sorry kasi hinayaan kong mangibabaw ang galit ko. Sorry kasi hindi kita binigyan ng chance na mag explain sakin. Sorry kasi tinulak kita palayo sakin, sorry for giving you the reason to leave me again. Sorry sa lahat ng pananakit na ginawa ko sayo, alam ko hindi mo ako mapapatawad agad mahal but please give me another chance to prove na deserve ko ang forgiveness mo. I love you so much Akisha Jade."

Kumalas siya sa pagkakayakap niya sakin at hinawakan niya ang mukha ko. Parang nanlambot ako ng makita kong umiiyak siya.

"Limang taon ka ng nawala sakin mahal hindi na ako papayag na mawala ka pa ulit sakin. Sapat na ang limang taon na binigay ko sayong makapag isip isip ka. Gagawin ko lahat mapatawad mo lang ulit ako mahal. Hindi ko na kayang mawala ka pa ulit sakin. Mahal na mahal kita Akisha Jade, ngayong nakita na ulit kita hindi na kita papakawalan." Seryosong sabi niya habang hawak ang mukha ko at may mga luha pang lumalabas sa mga mata niya.

Hinawakan ko yung mukha niya at pinunasan ko yung mga luha niya. After five years ngayon ko lang siya ulit nakita at nahawakan. Miss na miss ko din siya sobra. Bago pa ako bumalik dito sa pilipinas napatawad ko na siya at hindi naman talaga ako galit sa kanya. Nasaktan ako sa mga ginawa at sinabi niya noon pero mahal ko siya. Kung siya nga dati napatawad niya ako kahit hindi niya pa nalaman ang totoong dahilan kung bakit ako umalis, ako pa kaya. Alam ko naman kasi na may kasalanan din ako, una pa lang hindi ko na sinabi sa kanya ang totoo kaya nung nagkabukingan na ayon sumabog siya.

"Shhh! Wag ka ngang umiyak." Seryosong sabi ko habang pinupunasan ko yung mga luha niya.

"I'm sorry mahal, promise gagawin ko ang lahat para mapatawad mo ulit ako." Tapos niyakap niya nanaman ako.

"Sorry kasi umalis nanaman ako, sorry kasi hindi ko nasabi sayo ang toto---"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla niya akong hinalikan, ilang segundo ding naglapat ang mga labi namin.  Hinawakan niya yung mukha ko at nagsalita ulit siya.

"Hindi mo kailangan na humingi ng tawad mahal, ako dapat ang humihingi ng kapatawaran sayo. Hindi mo na kailangan sabihin sakin ang lahat mahal dahil alam ko na lahat." Tapos kiniss niya ako sa forehead.

Umupo kaming dalawa sa sofa ng condo niya at magkaharap kaming dalawa at hinawakan niya ang kamay ko.

"Alam ko na lahat mahal, sinabi na sakin ni Brent ang lahat. Bago ka umalis nagkausap na kami ni Brent at sinabi niya na lahat ng mga gusto mong sabihin."

Sinabi niya? Pero bakit hindi sinabi sakin ni Brent na alam na pala lahat ni Ricci? Tsaka bakit hindi man lang niya akong subukan na kausapin bago kami umalis?

"Bakit hindi mo ako kinausap after mo malaman lahat?" Seryoso ko siyang tinignan sa mga mata niya.

"Bago ko nalaman lahat mula kay Brent hinanap kita dahil gusto kong ayusin natin ang away natin. Gusto kong bawiin ang sinabi ko sayong tapos na tayo. Gusto kong sabihin na hindi totoo lahat ng mga sinabi ko sayo nung gabing umalis ka, nasabi ko lang lahat yun dahil sa galit ko mahal. Sobra akong nagsisi sa ginawa ko sayo mahal. Hinanap kita para humingi ng kapatawaran sayo..."

Tumigil siya at hinawakan niya yung mukha ko at tinignan niya ako sa mga mata ko.

"Nung araw na nakausap ko si Brent at sinabi niya sakin lahat, gustong gusto kitang puntahan noon. Pero sabi ni Brent aalis na daw kayo ng daddy mo at kahit tulungan niya pa akong pigilan ka, hindi ka na daw namin mapipigilan na umalis. Tama ang sinabi ni Brent na bigyan muna kita ng time. Mahal na mahal kita at alam ko din na mahal mo ako at sabi nga ni Brent kung tayo talaga ang para sa isa't isa gagawa ulit ang tadhana para magkita tayo..."

Nakita ko nanamang may luhang pumatak mula sa mga mata niya. Hinawakan ko yung mukha niya at pinunasan ko yung luha niya.

"Ngayong nakita na ulit kita, gagawin ko ang lahat para hindi ka na mawala ulit sakin. Kung kailangan kong magsimula sa umpisa para makuha ko ulit ang tiwala mo at maipakita ko sayong deserving ako sa pagmamahal mo, gagawin ko. Kahit pahirapan mo ulit ako okay lang sakin yun mahal basta kasama lang kita. Sorry sa lahat ng mga nagawa ko mahal, mahal na mahal kita sobra pa sa sobra." Tapos hinalikan niya ulit ako sa noo.

"Gaya nga ng sabi ko sayo noon, pag dumating ang araw na ikaw naman ang hihingi ng kapatawaran sakin asahan mong ibibigay ko yun sayo. Sapat na ang limang taon na hindi kita nakita at nakasama, hindi ko na kakayanin pag sumobra pa yun." Tapos ngumiti ako sa kanya.

Endless love nga talaga ang pagmamahal ko sa kanya at ganun din naman siya sakin. Kahit na may mga nagawa na kaming pagkakamali sa isa't isa nagagawa pa din namin ang patawarin ang isa't isa, yun ay dahil mahal na mahal namin ang isa't isa.

Limang taon na akong nawala sa kanya at hindi ko na hahayaan na lilipas nanaman ang ilang araw, buwan o taon na hindi ko siya makakasama.

Mahal naman namin ang isa't isa at para sakin sapat na rason na yun para bigyan ko ulit siya ng bagong pagkakataon. Hindi ko din naman maitatangi na gusto ko din siyang makasama.

"Thank you sa walang katapusan na pagmamahal mo sakin, mahal. Thank you kasi hindi ka nagsawang mahalin ako, despite sa mga nagawa ko sayo noon still nandito ka pa din patuloy na nagmamahal sakin." Tapos kinuha niya ulit ang kamay ko at hinalikan niya ang mga iyon. "Pero ipapakita ko pa din sayong deserving ako sa forgiveness na binigay mo sakin."

"Ayokong kalimutan ang mga nangyari sa atin noon, lahat ng mga masasakit na nangyari satin, lahat ng mga masasayang nangyari satin noon, hinding hindi ko makakalimutan lahat ng yun. Ayokong kalimutan natin lahat at magsimula ng bago dahil alam ko na dahil sa mga nangyaring yun sa atin, mas naging matatag tayo. Napatunayan natin sa mga sarili natin kung gaano natin ka mahal ang isa't isa at natuto din tayong magpatawad sa taong nakasakit satin, at dahil yun sa pagmamahal na meron tayo."

"Some scars are beautiful, it reminds us how we heal as we endure." and I see a trace of a smile on his beautiful chiseled lips.

Kusa akong napangiti nung ngumiti siya sakin. Yung ngiti niyang nakakahawa, yung ngiti niyang pinaka paborito ko sa lahat ng ngiti na nakita ko.

"I was intoxicated with your smile." Nakangiting sabi ko.

"It's your smile that keep on melting me away. It's your smile who makes my love for you to become stronger and stronger. I love you in every beat of my heart, Akisha Jade G. Arquiza, my angel, my one and only girl." Then he kiss me on my forehead and he embrace me with his chiseled arms.

"I love you more Ricci Rivero." Then niyakap ko din siya ng mahigpit.

"I promise, I will prove to you that I am deserving of your love, you're my life now and I can't give up on you. You deserve all the effort, cause you're worth the best." Then he kiss me on my lips and I response to his kiss.

****

"Kaya pala close na close kayo." Nakangising sabi niya.

Nandito na kami ngayon sa kwarto niya at matutulog na nga kami. Gabi na din kasi at kailangan na din naming matulog dahil may mga trabaho pa kami bukas.

Sobrang dami naming napag usapan kanina habang na sa sala kami. Na kwento niya lahat ng mga nangyari sa kanya sa loob ng limang taon na nawala ako. Sobrang dami na din ng mga negosyo niya ngayon, hindi ko alam kong paano niya pa na mamanage lahat ng mga yun.

Nag kwento din ako sa kanya ng mga lahat na nangyari sakin sa loob ng limang taon. Sinabi ko na din sa kanya lahat na dapat niyang malaman sakin. Yung tungol kay mommy, daddy kay Javi at kay Juan sinabi ko na lahat. Balak pa sanang pagselosin ni Juan si Ricci pero sinabi ko ng magpinsan kami ni Juan para hindi na siya magalit pag nakita niya kaming magkasama.

"Five years ko siyang nakasama sa Italy kaya normal na yun na maging ganun kami ka close. Bakit nagseselos ka ba?" Nakangising sabi ko at humiga ako sa braso niya.

"Nagseselos? Ako magseselos kay Juan? Asa, alam ko naman na loyal ka sakin." Nakangising sabi niya pa.

"Talaga? So hindi ka nagseselos kay Juan? Kaya pala kanina parang matutunaw na si Juan sa mga masasakit na tingin mo." Tumingin ako sa kanya at ngumisi ako.

Napatingin din siya sakin. " Hindi ko siya tinitignan, sayo lang naman nakatingin ang mga mata ko buong gabi." Tapos ngumiti pa siya ng malapad.

"Asus wag ka nga! Nahuhuli kitang nakatingin sa kanya ng masama, tapos nung sumama siya sakin nung nag cr ako mas lalong sumama ang tingin mo sa kanya." Tapos pinalo ko pa siya sa dibdib niya.

Grabe, kung dati macho na siya para sakin, ngayon after five years para na siyang greek god na binigay sakin. Mas lumaki yung katawan niya at kung dati anim na pandesal lang ang meron siya, ngayon naging walo na ang pandesal niya.

"Sige na aaminin ko na, nagseselos talaga ako sa kanya kanina. Tapos gustong gusto kitang kausapin kanina kaso hindi naman kita masolo dahil nakabuntot siya sayo." Seryoso bigla yung boses niya.

"Wala eh bantay sarado talaga ako sa kanya, actually ganun naman talaga si Juan kahit nung na sa Italy kami bantay sarado talaga ako sa kanya. Dinaig niya pa nga si daddy sa pagiging strict tapos sobra pa siya sa gwardiya kung mag bantay sakin. Yung mga lalaking lumalapit sakin dati sa Italy hindi ko na ulit nakakausap dahil sa kanya." Nakangising sabi ko at inangat ko yung mukha ko para makita ko yung mukha niya.

"So ibig sabihin madami kang nakilalang lalaki doon?" Seryosong tanong niya habang seryosong nakatingin sakin.

"Medyo, pero hindi na ako masyado nakikipag kaibigan sa mga lalaki kasi si Juan meron siyang muntikan na masuntok noon." Tapos tumawa pa ako nung sinabi ko yun.

Naalala ko tuloy yung eksena na may lalaki siyang muntikan na masuntok dahil sa sobrang inis.

"Bakit naman siya susuntukin ni Juan?" Seryoso pa din ang mga mata niyang nakatingin sakin.

Tumawa ako sa kanya at kinurot ko yung ilong niya. "Secret amin na lang yun. Gusto ko pa sana makipag usap sayo ng mas mahaba kaso inaantok na ako." Nakangising sabi ko at inalis ko yung ulo ko sa braso niya at tumalikod ako sa kanya.

"May pa secret ka na ngayon mahal? Kung ayaw mong sabihin sakin si Juan ang tatanungin ko." Tapos naramdaman ko yung kamay niya sa bewang ko. "Masyado kang malayo sakin mahal, lumapit ka nga dito." Tapos hinila niya ako papalapit sa kanya at nagulat ako ng buhatin niya ako at ipinatong niya ako sa taas niya.

Feeling ko lahat ng dugo ko umakyat sa mukha ko at pakiramdam ko parang sasabog ang mukha ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko parang biglang uminit ang paligid.

"Akisha Jade Arquiza, Thank you for giving me another chance para patunayan ulit ang sarili ko sayo." Tapos kiniss niya ako sa forehead ko. "Thank you kasi tinanggap mo ulit ako sa buhay mo kahit na sobra kitang nasaktan noon. But I promise now hinding hindi na kita sasaktan. I will protect you from everything." Tapos kiniss niya yung ilong ko. "I promise to be your man forever. And to always believe in you and to always trust in you. I can't promise to suffice everything that you want, but I can promise to you that I will always love you and It's you I want to spend my life with, the one I'll dream of growing old with." Tapos hinalikan niya ako sa labi.

"I believe that dreams do come true, because mine did when I met you. Akisha Jade Arquiza, my angel I love you and I will always do."

Continue Reading

You'll Also Like

45.3K 1.4K 33
WAR#3: WHISPERS OF THE WAR -- "Listen to it, the whispers inside of me. The whispers of the war..." -- [ completed ]
213K 6.1K 93
The worst feeling is saying goodbye to someone I want to spend every minute with. #1: Brent Zayden De Loughrey Highest rank #1 in Ex
75K 1.9K 43
WAR #2: IN THE MIDST OF THE WAR -- "In the midst of the war you came... and changed everything." -- [ completed ]
83.3K 3.2K 38
ayon sa iba, Ang GREATEST LOVE raw ang hinding-hindi mo makakalimutan sa lahat. Ang GREATEST LOVE raw ang nagturo sayo kung paano totoong magmahal...