Endless Love (COMPLETED)

Galing kay Blythe_Baby

38.2K 545 8

This is a work of fiction. A Fan Fiction of Ricci Rivero and everything on this story are solely based on my... Higit pa

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Epilogue
Author's Note:

Chapter 45

436 6 0
Galing kay Blythe_Baby

*Akisha Jade POV*

"Ma'am excuse me po, gusto po kayong makausap ng isang guest natin." Ani ng sekretarya ko.

"Sige papasukin mo siya Kate." Sabi ko at tumingin ulit ako sa laptop ko.

"Sige po ma'am." Then lumabas na siya.

Maya maya pa may pumasok na lalaki medyo may edad na siya at parang familiar siya sakin.

"Good afternoon sir umupo po kayo sir, ano pong sadya natin sir?" Ngumiti ako sa kanya.

Umupo naman siya sa upuan na nasa harap ko. "I am here to personally ask kung okay na ba yung reservation namin?"

"Ah yun po ba sir, I assure you sir na okay na okay na po yun, my staff are very hardworking and they make sure na walang magiging problema sir. Pwede naman po ninyong itanong to sa mga staff o di kaya sa mga assistant or sa manager bago kayo pumunta dito." Ngumiti ako sa kanya after ko sabihin yun.

"Yeah I know, actually iba kasi talaga ang sadya ko dito." Biglang naging seryoso ang mukha niya.

"Bakit sir ano po ba ang sadya niyo?" I still manage to ask kahit medyo na awkward ako.

"May nagsabi kasi sakin na maganda daw dito sa hotel niyo, tsaka nag suggest siya sakin na dito na lang daw namin icelebrate ang celebration namin sa pagkakapanalo ng team namin. You know Paolo Rivero?" Tapos ngumiti pa siya sakin.

"Paolo Rivero? Yes po sir kilala ko po siya sir, bakit po?" Parang biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ko yun.

"Actually siya ang nag suggest na dito na daw namin gagawin ang event namin. Kaya pumayag naman ako kasi based on my research mukhang maganda nga dito at sobrang ganda pa. Then one of my players na mention niya sakin na kilala ka daw niya."

Napatingin ako sa kanya ng seryoso ng sabihin niya yun.

"S-sinong players po sir? Ah alam ko na kayo yung coach ng gilas pilipinas, kaya pala medyo familiar kayo sakin." Tapos ngumiti ako sa kanya.

Pero deep inside kinakabahan ako dahil alam kong kilala niya din si Ricci. Nabalitaan kong kasali na siya sa gilas pilipinas ngayon and nabalitaan ko din na sila ang nag champion. So kaya pala sila mag cecelebrate dahil sa pagkakapanalo nila kahapon.

"Si Kobe, actually sabi niya hindi lang siya ang nakakakilala sayo. Si Paul din daw kilala ka din daw niya, pati si Javier magkakilala daw kayo sabi ni Kobe. Pero sabi ni Javier hindi lang kayo basta magkakilala. Especially Ricci, ikaw lagi ang bukambibig non sa training." Tapos ngumisi pa siya sakin.

Nung sabihin niya yun parang nanlamig bigla ang mga kamay ko ng marinig ko ang pangalan niya. Teka pupunta ba siya dito mamaya? Pag pupunta siya may chance na magkikita kami. Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko. Napatawa ako ng maramdaman kong bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ko ang pangalan niya. My heart still beats for you, love.

"Just get straight to the point sir." Seryosong sabi ko.

"Okay so hindi na ako mag papaligoy ligoy pa. May kunti akong nalalaman sa inyo ni Ricci, nakwento kasi sakin ng dad niya yun. Tapos may mga naririnig din ako sa mga kaibigan niya. So gusto ko lang sana tanungin kong pwede ka ba mamaya pumunta sa celebration namin? Gusto lang namin na magkita kayo ni Ricci." Seryosong sabi niya.

Napatingin ako sa kanya ng sabihin niya yun. Parang nag uunahan ang puso ko at parang nanlamig ang kamay ko.

"What if po sir kung sabihin kong hindi ako makakapunta mamaya?" Seryosong sabi ko.

"Ano ba ang pwede kong gawin para pumayag ka? Gusto din ng dad ni Ricci na magkita na kayo kaya sabi niya dito na lang daw namin gawin ang celebration namin. Look, Jade gusto ko lang na makita ka na ni Ricci, sobrang dami niyang sakripisiyong ginawa para sa team at may malaki din siyang naambag sa pagkapanalo ng pilipinas. Kaya gusto namin na siya naman ang sumaya ngayon." Tumayo siya at ngumiti siya sakin. "Sige aalis na ako, kung ano man ang maging desisyon mo alam mo na kung saan ka pupunta. Sige salamat sa lahat." Tapos tumalikod na siya at lumabas na din siya.

Handa na ba akong harapin ulit siya? Handa na ba akong makita ulit siya? Yes nasaktan niya ako noon pero napatawad ko na siya sa nagawa niya sakin noon. Gaya nga ng sabi ko sa kanya noon na sa oras na siya naman ang humingi ng kapatawarad asahan niyang papatawarin ko siya. Yes napatawad ko na nga siya at hanggang ngayon mahal ko pa din siya. Pero sabi nga ni daddy kailangan niya daw muna patunayan ulit na deserve niya ang kapatawaran na hinihingi niya sakin. In short gusto ni daddy na pahirapan ko daw muna si Ricci. Pero hindi ko naman gagawin yun kasi may kasalanan din naman ako.

Limang taon na din ang lumipas simula ng sumama ako kay daddy. Sobrang dami na ding nangyari sa buhay ko. After five years na tumira ako sa Italy kasama si daddy bumalik na din kami dito sa pilipinas. Ang hotel na ito ay pinatayo ni daddy para sakin. Alam niya kasing gustong gusto ko na mag manage ng sarili kong hotel. Yung kompanya niya naman na Arquiza Furniture siya pa din ang nagpapatakbo nito, gusto niya na ako ang mag manage non pero hindi ko talaga naiisip na magpatakbo ng kompanya niya. Mas gusto ko kasi ang mag manage ng hotel kisa ang mag manage ng isang kompanya tungkol sa mga furnitures, wala kasi talaga akong hilig don. Mabuti na lang din at hindi na ipinilit ni daddy sakin ang gusto niya.

"Magandang hapon madam! Ito na po ang pagkain na pibapabili niyo."

Napatingin naman ako sa lalaking pumasok. Napangiti ako ng makita ko siya at ngumisi naman siya sakin.

"Salamat naman sa pagkain na binili mo, Don Juan." Tapos tumayo ako sa swivel chair ko.

"Syempre naman basta para sayo, Madam Jade." Ngumisi siya sakin at nag beso siya sakin.

"Sabayan mo na akong kumain dahil alam ko kanina ka pa naglalaway." Nakangising sabi ko at hinila ko siya papunta sa isang crystal na mesa dito sa office ko.

"Naglalaway talaga? Baka ikaw kamu ang kanina pa nag lalaway dahil sa gutom. Sige na madam kumain ka na baka mag sumbong ka pa sa mahal na hari." Tapos ngumisi pa siya at nilabas niya ang pagkain na dinala niya.

"Heh! Sige kung ayaw mong kumain akin na lang to." Tapos kinuha ko pa yung pagkain sa kamay niya.

"Isip bata ka pa din hanggang ngayon!" Nakangising sabi niya at kinurot niya ang pisngi ko.

"Aray masakit!" Tapos tinapik ko yung kamay niya.

"Sorry na po madam." Tapos ngumisi siya sakin at kumain na din siya.

"Si Javi nag text pala siya sakin." Sabi ko.

"Anong sabi?" Tanong naman niya at tumingin siya sakin.

"Invited ka daw sa celebration nila mamaya, you know nanalo sila kahapon at sila pa ang nag champion." Nakangiting sabi ko.

"So meaning gusto niyang pumunta ako doon?" Seryosong tanong niya.

"Oo, tsaka kinausap din ako ng coach nila."

Sinabi ko na lahat sa kanya ang napag usapan namin ni coach Yeng kanina at naging seryoso lalo ang mukha niya.

"So pupunta ka?" Tanong niya.

"Actually bro may part sakin na gusto kong makita ulit siya, may part din sakin na natatakot ako. What if galit pa din siya hanggang ngayon?" Napayuko ako ng sabihin ko yun.

Iniangat niya ang mukha ko at tinignan niya ako sa mga mata ko. "Handa ka na bang makita ulit siya? Okay ka na ba talaga? Dalawang linggo pa lang mag mula ng bumalik tayo dito and sabi mo okay ka na, pero parang hindi yun ang nakikita ko."

"Okay na talaga ako bro, handa na din akong makita siya pero may takot pa din dito." Tapos tinuro ko pa yung puso ko.

After five years makikita ko na ulit siya and hindi ko alam kong anong magiging reaction ko pag nagkita na kaming dalawa.

"Sige tatawagan ko si Javi na pupunta ako, pero sasama ka sakin." Seryosong sabi niya.

Napatingin naman ako sa kanya. So ito na ba ang tamang panahon na hinihintay ko? Natatakot ako pero naeexcite din ako at the same time.

"Sige sasama ako sayo." Seryosong sagot ko.

Sige bahala na kung ano man ang magiging reaction niya mamaya basta ang mahalaga makikita ko na ulit siya.

"Pero ito lang ang tatandaan mo, pag nagkita na kayo please lang naman Jade wag kang masyadong magpapahalata sa kanyang hindi ka na galit, kung kailangan maging cold ka sa kanya gawin mo. Hayaan mong suyuin ka niya, patunayan niya munang deserving siya sa kapatawaran mo." Seryosong sabi niya.

"I will try my best pero hindi ko maipapangako sayong magiging cold talaga ako sa kanya." Sabi ko.

Baka kasi pag nakita ko siya mamaya bigla ko na lang siyang yakapin, baka hindi ko mapigilan ang sarili ko.

"Okay na sakin yun, basta wag ka lang lumayo sakin." Seryosong sabi niya.

"Baka magselos nanaman sayo yun. Alam pa naman niyang gustong gusto mo ako noong college pa tayo. Baka isipin niyang boyfriend na kita." Nakangising sabi ko.

"Edi hayaan mo siyang isipin ang gusto niyang isipin." Nakangisi niya ding sabi.

Alam ko na lahat ng mga ginawa ni daddy at ni Juan. Tsaka nasabi lang pala ni Juan noon na gusto niya ako para mapalapit siya sakin at mas ma protektahan niya ako. Kaya pala sa lahat ng mga kaibigan ni Ricci noon siya ang pinaka malapit sakin.Magkadugo pala kami kaya siya ang mas malapit sakin. Si Javi pinsan ko din siya pero si Juan talaga ang mas naging close ko. Tsaka simula kasi nung pumunta ako sa states noon kay mommy si Juan na ang nakasama ni daddy. Pinalayas ni daddy si tita Rowella at si Juan na ang pinasama ni tito sa kanya. Mag isa lang kasi sa bahay si daddy at baka ano pa daw ang gawin kaya hinayaan na muna ni tito na makasama ni daddy si Juan.Pero mabuti na lang dahil close pa din si Juan at si Javi kahit na nagkalayo sila.

Sumama din si Juan samin ni daddy nung pumunta kami sa Italy kaya mas lalong naging close kaming dalawa ni Juan. Pumupunta naman doon si mommy at si papa sa Italy para dalawin ako kaya nabawasan din ang pagkamiss ko sa kanila. Si Brent at Samantha pumupunta din sila doon pero hindi naman sila nagtatagal kasi mga busy din ang mga yun.

"Nakakatawa lang isipin na pinagseselosan niya lahat ng mga pinsan ko, which is kaibigan niya din." Nakangiting sabi ko.

"Ang cool nga eh, isipin mo to dalawang pinagseselosan ng lalaking mahal mo ay mga pinsan mo lang pala. Ang masama lang hindi niya alam na pinsan mo kami." Tapos tumawa pa siya sakin.

"Sa sobrang cool nagkahiwalay kami ulit ng limang taon. Tapos nung unang beses akong umalis pinsan ko yung kasama ko tapos mommy ko. Ngayon naman pinsan ko din ang kasama ko tsaka daddy ko." Seryosong sabi niya.

"Ang ganda ng twist ng buhay mo." Nakangising sabi niya at kinurot niya nanaman ang pisngi ko.

"Tirisin kaya kita diyan? Kanina ka pa kurot ng kurot sakin." Tapos tinapik ko pa siya sa balikat niya.

"Ang cute kasi ng pinsan ko, para kang barbie." Tapos ngumisi nanaman siya sakin. "Tapos ka na bang kumain?"

"Tapos na, ikaw hindi ka pa tapos." Sabi ko.

"Ang daldal mo kasi kaya hindi ako nakakakain. Maiba ako, may susuutin ka na ba mamaya?"

"Susuutin? May mga damit naman ako dito kaya dito na lang ako mag papalit." Seryosong sabi ko.

"Mall tayo?" Nakangiting tanong niya.

"Ayoko, may mga aayusin pa ako dito tapos mamayang seven na din yung event nila." Seryosong sabi ko.

"Wow alam na alam natin ah, stalker ka ba madam?" Nakangising sabi niya.

"Duuuh! Hotel ko to kaya alam na alam ko yun! Sige na umuwi ka na muna at mag bihis ka na dahil hindi tayo pwedeng ma late mamaya, ayokong may pa grand entrance." Nakangising sabi ko at tumayo na ako.

"May mga damit ako sa kotse ko madam, kaya dito na lang ako mag bibihis. Tsaka 6:10 na din baka malate tayo mamaya pag umuwi pa ako." Tapos tumayo na din siya at inayos niya yung mga pinagkainan namin.

"Sige na kunin mo na ang mga damit mo at dito ka na lang din magbihis. Salamat sa pagkain na dinala mo, Don Juan." Nakangising sabi ko at tinulak ko na siya papunta sa pinto ng opisina ko.

"Nagmamadali? Excited? Aalis ako madam hindi mo na ako kailangan na itulak. Sige na kukunin ko na muna ang damit ko." Tapos lumabas na siya.

Then bumalik na din ako sa swivel chair ko at umupo na ako. Binuksan ko ulit ang laptop ko at pinagpatuloy ko na ang ginagawa ko kanina.

Mamaya magkikita na kami hindi ko alam kong ano ang magiging reaction naming dalawa. Napatawad niya na ba ako? Hanggang ngayon hindi ko pa din nasasabi sa kanya ang lahat. Sana hindi pa huli ang lahat. Mahal na mahal pa din kita, love. I know it will take an eternity to expunge my love for you, love.

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

57.8K 718 34
Ianne Velasquez, one of DLSU Lady Spikers. Because of her mischievous friends, she even got close, she always there to support and cheer, her one and...
181K 5.5K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
174K 2.5K 102
A Joe Gomez de LiaƱo Fan Fiction. [completed]
43.5K 1.5K 100
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"