Endless Love (COMPLETED)

By Blythe_Baby

38.2K 545 8

This is a work of fiction. A Fan Fiction of Ricci Rivero and everything on this story are solely based on my... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Epilogue
Author's Note:

Chapter 41

409 8 0
By Blythe_Baby

*Ricci POV*

Tatlong araw nang hindi pumapasok si Akisha. Tatlong araw na din mag mula nung sinaktan ko siya. Isa akong g@g* para saktan siya ng ganun. Hindi ko alam kong mapapatawad ko pa ba ang sarili ko kung may nangyaring masama sa kanya.

Nung araw na nakita ko siyang nasugatan at umiyak parang nawala ang pagkalasing ko at parang nagising ako sa isang bangungot. Sobrang napakag@g* ko para saktan siya. Nung umalis siya parang doon lang ako natauhan kung anong kahayupan ang ginawa ko sa kanya. Hindi ko alam na nasaktan ko nanaman siya dahil sa galit.

Gustong gusto ko siyang makausap, gusto kong mag sorry sa mga nagawa ko sa kanya. Wala na akong pakialam kahit na niloko niya pa ako, all that matters to me now is sana mapatawad niya pa ako sa mga ginawa ko.

Para na akong sasabog ngayon! Hindi ko alam kong anong uunahin ko, sobrang daming ginagawa tapos ang dami ko pang iniisip. Ang malala pa hindi ko makita si Akisha ngayon. Pumunta ako don sa bahay nila pero patay yung ilaw at walang tao doon. Pumunta din ako sa bahay nila ni Brent pero hindi ko naman naaabutan si Akisha doon, kahit si Brent hindi ko din nakikitang umuuwi.

Sunod sunod na exams na ang mga kinuha namin pero si Akisha hindi pa din pumapasok. Hindi ko alam kong saan ko siya hahanapin ngayon. Tapos hindi din siya kumuha ng mga exams namin.

"Ricci ito na yung flashdrive mo." Seryosong abot ni Samantha sakin at tumalikod na siya.

Pero bago pa siya makaalis hinawakan ko yung kamay niya at iniharap ko siya sakin. Nandito kami ngayon sa class room at wala pa yung prof namin.

"Sam sabihin mo na sakin kung nasaan si Akisha." Tinignan ko siya sa mga mata niya at umiwas lang siya ng tingin sakin.

"Ilang beses ko pa bang sasabihin sayo na hindi ko sasabihin sayo kung nasaan si Jade? Tigilan mo na ako Ricci dahil wala kang makukuha sakin!" Tapos kinalas niya yung kamay niya na hawak ko.

"Please Sam sabihin mo na sakin, gusto ko lang siyang makausap." Halos magmakaawa na ako sa kanya.

Tatlong araw ko na din to kinukulit na sabihin niya sakin kung nasaan si Akisha pero ayaw niya talagang sabihin. Sinundan ko na nga siya pero mautak din talaga siya at hindi niya pinuntahan si Akisha at nagkulong lang talaga siya sa bahay nila ng tita niya.

"Wow, so you want to know kung nasaan talaga si Jade? Para ano? Para saktan ulit siya? Maghanap ka ng kausap mo Ricci! Kahit saktan mo din ako hindi ko sasabihin sayo kung nasaan siya. Isa ka ng halimaw! Hindi na ikaw ang Ricci na nakilala ko noon!" Tsaka tumalikod na ulit siya sakin at umupo na siya sa upuan niya.

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ko siya sa balikat niya. "Sam please sabihin mo na sakin, gusto ko lang mag sorry sa kanya. Tsaka gusto ko lang na ayusin na namin ang away namin."

"Ayusin? Wow really? Ang kapal mo naman Ricci! Baka nakakalimutan mo tinapos niyo na ang relasyon niyo? Pasalamat ka at okay na siya ngayon dahil kung hindi pa siya nagising kahapon, hindi ko talaga alam kong ano ang magagawa namin sayo." Seryosong sabi niya.

"What do you mean na kahapon lang siya nagising?" Seryosong tanong ko.

"So hindi mo alam? Too much stress at maraming dugong nawala, yun yung dahilan kung bakit buong isang araw siyang tulog. Sabi ng doctor mabuti na lang daw dahil isang araw lang at hindi pa umabot ng ilang araw. Actually sabi ng doctor hindi naman daw delikado ang lagay niya, masyado niya lang daw sinulit ang pagpapahinga kaya ayon umabot ng isang buong araw siyang tulog." Seryosong sabi niya at kinuha niya yung cellphone niya.

T@ng!na Ricci anong ginawa mo sa kanya? Isa kang malaking g@g*! Isa kang halimaw! Hayop ka Ricci! Hayop Ka! Napasabunot ako ng buhok ko dahil sa sobrang galit. T@ng!na muntikan mo ng mapatay ang babaeng mahal mo!

"Umalis ka sa harap ko Ricci dahil sa tuwing nakikita kita parang gusto kong pumatay!" Seryosong sabi niya at tumingin siya sakin.

"Sam, I'm sorry. Kamusta na siya? Okay na ba siya? Saang hospital siya ngayon?" Hinawakan ko siya sa balikat niya at tumingin siya sakin.

"So ngayon nag aalala ka sa kanya? Baka nakakalimutan mo ikaw ang may kasalanan bakit siya nagka ganun! Wag kang mag alala okay na siya ngayon, actually ngayon na nga ang labas nila sa hospital and don't you dare na puntahan siya dahil sigurado akong hindi ka na makakalapit sa kanya. Kung ako sayo Ricci mag ingat ka na ngayon, masyado na kasing maraming taong gusto kang patayin." Seryosong sabi niya at inalis niya yung kamay ko sa balikat.

"Please Sam sabihin mo lang sakin kung saan ko siya pwedeng makita. Gusto ko lang siyang kausapin, pinapangako ko sayo Sam aalagaan ko na siya at hinding hindi ko na siya sasaktan."Pakiramdam ko nanghihina ako ngayon. Hindi ko alam kong saan ko siya pwedeng makita.

"No thanks cci, marami ng nag aalaga sa kanya ngayon actually nga nag aagawan na kami kung sino ang mag aalaga sa kanya. Kaya wala ka ng space pa dahil marami na kami." Seryosong sabi niya at kinalikot niya yung cellphone niya.

"Sam please tulungan mo lang akong makita siya, pangako iyon na ang huling makikita mo siyang iiyak at masasaktan. Alam ko maraming nag mamahal sa kanya at gusto siyang alagaan and gusto kong malaman mo na isa na ako sa mga yun Sam." Lumuhod ako sa harap niya at tinignan ko siya sa mga mata niya. "Please Sam tulungan mo akong makita siya, gusto ko siyang makausap at gusto ko mag sorry sa kanya. Mahal na mahal ko siya Sam alam mo yan, handa akong kalimutan lahat ng mga nagawa niya sakin at gusto kong magsimula ulit ka---"

Nagulat ako ng tumama ang palad niya sa pisngi ko at tumayo siya.

"Mahal mo pero sinaktan mo? Mahal mo pero hindi mo hinayaang magpaliwanag sayo? Mahal mo pero tinaboy mo siya nung gusto niyang sabihin lahat ng katotohanan sayo? Mahal mo pero iniisip mo talagang magagawa niya sayo lahat ng mga pinagsasabi mo sa kanya? Nakakatawa ka Ricci alam mo kung bakit? Kasi mas pinili mong paniwalaan ang sinasabi ng isip mo kisa sa gustong sabihin ng babaeng sinasabi mong mahal mo! Pinatikim ka lang ng kaunting pagsubok, bumigay ka naman agad? You don't deserve her love, she don't deserve you, assh*lo!" Tsaka tinulak niya ako at lumabas siya.

Kung galit siya sakin, mas galit ako sa sarili ko! Oo alam ko isa akong napakalaking g@g* dahil sinaktan ko siya, tinulak ko siya palayo sakin, at mas pinili kong paniwalaan ang sinasabi ng sarili kong isip kisa ang katotohanan na gusto niyang sabihin.

****

Hindi na ako pumasok sa klase namin kanina at lumabas na ako after ng nangyari kanina. Papunta ako ngayon sa private room para kunin ang gamit ko dahil mag tatraining ako, hindi daw kasi pwedeng hindi mag training ngayon tsaka tatlong araw na din akong hindi nag tatraining.

"Excuse me, ikaw ba si Ricci? Yung boyfriend ni Jade?"

Nung narinig ko yun napahinto ako sa paglalakad at napatingin ako sa likod ko. Tapos nagulat ako ng makita ko ang g@g*ng Joseph na to. Hindi na ako nag aksaya ng oras at sinuntok ko agad siya, ang kapal ng mukha niya para magpakita pa siya sakin.

"Hey bro chill hindi ako pumunta dito para makipag suntukan sayo!" Tumayo siya at pinunasan niya yung dugo sa labi niya.

"T@ng!na ka ang kapal ng mukh---"

"Wala kaming relasyon ni Jade! Hindi ako pumunta dito para makipag away sayo! Pumunta ako dito dahil gusto kitang makausap! Tapos bigla ka na lang susugod at manununtok?" Ngumisi siya sakin at kinuha niya yung bag niya sa sahig.

"Walang relasyon? So anong tawag mo don sa ginawa mo sa kanya sa canteen?" Seryosong tanong ko.

"Look nandito ako para sabihin sayo lahat, at gusto ko lang linawin sayo na wala talaga kaming relasyon ni Jade." Tsaka inayos niya yung sarili niya.

"So kung wala kayong relasyon ni Jade ano ang ibig sabihin ng ginawa niyo sa canteen?" Tinignan ko siya ng seryoso sa mga mata niya at ganun din yung ginaw niya sakin.

"Jade and I are just friends, kaso nga ako hindi lang friends ang nararamdaman ko para sa kanya. The moment na makita ko siya sa batangas noon, yes I admit na love at first sight talaga ako sa kanya. Sobrang iba siya sa mga babaeng nakilala at nakikita ko doon sa batangas, simple lang siya tapos ang bait niya pa, tapos sobrang napaka maalaga niya." Seryosong sabi niya.

Batangas? Yun ba yung nag outing yung family nila ni Sam at sumama siya?

"Tapos one time hindi ko inaasahan na pupunta sila ng mom niya sa coffee shop, tapos doon ko siya nakilala. Nag kausap kami non pero saglit lang din kasi nararamdaman ko ding parang ayaw niya akong kausap. Pero alam mo kung ano ang mas nagtulak sakin na gustuhin siya? Nung sinabi ko sa kanyang gusto ko siya at gusto ko din na mas makilala siya, kasi sabi niya taga manila daw sila and ilang linggo na lang din lilipat na ako dito. Then she says na hindi na daw siya pwede kasi may boyfriend na daw siya at kung pwede daw mag hanap na lang ako ng ibang babaeng mamahalin kaso off limits na daw siya..." Ngumisi pa siya sakin.

"Tapos alam mo bang sinabi ko pa sa kanya na aagawin ko siya sa boyfriend niya? Tapos sabi niya pa hindi daw niya ako hahayaan na agawin ko siya sayo. Sabi niya kasi mahal na mahal niya daw ang boyfriend niyang si Ricci at possessive daw yung boyfriend niya kaya ayaw niyang magalit ito sa kanya pag nilapitan ko siya."

Hindi ko alam kong maiinis ba ako sa sinasabi niya sakin ngayon o matutuwa ako.

"Tsaka yung nangyari sa canteen kasalanan ko talaga yun. Actually pinapaalis niya na ako non kasi baka daw makita mo kami at magalit ka pa sa kanya. Kaso makulit ako eh at ayon pinilit ko siyang aagawin ko siya sayo hanggang umabot na sa point na nagalit na siya sakin at hindi ko na napigilan ang halikan at yakapin siya." Seryosong sabi niya at lumayo siya sakin.

Nung sinabi niya yun parang nandilim agad ang paningin ko parang gusto ko ulit siyang sapakin. Ang kapal pa ng mukha niya para ekwento sakin yun.

"Wag ka munang magalit sakin hayaan mo muna akong matapos." Seryosong sabi niya.

"So ano ba talaga ang gusto mong sabihin sakin?" Seryoso ko din siyang tinignan sa mga mata niya.

"Nandito ako para sabihin sayo na wala kaming relasyon ni Jade at ako lang talaga ang may gusto sa kanya. Pinipilit ko yung sarili ko sa kanya pero ayaw niya talaga sakin dahil mahal na mahal ka daw niya at hindi ka daw niya iiwan. Galit na galit na siya sakin ngayon at ayaw na niyang makipag kaibigan sakin, kaya gusto kong bumawi sa kanya. Kaya nandito ako para sabihin sayong wala talaga kaming relasyon at walang kasalanan si Jade sayo. Kung ano man ang iniisip mo tungkol saming dalawa hindi totoo yun. Lahat ginawa ni Jade para umiwas sakin dahil ayaw na ayaw niyang makita mo ako at baka ako pa ang pagmulan ng away niyo."

Lumapit siya sakin at hinawakan niya ako sa balikat ko.

"Mahal na mahal ka ni Jade bro hinding hindi ka niya magagawang lokohin, nasubukan ko na kung gaano siya ka loyal sayo. Sobrang bait ni Jade, sobrang maalaga sa pamilya at sobrang galing niya ding magtago ng totoo niyang nararamdaman. Hindi siya open sa lahat ng tao at ayaw niyang sabihin sa lahat kung ano ang klase ng buhay ang meron siya, dahil ayaw niyang kaawaan siya. She's a strong and brave woman outside but only few people knew that she is so fragile inside. Mas nakilala ko siya nung gabing nagusap kami nung birthday ng papa niya. Yung dad ko at papa niya ay business partner at nung nag celebrate ang papa niya at nag opening ng bagong brach ng business nila sa states last week, doon ko siya mas nakilala."

Continue Reading

You'll Also Like

18.7M 422K 44
Hurt from her previous relationship, Lana Lopez does her best to avoid falling for unreachable playboy Zeo Alcante. But when they both acknowledge th...
75.6K 2K 71
One school. Two groups. Eight students. Eight personalities. Different attitudes. And... Eight different pains. But got to live in ONE HOUSE. This is...
26K 1.9K 25
My name is Avon Alcantara. Isa sa dalawang Sources of Fire. Pero hindi gaya ng kakambal ko, isa ako sa mga isinilang sa Chasm. Mundo kung saan na...
6.1K 149 66
THIS IS A MIKAIAH STORY HOPE YOU ALL LIKE IT! this is a fanfiction only!!!!