Endless Love (COMPLETED)

By Blythe_Baby

38.2K 545 8

This is a work of fiction. A Fan Fiction of Ricci Rivero and everything on this story are solely based on my... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Epilogue
Author's Note:

Chapter 32

448 7 1
By Blythe_Baby

*Ricci POV*

"Anong ginagawa mo love? Don't tell me umiiyak ka? Sh!t nagiging bading ka na love!" Naramdaman ko yung mga braso niyang niyakap ako pabalik.

Natigilan ako sa sinabi niya at aalisin ko sana yung kamay niya para harapin siya ng bigla niya akong pinalo sa likod.

"Five minutes love, na miss kita sobra." Seryosong sabi niya.

"Mahal ak---"

"Isang salita pa Rivero iiwan talaga kita dito." Cold niyang sabi.

Hindi na lang ako nagsalita at niyakap ko na lang siya ng mahigpit. Namimiss ko siya sobra, yung isang linggong hindi ko siya nakita parang limang taon ulit siyang nawala sakin.

After few minutes kumalas siya sa pagkakayakap sakin at tumayo siya sa harap ko. "Ang awkward ng sitwasyon natin love." Napangiti siya after sabihin yun.

"Are we alright now mahal?" Hinawakan ko yung kamay niya at itinaas ko yung tingin ko para matignan ko siya sa mga mata niya.

"What do you mean?" Nakangisi pa niyang sabi.

"What I mean is, hindi ka na ba galit sakin? Napatawad mo na ba ako mahal? Look, I'm really sorry mahal sa nangyari ang tanga ko dahil nasaktan ko nanaman ang babaeng mahal ko." Pinaikot ko yung braso ko sa bewang niya.

"Masabi nga mamaya kay Juan na pwede na akong mag artista." Ngumisi siya sakin at hinawakan niya ako sa mukha ko.

"What th---"

"Hep! Tapos ka ng magsalita, now listen dahil ako naman ang magsasalita. Don't you dare na magsalita dahil aalis talaga ako pag nagsalita ka." Seryosong sabi niya habang nakatingin sakin.

Hindi na lang ako nagsalita baka umalis pa to kakaiba pa naman to, pag sinabi niya gagawin niya talaga yon.

"I'm sorry love dahil hindi kita binigyan ng chance na mag explain nung araw na sinabi sakin ni Roxanne na ikaw ang ama ng bata. Alam ko love na mali ako dahil hindi muna kita kinausap at hinayaan kong mangibabaw ang galit kisa ang alamin ang totoo mula sayo. I'm sorry love dahil mas pinili kong maniwala sa kanya. I'm sorry love dahil hinayaan ko siyang paniwalain ako sa mga kasinungalingan niya..."

"Tama silang lahat, dapat kinausap muna kita bago ako nagalit sayo love. Tama sila love na sana hindi agad ako naniwala sa kanya dahil hindi ko alam kung totoo ba ang sinasabi niya sakin. Tama sila love na mas pinairal ko ang galit kisa ang pakinggan ka..."

"Mahal na mahal kita love pero hindi ko man lang pinili na alamin ang totoo sayo. May tiwala ako sayong hindi mo yun magagawa love, pero hindi mo maalis sakin na isipin na baka ikaw nga ang bata non love. Nung sinabi niya saking anak mo yun alam mo ba kung anong unang naisip ko love?"

Tumigil muna siya sakin at niyakap niya ako. Naramdaman ko yung paghaplos niya sa buhok ko.

"Naisip ko agad na hindi ikaw ang ama ng bata dahil alam ko hindi mo naman yun basta basta na gagawin sa kanya. Yes sinabi niya saking ilang beses niyong ginawa ang bagay na yon ng hindi gumagamit ng proteksyon. Sinisigaw ng puso ko na hindi totoo ang mga sinasabi niya sakin that time. Pero sinisigaw ng isip ko na papano pag tama ang sinasabi niya sakin? Hindi ko alam kong anong paniniwalaan ko that time love, gulong gulo ako nung mga oras na yun..."

"May mga tao akong kinausap at sinabi ko sa kanila ang lahat ng nangyari and you know, pareho lang sila ng sinabi sakin love. Dapat daw kinausap muna kita bago ako nagalit sayo kasi ang unfair daw na naniwala ako kay Roxanne pero ikaw na mahal ko at matagal ko ng nakilala, hindi ko man lang ginawang pakinggan ang side mo. Kaya na realized ko love, they are right dapat kinausap muna kita before ako nagalit sayo..."

Kumalas siya sa pagkakayakap sakin at inalis niya yung braso ko sa bewang niya at umupo siya sa tabi ko.

"Sorry love kasi umabot pa ng isang linggo na hindi tayo nagkakausap. Sorry love kasi hinayaan kung dumaan ang isang linggo ng hindi man lang inaalam ang totoo sayo. Sorry love kasi isang linggo akong hindi nagpakita at nagparamdam sayo. Two days after nangyari yun hindi na ako galit sayo non love and sorry dahil hindi ko agad inayos ang lahat. May kailangan lang akong ayusin that time love. May mga katanungan lang sakin na hinanap ko pa ang sagot, dont worry nasagot naman na yung mga katanungan na yon sa buhay ko."

Napahiga ako dahil bigla siyang dumagan sakin at niyakap ako. Nagulat ako sa ginawa niya at natigilan ako ng marealize ko ang pwesto namin ngayon.

Gusto ko sana siyang alisin at kausapin kaso baka pag nagsalita ako iwan niya ako. Niyakap ko na lang siya pabalik.

Teka may aircon naman dito bakit parang ang init? Mas lalong uminit ang pakiramdam ko ng maisip ko yung pwesto namin ngayon. Sh!t Akisha lalaki din ako natutukso din! Oh tukso layuan mo ako!

"Love bakit hindi ka nagsasalita?" Inangat niya yung mukha niya para tignan ako.

"P-pwede na ba akong m-magsalita?" Sh!t nauutal pa talaga ako hah?

"Omaygod I'm sorry love, yes love you can speak now." Ngumiti siya sakin pero hindi pa din siya umaalis sa taas ko.

"M-madami akong t-tanong mahal pero bago yan, p-pwede ka ba munang t-tumayo?" ahh! Ano ba Ricci bakit ganyan ang pananalita mo?

Natigilan siya saglit at napatingin siya sa pwesto namin ngayon at mabilis siyang tumayo. "I'm sorry love."

"It's okay mahal." Ngumiti ako sa kanya at tinignan ko siya. Muntik na akong matawa ng makita ko yung mukha niyang sobrang pula.

"So that mean okay na tayo mahal?" Hinila ko siya paupo sa tabi ko.

"Oo love. I'm sorry umabot pa ng isang linggo hin---"

Hindi ko na siya pinatapos na magsalita at niyakap ko na agad siya. "It's okay mahal, ang mahalaga ngayon okay na tayo. And most of all, alam na natin kung sino talaga ang ama ng batang dinadala niya, at alam mo na ding hindi talaga ako ang ama non." Kiniss ko siya sa forehead niya after ko sabihin yun.

"Thank you love." naramdaman ko na lang ulit yung mga braso niyang niyakap ako.

****

"Love smile!" Napaangat ako ng tingin sa kanya at awtomatikong napangiti ako. Nag flash bigla ang camera ng cellphone niya.

"Ang gwapo mo dito love." Nakangiting sabi niya at pinakita sakin yung cellphone niya.

"At ang ganda mo din mahal, kaya nga bagay tayong dalawa. Sige na kumain kana mahal." Pinisil ko pa yung ilong niya.

Kumain na lang din siya at hindi na siya umimik. Nandito kami ngayon sa RME'S Restaurant. After namin mag usap kanina naligo na muna ako at lumabas kami ng campus para kumain.

"Mahal may tanong pala ako."

Tumigil siya at tinignan niya ako after ko sabihin yun.

"Yes love?" Ngumiti siya sakin.

"Diba sabi mo mahal two days after nung sinabi ni Roxanne sayo yun hindi ka na galit sakin? Pero bakit ang cold mo sakin kanina nung nag uusap tayo?"

Kanina ko pa talaga to gustong itanong nakakalimutan ko lang.

"Ah yun ba?" Tumawa pa siya sakin at hinawakan niya yung kamay ko. "Yung mga kaibigan mo ang may idea non." Ngumisi siya sakin.

Sila? Sinasabi ko na nga bang may mali sa kilos nila. "Teka ano ba ang ginawa nila?"

"Kasi kanina nakita ko si Javi tapos tinanong ko kung nasaan ka, tapos sabi niya nandon ka daw sa private room niyo nagpapahinga. So ayon pumunta kami ni Samantha doon. But then pag dating namin walang tao aalis na sana kami non ng biglang dumating ang mga kaibigan mo." Paliwanag niya.

"Tapos?"

"Kinausap nila ako sinabi nila lahat sakin, as in lahat lahat. Actually pinakita ni Javi sakin yung brown envelop kanina syempre nong nakita ko yun nagulat ako. But then pinaliwanag naman na nila sakin ang lahat kaya ayon. Tsaka doon na nabuo ang plano nila." Ngumisi siya sakin at pinatuloy niya ang pagkain niya.

"So kaya pala nung pinakita ko sayo yun kanina wala akong may nakita sayong emosyon, kasi nakita mo na pala yun. Tapos anong plano naman ang sinasabi mo?"

Kakaiba din talaga mag isip ang mga yun pero nag papasalamat pa din ako dahil sila ang naging kaibigan ko dito.

"First tinanong nila ako kung galit daw ba ako sayo. Syempre sinabi kung hindi kasi hindi naman talaga ako galit sayo. Then sabi ni Juan at Kobe kailangan ko daw mag panggap na galit ako sayo at sa nalaman ko. Tapos kunwari daw iiwan na kita at ipagtutulakan daw kita kay Roxanne. Para daw malaman ko kung ano ang magiging reaction mo at doon ko daw mapapatunayan kung gaano mo ako ka mahal. Tapos sabi pa ni Javi hintayin ka na lang daw namin doon dahil sigurado daw siyang hinahanap mo ako sa buong campus." Ngumiti pa siya sakin ng malapad.

"What the! Humanda talaga sila sakin mamaya! At pumayag ka naman sa gusto nila?" Seryoso ko siyang tinignan sa mga mata niya.

"Wala namang mawawala kaya pumayag ako. Tsaka mas napatunayan ko lang na mahal na mahal mo nga talaga ako." Ngumisi pa siya sakin at pinisil niya yung ilong ko. "Sige na love kumain na tayo."

"Grabe ka naman mahal, hindi mo naman kailangan gawin yun para lang malaman mo kung gaano kita ka mahal. Natakot ako kanina kasi akala ko talaga iiwan mo nanaman ako ulit. Sa susunod wag mo ng gawin yun hah? Mahal na mahal kita at hindi mo na kailangan maniwala sa kanila para malaman kung gaano kita ka mahal."

I can't believe na ginawa niya yun para lang malaman kung gaano ko siya kamahal.

"Okay love and I'm sorry, alam ko naman na mahal mo ako and mahal din naman kita. Sorry na talaga love hindi na mauulit yun." Hinawakan niya yung kamay ko at pinisil niya yun.

"Okay lang mahal hindi naman ako galit sayo, I love you so much Akisha Jade Arquiza!" Tumayo ako at kiniss ko siya sa forehead niya.

"I love you too, love." And ngumiti siya sakin.

"Sige na kumain ka na mahal dahil babalik na tayo sa campus." Kinuha ko yung kamay niya at kiniss ko yun.

****

"Dad sabi ko naman sayo hindi ako sasali sa students night na yan." Seryosong sabi ko kay daddy.

Nandito kami ngayon ni Akisha sa office ni daddy, gusto niya daw kasi kaming makausap.

"Everyone is required to join in the students night son." Seryosong sabi niya habang nakaupo sa swivel chair niya.

"Sasali po kami Tito." Nakangiting sabi ni Akisha. Napatingin ako sa kanya ng sabihin niya yun.

"No dad hindi kami sasali ni Akisha at isa pa wala kaming damit para sa event na yan." Seryosong sabi ko.

"Don't worry son hindi yan problema dahil may binili na yung mom mo para sa susuotin niyo ni Jade." Ngumiti siya tsaka tumingin kay Akisha.

"Wow talaga Tito? Sige asahan niyo pong pupunta kami ni Ricci." Nakangiting sabi niya.

Tumingin ako sa kanya at hinawakan ko yung kamay niya. "Hindi tayo pupunta mahal." Seryosong sabi ko sa kanya.

"Narinig niyo Tito? Pupunta din daw si Ricci, sige po Tito dadating po kami."

"What the? Hindi yan ang sinabi ko mahal. Ang sabi ko hin---"

"Well then aasahan ko ang pag dating niyo mamaya Jade. By the way sa bahay na pala kayo magbihis dahil nandon yung mga damit niyo." Nakangisi niya akong tinignan at ngumiti siya kay Akisha.

"No hindi ka---"

"Sige po Tito pupunta na lang kami mamaya sa bahay niyo. Salamat po Tito, sige aalis na po kami." Tumayo si Jade at hinila niya na ako palabas. Pero bago kami lumabas narinig ko pa yung sinabi ni daddy.

"Si Jade lang pala ang makakapag paamo sayo, son. She's a treasure and you need to keep her because a lot of people visioning to have her. "

Continue Reading

You'll Also Like

48.9K 2.3K 36
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
3.2K 397 25
A 19 year old girl Adeline grew up in her non biological mother when she gone missing when she was 2 years old. She was a adopted by one of the famou...
2.4K 261 31
Finance manager Kianna Gaiyel works for a well-known jewelry business in South Korea. Growing up, she only focused on her studies and her desire to r...
79.1K 1.7K 44
(MIKHAIAH) an 18+ STORY