Dear KILLER [Completed]

By Yengkoy

1.5M 57.2K 7.5K

유♥웃 Dear, Killer Una sa lahat, gusto ko magpasalamat sa pinadala mong love letter. Alam mo bang, tumatalon an... More

DEAR, KILLER (PLOT♥)
DK-♥PROLOGUE♥
DK彡Introduction^_^
DK彡Love at First Shot??!
DK彡Curiosity Kills the Cat
DK彡The Unexpected Visitor
DK彡OH NO!
DK彡Death Wish
DK彡Nine Months?!!
DK彡FIRST LETTER♥♥
DK彡Guidance Office
DK彡♥FIRST KISS??!!♥
DK彡♥Hue, Hue! Textmate?♥
DK彡 ♥Tippy is Falling......♥
DK彡♥Crush, Crush, Crush! Three times a day?♥
DK彡 ♥TippyLoveKiller♥
DK彡 Next To Him♥♥
DK彡The Confession
DK彡 Never Say Die?^_^ (I♥Ginebra)
DK彡LETTERS TO KILLER♥♥♥
DK彡♥Alexander Dela Cruz♥
DK彡 I IIII III
DK■ Hero
DK彡Date?♥
DK彡Missing Him╮(╯_╰)╭
DK彡Mutual Understanding♥♥
DK彡It's Complicated
DK彡Secret Admirer
DK彡YAM ♥ YAMO
DK彡Reippy or Xanppy?
DK彡Alexander's Confession
DK彡Pool Party
DK彡Pool Party Continuation
DK彡Best Night Ever?
DK彡Awkward!!
DK彡Inspector.Ramon Guevara & SPO1.Morgan Castro
DK彡Rumors
DK彡Doom
DK彡Killer's Identity
DK彡The Heartbreaks
DK彡Runaway
彡The Promises彡
☜The Deadly Finale☜
♥Dear, KILLER.♥
P.S. I Love You

DK彡⇨ School Fair ⇦

27.8K 1K 70
By Yengkoy

"Bakit wala ka na namang sinalihan na club?!" Tanong ni Jay sa akin habang nakatambay ako sa booth ng club nila.

Ang araw na iyon ay ang school fair namin, tulad pa rin ng dati hindi na naman ako nagpaparticipate. Noon nga kapag may activities sa Academy palagi akong absent at nasa bahay lang. Hindi dahil sa walang gusto tumanggap sa akin, choice ko lang talaga hindi magparticipate.

"Tinatamad ako eh, saka hindi rin naman sumali si Denson." Sagot ko habang kumakain ng banana que.

"Puro ka Denson. Last year na natin ito baliw kaya sana, nagparticipate ka naman."

Umiling lang ako habang kumakain. Pinagmasdan ko ang ginagawa nilang pagde-desenyo sa Marriage Booth nila.

"Doon kana nga sa bundok, nakaharang ka sa booth namin." Pagtataboy ni Jay sa akin. Sinamaan ko lang siya ng tingin at naglakad na palayo. Nilibot ko ang iba't-ibang booth na naroon. Marami na ring tao na mukhang iyong iba ay sa ibang school pa nanggaling. 'Bakit kaya wala pa siya? boring tuloy.'

"Tiffany!"

Napatigil ako sa paglalakad ng makita ko si Xander walang kwenta na pinalilibutan ng mga babae na masama na ang tingin sa akin. 'Hay isa pang kutong lupang ito, ang dami ng babae sa paligid niya tatawagin niya pa ako.' Pinandilatan ko lang siya at nagsimula na maglakad ulit.

Pero nagulat nalang ako ng biglang may humawak na dalawang lalaki sa akin kaya nalaglag tuloy ang banana que ko. Asar na nilingon ko ang dalawang lalaking iyon.

Pero nagulat ako ng ma-mukhaan ko sila.

"Teka,diba kayo iyong-"

"Inaaresto ka namin." sabi ng isa na may pagkachinito habang tumatawa naman ang foreigner.

"This is funny, we looked like an idiot."

"Buti alam niyo,teka bitawan niyo nga ako at bayaran niyo na din ang banana que ko." palag ko sakanila pero ngumisi lang sila at iginaya na ako patungo sa Jail booth kung saan nag-aabang si Xander walang kwenta.

"Arestado ka!" sabi agad niya ng tumigil kami sa harapan niya. wala na rin iyong mga babae na nakapaligid sakanya kanina, iyong mga kasama niya nalang sa club ang naroon na napapailing nalang na ngumiti.

"Heh! tigilan mo ako, wala naman akong nagawang kasalanan!" bulyaw ko sakanya pero ngumiti siya at bahagya niya nilapit ang mukha sa mukha ko.

"Ninakaw mo ang puso ko, kaya arestado ka." sabi niya na tinawanan lang ng mga kasama niya.

"Boom panes!" sabi ng chinito.

Napabuntong-hininga nalang ako na tiningnan siya.

"Wala akong kinalaman sa binibintang mo at kung sakali na nakawin ko iyon, wag ka mag-alala isasauli ko agad sayo." asar na sabi ko sakanya.

Ngumiti lang siya na namulsa sa akin at sinenyasan ang dalawang kasama na dalhin na ako sa kulungan na ginawa ng club niya.

"Bwisit!" sigaw ko ng nasa loob na ng kulungan kasama ang ibang students na pinagtripan din.

"Relax Tiffany, ako naman ang magbabantay sayo." nakangisi na wika ni Xander mula sa labas.

"Pwede ba, pakawalan mo ako! sinisira mo ang araw ko, alam mo ba iyon?"

"Hindi, dahil para sa akin ikaw ang nagpapaganda ng araw ko." wika niya sabay kindat.

"Boom panes ulit!" sabad ng chinito. tumawa lang iyong mga kasama niya pati na rin iyong mga nasa loob ng kulungan.

"Tigilan mo nga ako Xander walang kwenta baka marinig ka ni Denson."

Nagpalingon-lingon siya sa paligid.

"Lee nakita mo ba si Red?" tanong niya sa chinito.

"Hindi."

"How about you Bryan?" tanong naman niya sa foreigner.

"Nope."

Ngumisi na binalingan ako ng tingin ni Xander.

"Wala siya, kaya pwede ka magtaksil."

"Kung pwede sana batukan ka, kanina ko pa ginawa." naiinis na sabi ko sakanya na tinawanan lang niya.

"Magbabayad na lang ako para makalaya na." sabi ko sabay kuha ng pera sa bag ko.

"Boom basag!" sabi ni Lee na nang-aasar pa na tumingin kay Xander.

Pagkakuha ng isang babae sa bayad ko ay pinalaya na nila ako.

"Tiffany naman!" sigaw ni Xander ng naglalakad na ako palayo. 'Bwisit talaga.'

"Tiffany!"

Nagulat pa ako ng biglang humarang si Xander sa dinadaanan ko. hinabol pa talaga ako ng mokong.

"Ano na naman?!" napipikon na tanong ko sakanya ngumiti lang siya sabay hawak sa isang kamay ko. hindi ko mapigilan makaramdam ng kuryente sa pagkadikit ng balat namin kaya natataranta na binawi ko ang kamay.

"Pwede ba!" paasik na wika ko.

"We have to talk Tiffany."

"Busy ako, hahanapin ko pa si Den-" natigil ako sa sasabihin ng may biglang apat na tao ang lumapit sa kinatatayuan namin ni Xander. tulad ko ay nagtataka rin siya.

"Sino kayo?" tanong ko sa tatlong lalaki at isang babae. seryosong-seryoso ang mga mukha nila.

Nagkatinginan ang apat na tao na iyon at walang paalam na kinuha ng babae ang isang kamay ko samantalang ganun din ang ginawa ng isang lalaki kay Xander. Naguguluhan kami ni Xander sa nangyayari.

Nanlaki ang mata ko ng bigla nila tinali ng isang pink ribbon ang kamay namin ni Xander.

"What is this?" tanong ni Xander ng matali na nila ang kamay namin.

Ngumiti iyong babae sa akin.

"It's a love birds ribbon."

"Ano?!" gulat na sabi ko. habang tumawa naman ng malakas si Xander.

Nagdududang tiningnan ko siya.

"May kinalaman ka ba dito?"

"Syempre wala, nagulat nga ako pero ok na rin ito." nakangisi na sabi niya sabay angat ng kamay namin na nakatali.

Tiningnan ko ang mga taong iyon.

"Hindi niyo kami pwede itali baka makita ito ni Denson kaya please-"

"I'm sorry Ma'am pero kailangan niyo muna maglakad sa buong campus bago namin gawin ang gusto niyo."

"Pero-"

"Wala kana magagawa Tiffany, mga Officer sila kaya wala kang kawala." sabad ni Xander na lalong nagpadagdag ng inis ko.

"Sa lahat ng tao na narito sayo pa talaga ako natali." asar na sabi ko.

"It's destiny Tiffany, alam mo bang kapag oras na maitali ang dalawang tao ng ribbon na ito sila ang magkakatuluyan?"

Nagtatanong na tumingin ako sa babae. nangingiti lang ang mga officer sa sinabi ni Xander.

"Wag mo ako pagtripan adik!" bulyaw ko sakanya at akmang mauuna na sa paglalakad pero pinigilan ako ng babae.

"Dapat sabay kayo sa paglalakad." sabi agad niya ng makita ang pagtataka sa mukha ko.

Sumipol lang si Xander.'Paano kapag nakita ito ni Denson?'

Napabuntong-hininga nalang ako na tumango kaya ang nangyari naglakad na kami ni Xander sa buong campus nang nakatali sa isa't-isa habang nasa likuran namin ang mga officer na nagtali sa amin pero ang nakakabwisit lang ay iyong dalawang kaibigan ni Xander na sumama sa pagrampa namin sa campus.

"Nakakilig naman tol!" sabi ni Lee kay Bryan.

"Oo nga bagay sila."

"Mas nakakakilig kapag hinawakan ni Xander ang kamay ni Tiffany." pagpaparinig ni Lee.

"Indeed." sang-ayon naman ni Bryan.

Nagbabanta na tiningnan ko si Xander na tuwang-tuwa pa sa nangyayari.

"Don't you dare." sabi ko sakanya na pinagtawanan lang niya.

Napadaan kami sa isang grupo ng magbabarkada mukhang mga elementary pa ang mga iyon.

"Uuuyyy!!" sabay-sabay na panunukso nila ng makita kami ni Xander.

Ngumiti lang sakanila si Xander habang napapikit nalang ako. 'Bakit kasi wala siya, yan tuloy.'

"Mercado." napamulat ang mata ko ng marinig ang boses na iyon at tumigil sa paglalakad.

Napalunok ako ng laway ng makita si Denson na nakatayo sa harapan namin.

"Hi Red!" bati ni Xander sakanya. pero nakatingin lang siya sa akin pagkatapos ay sa kamay namin ni Xander na nakatali.

"Long time no see Pareng Red!" bati naman ni Lee sakanya na hindi niya din pinansin. bumuntong-hininga siya na nag-angat ulit ng tingin sa akin at walang salita na tinalikuran na niya kami. 'Eh, anyare?'

Nilingon ko ang mga officer.

"I have to go." paalam ko at ako na mismo ang nagtanggal ng tali at nagmamadali ng hinabol si Denson.

"Tiffany!" tawag sa akin ni Xander pero hindi ko na siya pinansin.

Tumakbo ako ng mabilis para mahabol agad si Denson.

"Denson!" tawag ko sakanya sabay harang sa unahan niya.

Napatigil siya sa paglalakad at tiningnan ako.

"Hi." hinihingal na bati ko sakanya na nakatingin lang sa akin.

"Ang akala ko hindi ka pupunta dito-"

"May gusto sana akong samahan pero mukhang nag-enjoy naman siya kahit wala ako." sabi niya sabay lampas sa akin. naiwanan naman ako na nag-iisip. 'Sino kaya iyong tinutukoy niya?'

Nilingon ko siya na naglalakad na palabas ng Academy.

Nanlulumo nalang na naglakad na ako patungo sa booth nina Jay na busy sa pagkakasal ng dalawang tao.

Tahimik nalang na tumayo ako sa gilid habang pinapanood ang nangyayari na kasal-kasalan. 'Wala talaga akong halaga sakanya, mas inisip pa niya ang iba kaysa samahan ako.' napabuntong-hininga nalang ako.

"Hoy, anong nanyari sayo?" tanong ni Jay sa akin pagkatapos niya maikasal iyong dalawang tao. gusto ko sana matawa sa ayos niya pero wala na ako sa mood. sira na talaga ang araw ko.

"Wala na talaga akong pag-asa sakanya."

"Kanino?" tanong niya.

Tumanaw ako sa gate ng academy kung saan lumabas si Denson.

"Kay Red."

Nagulat ako ng bigla ako binatukan ng bakla.

"Ano ba! bakit mo iyon ginawa?!"

"Gusto ko lang magising ka sa kabaliwan mo. Malamang, paano ka ba magkakaroon ng pag-asa sakanya kung lagi ka lang nakabuntot?"

Kumunot ang noo ko na tiningnan siya.

"Mukhang hindi mo gets ang sinabi ko. Makinig ka ng mabuti Tippy. Turn-off  sa mga lalaki ang babaeng naghahabol sakanila."

"Hindi ko siya hinahabol noh!" Kaila ko kaya muli niya ako binatukan.

"Hindi ka nga naghahabol pero para ka namang aso na nakaamoy ng pagkain kaya laging bumubuntot sakanya. Kahit nga ako na bakla ay hindi natutuwa sa ginagawa mo, siya pa kaya na buong araw na lagi mong sinusundan?"

Natigilan ako sa sinabi ng kaibigan. Ganun na ba talaga ako kalala? Masyado na ba akong desperada?

"Sabi mo..... akitin ko siya." Paninisi ko sakanya kaya hinampas niya naman ako sa balikat.

"Baliw! Iba ang mang-akit sa bumuntot!"

"Hindi ba?"

Naiirita na sinabunutan ni Jay ang sarili at nauubos ang pasensya na tiningnan ako.

"Naloloka na ako sayo, Tippy!"

Nagpout nalang ako. Malay ko ba na hindi.

Bumuntong-hininga siya na namaywang sa akin.

"Walang mangyayari sa lovelife mo kung bubuntot ka lang sakanya dapat may plano ka din."

Napaisip ako sandali at tiningnan siya.

"Anong......plano?"

Dahan-dahan sumilay ang isang ngiti sa labi niya sabay bulong sa akin ng plano na naiisip niya.

Continue Reading

You'll Also Like

3.1M 146K 72
[THE BADASS BABYSITTER] Para sa isang Presidente ng bansa, malaki ang expectation nito sa mga anak niya. You should be the best for him to be proud o...
106K 3.4K 37
Patricia Bless Ramos is an 18 years old independent woman. She's a loving daughter. A selfless person. A loving friend. But being an 18 years old, sh...
67.9K 1.9K 51
How does it feel when you're idolizing someone? I mean, we already have an advance technology and there's a lot of people or artist you'll find amazi...
106M 2.1M 50
Marriage is normally one's happily ever after in the movies, but for Aemie Ferrer-Roswell, it's just the start of a seemingly unending adventure. Can...