Dear KILLER [Completed]

Da Yengkoy

1.5M 57.2K 7.5K

유♥웃 Dear, Killer Una sa lahat, gusto ko magpasalamat sa pinadala mong love letter. Alam mo bang, tumatalon an... Altro

DEAR, KILLER (PLOT♥)
DK-♥PROLOGUE♥
DK彡Introduction^_^
DK彡Love at First Shot??!
DK彡Curiosity Kills the Cat
DK彡The Unexpected Visitor
DK彡OH NO!
DK彡Death Wish
DK彡Nine Months?!!
DK彡FIRST LETTER♥♥
DK彡Guidance Office
DK彡♥FIRST KISS??!!♥
DK彡♥Hue, Hue! Textmate?♥
DK彡 ♥Tippy is Falling......♥
DK彡♥Crush, Crush, Crush! Three times a day?♥
DK彡 ♥TippyLoveKiller♥
DK彡 Next To Him♥♥
DK彡The Confession
DK彡 Never Say Die?^_^ (I♥Ginebra)
DK彡LETTERS TO KILLER♥♥♥
DK彡♥Alexander Dela Cruz♥
DK彡 I IIII III
DK■ Hero
DK彡⇨ School Fair ⇦
DK彡Missing Him╮(╯_╰)╭
DK彡Mutual Understanding♥♥
DK彡It's Complicated
DK彡Secret Admirer
DK彡YAM ♥ YAMO
DK彡Reippy or Xanppy?
DK彡Alexander's Confession
DK彡Pool Party
DK彡Pool Party Continuation
DK彡Best Night Ever?
DK彡Awkward!!
DK彡Inspector.Ramon Guevara & SPO1.Morgan Castro
DK彡Rumors
DK彡Doom
DK彡Killer's Identity
DK彡The Heartbreaks
DK彡Runaway
彡The Promises彡
☜The Deadly Finale☜
♥Dear, KILLER.♥
P.S. I Love You

DK彡Date?♥

29.9K 1.2K 270
Da Yengkoy

"Denson!" Tawag ko sa lalaking kakasampa palang ng motorsiklo niya. Lumingon siya sa akin kaya agad ako naglakad palapit sakanya hawak ang isang pink na helmet na sinadya ko pa ipabili kay Kuya Nambo.

"Uuwi ka na ba?"

"Oo, bakit?" Umiwas siya ng tingin sa akin ng ini-start na niya ang motor.

This is it Tippy!! It's now or never, kailangan ko dumiskarte.

Binigyan ko siya ng napakatamis na ngiti sabay kalabit sakanya sa braso.

"Pwede bang sumabay sayo?"

Kumunot ang noo niya ng mapansin ang hawak kong helmet bago muli ako tiningnan.

"Hindi."

Napanguso ako pero hindi pa rin ako pinapanghinaan ng loob. Gusto ko masubukan na umangkas sa motor niya kahit na nakakaramdam ako ng nerbyos.

"Hindi kasi ako masusundo ng driver namin, nasira iyong kotse." Sabi ko sakanya at nagkunwaring malungkot.

"Mag-commute ka na lang." Akmang papaandarin na niya ang motor pero mabilis ko siyang pinigilan.

"Please, Denson. Ayoko mag-commute. Saka sabi ni Dad, magpahatid ako sa kakilala ko. Alam mo namang hindi na safe ang environment natin ngayon, diba?" Sa totoo lang, okay iyong kotse namin. Sinadya ko lang talaga na hindi magpasundo dahil sa misyon ko na umangkas sa motorsiklo ni Denson at ang pagkakataon na mayakap ang likod niya.

"Sumabay ka sa bestfriend mo." Pagmamatigas pa rin niya.

"Nakauwi na siya."

"Sa school kana lang matulog kung ayaw mo magtaxi. Kailangan ko na umalis."

Ang sama talaga ng ugali ng lalaking to. Ewan ko ba kung bakit ako na-inlove sakanya?

"Denson naman, paangkas na!" Pagpupumilit ko pa sabay yugyog ng braso niya.

"Gabi na oh! paano kung ang taxi na sasakyan ko ay maaksidente?"

Huminga siya ng malalim at tumingin sa mga dumadaang estudyante.

"Hindi ka sasakay sa motor ko, Mercado."

"Paano kung ang driver nun ay isang sindikato pala?"

"Hindi ka pa rin sasakay sa motor ko.

"Paano kung may kasama pa siyang iba at pagnakawan ako?"

"Hindi ka pa rin sasakay sa motor ko."

"Paano kung makidnap ako? at dalhin sa isang lugar na hindi mo mahahanap?" This time ay lumingon na siya sa akin kaya nabuhayan ako ng pag-asa.

"Hindi ka pa rin sasakay sa motor ko."

Laglag ang balikat na tumungo nalang ako. Akala ko naman papayag na siya. Haist!

"Aalis na ako, Mercado." Tinanggal na niya ang kamay ko na nakahawak sa braso niya.

"Sige." Pabulong na sabi ko at bahagya umatras para hindi mabangga ng motor niya. Napayuko nalang ako na tiningnan ang hawak na helmet bago napabuntong-hininga. Wala na talaga akong pag-asa na ma-experience na umangkas sa motor niya hindi ata maganda iyong diskarte ko? Hay!

"Nakaalis na si bakla. Wala naman akong ibang kaibigan para makasabay sa pag-uwi. Pwera nalang si Xander?" Kausap ko sarili at huminga ng malalim.

"Sige na nga, kay Xander nalang ako-"

"Sumakay kana." Nagulat pa ako ng mapansin na hindi pa pala nakaalis si Denson.

"Huh?" Parang tanga na sabi ko. Salubong ang mga kilay niya na nag-iwas siya ng tingin sa akin.

"Sakay na bago pa magbago isip ko."

Lihim ako nagdiwang ng sabihin niya iyon. Sinuot ko na agad ang pink na helmet sa ulo ko at lumapit sa likuran niya.

"Bilisan mo, Mercado."

Kahit kinakabahan ako sa unang beses na aangkas ako ng motor-- binalewala ko nalang iyon. Ang importante makasama ko si Denson.

Napangiti ako ng sumampa na sa motor niya at agad na yumakap sa likod niya.

"Hindi mo naman kailangan yumakap. Hawak lang sa balikat, Mercado, okay na. Hindi ka na mahuhulog."

"First time ko to, Denson. Hayaan mo na ako. Saka naninigurado lang ako. Atleast pag nahulog ako, mahuhulog ka din."

Lumingon siya sa akin.

"Hindi ako mahuhulog."

Nag-angat ako ng tingin sakanya at ngumisi. Sabi na nga ba, gets niya agad na ibang 'hulog' iyong tinutukoy ko.

"Wag magsasalita ng tapos."

"Gusto mo ng mamatay?"

Napasimangot agad ako ng nagsisimula na naman siya sa linya niyang iyon.

"Sabi ko nga, hindi ka mahuhulog. Ikaw ang driver eh. Tara na nga!" Tinapik ko siya sa braso at muling yumakap sa likod niya ng pinaharurot na niya ng mabilis ang motor palabas ng academy.

♥♥♥

Nakarating kami sa isang mall dahil na rin sa pagpupumilit ko.
Hindi nga ako makapaniwala na napilit ko siya! Siguro hindi lang talaga niya ako matiis? Diba ganun iyong ibang boyfriend? Na hindi nila matitiis ang girlfriend nila kaya lagi nila itong pinagbibigyan? 'Assuming ka na naman, Tippy.' Nagsasalita ka na naman isip.

"Ano bang bibilhin mo, Mercado?" Tanong niya habang nasa isang bookstore kami.

"Puso mo." Mahinang-mahina ang boses na sagot ko sabay hagikhik. Nagseryoso lang ako ng lumingon siya sa akin.

"Ano ulit iyong bibilhin mo?"

"Book." Tipid na sagot ko bago tumingin-tingin sa mga libro na nakadisplay sa mga bookshelves na nandoon. Lihim ako napangiti ng naramdaman ang pagsunod niya sa likod ko.

"Magtataka ako pag pagkain ang binili mo sa bookstore." Rinig ko na sabi niya kaya humarap ako sakanyan

"First time kita narinig nagjoke, Denson. Pero imbes na nakakatawa, lalo ka tuloy naging hot sa paningin ko." Kinikilig na sabi ko sakanya pero nilagpasan niya lang ako.

"Magtanong ka nalang sa mga saleslady kung nasaan iyon libro na bibilihin mo para makauwi na tayo." Seryosong utos niya na nagpapawi ng kilig ko. Kahit kailan ang KJ niya.

"Opo." Naglakad na ako patungo sa dalawang saleslady para magtanong habang patingin-tingin na rin si Denson sa mga libro na nakadisplay doon.

"Excuse me Miss, pwede ko ba-"

"Wow ang hot naman ng guy na iyon." Kumunot ang noo ko na tiningnan ang saleslady at ang kasama niya na saleslady din. 'Aba't, oras ng trabaho nanlalandi?'

"Oo nga, ang gwapo niya at mukhang single, tingnan mo wala siyang kasama." Wika naman ng babae sa kasama niya habang nakatingin sa likuran ko. 'Landi ng mga bruha! nasa harapan na nila ako hindi pa nila ako pinapansin?' Humugot ako ng malalim na hininga para pigilan ang sarili na sigawan sila.

"Miss? excuse me?" Tawag ko sa babae. Tumingin naman siya sa akin, iyon nga lang nakataas ang isang kilay niya na mukhang natulungan lang ng eyebrow kaya nagkaroon.

"Yes?"

'Ang bruha! kung maka yes mataray pa?!' Patience, Tippy.

"Gusto ko sana itanong kung may-"

"Wala na." Sagot agad niya kahit hindi pa natatapos ang tanong ko at ang mas nakakainis pa ay ng bumalik na naman sila ng kasama niya sa pagnanasa sa isang lalaki na naroon sa bookstore.

"Lapitan mo na kaya, Vira." Udyok ng babae sa kasama na katabi ko lang naman.
Nakakunot ang noo ko na nilingon ang lalaking pinagpapantasyahan nila.

Ganun nalang ang selos at irita na nararamdaman ko ng makilala kung sino iyong pinagnanasaan nila.

"Tingin mo papansinin niya ako?"

Naniningkit ang mga mata na muli ako humarap sa dalawang palakang iyon. Hindi ba nila alam na bawal pagnasaan si Denson? Sabi nga ni Angel Locsin sa The legal wife, "Akin lang ang asawa ko" kaya dapat, "Akin lang din ang Denson ko!"

"Oo naman, maganda ka kaya." Pagpapalakas loob ng babae sa Vira na iyon.

"Excuse me mga girls" Tawag ko sakanila. Nabaling ang atensyon nila sa akin.

"Iyong lalaki bang iyon ang pinag-uusapan niyo?" Paninigurado ko pa sabay turo sa direksyon ni Denson na busy sa pagbabasa ng isang magazine na naroon.

"Oo, bakit?" Mataray na tanong ng saleslady na mukhang nakulangan ng dugo sa sobrang putla.

Tumayo ako ng tuwid sabay hawak sa baywang ko.

"Bawal niyo na siya pagnasaan." Mataray rin na sabi ko.

"At bakit?"

Ngumiti ako sakanila sabay sabing-

"He's my boyfriend."

Kitang-kita ko ang pagkagulat sa mukha ng dalawang echoserang frog at maya-maya ay nagkatawanan.

"Hahaha! seryoso?" Tanong ng babaeng maputla habang tumatawa. Nakakatawag pansin na rin sa ibang customer ang tawanan nila.

"Hindi halata, I mean hindi kayo bagay." Sabi naman ng Vira na iyon.

Napuno na ako at akmang tatangalan ko na sana sila ng mata ng biglang may nagsalita sa likuran ko.

"Nahanap mo na ba iyong libro?"
Agad ako nakangiting lumingon pagkarinig ng boses na iyon.

"Wala daw dito eh. Di bale nalang." Sagot ko at pasimpleng tiningnan iyong dalawang palaka na kulang nalang ay tumulo ang laway habang nakatingin kay Denson.

"Sige. Babayaran ko lang to." Paalam ni Denson sabay pakita ng dalang magazine at naglakad na patungo sa cashier.

Hindi pa rin naaalis ang ngiti sa labi ko ng humarap ulit sa dalawang palaka.

"Sabi ko naman sa inyo, boyfriend ko siya." Nanlaki ang mga mata nilang dalawa at halatang nadismaya. Buti nga.

"Hintayin mo ako, Babe!" Pang-iinggit pa na tawag ko kay Denson bago nagflip hair at iniwan iyong dalawang palaka na luging-lugi ang mga itsura.

'Ang akala mo naman kagandahan iyong mga frog na iyon, eh ano sila ngayon? kala nila ah.'

Pagkatapos bayaran ni Denson ang magazine ay nagyaya na siya umuwi.

Pero ayoko pa matapos ang gabi namin kaya nagpanggap akong gutom.

"Nagugutom ako, kain muna tayo?"

Kumunot ang noo niya na tiningnan ako.

"Sa bahay kana lang kumain. may lakad pa ako."

"Pero gutom na gutom na talaga ako eh, baka bigla ako himatayin kapag sa bahay pa ako kakain, hindi ka ba naawa sa akin?"

Binigay ko sakanya ang nakakaawang mukha ko sabay hawak sa tiyan.

Napabuntong-hininga nalang siya na napapikit bago muling tiningnan ako na nakapout pa rin sakanya.

"Bilisan mo kumain." Napipilitan ulit na sabi niya bago naunang naglakad patungo sa isang fastfood chain na naroon sa mall na iyon. Tulad pa rin ng dati ay nasa likuran niya lang ako at nakabuntot sakanya.

Pinagmasdan ko ang likod niya habang kinakausap siya sa isip.'Kailan kaya tayo maglalakad ng sabay? Iyong katabi mo na ako at hindi na sa likuran?' At sa kasamaang palad hindi siya sumagot. Oh well, hindi naman siya si Edward ng twilight na nakakabasa ng isip. Pero kung maging si Edward man siya, edi ako naman si Bella at handa magpakagat sakanya ng sa gayon walang hanggan na ang buhay ko at walang hanggan na rin ang pag-iibigan namin.

Pero malayo, iba ang bampira sa killer.

Nakarating na kami sa loob ng fastfood chain at naka-order na rin. Pero hindi siya kumain dahil nagpapakabusog siya na pagmasdan ang pagkain ko. Sana nga iyon ang ginagawa niya, pero sa nakikita ko naiinis na naman siya.

"Ang takaw mo, pahiran mo nga ang dumi sa gilid ng labi mo." Puna niya sa akin.

"Dumi?" Takang tanong ko.

"Sa kanan. punasan mo."

Kumuha ako ng tissue at pinunasan ang gilid ng labi na sinasabi niyang may dumi.

"Dito ba?"

Huminga siya ng malalim bago kumuha na rin ng isang tissue at siya na mismo ang natanggal ng nun sa gilid ng labi ko.

"Simpleng dumi lang hindi mo pa malinis."

Napangiti ako sa ginawa niya at kinikilig na pinagpatuloy ko ang pagkain.

"Sarap naman ng steak nila dito, ayaw mo talaga kumain?" Tanong ko sakanya na nakamasid lang sa akin.

"Hindi tayo nagde-date, Mercado."

Natigil ako sa gagawing pagsubo ng marinig ang sinabi niya.

"Date? Of course not! Hindi ko naman iniisip iyon noh." Natatawang sagot ko. Hindi ko alam kung bakit niya iyon sinabi pero kinikilig na naman ako!

"Mas mabuti ng maliwanag. Baka bigyan mo na naman to ng ibang ibig sabihin."

"Paano ko naman iisipin na date ito? Eh ako nga ang nagyaya kumain at nanlibre sa sarili ko." Nakanguso na sagot ko. Hindi na ulit siya nagsalita kaya tumahimik naman ako. Tutal totoong gutom na gutom na din ako. Pero hindi ko pa rin maiwasan mailang habang kumakain. Paano ba naman kasi tong si Denson, kung makatitig parang ako ang gusto niyang kainin!

Tumikhim ako. "Alam mo bang staring is rude?" Hindi ko na mapigilan na magsalita.

"Takpan mo yang mukha mo kung ayaw mo na titigan kita."

Napairap ako sa narinig sabay pabulong ng- "Kung yang mata mo kaya ang dukutin natin?"

"May sinasabi ka, Mercado?" Muli ako nag-angat ng tingin sakanya at kitang-kita ko ang matalim na tingin niya. Lumunok ako at alanganin na ngumiti sakanya. Pag ganitong masama na naman ang mood niya, papaulanan na naman niya ako ng maraming pagbabanta.

"Sabi ko, titigan mo lang ako hanggang sa magsawa ka." Sagot ko sabay inom ng pineapple juice.

"Hindi ako magsasawa." Bigla ako nasamid ng marinig iyon at hindi makapaniwalang tumingin sakanya. Nag-iwas na siya ng tingin sa akin ng tumayo na.

"Bilisan mo na kumain. Hihintayin kita sa labas."

Sinundan ko muna siya ng tingin ng lumabas na siya ng fast food chain bago ko nagmamadali kinuha ang salamin ko sa bag ko at tiningnan ang sariling mukha mula doon.

"Hindi ako magsasawa." Ulit ko at ginaya pa kung paano sabihin iyon ni Denson. Hindi ko mapigilan kiligin! Kung wala lang ako sa public place baka kanina pa ako nagsisisigaw. Hindi ko na tinapos ang pagkain ko at agad na akong sumunod kay Denson.

Salubong pa nga ang kilay niya ng makita niya akong lumabas na rin ng fastfood chain.

"Let's go." Yaya agad niya pagkalapit ko.

Nanlulumo nalang na sumunod na ako sa likuran niya. Ayan na naman siya sa cold treatment niya. Hindi ko talaga siya magets.

Nang makarating na kami sa parking lot ng mall na iyon ay tahimik pa rin kami. Gusto ko pa siya kausapin pero nakikita ko sa mukha niya na wala na naman siya sa mood kaya tumahimik nalang ako hanggang sa makarating na kami sa tapat ng bahay ko.

"Thank you." Sabi ko sakanya ng mahubad na ang helmet sa ulo at makababa na rin sa motorsiklo niya.

"Sinong kasama mo sa bahay?" Tanong niya ng tinanggal na rin ang suot na helmet at tumingin sa bahay ko.

Lumingon ako sa tapat ng bahay ko doon ko lang napansin na wala pa ang kotse nina Mommy at Daddy.

"Si Nana lang at isang maid, mukhang hindi pa umuuwi ang parents ko."

"Pumasok kana sa loob at wag magpapasok ng hindi kakilala. Okay?"

Kinikilig na naman ako! Oh my! Nag-aalala siya sa akin? Ganda ko!

"Mercado?"

Doon lang ako natauhan na kaharap ko pa pala siya. Napangiti ako na tumingin sakanya at tumango.

"Oo, Denson."

"Anong Oo?" Kunot ang noo na tanong niya.

'Oo na tayo na.hehehe.' Pero siyempre hindi ko sinabi iyon.

"Oo, narinig ko ang sinabi mo. Sige, pasok na ako." Nakangiti na paalam ko sakanya at akmang tatalikuran ko na siya ng may naisip ako.

Humurap ulit ako sakanya at mabilis siyang hinalikan sa kanang pisngi niya.

Nanlaki pa nga ang mga mata niya at halatang gulat na gulat.

Napangiti ako sa nakitang reaksyon niya.

"Goodnight kiss-"

"Pag ginawa mo ulit iyon, lagot ka sa akin." Banta niya ng makabawi. Pero hindi na ako natatakot noh!

"Ay, hindi mo nagustuhan?" Kunwari ay nagulat na tanong ko sakanya. Matalim na tinginan niya lang ako.

Napabuntong-hininga nalang ako bago napangiti at hinalikan ulit siya sa pisngi. Doon na siya umalis sa pagkakasampa sa motor niya at hinarap ako.

"Woah! Wait lang! Binabawi ko lang iyong kiss na binigay ko sayo." Paliwanag ko sabay layo sakanya.

"I already warned you young lady." Seryosong wika niya habang naglalakad palapit sa akin.

Pasimpleng umatras ako patungo sa gate. Huminto siya saglit habang hindi inaalis ang tingin sa akin.

"You're dead." Pagkasabi niyang iyon ay tumakbo siya palapit sa akin kaya agad na rin akong kumaripas ng takbo papasok ng gate. Buti nalang hindi iyon nakalocked.

"Mercado!" Rinig ko na sigaw niya ng nakapasok na ako sa loob at mabilis iyon nasarado. Tumatawang sumandal ako sa nakasaradong gate. Nakakatakot na asarin si Denson pero mas nanaig iyong kasiyahan ko.

"Goodnight, Denson!"

Continua a leggere

Ti piacerà anche

729K 26K 45
It's a gxg story so if you're homophobic feel free to ignore my story. Date started: May 17,2020 Date finished: July 2,2020
145K 11.4K 52
HER: Si Kaitlyn, anak ng CEO. Sa kanyang pagpasok sa Westbridge University, muli silang nagtagpo ng lalaking una niyang hinalikan. Galit ito sa kany...
11K 512 33
[COMPLETED] TAMING THE AÑONUEVO SERIES #1 Red Añonuevo is a well-known jerk who drinks from the tears of the girls that fell for him. But it changes...
140K 5.4K 50
"I like the feeling of having a crush on someone... but going beyond that feeling is a no." - Riley [TAGLISH] Most Impressive Ranking #675 lesbian ou...