The Lost Princess

By yeexizx

910K 20.5K 1.1K

BOOK 1 of The Lost Princess - Charlotte Elizabeth Lucienne Gloriette I'm Charlie Lany Lotte. Hindi ko nga al... More

The Lost Princess | Prologue
Kabanata I - Chapter 1
Kabanata II - Chapter 2
Kabanata III - Chapter 3
Kabanata V - Chapter 5
Kabanata VI - Chapter 6
Kabanata VII - Chapter 7
Kabanata VIII - Chapter 8
Main Characters
Kabanata IX - Chapter 9
Kabanata X - Chapter 10
Kabanata XI - Chapter 11
Kabanata XII - Chapter 12
Kabanata XIII - Chapter 13
Kabanata XIV - Chapter 14
Kabanata XV - Chapter 15
Kabanata XVI - Chapter 16
Kabanata XVII - Chapter 17
Kabanata XVIII - Chapter 18
Kabanata XIX - Chapter 19
Kabanata XX - Chapter 20
Kabanata XXI - Chapter 21
Kabanata XXII - Chapter 22
Kabanata XXIII - Chapter 23
Kabanata XXIV - Chapter 24
Kabanata XXV - Chapter 25
Kabanata XXVI - Chapter 26
Kabanata XXVII - Chapter 27
Kabanata XXVIII - Chapter 28
Kabanata XXIX - Chapter 29
Kabanata XXX - Chapter 30
Kabanata XXXI - Chapter 31
Kabanata XXXII - Chapter 32
Kabanata XXXIII - Chapter 33
Kabanata XXXIV - Chapter 34
Kabanata XXXV - Chapter 35
Kabanata XXXVI - Chapter 36
Kabanata XXXVII - Chapter 37
Kabanata XXXVIII - Chapter 38
Kabanata XXXIX - Chapter 39
Kabanata XL - Chapter 40
Kabanata XLI - Chapter 41
Kabanata XLII - Chapter 42
Kabanata XLIII - Chapter 43
Kabanata XLIV - Chapter 44
Kabanata XLV - Chapter 45
Kabanata XLVI - Chapter 46
Kabanata XLVII - Chapter 47
Kabanata XLVIII - Chapter 48
Kabanata XLIX - Chapter 49
Kabanata L - Chapter 50
Additional Chapter
Epilogue
Special Chapter
A/N - TLP
WARNING:
Dedications
Announcement
Announcement (2)
FOLLOW ME ON INSTAGRAM

Kabanata IV - Chapter 4

25.4K 665 20
By yeexizx

Chapter 4- Challenge

Written by yeexizx

Charlie's POV

Pumasok na ako sa portal at napunta ako sa madilim na kagubatan.

"Tss. Akala ko ba sa mahiwagang mundo ako dadalhin nito?"

Inobserbahan ko muna ang paligid ko, nakaramdam naman ako ng malakas at kakaibang enerhiya.

Napangiti naman ako. "Nandito na nga ako..." bulong ko sa sarili ko.

May nakita naman akong puno na medyo lumiliwanag, idinikit ko naman doon ang kamay ko upang malaman kung isa ba iyon na patibong o hindi. Napabalikwas ako nang magsalita ito.

"Magandang gabi, binibini." malalim na bati ng isang puno.

"Ano ang maipaglilingkod ko sa iyo?"

"Maaari ba akong makalusot at punta sa Arteya Academy?" magalang kong tanong rito.

"Maaari, ngunit may pagsubok bago ka makapasok." tugon nito.

Tinitigan ko naman ang puno ng ilang segundo bago sumagot. "Marangal kong tatanggapin ang iyong pagsubok na ibibigay."

"Ngayon, maghanda ka na."

Nakakita naman ako ng mga mababangis na hayop. Ito na siguro ang pagsubok na sinasabi ng puno. Ginamitan ko nalang sila ng spell at umilaw ang aking mata ng kulay-pula. Tiyak na matagalan pa ako kung pisikal na pakikipaglaban ang gawin ko, mas mainam na ang kapangyarihan ko nalang.

"Fire blast!" sigaw ko rito at itinama ang kaliwa kong kamay na may apoy sa mga hayop.

Madali lang pala, tss.

"Ginagalak kita! Ikaw ay nagtagumpay sa pagsubok, maaari kanang pumasok." masayang usal ng puno.

Ang kanina'y puno ay unti-onting naging lagusan na siyang ikinamangha ko. Tumambad sa'kin ang mala-palasyong paaralan na nasa aking harap.

Mukhang hindi naman ito paaralan. Ang laki nito kaya naman nagmumukha itong palasyo. Biglang bumukas ang malaking gintong gate. Bumungad sa'kin ang maraming nilalang, kaya pumunta ako sa gawi roon.

"Magandang umaga sa inyo, ngayon na magsisimula ang Transferynia Levelling, kung sino man ang makapasa sa pagsubok na ito ay p'wede nang mag-aral ng libre sa Arteya Academy. May apat na basehan na seksyon. Una ay Beginning section, dito makikita ang 'di pa sanay sa kanilang kapangyarihan. Pangalawa ay ang Emergence section, dito makikita ang mga kayang nang gumamit ng kanilang kapangyarihan. Pangatlo ay ang Rare section, dito makikita ang mga sanay na sanay at eksperto na sa paggamit ng kapangyarihan. Ang pang-apat at panghuli naman ay Royalties section, dito nag-aaral ang mga prinsesa at prinsepe, kung malakas ang kapangyarihan o kasing lakas ng kapangyarihan niyo ang kapangyarihan ng mga dugong bughaw, posible at maaari kayong makapasok rito." pagpapaliwanag ng emcee.

"Ipapadala ko kayo sa Raisty Forest kung saan ginaganap ang pagsubok. Ipapaalala ko lamang na tatlong nilalang lamang ang aming kukunin, mga nilalang na makikitaan ng potensyal sa pakikipaglaban. Pumunta na kayo sa opening ng gate para makapunta na kayo kaagad sa Raisty Forest." sunod na paliwanag ng Emcee.

Bakas ang mga takot na takot na mga itsura ng mga mga nilalang dito sa loob. Hindi ko rin sila masisisi sapagkat buhay rin ang kapalit rito kung mangyari mang mapuruhan ang isa na sanhi ng mga mababangis na hayop.

Pero para sa akin, wala naman silang dapat katakutan, tss.

Pumunta na kami sa opening ng gate at naglaho. Binuksan ko na ang aking mata nang may maramdaman na akong mga hayop na gutom na gutom sa lamang-loob namin. Pinagsisipa ko naman ang mga ito at kumuha ng dagger na nakadikit sa batok ko.

Dinaganan ko ang malaking lobo at pinagsasaksak sa likod hanggang maging abo ito.

Madami naman akong napatay na mga mababangis na hayop dahil bawat daan nila sa harapan ko ay pinapatay ko.

Napahinto ako nang makaramdam ako ng isang pamilyar at malakas na enerhiya. Lumingon ako sa aking likudad nang may makitang mga nilalang na nakaitim. Na naglaho rin kalaunan.

Paanong nagkaroon ng Darkenians dito!?

"Lumabas kayo! Huwag kayong magtago! Hanggang dito ba naman, sinusundan niyo pa rin ako!" sigaw ko sa mga ito, naalala ko naman kung paano nila pinagtulungan si Inang Tamara na nagpabigat nanaman sa loob ko.

Mamatay man ako ay hinding-hindi ko kayo mapapatawad...

Lumabas naman ang mga ito at pinagsusugod ako. Tiyak ko na nasa walo ang mga nilalang na 'to. Sinipa ko naman sila at lumipad patalon sa isa at nag-split pataas at umikot-ikot, sabay-sabay naman silang naputulan ng ulo.

Mahihina kayo, paano niyo nagawang talunin si ina!?

Headmaster's POV

"Ano kamong sabi mo!? May nakapasok na mga Darkenians kung saan ginaganap ang pagsubok!? Imposible namang mangyari iyon!" sigaw ko sa assistant ko.

Nakakapagtaka, ano namang pakay nila sa mga bagong estudyante?

"Opo, Headmaster. Ngunit natalo ito ng isang babaeng nakaitim na cloak. Hindi ko nakita ang mukha nito dahil nakatago ang mukha nito gamit ang isang maskara. Ngunit wala na kayong dapat pang ikabahala dahil nalaman ko na ang kanyang pangalan." magalang na saad ng assistant ko.

Kumunot naman ang noo ko. "Ano ang kanyang pangalan?" tanong ko rito.

"Charlie Lany Lotte."

Napatingin naman ako sa kawalan. "Pamilyar ang pangalang iyan."

Napakunot naman ang noo ko. "Pero nakakapagtaka, bakit kailangan pang pumunta sa gubat ng mga Darkenians? Hindi hamak na mas malakas sila at isa pa... 'Di pa masyadong dalubhasa ang mga bagong estudyante sa paggamit ng mahika. Wala rin kwenta kung magpupunta sila dahil purong mga estudyante lamang ang naroon at hindi kawalan sa atin ang mga mamamatay doon."

"Baka naman po... Gusto lang talaga nila patayin ang mga bagong estudyante upang wala tayong makuhang mga nilalang na may potensyal sa pakikipaglaban. Hindi pa ba kayo nasanay sa mga masasamang nilalang na iyon? Pumapatay talaga kita ng naisin nilang mga nilalang, inosente man o hindi." pagpapaliwanag ng assistant ko.

May parte sa kalooban ko na labag na maniwala doon. Ang alam ko lang ay hindi sila susugod basta-basta kung walang mabigat na dahilan.

"Sana nga... Nag-aalala ako para sa mga masasayang na buhay ng ibang estudyante."

Charlie's POV

Nakakita ako ng higanteng nilalang mula sa taas. Kinakalaban sila ng sa tingin ko ay mga nasa sampung estudyante. Hirap na hirap na sila. At tila sa palagay ko ay nauubusan na rin sila ng kapangyarihan.

"Ako na d'yan." malamig kong usal sa kanila.

"H-Hindi mo sila kaya!" hingal na hingal na tugon ng babae.

"Basta, umalis nalang kayo." ani ko nang hindi man lang nagpapakita ng kahit na anong reaksyon.

Umalis na sila sa kani-kanilang pwesto at pinanood nalang nila ang mga gagawin ko. Bakas sa mga mukha nila ang mangha sapagkat sobrang liksi ng mga paggalaw ko.

Mas binilisan ko pa ang mga kilos ko, lumipad ako papunta sa likod ng halimaw, pinagsasaksak ko ito ng sampung beses at nakailag naman ako nang akmang susuntukin na niya ako. Dahil na din sa pagod, ginamitan ko na ito ng kapangyarihan. Nagpaulan din ako ng matutulis na hangin na mas lalong nagpahiram sa halimaw na gumalaw.

"Air tornado!" sigaw ko.

Tinangay naman ng malaking ipo-ipo na gawa ko ang malaking halimaw, pumasok naman ang sarili niya ang kapangyarihan na ginamit ko. Lumipad ako sa mukha nito at marahan na tinusok ko ang kanyang mata gamit ang dagger ko dahil sobrang sama ng loob. Sinunod ko naman ang kanyang isang mata at tuluyan na siyang natumba.

Kasabay nu'n ay ang pagkawala ng ipong-ipo ipinalabas ko. Upang matiyak kong patay na talaga ang higanteng 'to ay kinuha ko ang espada ko at sinaksak ang kanyang puso na kasing laki na ng bintana. Umagos naman ang berdeng dugo niya sa may lupa. Nang matiyak na patay na nga talaga ito ay dali-dali akong umalis.

Nagulat naman ang sampung estudyante nanonood sa ginawa ko. Imbes na isipin pa sila ay pinagpapapatay ko nalang lahat ng mga lobo sa paligid ko at sinunod ang mga leon at tigre. Hindi ko na mabilang ang mga napatay ko sa sobrang dami. B

Napahinto kami sa paggalaw nang bigla naming narinig ang isang malalim na tinig sa aming isipan.

"Magaling ang inyong ipinakita, mga estudyante. Inuutusan ko na kayong bumalik dito." ma-awtoridad na usal ng isang matandang boses na sa tingin ko ay ang Headmaster.

Pumunta naman ako sa opening na pinaglabasan namin at naglahong muli. Nakita ko naman ang mga nilalang na nakipaglaban sa halimaw kanina na nakatitig lamang sila sa'kin.

Ano kayang problema ng mga 'to sakin

"Paano mo nagawang talunin ang halimaw na 'yun? Ang alam ko ay wala pang nakakatalo na nilalang sa halimaw na 'yun, kahit pa ang mga prinsepe at prinsesa. Wala pa, ikaw pa lamang ang kauna-unahan." namamanghang usal ng babae na nakikipaglaban kanina sa higante.

"Oo nga! Ikaw palang ang nakatalo sa infinity monster! Ang galing mo!" masayang ani ng isa pang babae.

Hindi ako sumagot at tumalikod na sa kanila.

"Ang snobera naman ng isang 'yun!" sigaw naman ng isa pa nilang kasamahan. Hindi ko nalang pinansin iyon dahil hindi ko naman ugaling kumausap ng mga nasa paligid ko

"Magpahinga muna kayo, bukas namin sasabihin ang mga nagwagi o ang mga nilalang na nasa top ng pagsubok na ito." ani Headmaster.

Pumunta nalang ako sa girls room at humiga sa kama habang naka-maskara pa rin. Dumilim naman unti-onti ang aking paningin hanggang sa makatulog na ako.

Kinabukasan, paggising ko ay ang oras agad ang tiningnan ko.

Alas-nuebe na pala..

Nagsabi ako ng mga spell na natutunan ko sa libro ni Inang Tamara upang hindi na ako magutom. Nagmamadali na rin ako at gusto ko na malaman ang mga nagwagi sa pagsubok kahapon.

Naligo na ako ng madalian. Unusual, naka-hoodie at mask pa rin ako.

Outfit: Black Jeans, Black Hoodie, Black Sneakers

Itim ang paborito kong kulay, wala nang iba pa. Lumabas na ako at kasabay nu'n ang pagsasalita ng Emcee. Napahawak ako sa tenga ko nang marinig ang masakit na tunog na galing sa mic niya.

May pampagawa ng akademya pero mic wala

"Magandang umaga sa lahat, nandito ako para i-annouce ang mga nananalo at top!" masigla niyang sambit at sabay-sabay namang nagsigawan ang mga nilalang dito.

"Ang top 3 natin ay nagngangalang Sabrina De Fluente. She killed almost 55 monsters and 5 big monsters." nakangiting saad ng Emcee, kumakaway-kaway pa ang babae. Nagsigawan at palakpakan naman ang mga estudyante.

"Ang top 2 natin ay nagngangalang Rico Lica. He killed almost 74 monsters and 10 big monsters." masayang ani ng Emcee, halata mo namang kinikilig pa ang mga babae rito. May itsura siya kaya hindi na ako magtataka kung bakit napapatili niya ang mga babaeng na rito. Pumunta na sila sa stage habang sinusuotan ng medal.

Pinapadyak-padyak ko lamang ang mga paa ko habang naghihintay kung sino ba talaga ang top 1.

"And the top 1 is..." pabitin na usal ng Emcee na siyang dahilan kung bakit lalong umingay.

"Charlie Lany Lotte!" nakangiting sambit naman niya. Madali naman akong pumunta sa stage. Madaming bulong-bulungan, 'yung iba naman ay namamangha.

Daming bubuyog.

Napatingin ako sa kanya nang malaglag ang panga niya sa gulat. Napakamot muna siya sa ulo niya bago magsalita. "Wow Unbelievable statistics!" gulat na sigaw niya.

"She killed 590 monsters and 450 big monsters. She also killed the Infinity Star Monster. Congratulations, Charlie Lany Lotte! Ikaw lang ang nakapatay sa halimaw na 'to! Very unbelievable!" malakas na sambit nito sa madla.

"Salamat." malamig kong tugon.

Inilagay niya na sa'kin ang medalya na gintong nakinang-kinang pa.

May lumapit naman sa aking kulay-asul ang mga mata. "Pinapatawag ka ni Headmaster, Ms. Charlie Lany Lotte." kalmadong saad ng isang babaeng maganda at makinis na sa tingin ko ay ang assistant ni Headmaster.

Tumango na lamang ako rito. "Lead the way then."

Nagsimula na siyang maglakad at nagsimula na rin akong sundan siya, madami namang mga estudyante ang nakatingin sa'kin at nagtataka, siguro ay dahil bago lamang ako.

"Ayan na ang room ni Headmaster." aniya habang nakangiti, hindi naman ako umimik rito.

Pumasok na ako sa k'warto at sumalubong kaagad sa'kin ang mukha ng Headmaster.

"Congrats, Ms. Charlie for getting the top 1 achievement and for killing the Infinity Star Monster for the first time." masiglang pagbati naman ni Headmaster sa'kin.

"Ayan lang ba ang dahilan kung bakit mo 'ko pinatawag?" malamig kong tugon.

"Hindi, balak ko lamang ibigay ang susi and number ng dorm mo. Goodluck. Ang section mo ay Rare." nakangiting usal niya.

"Salamat, sa uulitin." simpleng sagot ko.

Lumabas na ako, sinilip ko naman ang papel na ibinigay sa'kin ni Headmaster para silipin ang room number ko.
Room 435

Naisipan ko nalang na mag-teleport para mas madali. Isang segundo ang lumipas, nang buksan ko ang mga mata ko, bumungad sa'kin kaagad ang kwartong may numero na 435. Kaagad naman akong pumasok rito. Napagdesisyunan kong matulog na lang ulit para makapaghanda sa panibagong araw.

Araw-araw ay may mga bagong pagsubok na dapat kong ipaghanda... Sana ay makayanan ko ito.

-
The Lost Princess. Chapter 4. Fantasy.

Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 62.4K 79
Her family was killed. The kings and queens were their murderers. Having the unique ability like no other, she decided to avenge them. This makes the...
2.5M 63.4K 62
Revenge. The only word that's into her mind. All the way from New York, Vera Jean Moore came back to do her revenge for those who killed her Mother...
443K 9K 61
RIANNE was a secret gangster at the Gangster University. Well, that was until an asshole in disguise told the whole world about it. As a result, she...
20.6M 758K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...