The Lost Princess

By yeexizx

910K 20.5K 1.1K

BOOK 1 of The Lost Princess - Charlotte Elizabeth Lucienne Gloriette I'm Charlie Lany Lotte. Hindi ko nga al... More

The Lost Princess | Prologue
Kabanata I - Chapter 1
Kabanata III - Chapter 3
Kabanata IV - Chapter 4
Kabanata V - Chapter 5
Kabanata VI - Chapter 6
Kabanata VII - Chapter 7
Kabanata VIII - Chapter 8
Main Characters
Kabanata IX - Chapter 9
Kabanata X - Chapter 10
Kabanata XI - Chapter 11
Kabanata XII - Chapter 12
Kabanata XIII - Chapter 13
Kabanata XIV - Chapter 14
Kabanata XV - Chapter 15
Kabanata XVI - Chapter 16
Kabanata XVII - Chapter 17
Kabanata XVIII - Chapter 18
Kabanata XIX - Chapter 19
Kabanata XX - Chapter 20
Kabanata XXI - Chapter 21
Kabanata XXII - Chapter 22
Kabanata XXIII - Chapter 23
Kabanata XXIV - Chapter 24
Kabanata XXV - Chapter 25
Kabanata XXVI - Chapter 26
Kabanata XXVII - Chapter 27
Kabanata XXVIII - Chapter 28
Kabanata XXIX - Chapter 29
Kabanata XXX - Chapter 30
Kabanata XXXI - Chapter 31
Kabanata XXXII - Chapter 32
Kabanata XXXIII - Chapter 33
Kabanata XXXIV - Chapter 34
Kabanata XXXV - Chapter 35
Kabanata XXXVI - Chapter 36
Kabanata XXXVII - Chapter 37
Kabanata XXXVIII - Chapter 38
Kabanata XXXIX - Chapter 39
Kabanata XL - Chapter 40
Kabanata XLI - Chapter 41
Kabanata XLII - Chapter 42
Kabanata XLIII - Chapter 43
Kabanata XLIV - Chapter 44
Kabanata XLV - Chapter 45
Kabanata XLVI - Chapter 46
Kabanata XLVII - Chapter 47
Kabanata XLVIII - Chapter 48
Kabanata XLIX - Chapter 49
Kabanata L - Chapter 50
Additional Chapter
Epilogue
Special Chapter
A/N - TLP
WARNING:
Dedications
Announcement
Announcement (2)
FOLLOW ME ON INSTAGRAM

Kabanata II - Chapter 2

30.2K 690 20
By yeexizx

Chapter 2- Suffered

Written by yeexizx

Tamara's POV

Paglipas ng labing-pitong taon...

Narinig ko ang pagkausap sa'kin ni ina sa'king isip. Hindi ko pa din nakakalimutan ang mga salita na kan'yang tinuran kahit ilang dekada pa ang lumipas.

"Anak, nasa labas ang prinsesa, alagaan mo siya, sapagkat hinabilin siya sa'kin ng mahal na reyna. Nawa'y naibigay ko ito sa may mabuting puso, huwag mo itong papabayaan bagkus turuan mo siyang lumaban. Ilayo mo siya sa mga Darkenians, sapagkat siya ang magliligtas sa mga nilalang na naninirahan sa mundo ng mahika. Hanggang dito na lamang ako, salamat mahal kong anak." emosyonal na usal ni ina sa isipan ko.

Kaagad naman akong lumabas at nakita ko nga na may sanggol sa harap ng pintuan ng bahay ko, ito na siguro ang sinasabi sa'kin ni ina na prinsesa. Nangako ako sa sarili ko na papalakihin ko siyang mabuti at mayroong busilak na puso.

Na-diskubre niya na din ang kanyang mga kapangyarihan noong sampung taon siya, mahina pa ito ngunit unti-onti itong nalakas. Konting panahon nalang ay dadalhin ko na siya sa kan'yang pinanggalingan, papaaralin ko na rin siya sa isang makapangyarihang akademiya roon.

Lagi ko itong tinuturuan na makipaglaban at matutong gumamit ng kapangyarihan. Palagi rin siyang nag-tetraining, minsan nga ay mag-isa nalang din siyang nag-eensayo. Pinawalang bahala ko nalang 'yon, sapagkat alam kong kaya niya nang mag-isa at malaki ang tiwala ko sa kung paano ko pinalaki ang anak ko.

Pinangalanan ko siyang Charlie Lany Lotte, inilapit ko ito sa kan'yang totoong pangalan na Charlotte.

Sana lamang ay hindi matuloy ang nasa propesiya.

Sana.

Katapusan ng pagbabalik alaala.

Charlie's POV

Napabalikwas naman ako nang buhusan ako ng malamig na tubig ng matandang 'to.

Bwisit talaga 'tong lola ko na 'to!

Alam niyo ba kung bakit lola ang tawag ko sa kan'ya? Dahil tinatawag niya akong "baby" paminsan-minsan, s'yempre babawi ako. Malamig naman talaga ang pakikitungo ko at walang pakialam sa mundo, maliban na lamang kung ang kausap ko ay ang pinakaimportanteng nilalang sa buhay ko, si Inang Tamara.

"Ano ba 'yan, Lola! Natutulog pa 'yung tao!" sigaw ko rito

"Nakakalimutan mo bang hindi ka tao!? Magbihis ka na, may pasok ka pa!" pang-aasar nito.

Napasimangot ako nang sabihin niyang hindi ako tao, all these years, all I want is to be a normal person. Wala na akong mahihiling pa. Gusto ko na simple lang ang buhay ko katulad ng ibang tao. Ang hirap lumaki na wala man lang kaibigan dahil sa ganito ako.

"Anong klaseng panggigising 'yan!? Alas-kwatro palang! Alas-syete pa pasok ko!" sigaw ko rito.

"Mag-tetraining tayo bago ka pumasok 'di ba? Kaya bumangon ka na d'yan. Go! Go! Go!"

Napilitan akong maligo, kumain na rin ako. Pagkatapos kong gawin lahat ng everyday routine ko ay may pinindot akong button sa bookshelf ko, may lumalabas naman na elevator doon kaya pumasok na ako.

Tumingin ako sa paligid at makitang wala siya na ikinasimangot ko.

Bakit pinapunta niya na kaagad ako!? Sayang ang pagmamadali ko!

Pinakiramdaman ko naman ang mga enerhiya, alam kong may papalapit sa'king dagger pero nailagan ko kaagad 'yon.

Muntik na ako doon!

Pumalakpak naman si Lola Tamara.

"Improving, huh?" ngising saad naman ni Lola Tamara at ibinato naman sa'kin ang isang espada.

"Anong gagawin ko rito?" kunot-noong tanong ko.

"Labanan mo 'ko." sabay kindat sa'kin.

Ngumisi naman ako. "Seryoso ka?"

"Oo." patanong niyang tango.

Nagsimula na ang laban at siya ang naunang umatake.

Sinipa naman niya ako pero nakailag ako, sabay sipa ko sa kaniya. Nag-teleport naman siya papunta sa'kin para saksakin ako pero nag-bending ako patalikod at tumambling. Sumuot naman ako sa dalawang hita niya at sinipa ang pwet niya. Napatalsik naman siya gamit ang mga paa ko.

"Okay, suko na 'ko. You won Charlie." hingal na hingal nitong sambit. Wala naman akong naramdaman kahit na anong hingal.

"Okay, magpapalit lang muna ako ng uniform, tapos aalis na 'ko papunta sa school." ani ko, tumango lang naman siya.

Pumunta na ako sa taas ng kwarto para makapagpalit na ng uniporme. Pagkatapos ay umalis na ako papunta sa paaralan.

Nag-teleport nalang ako sa likod ng school namin upang walang makakita. Pumunta na ako sa corridor. Unusual, laging may masamang titig nanaman ang bawat estudyante rito sa akin. Ewan ko ba, nananahimik ako pero lagi akong kumpulan ng tukso, kung p'wede lang sana na gamitin ang kapangyarihan sa kanila, matagal na silang tusta.

"Guess guys who's here!" maarteng sigaw ng babaeng araw-araw sinisira ang umaga ko.

Ang tatlong pugita nanaman na nambibwisit sa pang-araw-araw na pagpasok ko dito, kung pwede lang lumaban ay baka pinaglalamayan na sila ng mahal nila sa buhay.

"Wala akong balak na makipag-away sa inyo." malamig kong saad rito.

"Aba! Paano naman kami? Paano kung gusto naming makipag-away?" nanggigigil na sigaw niya at hinila ang buhok ko.

"Mang-aaway na nga lang kayo, hindi pa patas. Nakita niyo na ngang mahina ako, kakalabanin niyo pa akong tatlo." pang-iinis ko.

Halatang na-badtrip sila sa'kin. Sasabunutan na sana ako nu'ng leader nila nang maunahan ko. Kinuha ko 'yung kamay na dapat ipangsasabunot niya sa'kin at marahang ipinulupot 'yon. She cried in pain. Napangisi naman ako ng marahan.

Ayoko na rin dito, pinatulan ko na para 'pag umalis na ako dito, nakaganti na ako nang walang pagsisisi. Ang hirap din  magpanggap na mahina sa araw-araw. Isipin mo 'yon? Sampung taon akong nagdusa at nagpakahirap dito sa kinalalagyan ko ngayon.

"H-How dare you!" sigaw ng queen bee, bee bee bee beebuyog.

"I hate you!" maarteng sigaw ng alipores niyang kasama na sobrang kapal ng makeup.

"Aw... Masama ba ang bali mo? Sorry..." sarkastikong sambit ko sa kanila at ngumisi ng marahan.

"Walanghiya kang nerd ka! Lagot ka sa'kin kapag nakawala ako rito! You slut!" sigaw ng pinuno nila.

"Sa susunod gawin mo, daig mo pa ang numero unong hambog dito sa mundo. Hindi mo naman magawa."

"Fuck y" pagalit na sigaw niya ngunit pinutol ko iyon.

"Ang bastos ng bunganga mo ah, minura ba kita?" bulong ko rito.

Nakita ko namang marami nang estudyante ang nakapalibot sa'min, 'yung iba ay nagbubulungan, 'yung iba naman ay natatakot sa ginagawa ko sa mga babaeng 'to.

Napahinto kaming lahat nang may malakas na sumigaw mula sa isang silid.

"Ms. Lany! Pumunta ka sa Guidance Office!" malakas na sigaw ng Principal.

Napakatagal ko nang nagtitimpi sa Principal na 'to. Parte na rin siya ng paghihirap ko. Ni kahit anong pagtatanggol, hindi ko man lang natamasa sa tagal-tagal ko sa paaralan na 'to. Para lamang akong isang peste na pakalat-kalat para sa kanya. Hinding-hindi ko siya mapapatawad.

"Also the three of you!" turo niya sa mga bubuyog na mala-clown ang makeup.

Kahit naman ipatawag mo sila, sila pa rin ang kakampihan mo. Tss.

Kasalukuyan kaming nasa opisina ni Principal lahat. Nakasimangot lang ang mukha nila. Dahil siguro 'yon sa pamimilipit ko ng mga braso nila. Napatingin ako sa braso nilang konti nalang ay nagiging kulay-ube na dahil sa pamumula.

"What happened?" mahinahon na tanong ni Principal.

"Si Charlie, Principal... Sinaktan at inaway nanaman kami! Tingnan mo namumula ang arms ko! Anong sasabihin ko kay Mommy nito!?" kunyaring iyak ng leader nilang bubuyog.

Nagsinungaling pa... Hindi naman kapani-paniwala.

"Tss. Nakita mo ngang tatlo kayo at mag-isa ako? Paano ako makakalaban kung nerd lang ako katulad ng sinasabi niyo?" simpleng sagot ko at napayuko sa inis.

"Wala na akong mapiling desisyon para sa'yo, Ms. Lotte. Ipapa-drop kita sa ginawa mo sa kanila, Ms.Lany! Ang dami mo nang atraso sa kanila! Madami na rin akong natatanggap na reports tungkol sa behavior mo. At isa pa, anak sila ng mga taong malaki ang shares sa paaralan na ito. I'm so sorry Ms. Lotte pero drop out ka na. Pirmahan mo ito. Hindi ka na pwedeng pumasok simula bukas." kalmadong tugon ni Principal.

May nararamdaman akong hindi tama. Pero masaya ako dahil hindi na ako mag-aaral dito. Hindi na rin ako magtitiis sa pang-aapi nila sa akin.

"Are you frightened that the three women next to you might kick your ass or fire you as a principal? Or maybe, mas malala pa 'don... Ipapapatay ka? Idadamay ang pamilya mo? What huh?" mahinahon pero seryoso at matinik kong saad kay Principal, sabay tawa ng malakas. Tawang nakakainsulto.

Bahagya naman silang nagulat. Ang effort naman ng tatlong 'to. Handang manakit ng tao, masunod lang ang gusto nila.

"W-What are you t-talking about, Ms. L-Lotte?" utal-utal na ani ng Principal.

"Excuse me!? Mukha ba kaming mamamatay tao like you!? Inggit ka ba sa'min kaya mo nasasabi yan!? Kaya gusto mo kami sirain kay Principal! You're just a little pest and shit to us! Lagot ka sa'kin mamaya! You freaking liar bitch!" galit na galit na sigaw ng leader nila.

Malakas akong tumawa. "Insecure? For what? You're just a spoiled brat na umaasa sa pera ng mga magulang mo. You're controlling people lives using your parents' money. So why would I be so insecure?"

"Ano bang pinagsasasabi mo!? Gawa-gawa ka talaga ng storya, ano!? Kulang ka ba sa pansin!? Napakasinungaling mo talagang babae ka! Akala mo naman maniniwala sa'yo si Principal? Never and ever!"

"Oh, ito piso." kalmado kong turan at binigyan siya ng piso na nagpakunot ng noo niya.

Tumaas naman ang kilay niya. "You're disgusting! Anong gagawin ko dito!? I'm sorry, pero hindi ako tumatanggap ng pera galing sa mga patay gutom at dukha na katulad mo."

"Bilhin mo pake ko."

"ANONG SABI M—" inis niyang tugon pero pinutol ko 'yon.
Pinaglaruan ko naman ang ballpen sa daliri ko. At napailing-iling. "You are shaming other people's unprosperous lives. How can you tolerate that attitude of her, Mr. Principal? Very unprofessional. Hays."

Natahimik naman sila na parang naplakang gulong. Kinuha ko na lahat ng papeles na dapat pirmahan para sa pag-alis ko ng paaralan na 'to. Pinirmahan ko na ito ng  madalian at tsaka tumayo para umalis na.

Napabuntong hininga naman bago buksan ang pinto. "By the way... Thanks for the best memories.  Being well-mannered is better than having a lot of money. Oh please, you can't bring it to grave."

Hindi ko na hinintay ang sasabihin nila dahil lumabas na ako, kitang-kita ko pa rin ang pagtitig sa'kin ng mga estudyante. Ang iba naman ay nakalapit ang tainga sa dingding para lang marinig ang mga pinag-usapan namin.

Hindi talaga mauubusan ng mga chimoso't chismosa.

Hindi ko na sila pinansin at pumunta ulit sa likudan ng paaralan para mag-teleport.

Pauwi na sana ako nang may makita akong ikinadurog ng puso ko.

"SHIT!" sabay takbo.

-
The Lost Princess. Chapter 2. Fantasy.

Continue Reading

You'll Also Like

31.4K 1.7K 52
Emanuella Malum, a human who has demon blood has to unleash the prophecy that has been predicted for a long time, in order to stop the evil doings of...
111K 3.6K 68
Queen Alexandria M. Rutherford - isang kilalang psychic. Masayang numumuhay sa Batangas kasama ang kanyang anak at ang kanyang boyfriend na si Kith M...
443K 9K 61
RIANNE was a secret gangster at the Gangster University. Well, that was until an asshole in disguise told the whole world about it. As a result, she...
65.5K 2.1K 30
"Naniniwala ka bang may mga iba pang nilalang sa ilalim ng karagatan?" Pinagbabawalan syang maligo sa dagat. Pinagbabawalan din syang maligo sa mga p...