Endless Love (COMPLETED)

By Blythe_Baby

38.2K 545 8

This is a work of fiction. A Fan Fiction of Ricci Rivero and everything on this story are solely based on my... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Epilogue
Author's Note:

Chapter 5

716 13 0
By Blythe_Baby

*Akisha Jade POV*

Dalawang araw na ang nakalipas sa nangyari samin ni Ricci sa rooftop pero hanggang ngayon ramdam ko pa din ang pagiging cold niya sakin. Pero dahil gusto ko siya aba syempre hindi ko pa din siya tinigilan. Umasta na lang akong parang walang masamang nangyari samin noon sa rooftop.


Nandito ako ngayon sa gym nanunuod ako ng practice nila ng basketball. Sobrang passionate ni Ricci sa basketball kaya walang duda na sobrang galing niya na ngayon maglaro ng basketball.


Finally natapos na din silang mag practice! Kanina pa kasi ako nandito it's already 6:20 in the evening. Nag promise kasi ako kay Juan na manunuod ako ng training nila ngayon tapos sasama ako sa kanila papunta sa bahay nila birthday niya kasi ngayon.

"Hi love ito oh tubig tsaka towel." Inabot ko sa kanya yun at umupo ako sa tabi niya.

"Hindi ko kailangan yan Jade!" Tinapon niya sa harap ko ang mineral woter at yung towel. "May pera ako pambili ng tubig. Madami din akong towel kaya hindi ko yan kailangan, especially you!" Tumayo na siya at aalis na sana siya nang dumating naman yung ibang ka teammate niya.

"San ka pupunta dude?" Tanong ni Juan kay Ricci.

"Maliligo na ako tapos susunduin ko na si Roxanne may date kami ngayon." Cold niyang sagot kay Juan.

"Whoo! Akala ko ba dude sasama ka samin sa bahay? Don't tell me nagbago na isip mo? Nangako ka sakin dude." Kung kanina nakangiti siya ngayon seryoso na siya.

"Oo, pero hindi mo naman sinabi sakin na isasama mo pala ang babaeng yan! Akala ko kasi all boys lang kaya pumayag ako." Sagot naman ni Ricci.

"No it's okay Juan hindi na lang ako sasama siguro bukas sabay nalang tayong kumain ng lunch ipagluluto kita para naman makabawi ako sayo." Kinuha ko na yung bag ko sa bench at akmang aalis na ako ng hawakan ako ni Juan.

"No Jade! Sasama ka samin! Cci nangako ka sakin na sasama ka kanina. Kung ayaw mong sumama sige wag hindi kita pipilitin. Pero ito lang ang tatandaan mo. 'Pag pinili mong makipag date sa babae mo kalimutan mo na lang ang pinagsamahan natin Cci total kay Roxanne naman umiikot ang mundo mo ngayon diba? Kaya nga mas pinili mo siyang makasama kisa ang sumama samin sa bahay ngayon. Wag kang mag aalala sasabihin ko kay coach bukas mismo na gusto mo ng umalis sa team diba yun naman ang matagal mo ng gusto, ang kumalas sa team dahil diyan sa babae mo? Then now your no longer part of the team. Tapos na---"

"Juan! Look Im sorry pero ako na lang ang hindi pupunta para makapunta na si Ricci. Wag mo lang siyang alisin sa team niyo alam mong malaking kawalan siya sa inyo pag nawala siya." Hindi ko na hinyaan na matapos ni Juan ang sasabihin niya at nagsalita na ako.

Bata pa lang kami noon basketball na ang gusto ni Ricci at hindi ko hahayaan na aalisin siya sa team nila dahil lang sakin. Muntik na niya itong talikuran noon dahil sakin at ayoko ng maulit muli yun.

"Hindi Jade alam ko naman na matagal na niyang gustong umalis sa team namin hindi niya lang magawa gawa dahil wala siyang enough reason para payagan siya ni coach at ng dad niya. Diba Ricci matagal mo ng gusto umalis? Sige na ngayon malaya ka na." Nagtitigan lang silang dalawa ni Juan.

"Oo matagal ko ng gusto yun Juan kasi nawawalan na ako ng time kay Roxanne at ito palagi ang dinadahilan niya sakin everytime na nagaaway kami. Salamat kasi finally pinakawalan niyo na din ako. Alam natin pareho Juan na malaking kawalan ako sa team niyo!" Kinuha niya na yung gamit niya sa bench at tumalikod na siya.

"Noon yun cci! Pero ngayon hindi ko lang alam kung malaking kawalan ka pa din sa team namin. Alam mo kung bakit? Kasi para sakin napakalaking g@go mo para talikuran ang pangarap mo para lang diyan sa babaeng niloloko ka! Ang manhid mo cci hindi mo nakikita lahat ng ginagawa ni Roxanne! No I think nakikita mo pero nag bubulag bulagan ka lang kasi pinapaniwala mo ang sarili mo na mahal ka niya at hindi ka niya iiwan kahit na kitang kita naman na niloloko ka niya!" Hinawakan ko si Juan sa braso niya ng sabihin niya yun kasi alam kung galit na si Ricci ngayon.

Lumingon siya samin at nagsalita. "Anong sabi mo?"

"Anong mukha yan cci? Galit ka o nagulat? Galit kasi tama ako na niloloko ka lang niya at nag papakatanga ka lang sa kanya? O Gulat dahil ngayon mo lang nalaman? Oh come on wag ka ng mag panggap cci na kunwari wala kang alam dahil kitang kita naman cci na niloloko ka lang niya! Akala mo angel yun pala demonyo din. Akala mo malinis yun pala basura din. Prinsesa mo pero parausan lang ng iba. Mahal mo pe---"

"Ricci!/Dude!/Bro!/Cci!" Sabay na sigaw namin nila Javi, diego at kobe dahil nagulat kami ng bigla niyang suntukin si Juan at natumba si Juan sa sahig.

"UNA SA LAHAT BABAE KO ANG PINAGSASABIHAN MO NG MGA WALANG KWENTANG BAGAY NA YAN! PANGALAWA, WALA KANG KARAPATAN NA HUSGAHAN SIYA DAHIL HINDI MO SIYA KILALA. PANGATLO, WALA KANG ALAM KUNG ANONG PINAGDADAANAN NIYA. PANG APAT HINDI KITA KAANO ANO PARA HUSGAHAN ANG BABAENG MAHAL KO! AT PANG LIMA WAG NA WAG MONG SABIHIN YAN SA KANYA DAHIL MAS KILALA KO SIYA KISA SAYO. BAKA YANG BABAENG PINAGTATANGGOL MO ANG MADUMI! LIMANG TAON NA NA SA IBANG BANSA KASAMA ANG KAIBIGAN NAMING LALAKI TINGIN MO WALANG MAY NANGYARI SA KANILA DOON?" and with that tumalikod na siya at umalis.

O_O- kaming lahat.

A N G   S A K I T ! ! ! !

Sa sobrang dami ng sinabi niya yung huling linya ang mas tumatak sakin. Never ko naisip na iisipin niya yun saming dalawa ni Brent. All this time yun na pala ang tingin niya sakin. I think mahihirapan na ako nito para maibalik ang tiwala niya sakin dahil para sa kanya isa na akong maduming babae.

"Wag mo ng isipin ang sinabi niya Jade hayaan mo siya kung ano ang gusto niyang isipin basta alam mo sa sarili mo na hindi yun totoo. Hindi mo siya kailangang pilitin na patawar---"

Hindi niya na natapos ang sasabihin niya dahil biglang nag ring yung cellphone ko. Agad agad ko naman itong kinuha sa bulsa ng pantalon ko.

*Brenty Calling...*

"AJ where are you?"

"Still in school, why?"

"Nandito ako sa gate ng school niyo ngayon kailangan mong umuwi ngayon!"

"Bakit anong nangyari?"

"Nakita ko siya sa labas ng condo mo and maybe ngayon nandon na siya sa loob ng condo mo!"

"Sa condo ko? Wait sinong siya ba ang tinutukoy mo?"

"May condo ba ako? Syempre sa condo mo. Ang lalaking sinusumpa mo."

"Seriously? How did he know na bumalik na ako from states?"

"His powerful and money works right? Kaya lumabas ka na diyan at nandito na ako sa labas ng school niyo."

"Powerful? I don't think so. Okay Just give me five minutes."

Then I hung up the call. Nakita ko ang mga mata nila apat na masamang nakatingin sakin.

"Anong nangyari?" Juan.

"Emergency?" Javi.

"Are you okay?" Kobe.

"Sino yung tumawag?" Diego.

Sunod sunod na tanong nila sakin.

"I'm okay. Yes it's emergency. May nangyari lang sa condo ko. Juanito Im so sorry kasi mukhang hindi ako makakasama ngayon sa inyo. But I promise na mag luluto ako bukas tapos dadalhan ko kayo at sabay na tayong kakain ng lunch. Im sorry guys its an urgent. Happy birthday ulit Juanito!" Kiniss ko na siya sa forehead at niyakap ko siya at tumalikod nako sa kanila at handa ng tumakbo ng magsalita si Juan.

"Yung lunch bukas hah? You promise na babawi ka sakin. I know its emergency kaya hindi na kita pipigilan. Mag iingat ka sa paguwi mo mamahalin pa kita!"

Hindi ko alam kung joke ba yun o seryoso. Hindi ko na lang sila nilingon at tumakbo na lang ako palabas ng school.

Pagdating ko sa labas nakita ko agad ang kotse ni Brent at kung minamalas ka nga naman well nakita ko lang naman si Ricci na inaalalayan si Roxanne papasok ng kotse niya. Pero mas nagulat ako ng biglang lumabas si Brent para kunin ang bag ko at pinasok ako sa kotse niya. Napatingin ulit ako sa gawi nila ni Ricci and I was schock ng makita kung nakatingin din siya samin.

****

"So bumalik ka na nga talaga." Matigas na sabi ng lalaki na kaharap ko ngayon.

"Yes totoo lahat ng yun Luis! Nandito na nga ako ngayon sa harap mo diba?" Kailangan kung ipakita sa kanya na matapang ako. Pagod na ako sa lahat ng mga pasakit na pinagdaanan ko sa kanya.

"So masaya ka don sa states kasama niya? Nung oras na umalis ka hindi ko naiisip na don ka pupunta kasi ang buong akala ko hindi mo siya makikita." Nilibot niya ang paningin niya sa buong condo unit ko.

"Well I guess your wrong. Akala mo matatago mo sakin ang katotohanan? Wow naman Luis tingin mo hindi ko malalaman yun? Ang tanga ko dahil napaniwala mo ako sa mga kasinungalingan mo! And you think na hindi ko siya makikita? Seriously are you nuts? Ang daming tao na nakapaligid sakin na malapit sa kanya you think talaga na hindi ko malalaman ang katotohanan?" Ngumisi ng mapait sa kanya.

Bigla na lang bumalik sakin lahat ng sakit na pinagdaanan ko nung na sa kanya ako. Thank God kasi nakawala na ako sa rehas na ginawa niya para sakin.

"Maybe given na yun after all alam ko naman na makapangyarihan siya. Pero sino ba siya para katakutan ko? Just to remind you ako nag bigay sayo ng condo na to alam natin pareho na ako pa din ang nag mamayari nito." Gumuhit ang isang napakalaking ngisi sa mukha niya.

"Oh come on Luis! The moment na binigay mo sakin to yun din mismo ang oras na ako na ang nag mamayari nito!" Kung gusto mo kunin mo! Gusto ko sanang idagdag sa sinabi ko.

"Okay sige hahayaan ko na sayo tong condo KO. Kalimutan mo na din ang lahat ng mga nagawa ko sayo noon baby."

Napatingin ako sa kanya after niya sabihin yun sakin. Hindi ko alam kung maaawa ako sa kanya ngayon o tatawa ako dahil sa itsura niya ngayon.

"Kalimutan? Your really a nuts Luis! After what you did to me kakalimutan ko na lang yun? Nung mga panahon na nasayo pako yun din ang araw na unti unti akong nasisira at nadudurog. Pagod na pagod na ako sayo Luis! Araw araw mo akong sinasaktan hindi lang physically at emotinally halos mabaliw nako noon Luis! Tapos malalaman ko na lang hindi pala totoo lahat ng mga nakikita ng mga mata ko at ang mga pinapaniwalaan ko? B*ll$h!t buong buhay ko naniwala ako na ako ang ang may mali at may kasalanan kaya hindi mo ako matanggap tapos kasinungalingan lang pala lahat ng yun? Pagod na ako Luis!" Gustong kumawala ng nga luha sa mata ko pero hindi ko ipapakita sa kanya na nasasaktan ako dahil alam ko ikakasaya niyang makita akong nasasaktan.

"Matagal na yun baby hindi mo pa din ba ako napapatawad hanggang ngayon? Hinayaan na kitang makasama siya sa loob ng limang taon. At ngayong nandito ka na ulit sa pilipinas gusto ko ako naman ang pagbigyan mo Jade." Tinignan ko siya at hindi ko na nakikita ang mga mata na kinakatakutan ko noon. Ibang iba na ang nakikita ko sa kanya ngayon.

"Tigilan mo ako sa ka ka-baby mo Luis nandidiri ako sayo!" Aalis na sana ako ng bigla niya ako hawakan sa kamay at niyakap niya ako.

"Alam ko g@go ako noon baby pero nung umalis ka at unti unti ng nawawala sakin ang lahat doon ko lang na realize ang halaga mo. Sorry kasi nasasaktan kita noon. Sorry kasi hinayaan ko na makita mo ang lahat ng k@gaguhan ko noon! Sorry kasi hindi kita nagawang protektahan. Sorry kasi hindi ko naipakita sayong mahal kita. Sorry kung hindi kita pinaniwalaan noon. Sorry kasi mas pinili ko na paniwalaan ang ibang tao kisa sayo. Sorry kasi huli na ng ma realize ko ang halaga mo." Naramdaman kung parang nabasa yung damit ko banda sa balikat ko. Don't tell me umiiyak siya? "Your all that I have now baby, your my strength, your the air I breath and I can't live without you, your my life now, my angel. Thank you for saving me from hell. Ikaw ang dahilan kung bakit ako bumangon sa buhay."

"Sorry? You think you deserve the forgiveness your asking from me? Umalis ka na sa condo ko! The day na pinaalis mo ako at mas pinili mong maniwala sa ibang tao yun din yung araw na pinutol ko na ang kung ano mang-ugnayan ko sayo! I hate you!" Tinulak ko na siya palabas ng condo ko.

"For now baby hahayaan muna kita. Pero gagawin ko ang lahat para lang mapatawad mo ako at bumalik ka na sakin. Always remember that I love you and thank you for coming into my life your the best award that I've recieve from God and sorry for not giving you your real worth and value." He then kiss me on my forehead and umalis na.

Hindi ko kaya kung kaya ko pa ba siyang patawarin sa lahat ng ginawa niya sakin. Hindi ko alam kung kaya ko pa bang ibalik ang kung ano man ang totoong ugnayan ko sa kanya. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa bang makita siya ulit dahil tuwing nakikita ko siya naaalala ko lang lahat ng mga pasakit na meron ako noon.

Nakakatawa kasi humihingi ako ng kapatawaran kay Ricci pero ako mismo hindi ko yun mabigay sa taong humihingi ng tawad sakin. It's Ridiculous!

Continue Reading

You'll Also Like

111K 3.6K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
1.6K 72 6
When the heiress loved by a billionaire. Slow update.
77.5K 3.1K 38
ayon sa iba, Ang GREATEST LOVE raw ang hinding-hindi mo makakalimutan sa lahat. Ang GREATEST LOVE raw ang nagturo sayo kung paano totoong magmahal...
51K 1.8K 43
Student activist Hiraya Roman of UP Diliman always fights for the welfare of the people. Even when she came from a wealthy and privileged family, she...