The Possessive Gangster

By laythemay

2.6M 61.6K 6K

Georgina Michelle Smith. From the family of politicians and generals and also the Unica hija of the current v... More

Prologue
TPG I
TPG II
TPG III
TPG IV
TPG V
TPG VI
TPG VII
TPG VIII
TPG IX
TPG X
TPG XI
TPG XII
TPG XIII
TPG XIV
Author's Note
TPG XV
TPG XVI
TPG XVII
TPG XVIII
TPG XIX
TPG XX
TPG XXI
TPG XXII
TPG XXIII
TPG XXIV
TPG XXV
TPG XXVI
TPG XXVII
TPG XXVIII
TPG XXIX
TPG XXX
TPG XXXI
TPG XXXII
TPG XXXIV
TPG XXXV
TPG XXXVI
TPG XXXVII
TPG XXXVIII
TPG XXXIX
TPG XL
TPG XLI
TPG XLII
TPG XLIII
TPG XLIV
TPG XLV
TPG XLVI
TPG XLVII
TPG XLVIII
TPG XLIX
TPG L
TPG LI
TPG LII
TPG LIII
TPG LIV
ANNOUNCEMENT!!
TPG LV
TPG LVI
TPG LVII
TPG LVIII
TPG LIX
TPG LX
TPG LXI
TPG LXII
TPG LXIII
TPG LXIV
TPG LXV
TPG LXVI
TPG LXVII
TPG LXVIII
TPG LXIX
TPG LXX
John Cedric Perez
Liam Boyle
Christopher Byrne "Chris"
Zham Edward Ortiz
Rowan Elvis Dominguez "Red"
Sampson Clarke
Timothy Roscoe Earl Sanz "Tres"
Epilogue
BYE BYE
SPECIAL CHAPTER

TPG XXXIII

28.8K 659 91
By laythemay

Ilang sunod-sunod na katok ang pumukaw sa atensyon ko. Parang wala ako sarili nang tumingin ako sa pinto.

"Hija, apo? Bangon na! May pasok ka pa" rinig na rinig ko ang boses ni lola Asuncion kahit medyo malayo ang pinto ng kwarto ko sa kama na kinauupuan ko ngayon.

Kanina pa 'ko gising pero nanatili lang akong nakaupo sa kama habang malalim na nag-iisip tungkol sa mga nangyare.

"Opo! Maliligo na po ako" hindi ko na narinig ang sagot ni lola.

Ilang minuto pa akong nanatili sa pagkakaupo bago ko napagpasyahang tumayo at pumasok sa banyo. Balak ko sanang mag-toothbrush pero napatigil ako nang makita ko sa salamin ang labi ko. Hindi ko na namalayan na hinawakan ko na pala ito.

Nararamdaman ko pa rin ang labi nya sa labi ko....at sa balat ko

Ilang beses nang naglapat ang mga labi namin. Ilang beses na 'kong tumugon sa mga halik nya pero ang nangyare sa isla ang kauna-unahang pagkakataon na halikan nya 'ko ng ganun. Kakaiba sa pakiramdam at hindi ko maipaliwanag ang sensasyong naramdaman ko.

Nakauwi na kami't lahat pero hindi pa rin mawala ang kakaibang pakiramdam ko ngayon.

Pinilit kong alisin sa isip ko ang mga nangyare at nagsimulang mag-asikaso ng sarili. Medyo natagalan pa 'ko dahil madalas akong natutulala habang naliligo.

Tahimik akong bumaba pero pinilit kong ngumiti para hindi sila mag-alala. Nakangiti ko silang binati at hinalikan sa pisngi pero nawala din ang pilit kong ngiti nang makita ko si dad. Ngumiti naman sya sakin pero kilala ko sya, alam ko kung kelan totoo o hindi ang ngiti nya.

"What's wrong, dad?"

"Nothing, sweetie. I'm just tired" tumango nalang ako. Nagkunwari akong naniwala kahit malakas ang kutob ko na may pinoproblema sya.

Mabilis kong inubos ang pagkain ko. Nagpaalam agad ako sa kanila para makapunta agad ako sa school. Tulad ng inaasahan, maaga akong nakapunta sa school kaya tumambay muna ako sa main garden. Dun ako umupo at nagpahangin. Gusto ko sana ng tahimik ng lugar kaya lang-

"Couz kooooooo!" Heto nanaman ang pinsan kong parang laging may kaaway sa kanto.

"Hey" tipid na bati ko dito. Sinenyasan nya ang mga bodyguards namin na medyo lumayo at agad namang sumunod ang mga ito. Niyakap nya 'ko ng pagkahigpit-higpit na halos hindi na 'ko makahinga.

"OMG! OMG! Finally nagkita na tayo! I miss you so much, couz. You know naman, ikaw lang ang nakakatiis sa ugali ko, right? Wala tuloy akong makausap. Tapos inaway nanaman ako ng inaway ng bwiset mong pinsan! Sino pa ba? Eh di si Einstein na napakasungiiiit! Like, what the heck diba? But I'm so happy na you're here and I can talk to you na"

Medyo napaawang ang bibig ko sa haba ng sinabi nya na hindi naman gaanong nakakapagtaka. Hindi ako nakaimik. Hindi ko alam kung saan ako ako mangangapa ng sasabihin ko sa kanya.

"Wait! Oo nga pala! I heard you and Sean had a vacation together? Yieeeee kwento ka daliiii. Ano, homerun na ba?"

Home run? May narinig ba sya na nagbaseball kami?

"Huh? A-anong home run?"

"Ano baaaa! First base, second base, third base-"

"Teka nga, ano bang sinasabi mo? Hindi naman kami nagbaseball"

"Gaga! Anong baseball ang sinasabi mo dyan? Ilang araw kayong wala ng kayo lang kaya imposibleng walang nangyare sa-"

"Teka teka. Anong sinasabi mong nangyare? Linawin mo nga"

"Nag-sex na kayo no?" nanlaki ang mga mata ko at kusang gumalaw ng kamay ko para hampasin sya ng malakas sa braso nya.

Susko! Saan naman nanggaling 'yun?! Kapag ba umalis ang dalawang tao, automatic na may mangyayare na sa kanila? My gosh, san ba gawa ang utak nito at masyado na atang napinturahan ng berde.

"What the hell are you saying, Liza?! Are you out of your mind?"

"Huwag mo 'kong englishin! Masyado kang defensive"

"I'm not. Look, hindi namin ginawa, okay? I'm just 18 for Pete's sake!"

"Weh? Don't me ha! Age doesn't matter para makarating ka sa langit hahahaha"

"Ano ba! Bakit ganyan ang mga sinasabi mo? Bakit ginawa mo na ba? Ha?"

"Of course. Not just once, not just twice-"

"Tama na nga! Shit naman makaalis na nga!" Kinuha ko ang bag ko at naglakad ng mabilis.

Hindi ko man makita ang sarili ko, alam kong pulang-pula ang ang mga pisngi ko.

Nakakainis! Bakit kasi 'yun ang pinag-usapan namin!

Argh! Parang ako ang nahihiya sa sarili ko. Ano naman kaya ang pumasok sa utak ng babaeng 'yun at naisipan nyang may nangyare na sa amin ni Sean?

'Yung malalim na halik lang naman ang nangyare eh

Aish! Umiling-iling ako para tanggalin sa utak ko ang mga naisip ko. Kahit maaga pa para sa unang klase ko, dumiretso na ko sa classroom namin. Hindi ko naman inaasahan na maaabutan ko agad dun ang paborito kong teacher.

"Good morning Sir Ernest!" Masiglang bati ko.

Isa sya sa mga tumulong sa akin para mas lalong mag-improve hindi lang sa painting kung hindi sa lahat ng bagay. Ang tiyaga nya talaga sa akin noon kahit nangangapa pa lang ako.

Bata pa si sir dahil maaga syang nakapagtapos. Bukod dun, mas bata din ang itsura nya kumpara sa edad nya kaya madalas syang napagkakamalan na estudyante. Marami din ang nagkakagusto dito dahil hindi lang naman talino ang maari nitong ipagmalaki, pati ang itsura nito.

"Andito na pala ang paborito 'kong student"

"Ang aga aga sir nambobola agad kayo"

"Kailangan magpalakas eh. Fiancee lang naman kasi ng may-ari ng school na pinagtatrabahuhan ko" biro nya.

Natatawa naman akong umupo sa tabi nya at humarap din sa canvass na kanina nya pa pinagmamasdan. Nanlaki ang mga mata ko ng makita na 'yung painting ko pala ang kanina nya pa tinitignan. Ito 'yung kauna-unahang beses na pininta ko ang mga mata ni Sean noong mga panahon na wala pa 'kong gusto sa kanya.

"Sir pano napunta sayo 'yan"

"Baka pinasa mo sakin" sarcastic pero pabiro nyang sabi. Napakamot nalang ako sa ulo ko.

Inakbayan nya 'ko at hindi naman ako nagulat o nailang. Close na talaga kami ni sir noon pa man at parang mag-kuya ang turingan namin lalo na kung hindi kami tinitignan ng mga tao bilang isang guro at isang estudyante.

"Hindi mo na ata ako kailangan eh. Mas magaling ka na sakin"

"Sir naman! Kailangan ko pa kayo...kailangan ko pa kayong bolahin para tumaas ang grade ko sa subject nyo" biro ko.

Kinurot nya ang tagiliran ko gamit ang bakante nyang kamay. Hindi naman ako nakaiwas dahil nakaakbay pa rin sya sakin.

"Loko ka talagang bata ka. Ibagsak kita dyan eh"

"Bahala kayo sir. Ikaw din, kayo na nagsabi, fiancee ako ng may-ari" biro ko ulit.

Tatawa-tawa syang tumayo at ginulo ang buhok ko na madalas nyang gawin. Dun din sya madalas mabadtrip dahil ayaw daw magulo ng buhok ko. Naku kung hindi ko lang alam na staright si sir baka inisip ko na kapederasyon nya si Cedric.

Nilibot ni sir ang classroom. Seryoso nyang tinignan at pinagmasdan ang iba pang paintings na gawa naman ng mga kaklase ko sa subject nya. Ayoko naman syang guluhin kaya umupo at tumahimik nalang ako sa isang tabi.

Hindi nagtagal ay dumating ang iba ko pang kaklase. Dumating na din si Joseph na halatang puyat pero masigla pa rin syang nakipagkwentuhan sakin tungkol sa mga bagay bagay.

Tulad ng isang normal na araw, natapos ang araw na 'yun ng walang problema. Maraming ginawa pero hindi naman nakakapagod dahil gusto ko naman ang mga ginagawa ko.

Tahimik akong naglakad sa hallway habang nakasunod ang mga bodyguards ko. Ilang beses akong tumingin sa paligid at nagbabasakaling makikita ko sina Einstein, Cedric at Liza pero kahit isa sa kanila ay wala akong nakita pero....

"Kyaaaaaaaah! OMG! Andito na ulit sila"

"Gaga may mata kami! Ang gagwapoooo"

"Ay wala si Mr. Gates? Pero keri na. Hi hotties"

"Notice me Chris!"

"Hi Sampson. Such a cutie"

"Waaah I love you Red"

"Jusko, Liam, iyong-iyo na 'ko"

"My laaaaaaabs! Pakasalan mo na 'ko Zham kyaaaah!"

"Anakan mo na 'ko Tres! Kahit sampu pa"

Napahilot nalang ako sa sentido. Parang sumasakit ata ang ulo ko dahil sa mga sigawan. Sa tagal kong nag-aaral dito, ngayon lang nangyare ito. Kilalang International School ito at hindi ko talaga inakalang posibleng magwala ang mga estudyante dahil lang sa mga lalake.

Anak sila ng mga kilalang tao. Pinalaki sa mayaman at maayos na pamilya. Tapos ganito? Nakakabaliw naman na ata ang epekto ng mga lalake'ng 'to sa mga bakla at babae ng school na 'to?

Hinintay ko silang makalapit sa akin. Nakangiti silang anim na naglalakad. Halatang-halata sa mga muka nila na enjoy na enjoy nila ang atensyon na nakukuha nila pero mas lumaki ang mga ngiti nila nang makita nila ako. Maraming sumimangot nang makita nila na sa akin ang punta ng mga lalakeng kinababaliwan nila.

Sorry girls, ako ang sadya eh

"Miss George kooooooo!"

Malayo palang ay ibinuka na ni Chris ang mga kamay nya. Hindi na 'ko nagdalawang isip na salubungin sya ng yakap pero ang lokong si Tres, hinarang nya ang paa nya sa dadaanan ni Chris kaya natisod ito. Muntik na itong matisod. Buti nalang nabalanse nya agad ang katawan nya.

"Ano ba Tres!" Sumimangot ng todo si Chris pero ang cute cute nya pa rin!

"What?" Pigil na pigil nito ang pagtawa nya.

"Bakit mo hinarang ang paa mo?! Bad trip ka ah!"

Why so cute, Chris?

"Kung hindi ko ginawa 'yun baka nagpapaulan nanaman ng bala si bo-"

Pare-pareho kaming natigilan. Mas malakas pa sa doble ang ingay ngayon kumpara sa ingay kanina. Mas lalong nagkagulo ang mga babae na parang nababaliw na sa kilig. Automatic na kumunot ang mga noo ko dahil sa reactions nila. Kilala ko na ang padating. Si Sean lang naman 'yun pero bakit ganyan sila mag-react? Alam naman nila na akin na 'yun!

"Ayan na syaaaaaaa!"

"Pakshet ang bango nya"

"Huhu akin ka nalaaaaang!"

"Mr. Gates! Why so hot?"

"Nakakabaliw syaaaa"

Hindi ko na napigilan ang inis ko. Literal na pinagkaguluhan sya ng mga babae. Dinumog sya ng mga ito at ang iba pa ay parang damit na sumampay sa kanya.

Nanggigigil ako sa inis dahil may mga yumakap sa kanya!

That's my property!

Kusang lumapit ang bodyguards ko kay Sean para tulungan ito. Inabot ng matagal na oras bago sya nakaalis sa pagkakadumog. Gusot ang ang damit nya na parang nirape ng mga babaeng 'yun.

Kainis talaga! Hindi naman sya dinudumog noon ah!

Nakangiti syang naglakad papalapit sa akin pero hindi nagbago ang itsura ko. Hindi ko kayang itago ang inis ko sa mga babaeng 'yun at sa kanya.

Asan na ang sungit nya? Asan na ang pagiging boss nya? Asan na? Bakit wala syang ginawa para matakot ang mga babaeng 'yun?! Ayaw nyang may lumalapit sakin na lalake pero hinahayaan nya ang mga babaeng 'yun na dumugin at yakapin sya ng ganun lang?!

"Hi, wife" hahalikan nya sana ako pero umiwas ako. Tinignan ko sya ng masama at mas lalong nadagdagan ang inis ko nang mapansin ko nanaman ang gusot nyang damit.

"Bakit nakangiti ka? May nakakatawa?" Narinig ko ang sipol nung anim. Sa iba sila nakatingin pero halata naman na nakikinig sila sa amin.

"Nangangamoy world war 3"

"I'm just happy to see you, wife"

"Ako pala ang sadya mo dito?" Hindi ko na talaga naitago ang pagiging sarcastic ko.

"Are you mad? Sorry na oh" lalapit sya sakin pero umatras ako. Hindi nagbago ang masamang tingin ko sa kanya na mas lalo pang sumama nang maamoy ko sya.

"Wag mo 'kong lapitan, amoy babae ka!"

"Hey, sila 'yung lumapit-"

"At hinayaan mo naman? Ayos ah. Uuwi na 'ko peste!"

Hindi ko alam kung bakit ganito ako kumilos. Basta naiinis ako!

Naglakad ako at sumunod naman sya. Ramdam ko din ang pagsunod nung anim na kanina pa nakikinig sa amin.

"Hey, I'm sorry. Next time-"

"At may next time pa?! Lumayo ka nga sakin at naiinis ako sayo" napakamot ito ng ulo at halatang hindi na alam ang gagawin.

Tumingin sya sa mga tauhan nya. Humihingi ng tulong ang tingin nya pero natatawang iniwas nung anim ang tingin nila. Nagpatuloy ako sa paglalakad at nagpatuloy din sila sa pgsunod sakin.

"Hey. Pansinin mo naman ako"

"Pinapansin kita. Sinasagot pa nga diba?"

"Eh 'wag naman ganyan-"

"Anong gusto mo? Isigaw ko rin ang pangalan mo at ihampas ko sayo ang sarili ko tulad ng mga babae mo?"

"Babae ko? Ikaw lang naman ang babae ko-"

"Anong ako lang naman ang babae mo?! So babae mo lang ako, ganun?! Ha?"

"No! Tha's not what I meant-"

"Nahuhuli ka sa sarili mong bibig, Sean! Matapos ng ginawa mo sakin sa isla ganito ang sasabihin mo sakin?"

"Hindi kasi ganun, wife. An-"

"Ewan ko sayo! Wag mo 'kong kausapin, naiinis ako sayo!"

Halatang nagugulat sya sa mga ikinikilos ko. Sino bang hindi? Kahit ako naman ay nagugulat sa sarili ko. Hindi ko nga alam na pwede akong maging ganito lalo na't selos ang dahilan.

"George, gusto mong sumama sa amin? Mag-g-grocery kami. Naubusan ng stocks eh" Zham

"Sige. Sa inyo na 'ko sasabay"

"But wife-"

"Sinabi ng 'wag mo 'kong kausapin eh!" Napakamot nanaman ito ng ulo. Wala syang nagawa kundi ang sumunod sa amin.

Van ang gamit nung anim at tulad nga nga sinabi ko, sa kanila ako sumabay. Ayaw man pero napilitang dun sumakay si Sean para makatabi ako. May dala syang sasakyan na minamaneho naman ng isa sa bodyguards ko.

Patuloy sya sa pangungulit pero hindi pa rin nawawala ang inis ko kaya sinusungitan ko pa rin sya. Akalain mo 'yun? Ang haba din pala ng pasensya nito.

Magkakaroon na siguro ako

Nakarating na kami sa Mall pero kinukulit pa rin ako ni Sean. Patuloy nya 'kong kinakausap at sinusuyo. Kumuha ng cart sina Sampson at sabay-sabay kaming nagtingin-tingin ng dapat bilhin.

Walang alam pala ang mga ito sa pagg-grocery. Kaya pala ako sinama tss

Ilang minuto palang, napuno na nila ang dalawang malaking cart. Kuha lang sila ng kuha kahit hindi naman talaga kailangan. Para silang mga ewan. Kumuha sila ng diapers, napkins, gatas ng bata at iba pa na hindi naman talaga nila kailangan.

"Mas maganda 'to! With wings!"

"Gago! Hindi ka ililipad nyan! Ito nalang! Without wings para mas komportable!"

"Tanga, ito na nga lang! Para kapit na kapit!"

Hindi ko maintindihan kung bakit pinagtatalunan ni Tres at Red ang kukunin nilang napkin. Hindi ba nila alam kung para saan ang napkin?

"Kesa nag-aaway kayo, ito nalang oh" inabot ni Zham ang XL na diaper.

What the hell are they doing?!

Bakit kailangan non? Mabuti nalang walang ibang nakakakita sa mga pinaggagawa nila pero nakakahiya pa rin! Puro sila mga lalake tapos 'yun ang pinagtatalunan nila?

"Para saan ba?" Singit ko.

"Ha? Ipapasuot namin kay boss bago matulog" inosenteng sagot ni Chris. Nagkatinginan kami ni Sean pero binalik ko din agad sa kanila ang tingin ko.

"Ha?"

"Concern lang naman kami kay boss. Sinusungitan mo kasi sya ngayon kaya baka maihi sa kama 'yan mamaya habang natutulog. Para komportable sya, susuotan namin sya nito"

Ano daw?

Proud na proud na tinaas ni Tres ang diapers ang napkins. Kung magsalita sya parang napakatalino nya para masabi ang mga 'yun.

"Magbibilang ako ng tatlo-"

"Ay pucha heto nanaman si boss" Red

"Tatlo? Number 'yun diba? Tara sibat na" Zham

"Langya! Ang ganda pa naman nung brand ng napkin ko" Tres

"Concern lang naman eh. Bye Ms. George!" Chris

"Yabang ni boss oh. Under naman-aalis na nga ako eh" Liam

"Bye George. Hanggang sa muling pag-init ng ulo mo. Pakibatukan nalang si boss ha? Byeeee" Sampson

Naiiling kong pinanuod ang pag-alis nilang anim. Naiwan sa amin ni Sean ang isang cart at ang iba naman ay dala nila. Itinulak ko na ang cart papunta sa counter. Hindi na umimik si Sean pero hindi sya umaalis sa tabi ko.

Hinayaan ko nalang si Sean na isa-isahin ang mga pinamili namin. Nanatili lang ako sa tabi nya. Hindi nakaligtas sa akin ang pagpapacute sa kanya mg babaeng nasa counter. Nagsalubong nanaman ang kilay ko at tinignan ng masama ang babae pero hindi nya napansin. Busy'ng busy sya sa pagpapacute kay Sean na halata namang walang pakialam.

"8 969 pesos, sir"

Sige, magpacute ka pa. Kapag hindi ka umayos, manghihiram ka talaga ng muka sa tuta. Baka maging cute ka pa!

"Sir, may promo po kami. Pakisulat naman po dito ang pangalan nyo pati ng contact number nyo" mas lalong nagsalubong ang kilay ko dahil sa inabot nyang ballpen at papel kay Sean.

Promo? Para-paraan ka ate ah

Kinuha ko ang ballpen at papel kaya napatingin pa sakin si ateng pacute. Nagulat pa ito na parang ngayon lang napansin ang presensya ko.

"Anong promo ang sinasabi mo sa asawa ko? At talagang pangalan at contact number lang ang hinihingi?"

"A-ah. M-may p-promo po-"

"Talaga? Tawagin mo nga ang manager nyo para mapag-usapan namin ang promo na sinasabi mo"

Napatungo ito dala ng pagkakapahiya. Hindi ako naawa at mas lalo lang akong nainis.

"Next time, kapag nasa trabaho ka, trabaho ang atupagin mo at hindi ang pagpapacute sa asawa ng may asawa. Hindi ka binabayaran para mag-imbento ng mga promo mo" padabog kong inilapag ang papel at ballpen.

Iniwan ko na si Sean sa counter at naglakad ng mabilis pero hinabol nya din agad ako. Hindi nya na kinuha ang mga pinamili nya kahit bayad na ang mga ito.

Nakakainis! Nakakainis! Nakakainis! Bakit kasi lapitin naman sya masyado ng mga babae? Nagiging war freak tuloy ako ng wala sa oras

"Wife"

Hindi ko sya pinansin. Mas binilisan ko pa ang paglalakad kahit effortless naman sa kanya ang pagsunod sakin hanggang sa marating namin ang parking lot. Hindi ko na nakita ang van na sinakyan namin papunta dito. Hindi naman ako pwedeng sumabay sa mga bodyguards ko dahil sikip na. Sa dami ba naman nila.

Nakita ko ang sasakyan ni Sean pero nilagpasan ko ito. Naiinis pa rin ako sa kanya kahit wala naman syang kasalanan basta naiinis ako!

"Hey, hey, where are you going?"

"I'll take a cab"

"What?! I won't allow you-"

"Sinong nagsabing humihingi ako ng permiso mo?"

"What's happeng to you? Come with me, I'll take you home"

"A-yo-ko"

"Isa"

"Dalawa, tatlo, apat, li-aaaaaah! Ano ba! Ibaba mo 'ko"

"No!"

"I said put me down!"

"And I said no!"

"Wag mo 'kong sungitan!"

"Ibaba mo sabi kasi ako!"

Binaba nya 'ko sa harap ng sasakyan nya. Nakasandal ako sa kotse nya habang nakaharap naman sya sakin. Nilagay nya ang kamay nya sa magkabilang gilid ko para makorner ako. Seryoso syang tumitig sakin.

"Bakit ang sungit mo?"

"Pakialam mo?"

"Wife, look I'm sorry. Kung may nagawa man akong mali, I'm sorry. Just don't treat me like this, okay?" Ako naman ang natahimik.

Bigla akong tinamaan ng hiya at guilt. Biglang bumalik sa isip ko ang mga inasta ko kanina. Ako ang mali pero hindi ko kayang aminin sa kanya non at mag-sorry. Hindi man nawala pero nabawasan ng malaki ang inis ko.

"Kasi naman! Nakakainis kasi talaga. Kapag ako bawal lapitan ng lalake tapos ikaw dinudumog? Kung yakapin ka pa nila parang wala ng bukas? Ikaw naman wala kang ginawa! Asan na ang sungit mo ha? Asan na? Bakit hindi mo ginamit para lubayan ka nila tapos kung makangi-" isinandal nya ako sa kotse nya at hinalikan ng...madiin.

Shems! Heto nanaman tayo

Continue Reading

You'll Also Like

51.5K 315 6
Zachary Lewis Evans is a handsome, arrogant and cold hearted heir who has an extreme fascination with aircrafts. He loves flying his own plane becaus...
571K 13.8K 35
"He owns me with a touch of a lover but his eyes hides the lie of what he truly is... a monster."
10.2M 135K 23
Daughters and sons of conglomerate families gathered at Fukitsu Academy. They believe they are untouchable, yet there is one clan they fear the most...
54.8K 774 53
UNDER CONSTRUCTION!!! Laminaria Series #1 - COMPLETED I know that everything happens for a reason. But I don't understand why I am here with them. Is...