The Possessive Gangster

By laythemay

2.6M 61.6K 6K

Georgina Michelle Smith. From the family of politicians and generals and also the Unica hija of the current v... More

Prologue
TPG I
TPG II
TPG III
TPG IV
TPG V
TPG VI
TPG VII
TPG VIII
TPG IX
TPG X
TPG XI
TPG XII
TPG XIII
TPG XIV
Author's Note
TPG XV
TPG XVI
TPG XVII
TPG XVIII
TPG XIX
TPG XX
TPG XXI
TPG XXII
TPG XXIII
TPG XXIV
TPG XXV
TPG XXVI
TPG XXVII
TPG XXVIII
TPG XXIX
TPG XXX
TPG XXXII
TPG XXXIII
TPG XXXIV
TPG XXXV
TPG XXXVI
TPG XXXVII
TPG XXXVIII
TPG XXXIX
TPG XL
TPG XLI
TPG XLII
TPG XLIII
TPG XLIV
TPG XLV
TPG XLVI
TPG XLVII
TPG XLVIII
TPG XLIX
TPG L
TPG LI
TPG LII
TPG LIII
TPG LIV
ANNOUNCEMENT!!
TPG LV
TPG LVI
TPG LVII
TPG LVIII
TPG LIX
TPG LX
TPG LXI
TPG LXII
TPG LXIII
TPG LXIV
TPG LXV
TPG LXVI
TPG LXVII
TPG LXVIII
TPG LXIX
TPG LXX
John Cedric Perez
Liam Boyle
Christopher Byrne "Chris"
Zham Edward Ortiz
Rowan Elvis Dominguez "Red"
Sampson Clarke
Timothy Roscoe Earl Sanz "Tres"
Epilogue
BYE BYE
SPECIAL CHAPTER

TPG XXXI

24.7K 572 89
By laythemay

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman at mga naririnig ko...

May mga nag-uusap pero hindi ko gaanong marinig. Para akong nilubog sa dagat at walang marinig kundi ang kakaibang tunog ng ilalim ng dagat.

Asan ako?

"Wala akong pakialam kung paano! Basta hanapin nyo ang gumawa nito sa anak ko!"

Nakakapagtaka na biglang naging klaro sa pandinig ko ang ingay na nasa paligid ko. Maraming tao ang nagsasalita pero nangingibabaw ang galit na boses ni daddy.

Sinubukan kong gumalaw pero unti-unti kong naramdaman ang sakit ng buo kong katawan lalo na ang likod ko. Tanging ang mga daliri ko lang ang nagawa kong pagalawin.

Kailangan ko pang dahan-dahan ang pagmulat ng mga mata ko. Napapikit ulit ako dahil nabigla ang mga mata ko sa liwanag pero hindi rin nagtagal ay nasanay ang mga mata ko.

Pinilit kong ikilos ang ulo ko kahit hirap na hirap ako. Dun ko nakita si dad na galit na galit habang kaharap ang ilan sa mga tauhan nya.

"George!"

Halos takbuhin ni Liza at Einstein ang pagitan namin. Humahagulgol si Liza habang si Einstein naman ay namumula ang mga mata. Pareho nila akong niyakap kaya nakaramdam ako ng matinding sakit.

Hindi ako nakapagsalita pero napaungol ako sa sakit kaya humiwalay agad sila. Nagsilapitan sakin ang mga tao sa loob ng kwarto pero hindi ko magawang magsalita.

Hindi ko maibuka ang bibig ko at sa tingin ko, kahit maibuka ko man ay walang lalabas na salita sa bibig ko.

Isa-isa ko silang tinignan kahit masyado silang madami. Hindi pa ganun kalinaw ang paningin ko pero sapat na para makilala ko sila.

"Uhm sir? Masyado pong maraming tao. Bawal po kasing maraming tao dito staka hindi po makakabuti sa kalagayan ng pasyente ang maraming tao" singit ng nurse.

Tumango naman si dad. Kinausap nya ang mga lola ko na umuwi muna. Ayon sa pagkakarinig ko, kahapon pa nandito ang mga lola ko kaya pinapauwi muna sila ni dad para magpahinga.

"Tito, mauna na rin po kami. Dadalaw nalang po kami ulit" tumango si dad kay Cedric at Joseph.

Nagsunod-sunod ang mga nagpapaalam na aalis kaya umunti ang tao sa kwarto. Umupo sa tabi ko si dad. Pinagmasdan nya ko habang hinahaplos ang ulo ko.

Kapansin-pansin ang malulusog na eyebags nito. Mapupula ang mga mata nito na halatang galing sa iyak at kulang na kulang sa tulog. Hindi na din ganun kalakas ang amoy ng pabango ni dad kaya nasisiguro ko na hindi pa umuuwi si dad para maligo.

May bigla akong naramdaman na  biglang pumatak sa pisngi ko. Dun ko nakita na nagtutuluan na ang mga luha ni dad habang pinagmamasdan ang kalagayan ko.

"I'm sorry... I'm really sorry"

Don't be dad... Wala kang kasalanan...

Hindi ko magawang sabihin kay dad 'yun dahil hindi ko pa magawang magsalita. Wala akong ibang nagawa kung hindi ang tignan sya at panuorin na tumulo ang mga luha nya kahit ang bigat sa dibdib.

"Wala nanaman akong nagawa"

Pinilit kong abutin ang kamay ni dad. Ilang ulit kong pinisil 'yun para kahit hindi ko man masabi ay maramdaman nya na hindi ko sya sinisisi sa mga nangyare sakin.

Dahan-dahan kong ibinuka ang bibig ko. Pinapakiramdaman ko ang sarili ko kung kakayanin ko na bang magsalita dahil kailangan.

Kailangan nilang malaman ang nangyare...

"D-d-dad" hirap na hirap ako sa pagsasalita at halos pabulong pa. Nangangalay ang panga ako at parang nag-aaral pa lang akong magsalita.

"Yes, honey? What is it? Tell me"

"S-Sean...w-where....i-"

"Nasa kabilang kwarto sya anak....kritikal ang lagay"

May tumulong luha agad sa mga mata ko...paunti-unti hanggang sa nagtuloy-tuloy na.

Sandali kong nakalimutan ang sakit ng katawan ko pero mas masakit ang nararamdaman ko ngayon.

Nahihirapan akong huminga. Parang bumigat ang dibdib ko at may kung anong bumara sa lalamunan ko.

Kritikal lang ang sinabi ni dad pero parang unti-unti nitong winawasak ang puso ko. Sumasakit ang ulo ko at nanginginig ang katawan ko. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko pero dalawang emosyon ang pinakamatindi...sakit at galit.

Nasasaktan ako dahil sinapit namin 'to. Wala akong naaalalang ginawa namin na hindi maganda para lang maranasan namin ito.

At galit ako. Galit na galit ako sa mga taong nasa likod nito. Galit na galit ako sa mga taong pinagkatiwalaan namin pero-

"Anak... masasabi mo kung sino ang gumawa sa inyo nito?"

"S-si...sina-"

"Uhm sir, mas makakabuti po siguro kung 'wag muna nating pilitin magsalita si Ms. George. Baka makasama sa kanya"

Mas lalong nanginig ang katawan ko pero hindi ko alam kung bakit. Kung dahil sa ba takot....o sa galit.

Hindi ko alam kung saan nanggaling si Chris pero bigla nalang syang sumulpot sa tabi ni dad. Tumingin sya sakin na parang totoong nag-aalala sa kalagayan ko.

Ilang segundo ang lumipas, sumulpot din bigla si Zham na nasa kanan ko naman.

Mga traydor!

Mas lalong nagtuluan ang mga luha ko dala ng matinding emosyon na lumalamon sa pagkatao ko sa mga oras na 'to.

Kung kaya ko lang kumilos, kung kaya ko lang ay ibubuwis ko ang buhay ko masaktan ko lang sila.

"Mabuti nga siguro. George, anak gusto mo bang makita si Sean-"

"Tito hindi po ba makakasama kay George kung aalis sya sa kama nya?" Biglang singit ni Einstein.

Tumitig ako sa mga mata ni daddy. Hindi ko man masabi pero pilit nakikiusap ang mga mata ko na dalhin nya 'ko kay Sean...gusto kong dalhin nya 'ko sa mahal ko kahit mapasama ang kalagayan ko.

"Ako na po ang magdadala kay George"  prisinta ni Zham.

Hindi ko magawang umangal, kainis!

"Si-sige" hindi ko alam kung paano sasabihin kay dad na huwag syang pumayag.

Bakit ba hindi ako makapagsalita ng ayos?!

Inalalayan nila ako para makaupo sa wheelchair. Sinubukan kong makipag-usap kay dad gamit ang mata ko pero hindi ako binigyan ng pagkakataon nina Chris at Zham.

Tinulak nila agad ang wheelchair palabas ng kwarto na mas lalong nagbigay ng kilabot sa buo kong pagkatao.

Sa kabila lang ang kwarto ni Sean kaya nakapunta agad kami. Nanlumo agad ako nang makita ko ang itsura ni Sean. Ang dami nyang pasa at halatang pinahirapan sya ng husto.

"Look at him, George. Tangina gwapo pa rin ang loko no?"

Hindi ko na makilala si Zham... parang hindi na sya ang Zham na nakilala at naging kaibigan ko.

Hanggang ngayon ay nahihirapan pa rin akong tanggapin ang mapait na katotohanang traydor sila!

"Pasalamat ka binuhay pa namin kayo. Yun ay kung mabubuhay pa si boss" tinignan ko ng masama si Chris pero nginisian nya lang ako.

Gumaling lang ako, ako mismo ang maglilibing ng buhay sa inyo!

Maya-maya ay may naramdaman akong matulis na bagay sa tagiliran ko. Alam ko kung ano 'yun pero hindi ako makaramdam ng takot para sa sarili 'kong buhay.

Wala na 'kong pakialam! Patayin na nila ako kung gusto nila kesa masaksihan ko si Sean na nasa ganitong kalagayan.

"Binuhay ka namin at utang mo sa amin 'yun. May pakinabang ka pa sa amin pero 'wag na 'wag kang magkakamaling magsalita kung hindi... mamatay ang tatlo mong lola" nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko.

Pinakita sakin ni Zham ang isang video kung saan ay nakagapos sina lola Asuncion, lola Cecelia at lola Rowena.

Hindi ko maipaliwanag ang takot na nararamdaman ko. Hindi para sa sarili ko kung hindi para sa mga lola ko.

"B-b-bakit"

Bakit nyo ginagawa 'to?

"Wala ka sa posisyon para tanungin kami, Ms. George. Wala kang ibang dapat gawin kung hindi ang manahimik kung hindi... uubusin namin ang lahi mo. Kailangan ka pa namin dahil nakapangalan pa sayo ang ilang ari-arian ni boss pero 'wag kang mag-alala, hindi magtatagal ang paghihirap nyo ni boss"

Tinignan ko ng masama si Chris pero tinawanan nya lang ako na parang ang hina-hina ko. Lumapit sya sakin at hinawakan ang baba ko.

Dahan-dahan syang yumuko at inilapit ang muka nya sa muka ko. Hindi ko magawang iiwas ang ulo ko dahil bukod sa masakit ang ulo ko ay nakahawak ang isa nyang kamay sa batok ko.

Wala akong nagawa nang ilapat nya ang labi nya sa labi ko

Umungol ako bilang protesta pero mas lalo lang syang natuwa at idiniin ang halik nya. Hindi ako sumasagot at tanging pag-iyak lang ang ginagawa ko pero bigay na bigay pa rin sya sa paghalik.

Ang kamay nya na nasa chin ko kanina ay bumaba sa leeg ko at bumaba pa ng bumaba hanggang sa hita ko at marahang hinimas ito.

Gusto ko syang itulak. Gusto ko syang sigawan, sampalin at saktan ng saktan pero hindi ko magawa...hindi kaya ng katawan ko.... ang hina-hina ko

Pilit kong itinitikom ang mga labi ko na pilit naman nyang binubuksan gamit ang labi nya. Hindi marahas ang paghalik nya pero hindi kasing-ingat ng mga halik ni Sean.

Sean... gumising ka na dyan, please

Nakangiti syang tumigil sa paghalik sakin at lumayo. Hinaplos haplos nya pa ang mga pisngi ko at dinampi ang labi nya sa noo ko.

"Mapapasaakin ka din, mahal ko"

Hindi ko sya tinignan. Narinig ko nalang ang pagbukas at pagsara ng pinto. Hindi ko na maramdaman ang presensya nila   kaya nakahinga ako kahit papano ng maluwag.

Pinilit kong igalaw ang mga kamay ko para abutin ang gulong ng wheelchair na inuupuan ko at lumapit kay Sean. Hinawakan ko ang kamay nya at pinagmasdan ang kabuuan nya.

Pinahirapan ka talaga nila ng husto, mahal ko

Nangingilid nanaman ang mga luha ko hanggang sila na ang nagkusang magtuluan. Nanginginig nanaman ang kamay ko dahil sa halo-halong emosyon na gustong sumabog sa loob ko.

Mahal na mahal kita, hon. Mahal na mahal na mahal. Hindi mo sana nakita ang ginawa sakin ni Chris kanina dahil alam kong sasabog ka nanaman sa galit at matinding selos pero ikaw lang, ikaw lang ang mahal ko at gusto kong umangkin sa mga labi ko. Sayong-sayo lang ako

Pinipisil pisil ko ang kamay nya, umaasa na gagalaw ito kahit konti. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya ang mga gusto kong sabihin at kung pano ipaparamdam sa kanya ang mga gusto kong iparamdam habang ganito ang sitwasyon namin pareho.

Hinding-hindi ko pagsisisihan na nakilala kita...hinding-hindi, mahal ko. Kapag gumaling ako, ako mismo ang maniningil sa mga utang ng mga tauhan mo kahit buhay ko pa ang maging kapalit. Ipapatikim ko sa kanila ang triple sa ginawa nila sayo. Papahirapan ko sila hanggang sa sila na ang pumatay sa sarili nila.

Pumikit ako at pilit pinipigilan ang mga luha ko na tumulo. Maya-maya ay may dumating si Einstein para sunduin ako. Gaya ng utos nina Chris, hindi ako nagsalita.

Lumipas ang ilang araw, unti-unting gumaling ang katawan ko. Nawala ang mga sugat at sakit ng katawan ko. Kaya ko ng ikilos ng ikilos ang katawan ko. Kaya ko ng magsalita pero mas pinili ko nalang ang tumahimik.

Ilang beses silang sumubok na kausapin ako tungkol sa nangyare pero hindi ako nagsasalita. Laging nakabantay sakin si Zham kaya mas lalo akong natakot na magsalita.

Nalaman ko na sina Chris pala ang nagdala sa amin sa hospital pero hindi na nila sinabi kung ano ang dahilan nina Chris at nandun sila. Hindi na rin ako nagtanong dahil baka lamunin nanaman ako ng galit.

Sa mga lumipas na araw at linggo, madalas lang akong nasa kwarto ni Sean na naghihintay ng paggising nya pero kahit pagkilos ng daliri ay hindi nya ginawa. Hindi ko tinatanggal ang pag-asa sa dibdib ko kahit doctor na ang nagsabing bitawan na sya.

Hinding-hindi kita bibitawan, mahal ko

Sa ika-apat na araw ng ikatlong linggo, pinili ko ulit na mamalagi sa kwarto ni Sean. Humiga ako sa tabi nya at maingat na yumakap sa kanya. Magaling na ang mga sugat nya pero hindi pa rin sya gumigising.

"Hon, gumising ka na please" umiiyak na pakiusap ko pero tulad ng mga nakaraang linggo, walang sumagot.

"Hon...gaganti pa tayo diba? Sasaktan pa natin sila diba? Kaya gumising ka na please. Miss na miss na kita. Lalayo na 'ko sa mga lalake, promise. Hindi ko na sila kakausapin at hindi ko na rin sila lilingunin. Hindi na kita aawayin basta gumising ka lang dyan. Sa bahay mo muna ako hanggang gusto mo basta kasama kitang tumira dun-"


Isang familiar na tunog ang umagaw sa atensyon ko kaya napatayo ako at tumingin sa machine pero....

Pero isang straight line ang bumungad sakin

Continue Reading

You'll Also Like

496 150 51
In an unexpected event, the girl addicted to handsome and the man who is extremely cold, even colder than ice, will meet. So, how will the man change...
29.1K 1.6K 65
Si Ambrosia ay muling nabuhay. Pero nasa ibang mundo na siya. Nabuhay siya bilang sila Celestine sa mundo ng mga tao. Wala siyang maalala dahil kap...
14.7M 325K 48
Her name is Monique Lee Gomez Samonte, a rich girl who was sent back by her parents to the Philippines because of her bad attitude. She's a war freak...
10.2M 135K 23
Daughters and sons of conglomerate families gathered at Fukitsu Academy. They believe they are untouchable, yet there is one clan they fear the most...