Who is Doctor Blade #Watty2018

Av AlesandraLapresa

8.6K 423 82

Blade Sullivan ay isang Doctor na may naiibang mga mata,ang kanyang mga mata ay mga pulang may tinataglay na... Mer

Baka umasa
Call me Doctor Blade
Two Doctor's
Love Letter
courtship
Blaze
Unchanged love
Operation Die
Red Eye
Blaze Mother
Who is Doctor Blade
Making Love
May Father Part 1
My Father Part 2
Green Eyes
Meet Him
Walang Kwentang Ama
Accepted
Good night
If I had a Second Chance
Olivia
Tunay na kapangyarihan
Yakap
Forgiveness
Forgiving
Phoenix
Tiyan
Child
Drawing
Heart
Anna
How
Incision
Cannulation
Bulag
Left handed
Needle
Complete
Soon
How can I begin?
Part title
my former self
The truth behind the Four Guardians
The truth behind the story of For Guardians
WHO ARE YOU DR, VERMILLION BLADE
THE FIRST CHOSEN
RAWZACKERGA
Chiharu's Power
Spirit of him
10 THOUSAND SWORDS
10 THOUSAND SWORDS Part 2
Farewell...
THE MAN WITH YELLOW EYES
THE FIGHT BETWEEN CELESTIAL GUARDIANS!
THE STRONGEST GUARDIAN!
THE STRONGEST GUARDIAN PART 2
RESURRECTION
FINALE
EPILOGUE
ANNOUNCING BOOK 2!

Temporary

105 5 1
Av AlesandraLapresa


ICE VERANO POV


"AGH!!" galit galit kong sigaw at pinagsisira ko ang lahat ng libro ko ng medical sa bahay. Galit na galit dahil napahiya ako sa sarili ko dahil natalo ako ni Blade!


"HINDI AKO DAPAT NATALO!" sigaw ko, pinagbabasag ko lahat ng gamit pati ang flower base gamit ang robot kaliwang kamay



Dahil nga robot ang kaliwa kong kamay ay hindi ako nasaktan pero tumulo ang luha ko ng pagmasdan ko ito, naalala ko ang dahilan kung bakit naging ganito ang kamay ko.

Noong nagsisimula pa lamang ang kasikatan ko bilang Doctor ay nagawa kong ipakita sa lahat na magaling ako dahil sa bilis ng mga kamay ko, lalo na ng kaliwang kamay ko dahil duon marami ang humanga sa akin pero marami din ang nainggit na mga Doctor sa akin, lalong lalo na ang mga senior ko na nauna sa akin na kahit kailan ay hindi manlang matawag na magling at hindi pinupuri.



Isang araw nag perform ako ng isang napakahirap na operation... Isang operasyon sa emergency room at muntik ng mamatay ang pasyente dahil ayaw tumibok ng puso nito pero ipinasok ko ang kaliwang kamay ko sa loob ng katawan ng pasyente upang isagawa ang open heart massge. Isang delikadong galaw ang ginawa ko pero kailangan dahil ayaw kong mamatayan ng pasyente.


Maswerteng nabuhay ang pasyenteng yun pero dahil dun mas nagalit ang senior ko sa akin.

Habang pauwi ako ay bigla na lang hinarang nila ako at dinala kung saan walang tao.



"Senior bakit po ba? Ano po bang ginawa kong mali?"


"Nagtatanong ka pa! Eh bida-bida ka eh!" sigaw nila sa akin


"Masyado mong ginagalingan ang pagiging Doctor mo! Masyado kang pabida sa mga tao, pasikat ka masyado!"


"Hindi ko naman po ginagawa yun mga Senior-" pagtatanggi ko pero galit pa rin sila sa akin


"Eh ano kayang tawag mo dun sa pag sasagawa mo ng open heart massage?!"


"Saka sa pagsumbong mo sa akin na nagsasagawa ako ng IILEGAL na pagoopera ng mga gangster huh?! Mabuti na lang talaga wala kang Ibedensya kaya walang naniwala sayo dahil kung hindi, puputulin ko talaga yang kaliwang kamay pinagmamalaki mo!"


"Pero Totoo naman yun huh! Ginawa ko lang naman ang tama na alam ko saka alam mo naman na ilegal yun diba kaya huwag mo sa akin isisi-" pagtatanggol ko sa sarili ko kasi alam ko naman na hindi mali ang ginawa ko, na ako ang nasa tama.


"ANO?! Ang yabang mo huh!"


"Pwede ba tigilan niyo na ako kailangan ko na umuwi-" sabi ko pero sinuntok nila ako saka pinagbubugbog hanggan sa..


"Ngayon tignan natin kung makapag yabang ka pa." sabi ng isa ko pang senior saka nakita kong may dala siyang Chain saw


"A-Anong Gagawin niyo!" takot na takot na sabi ko pero.hindi ako makagalaw dahil hawak ako ng Isa.


Pinilit niyang hawakan ang kaliwa kong kamay at tinutok naman ng isa ang chainsaw sa kamay ko.


"Ngayon pagsisisihan mo ang kayabangan mo!"


"Huwag please, Huwag!!" nanginginig ako sa takot, takot na takot ako. "Please huwag, maawa kayo! Huwag niyong gawin sa akin 'toh!" pagmamakaawa ko



Pero hindi nila ako pinakinggan, pinutol nila ang kaliwang kamay ko.

Sa isang iglap nawala ang lahat sa akin.




"Sila ang may kasalanan nito!"



~~~~



Blade POV



Dahil nga nanalo kami ay sinama ko sila sa Metrolanda para duon mag inom. Hanggang ngayon nakikita ko pa rin mga sakit na palihim na nasa loob ng katawan ng mga taong apektado ng ginawa ng halimaw na yon.

Laking gulat nila ng madaming walang bahay duon.



"Bakit po madaming Pulubi dito?" tanong ni Dr, Jun habang naglalakad kami


"Hindi sila pulubi, mga wala lang silang matirhan dahil noong Intern pa ako naganap ang demolition na nagsira sa mga bahay ng squatters."


"Eh bakit wala pa rin silang Bahay?" tanong ni Xander


"Merong ibinibigay na pabahay ang gobyerno pero nasa malayo iyon, konti lang ang tumanggap ng pa bahay pero ang iba hindi nila tinanggap dahil ayaw nila umalis dito." seryosong sabi ko


Alam ko na napansin rin nila ang masamang tingin ng mga tao sa akin at ang nakatagong masamang karamdaman ng mga taong yon pero hindi ako nagsalita.


"Ayaw ko dito parang pakiramdam ko may mga matang masama kung makatitig sa akin." sabi ni Carl na may hawak nang tungkod

"Okay lang yan, bago kasi tayo kaya masama sila makatitig."


Pumunta kami sa malapit na tindahan lang at doon nag inuman.

Akala ko noon boring ang magkaroon ng mga kasama o kaibigan pero ngayon na realize ko mali pala ako.

Buong gabi kami nag inuman at masasabi kong masaya sila kasama, kung ano ano ang pinaggagawa nila at kung ano ano din ang napaguusapan namin about sa mga kalokohan nila sa buhay.



"Hwayugi!!!" sigaw ni Xander at nagbukas ng payong na ani mo ay si Samjang!


"Wala yan sa akin Kaaaammmmeee...hame...wave!!" ani naman ni Gabriel

Mukhang mga timang!



Kung ano ano pa ang pinag gagawa nilang kalokohan,masaya na sana ang araw ko dahil napapasaya nila ako pero biglang parang nasira ang ang kasiyahan ko.


Meron akong napatid na bata at nahulog ang laruan niya.



"Sorry bata, ako na kukuha." sabi ko sa bata ako na ang kumuha sa laruan niya. "Ito oh." pero parang lahat sila ay nagbago ang tingin sa akin.


Alam mo yung tingin na parang nakakita sila ng kakaiba? Na para bang nakakita silang lahat ng isang halimaw? Ganun ang titig nilang lahat sa akin.


"Bakit? May problema ba?"


"Proff yung mata mo..." sabi ni Hannah na para bang natatakot


Kinuha ko ang phone ko at tinignan agad ang mga mata ko. Mula sa screen ay nakita kong natanggal pala ang isang contact lens ko sa kanang mata ko.


"Siya ba yung Blade yung pangalan?yung sinasabing halimaw?" bulong ng ibang tao


Kinuha ng bata ang laruan niya at binato sa akin pagkatapos ay tumakbo sa Tatay niya.


"Papa nakakatakot siya! Halimaw ba siya?"


"Huwag ka ng lalapit dun halimaw yun!"


Tahimik pa rin ang mga kasama ko at parang hindi makapaniwala, pakiramdam ko ay nanikip ang dibdib mo kaya tumayo na lang ako saka kaagad lumakad paalis.


"Prof!" sigaw ni Carl pero hindi ko pinansin



Tuloy- tuloy pa din ako sa paglayo.

Okay lang atleast kahit paano naging masaya ako. Thanks for temporary happiness.

Fortsett å les

You'll Also Like

117K 4.4K 9
2 tom dylogii ,,Agony"
11.4K 1.1K 51
Zab was sent to the Philippines to do her mission, only to be a bodyguard of a hard-headed troublemaker guy named Ivvo Aracosta. *** At the age of 14...