Muli ako naghikab habang nakikinig sa lesson ni Sir Pandak.
Pasulyap-sulyap naman ang dalawang tao sa tabi ko. Yup! pumasok na rin si Denson! at sa kasamaang palad hindi pa rin kami nag-uusap, saklap naman.
Pinilit ko nilabanan ang antok at tumango-tango pa sa sinasabi ni Sir kahit wala naman talaga akong naiintindihan. Kasalanan kasi ng The Boom ito, kundi ba naman nila kami hinabol, malamang hindi kami uuwi ng hatinggabi ni bakla at makakatulog ako ng maaga. Buti nalang natakasan pa rin namin sila sa tulong na rin ng mga fans nila.
Mahinang tumawa ako ng maalala iyong itsura ng tatlong iyon ng dumugin sila ng mga fans nila. 'Buti nga.'
"Okay, class dismissed!"
Lumiwanag agad ang mukha ko ng marinig ang magandang balita. Tumayo na ako para sundan si Denson na nauna ng lumabas sa classroom. Pero ilan hakbang palang ang ginagawa ko ng tinawag naman ni Sir Pandak ang apelyido ko.
"Miss Mercado, can I talk to you?"
Napahinto ako at nagtatakang nilingon ko siya at tinuro ang sarili.
"Ako po?"
"Meron na bang transferee na Mercado bukod sayo?"
Litsi! pilosopo talaga si Sir kahit kailan. Napanguso nalang ako na lumapit sakanya.
"Bakit po?"
Inayos niya ang salamin sa mata at tiningnan ako ng may pagdududa.
"Pinapatawag ka na naman sa guidance office."
Napamaang ako at kinabahan. May nagawa na naman ba ako na hindi ko nalalaman? Maglilinis na naman ba ako ng buong campus?
Tumatakbo ang katanungan na yan sa isip ko ng pinayagan na ako ni Sir na lumabas at magpunta ng guidance office. Pero ang hindi ko inaasahan na bubungad sa paglabas ko ay ang naghihintay na si Denson.
Umayos agad siya ng tayo mula sa pagkakasandal sa bintana ng mapansin ang paglapit ko.
"Bakit ang tagal mo?" Tanong agad niya ng nasa harapan na niya ako. Hindi ko mapigilan mapangiti. Para siyang boyfriend ko kung kumilos at naghihintay pa talaga sa akin. 'Assuming.' Hindi ko pinansin ang sinabi ng isip ko.
"Tumawag ako sayo kagabi." Pagkasabi niyang iyon ay mabilis ko kinuha ang cellphone sa bulsa at tiningnan iyon. Nagtaka ako ng mapatunayan na tumawag nga siya at sinagot ko pa iyon! Pero bakit wala akong maaalala na sinagot ko nga iyon?
Napakamot ako sa ulo habang pilit na inaaalala kung nag-usap kami kagabi sa telephono.
"Nakaistorbo ba ako?" Sabay kami napalingon ni Denson sa nagsalitang iyon. Ganun nalang ang panlalaki ng mga mata ko ng makita ulit siya!
OH NO! ANO ANG GINAGAWA NIYA RITO?!
"Ikaw na naman?!" Gulat na gulat na sabi ko. Naglakad siya palapit sa amin habang nasa bulsa niya ang mga kamay. Ngumisi siya ng huminto siya sa harapan namin ni Denson.
"It's nice to see you again, Tiffany." Pinandilatan ko siya pero muli ako humarap sakanya ng maalala kung bakit napadpad siya sa academy.
"Teka, anong ginagawa mo dito? Are you stalking me?" At ang kumag, tawanan ba ako?
"Ang gwapo ko naman maging stalker mo."
"Seryoso ako!" Pero lalo lumakas ang tawa niya kaya naiinis na hahampasin ko sana siya ng backpack ko kundi lang niya tinaas ang dalawang kamay na parang tanda ng pagsuko.
"Okay, okay. Hindi ako stalker mo. Admirer pwede pa." Kumindat siya sa akin kaya hindi ko maiwasan pamulahan. May malakas na tumikhim kaya pareho naagaw ang atensyon namin ni Xander sa taong iyon.
"Oi, nandyan ka pa pala?" Tiningnan ko ng masama si Xander ng sabihin niya iyon kay Denson.
"Anong ginagawa mo dito?" Nalipat naman ang tingin ko kay Denson ng magtanong siya.
"Hinahanap ka. Miss na miss na kasi kita." Muling nalipat na naman ang tingin ko kay Xander ng sabihin niya iyon.
"Kahapon lang tayo nagkita." Naguguluhan na tumingin ulit ako kay Denson.
"Umalis ka agad eh." Doon na ako napasinghap. Pareho napatingin sa akin ang dalawang lalaki.
"What the f, magjowa kayo?!" Bulaslas ko. Natawa ng malakas si Xander habang kumunot naman ang noo ni Denson. Siya ang hinarap ko at hinayaan ko ang isang kutong lupa na magpagulong-gulong sa kakatawa.
"Kaya ba hindi mo magawang tugunan ang nararamdaman ko sayo, Denson. Dahil iba pala iyong gusto mo?!" Hindi makapaniwala na tanong ko. Pumikit siya saglit at umiling-iling na parang hindi siya makapaniwala na nalaman ko na ang sikreto niya. Hindi ko maiwasan mapaluha sa natuklasan.
"Sana sinabi mo agad na bakla ka pala!" Narinig ko ulit ang malakas na tawa ni Xander.
Huminga ng malalim si Denson at tiningnan ako. "Wala akong dapat sabihin sayo, Mercado."
So ano, nagdedeny pa siya?!
"Pero-"
"Okay, tama na. Mamatay na ako dito." Awat ni Xander ng sasagot pa sana ako. Tumingin ulit siya kay Denson at halatang pinipigilan na humagalpak ulit ng tawa.
"Ganito kasi iyon, Tiffany." Hindi pa siya tapos magsalita ay muli na naman siyang tumawa. Gusto ko sana siya suntukin pero mas nakatuon ang atensyon ko kay Denson. Hindi ako makapaniwala na nagawa niya akong lokohin ng totoong pagkatao niya. Umasa ako na mapapaibig ko siya. Pero iyon pala, isa sirang sirena na gusto ng shokoy!
"Shit, ngayon lang ako tumawa ng ganito." Rinig ko na sabi ni Xander bago ito tumikhim ng malakas at umayos na ng tayo.
"Tiffany." Tawag niya sa akin kaya nabaling ang masamang tingin ko sakanya.
"Ano?!" Galit din ako sakanya dahil siya ang karibal ko sa puso ni Denson.
"Hey, relax. Wala akong plano makipag catfight sayo." Natawa ulit siya pero agad din tumigil ng mapansin ang pagtalim ng tingin ko sakanya.
Tumikhim ulit siya at nilingon si Denson.
"He's my brother, Tiffany."
"Step brother." Pagtatama ni Denson sakanya.
Bigla nawala ang galit, sakit, selos at kung ano pang negatibong nararamdaman ko kanina ng marinig iyon. Unti-unti akong napangiti.
"Kung ganun, lalaki ka, Denson?" Muling humagalpak ng si Xander ng itanong ko iyon.
Humakbang palapit sa akin si Denson ng hindi ako nilulubayan ng tingin.
"Gusto mong patunayan ko sayo?" Namula ako bigla sa sinagot niya. Kahit hindi niya diretsong sinabi, alam ko naman kung anong ibig sabihin nun.
"Hep, SPG na yan." Pumagitna sa amin si Xander at tiningnan ako.
"Kayo na?" Tanong ni Xander sa akin. Napakagat ako sa labi na tumingin kay Denson. Gusto kong sabihin na Oo pero alam kong hindi naman iyon ang totoo. Kaya ang ginawa ko nalang ay yumuko ako at umiling nalang bilang sagot.
"That's good to know. Atleast alam kong wala akong sisirain." Nagtatakang muli akong napaangat ng tingin kay Xander ng sabihin niya iyon.
"I have to go. May rehearsal pa kami." Paalam niya sabay sipat sa relong pambisig niya. Tinapik niya sa balikat si Denson na hindi man lang nagreact. Mukhang hindi lang sa akin ganun si Denson pati din pala sa kapatid niya. Well, ano pa bang aasahan sa isang killer?
"Kita nalang tayo bukas, Tiffany!" Naglakad na siya palayo at kumaway sa amin ni Denson. Hindi ko alam kung anong sinasabi niya na magkikita pa kami bukas eh hindi naman siya doon nag-aaral, kaya hinayaan ko nalang hanggang sa mawala na siya sa paningin namin.
"Mercado." Nagtatakang tiningnan ko si Denson ng tawagin niya ako. Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala siya.
"Hmm?" Sagot ko. Napalunok ako ng lumingon siya sa akin at tiningnan ako ng blangko ang ekspresyon.
"Subukan mo lumapit sa lalaking iyon, paparusahan kita." Pagbabanta niya. Pero imbes na matakot ay napangiti pa ako. Eh, naaalala ko kasi bigla iyong paghalik niya sa akin. Kung ganun ba naman ang parusa na ibibigay niya sa akin, aba! Gagawin kong bestfriend si Xander!
"웃♡유
From: Killer
Still awake?
Napabangon ako sa kama ng bigla nagtext ang isang tao na hindi ko aakalain na magtetext sa akin ng madaling araw na.
Napangiti ako na nagreply.
To: Killer
Yeah, hindi makatulog, ikaw?
Maya-maya ay nagreply agad siya kaya nagtatalon ako sa tuwa.
From: Killer
Same here, may iniisip lang. Bakit hindi ka makatulog?
Napatili ako ng malakas habang nagpagulong-gulong sa kama. Sabi kasi nila kapag may tanong palagi iyong katext mo o kachatmate mo ang ibig sabihin nun ayaw pa niya matapos ang conversation niyo at ang ibig sabihin nun gusto pa ako makausap ni Denson!
Kinikilig na nagreply ulit ako.
To: Killer
I don't know, maybe may nag-iisip s akin? hehehe:)
Agad naman siya nagreply.
From: Killer
Goodnight.
Para akong dinaganan ng isang malaking bato pagkabasa sa reply niyang iyon. Seriously? goodnight na agad? Asar! Gusto ko pa makipagtext sakanya eh! Ibabato ko na sana ang cellphone na hawak sa pader ng makatanggap ulit ako ng isa pang text mula kay Denson.
From: Killer
I IIII III.
Kumunot ang noo ko sa text niya. Alien language ba ito? Bakit hindi ko gets?? Binaliktad-baliktad ko ang cellphone ko para malaman kung ano iyon. Pero sumakit lang ang ulo ko di ko pa rin nagets. Nagreply nalang ako ng- Huh?
From: Killer
Stupid. Goodnight.
Tingnan mo ang isang ito, malala na talaga ang sira sa utak! Kasalanan ko ba kung hindi ako alien na tulad niya? haist! IIIIII ano daw iyon? Nagreply pa rin ako.
To: Killer
Goodnight na nga, dream of me:)
At ang masaklap pa sabay sabing Message Failed! Wala na pala akong load! Litsi na buhay ito oh!
Napahiga nalang ako sa kama sabay titig sa butiki na nasa kisame ng kwarto ko.
"Tingin mo kaya, gusto na niya ako?"