Dear KILLER [Completed]

By Yengkoy

1.5M 57.2K 7.5K

유♥웃 Dear, Killer Una sa lahat, gusto ko magpasalamat sa pinadala mong love letter. Alam mo bang, tumatalon an... More

DEAR, KILLER (PLOT♥)
DK-♥PROLOGUE♥
DK彡Introduction^_^
DK彡Love at First Shot??!
DK彡Curiosity Kills the Cat
DK彡The Unexpected Visitor
DK彡OH NO!
DK彡Death Wish
DK彡Nine Months?!!
DK彡FIRST LETTER♥♥
DK彡Guidance Office
DK彡♥FIRST KISS??!!♥
DK彡♥Hue, Hue! Textmate?♥
DK彡 ♥Tippy is Falling......♥
DK彡 ♥TippyLoveKiller♥
DK彡 Next To Him♥♥
DK彡The Confession
DK彡 Never Say Die?^_^ (I♥Ginebra)
DK彡LETTERS TO KILLER♥♥♥
DK彡♥Alexander Dela Cruz♥
DK彡 I IIII III
DK■ Hero
DK彡Date?♥
DK彡⇨ School Fair ⇦
DK彡Missing Him╮(╯_╰)╭
DK彡Mutual Understanding♥♥
DK彡It's Complicated
DK彡Secret Admirer
DK彡YAM ♥ YAMO
DK彡Reippy or Xanppy?
DK彡Alexander's Confession
DK彡Pool Party
DK彡Pool Party Continuation
DK彡Best Night Ever?
DK彡Awkward!!
DK彡Inspector.Ramon Guevara & SPO1.Morgan Castro
DK彡Rumors
DK彡Doom
DK彡Killer's Identity
DK彡The Heartbreaks
DK彡Runaway
彡The Promises彡
☜The Deadly Finale☜
♥Dear, KILLER.♥
P.S. I Love You

DK彡♥Crush, Crush, Crush! Three times a day?♥

33.9K 1.3K 152
By Yengkoy

Monday. Ang araw na pinaka-ayaw ko dati. Tamad kasi ako mag-aral kaya siguro hate ko ang araw na iyon.Pero hindi na ngayon. Alas kwatro palang ng umaga ay gising na ako kahit seven pa ang klase ko. Ganyan ako ka-excited pumasok, kung bakit? Dahil sa lalaking inaamin ko na crush ko na! At iyon ay si Red Denson na laman ng isip ko buong weekend. Gusto ko sana kamustahin ang lagay niya, kung may lagnat pa ba siya? Kung iniisip niya rin ba ako tulad ng pag-iisip ko sakanya? Pero nahihiya ako i-text siya eh! Kaya siniguro ko nalang na pumasok ng maaga para makita ko na agad siya. Wala naman siguro masama kung magkaroon ako ng crush, diba? Normal lang naman iyon sa mga teenager na tulad ko, mukhang nahuli pa nga ako sa pagkakaroon ng crush. Atleast tao pa rin ako at babaeng humahanga sa isang lalaki na dalawang beses na nagligtas ng buhay ko. Pero ang pinoproblema ko lang ay kung normal pa rin kaya ako pag nasa tabi na niya? I mean, makakaya ko kaya pakisamahan ang crush ko na wala ng ibang ginawa kundi pagbantaan ang buhay ko? Bakit ba naman kasi sa dinami-rami ng lalaki sa mundong ito sa isang Killer pa ako nagka-crush? Hay! buhay! ang hirap i-gets.

"Kanina ka pa tulala, Tippy."

"May iniisip lang."

Nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko at nanunuksong tumingin sa akin.

"Lalaki ba?"

Napabuntong-hininga ako na tumango habang nakapangalumbaba sa armchair ko.

"Nako, malaking problema nga yan, inlove ka?"

Umiling lang ako sa tanong niya habang nakatanaw sa labas ng bintana kung saan nakikita ko ang puno na iyon. 'Bakit wala pa siya? malapit na magsimula ang klase.'

"Kilala ko ba?" Patuloy na pangungulit ni Jay sa akin. Umayos ako ng upo at tinatamad na tiningnan siya.

"Paano ko ba papatayin ang weird na feelings ko, Jay?" Out of the blue na tanong ko sakanya na pinagtawanan lang niya.

"Adik! Wag ka nga! Sarap kaya mainlove at correction! Hindi mo dapat tawagin na weird feelings yan, dahil lahat ng tao ay nakakaramdam ng ganyan kaya let it be." Natatawa na sabi niya. Sinimangutan ko lang siya na kinuha ang libro at nagbasa na lang, walang kwentang kausap ang bakla.

"So, sino nga siya?" Tanong niya ulit pero tinaas ko na ang libro sa mukha ko para ipaalam sa kausap ko na busy na ako.

"Good morning, Red!" Nagpanting ang tainga ko at nabuhay ang dugo ko ng marinig ang pangalan ni Denson. Pasimple ko binaba ang libro na hawak para makita ang papalapit na si Denson. Hindi ko maiwasan na lalong mahulog sakanya pagkakita sa kagwapuhan niya. 'Gandang almusal.'

"Morning." Ganti na bati niya kay Jay at tumango lang sa akin ng mapansin na nakatingin ako sakanya. Tahimik na binaba niya ang bag at naupo na sa tabi ko. Samantalang nagwawala na ang puso ko sa sobrang kilig! Kahit tango lang atleast napansin niya ako!

"Hi, Red. May party mamaya sa bahay ko and I want you to be there."

Bigla ako tinubuan ng invisible na sungay sa ulo ng marinig ang boses ni Casey, isa sa pinaka-malandi na students ng Academy. halos lahat kasi ng lalaki rito pinatulan niya, Oo! halos lahat, ganyan siya kakati. Sana gumamit nalang siya ng talong pangkamot, hindi iyong kung sino-sino nalang ang dinadala niya sa bahay niya pagkatapos ay ipagkakalat niya pa sa buong campus kung paano at ilan beses nila ginawa. Kadiri!

"Busy ako." Tipid na sagot ni Denson sabay bukas ng libro. Napangiti ako na tumingin kay Casey na nakatayo pa rin sa likuran namin.

"Busy siya, Casey. So, pwede kana bumalik sa upuan mo." Nakangisi na taboy ko sakanya sabay turo sa upuan niya sa unahan.

"Whatever, Weirdo. I'm not talking to you." Mataray na sabi niya sabay lakad na pabalik ng upuan niya. 'Sorry kana lang, hindi easy to get ang crush ko. bwahahaha!'

"Mercado."

Nakangiting nilingon ko siya ng tawagin niya ako.

"Yes baby? Ay este! I mean, Denson pala!" Nabigla na sagot ko na mukhang wala lang naman
sakanya.

"Pahiram muna ng notebook mo.May titingnan lang ako sa activity natin kahapon." Sabi niya pero ang tingin ay nasa libro na ulit. Nagmamadali ko binuksan ang bag at kinuha ang notebook ko. Pinunasan ko pa iyon sa skirt na suot ko bago inabot sakanya.

"Salamat." Sabi niya at ngumiti sa akin. Kaya ganun nalang ang pagpipigil ko na mapasigaw sa kilig na nararamdaman. Tahimik na ulit kami na nagrereview sa libro. Pero hindi ang puso ko na kumakabog ng malakas. Pasimple akong nagnanakaw ng tingin sakanya, feeling ko kasi siya ang magiging inspirasyon ko mamaya sa quiz.

"Denson."

"Hmm?"

Kaya ko ito! wala naman masama kung ililibre ko siya mamaya diba? Tutal tinulungan niya ako makaligtas noong friday sa mga kamay nina Vince kaya tama naman siguro kung ililibre ko siya bilang pasasalamat ko, diba?

Tumikhim muna ako. Pakiramdam ko para akong isang lalaki na nagyayaya ng date sa isang pakipot na babae.

"Ano kasi, gu-gusto mo ba na sumabay sa akin maglunch sa canteen?" Napapikit pa ako ng bahagya habang tinatanong iyon. Nahihiya ako!

Kumunot ang noo niya na tumingin sa akin pero muli niya binalik ang atensyon sa binabasa na libro.

"Hindi."

Napanguso nalang ako sa sagot niya. As expected. Nagbabakasali lang naman ako na baka gusto niya na samahan ako sa lunch. Malay natin baka maawa.

"Sa rooftop ako kumakain." Muling sabi niya na siyang nagpatawag ng atensyon ko. Nag-angat siya ng tingin sa akin.

"Gusto mo ba mag lunch doon?"

Napakurap pa ako ng ilan beses para masiguro na hindi ako nanaginip! Niyaya niya ako maglunch sa rooftop!

"Si-sigurado ka?" Hindi pa rin makapaniwala na tanong ko ulit sakanya.

"Bakit ayaw mo ba?"

"Siyempre gusto!" Malakas na sagot ko kaya parang natauhan din ako ng mapagtanto na masyado ako nagpapahalata. Tumikhim muna ako bago ulit magsalita.

"Ang ibig kong sabihin, pag-iisipan ko muna." Kunwari pakipot pa kuno na sabi ko. Pero deep inside may sinulog festival na sa puso ko na nagdidiwang!

"Okay." Nagpatuloy na  siya pagbabasa habang ako naman ay patuloy din, iyon nga lang sa pagnanasa sakanya!

Dumating na si Sir Pandak at sinimulan na ang klase habang lahat ng classmates ko ay seryosong-seryoso sa pakikinig sakanya, ay ako naman ay nagnanakaw ng tingin sa katabi ko na minsan ay tumitingin din sa akin. Oh gosh! Kinikilig ako! Ganito pala ang feeling ng may crush, nakakabuhay ng dugo!

웃★유

LUNCH BREAK♥

Nakangiti ako na kumakain ng sandwich habang tinitingnan ang kasabay ko sa pagkain na kanina pa hindi maipinta ang mukha.

"Walang lasa, sino ba ang cook dyan sa canteen?" Reklamo niya. Kahit nga ako ayoko rin ng pagkain sa cafeteria, kaya nagbabaon nalang ako ng chicken sandwich sa bahay.

"Kung alam ko lang na sabay tayo kakain, sana dalawa nalang ang pinagawa ko na sandwich kay Nana." Mahinhin na sabi ko sakanya. Uminom na siya ng tubig at tiningnan ang hawak ko na sandwich.

"Masarap ba yan?"

Nakangiting tumango ako. "Oo naman, si Nana kaya ang gumawa nito." Proud na sabi ko. Nagulat nalang ako ng bigla niya agawin ang sandwich ko at walang paalam na kinain iyon.

'Anyare?'

"Hmmm, pwede na rin. Magdala ka ng marami nito bukas." Utos niya habang hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawa niya. 'Hindi porke't crush ko siya pwede niya na ako agawan ng pagkain!'

"Bakit mo inagaw iyon?!"

Kumunot ang noo niya ng binigay sa akin ang tissue na pinambalot sa sandwich.

"At bakit hindi?"

"Pagkain ko iyon, Denson! ano na ang kakainin ko?!" Para akong bata na naiiyak.

"Kainin mo nalang iyong binili mo sa akin tutal ikaw ang umorder niyan." Paninisi niya pa sa pagkain na dinala ko sakanya sa rooftop. Tiningnan ko ang pagkain sa harapan ko. Adobo iyon pero ayon na rin sakanya walang lasa kaya bakit ko kakainin iyon? Matalim ko siyang tiningnan.

"Kaya nga nagbaon ako ng sandwich para hindi makakain ng walang lasa na pagkain tapos aagawin mo lang?!" Pagmamaktol ko.

"Para kang bata." Puna niya at tumayo na mula sa inuupuan namin na mahabang upuan na mukhang madalas niya tulugan dito. Napapansin ko kasi na dito siya tumatambay pag free time namin.

"Ikaw ang parang bata, nang-aagaw ng pagkain." Naiinis na bulong ko at nagsimula na linisin ang pinagkainan niya. Bwisit! Ako pa ang hindi nakakain imbes na ako ang nanlibre.

"Ililibre nalang kita pagkatapos ng klase."

Bigla ako napatingin sa kinatatayuan niya na nakatanaw sa baba ng rooftop.

"Talaga?" Kumikislap ang mga mata na tanong ko sakanya. Bahagya niya lang ako tinapunan ng tingin.

"Oo, kaya wag kana umiyak diyan, hihintayin kita mamaya sa gate." Uminom siya ulit ng tubig at kinuha na ang bag niya.

"Mauuna na ako sayo." Paalam niya na tinanguan ko lang. Pagkaalis niya ay saka naman ako napatili ng malakas.

"Magdedate kami! waaaah!"

Continue Reading

You'll Also Like

3.1M 146K 72
[THE BADASS BABYSITTER] Para sa isang Presidente ng bansa, malaki ang expectation nito sa mga anak niya. You should be the best for him to be proud o...
728K 26K 45
It's a gxg story so if you're homophobic feel free to ignore my story. Date started: May 17,2020 Date finished: July 2,2020
4.8M 172K 57
Juariz Bachelors #1 [BXB] [MPREG] STATUS: COMPLETED Si Austine Villaluz ay isang fresh graduate sa kursong general education. He loves kids and would...
140K 5.3K 50
"I like the feeling of having a crush on someone... but going beyond that feeling is a no." - Riley [TAGLISH] Most Impressive Ranking #675 lesbian ou...