Psycho next door

By Serialsleeper

4.3M 204K 106K

Cosima Sanctuary is a one of a kind safe house for teenage survivors, but when they realize that one of them... More

Prologue
1 : The fighter
2 : The two sides of the shield
3 : The Director
4 : The wretched
5 : The thing about crowns and daggers
6 : Combat Night
7 : The vulture
8 : The Task
9 : The other side
10 : The Repercussion
11 : The Puppeteer
12 : Tables Turned
13 : The Anchor
14 : The leader of the wretched
15 : Mischief
16 : Salvo
17 : The Wake
18 : Behind enemy lines
19 : The devil's children
20 : Freaks
21 : Fight now, cry later
22 : On the way
23 : Mark my words
24 : Never leave my sight
25 : Survivors
26 : Criminals
27 : The Annihilator
28 : The Other Side
29 : Alison
30 : Kleya is a Gun
31 : This is how I fight
32 : Fragile
33 : Connections
34 : I will protect you
35 : A sigh
36 : The last straw
37 : Facade
38 : Deadly Consequences
39 : Moral Compass
40 : Daddy's little Psycho
41 : Army of evil
42 : The Truth that hurts
43 : Family ties
44 : The Guardian
45 : The Missing Piece
46 : The only thing that matters
48 : The should haves
Epilogue 1 of 2
Epilogue 2 of 2

47 : Gaslight

60.8K 3.1K 1.5K
By Serialsleeper

No time to proofread :( Very sorry for the typos 


          Mabilis ang bawat hakbang ni Aaron habang hawak ang isang baril. Labis ang panginginig ng kanyang kamay at bakas ang pagkabalisa sa kanyang mukha. Tila ba may kung anong bumabagabag sa kanyang isipan kaya paulit-ulit niyang pinapalo ang sentido gamit ang kamay na may hawak sa baril.

         "Papatayin kami ni Dr. Muerte. Papatayin kami ni Dr. Muerte." Paulit-ulit na sambit ni Aaron na tila wala sa sarili.

        Habang patuloy sa paglalakad, nakarinig si Aaron ng mga sigaw dahilan para magtatakbo siya. Kilala niya kung kaninong mga sigaw iyon. 

        Napako siya sa kinatatayuan nang marating ang isang silid. Nakita niya agad ang si Tasha na umiiyak at sumisigaw habang kinalampag ang isang salamin. Napasinghap siya nang mapagtantong nasa loob si Kleya sa isang glass cage at kasalukuyan itong kinukuryente habang nasa isang upuan. Minsan na nila itong pinagdusahan noon at hindi niya matanggap na nakikita na naman niyang nagdurusa si Kleya sa paraang ito.

       Napalinga-linga si Aaron at nakita niya si Ninang na nasa loob ng isang silid, sa likuran ng glass cage. Napo-protektahan si Ninang ng isang salamin, walang nakikitang pinto na daan patungo sa kanya pero alam ni Aaron na meron at gawa ito sa salamin kaya walang nakakapansin.

        Mabibilis ang mga hakbang ni Aaron patungo ni Ninang, nagpupuyos sa galit.

       Nakatuon ang buong atensyon nina Tasha at Miller sa nagdurusang si Kleya kaya hindi man lang nila napansin si Ninang at ang pagdating ni Aaron.


****

         Sa pagpasok ni Aaron sa silid, agad niyang naikuyom ang nanginginig na kamao, at sa pagkakataong ito ay dahil sa galit lalo pa't kitang-kita niya si Ninang na nakatayo sa tapat ng isang mesa na siyang kumukuntrol sa boltahe ng kuryenteng dumadaloy kay Kleya.

        "What the hell are you doing?!" Dumagundong ang boses ni Aaron dahil sa labis na galit.

         Nag-angat ng tingin si Ninang at napangisi sa binata. "Just making her remember who  she is by making her relieve her trauma. Ayaw mo nun, maalala ka na niya?"

          "Stop it! You're hurting her!" giit ni Aaron habang nanginginig sa galit at namumula ang mga matang nagsisimula nang lumuha.

          "No can't do, hijo. Can't stop now since I think we already found our Alison. My my, I know they are fraternal twins but I don't really see any resemblance other than their eyes."

        Agad na napalingon si Aaron at nagulat siya nang makitang si Tasha ang tinutukoy ni Ninang. "S-siya si Alison?" gulat niyang sambit. 

        "Buti nalang talaga hindi siya natuluyan ni Vivian noon. Akala talaga namin hindi siya si Alison kasi sabi niyo nga magkaaway sila, walang lukso ng dugo. " Natatawang paliwanag ni Ninang.

        Unti-unti namang humarap si Aaron kay Ninang. Humigpit lalo ang hawak niya sa kanyang baril kasabay ng pag-igting ng kanyang panga. "Stop. The. Machine."

        "Watch your tone, young man. I'm still your boss." Nakangisi man, may pagbabanta sa boses ng babae.

         "STOP. THE. MACHINE." Mas lalo pang tumindi ang galit sa boses ni Aaron kasabay ng panlilisik ng mga mata nito.  

        Napasinghal si Ninang ngunit pagkuway sumeryoso ito. "Control your attitude, Aaron kung ayaw mong--"

       "Kung ayaw kong ano? Na patayin niyo ako?! Na pahirapan niyo ako ng paulit-ulit?! Naalala ko na ngayon kung bakit tiniis ko ang lahat ng kasamaan niyo! Nagsisisi ako kung bakit nagpadala ako sa lahat ng mga kabaliwan niyo!" sigaw ni Aaron pabalik.

       Agad na rumehistro ang gulat sa mukha ni Ninang. Pakiramdam niya'y nawawala na sa control niya si Aaron kaya naman nilapitan niya ito at pinakitaan ng isang malambot na ekspresyon. "Aaron, hijo... Did you drink your medicine? You seem off the edge? Hijo sana alalahanin mo  lagi kung para saan ang lahat ng ito. Kung bakit sinusuportahan natin si Dr. Muerte. Siya ang magiging daan para tayo naman ang mangibabaw sa lahat--

       Tumango-tango si Aaron at pumikit. "N-naalala ko..."

       "Good..." Napatingin si Ninang sa baril na hawak ni Aaron. Sa pagkakataong ito'y alam ni Ninang na tuluyan nang nawala sa kanyang kontrol ang binaba. "Aaron, gusto kong alalahanin mo na pinili ka ni Dr. Muerte na mamuno sa Children Milcom dahil nakitaan ka niya ng potensyal. Mula sa pagiging sundalo, ginawa ka niyang heneral sa kanyang sariling kaharian."

         Habang nagsasalita ng marahan, unti-unting inaabot ni Ninang ang baril ni Aaron. Ngunit bago pa man niya ito tuluyang makuha mula sa mga kamay ng binata, bigla itong dumilat.

         "Stop the machine," pagmamakaawa ni Aaron kasabay ng tuluyang pagpatak ng kanyang luha.

       "No." Umiling si Ninang at huminto sa pag-abot ng baril.

        Tumango-tango si Aaron at walang ano-ano'y kilabit ang gatilyo ng baril na naitutok na niya pala pataas, sa direksyon ng ulo ni Ninang.


        Umalingawngaw ang napakalakas na putok ng baril at nagtalsikan ang dugo ng babae sa kanyang mukha, ngunit hindi ito alintana ni Aaron. Bagkus, mabilis siyang lumapit sa control panel at pinatay ang boltahe ng kuryenteng nagpapahirap kay Kleya. Nakahanap si Aaron ng isang "open" button kaya mabilis din niya itong pinindot.

        Parang nakahinga si Aaron nang maluwag nang makita si Tasha na inaalo ang umiiyak na si Kleya.

       Napahawak siya sa magkabilang dulo ng mesa at napadungo habang mabibigat ang bawat paghinga. Nang muli siyang mag-angat ng tingin ay laking gulat niya nang bigla na lamang sumara ang pinto ng glass cage dahilan para makulong si Tasha sa loob kasama ni Kleya.

       "Shit." Napasinghap si Aaron at paulit-ulit niyang pinindot ang "open" button para mapakawalan ang kambal ngunit kahit ilang beses niya itong pindutin ay hindi na ito gumagana. Nawalan na siya ng control sa glass cage.

        "Aaron, keep yourself together. This is the time when we'll find out if Alicia is worthy to be one of us, if she's worthy of your love and protection, if she's capable to continue what  I started." Agad na napatingala si Aaron sa speaker na nasa kisame nang marinig ang boses ni Dr. Muerte.

         "Ngayon lumabas ka diyan at gamitin mo ang binatang si Miller para mapasunod ang mga anak ko sa gusto kong mangyari. At sa pagkakataong ito, 'wag ka nang papalpak kung ayaw mong isipin kong hindi ka na karapat-dapat sa posisyon mo." Dagdag pa ni Dr. Muerte kaya wala sa sariling sumunod si Aaron sa sinabi nito. 


***

           "I remember you now..."

            Napatulala si Aaron at namuo ang luha sa kanyang mga mata ng marinig ito mula kay Kleya. Naalala na siya ni Kleya ngunit hindi niya magawang maging masaya.

           Sa kagustuhang mabuhay si Kleya, harap-harapan niyang kinumbinsi si Tasha na sumuko. Ginawa ni Aaron ang lahat makumbinsi lang ito, ngunit sa huli mas pinili ni Kleya ang kapalaran sa piling ng kamatayan.

          "Open the cage! She needs help! Aaron open the cage!"

            Umaalingawngaw ang boses ni Tasha ngunit nanatiling nakatulala si Aaron habang nakatingin sa duguang si Kleya. Nakaawang ang labi kasabay ng pag-agos ng kanyang mga luha. Nakaupo sa sahig si Aaron, tila ba tinakasan ng lakas at kagustuhang magpatuloy.

           "Kleya! Hindi! Hindi! Open your eyes! Please stay awake!" Lalo pang umalingawngaw ang palahaw at iyak ni Tasha sa bawat paglipas ng sandali.

            "Finish her." Narinig muli sa buong paligid ang boses ni Dr. Muerte dahilan para mapatayo ang gulat na gulat na si Tasha, at mahila mula sa kawalan ang atensyon ni Aaron.

           "She's already dead! And this is your fault! What kind of a father are you!" Pagwawala ni Tasha habang hinahampas ang salamin. Buong lakas at pwersa ang bawat sigaw, di alintana kahit halos bumabakat na ang ugat sa namumulang leeg.

          "Nice try, my child. I can monitor how many heartbeats are present in the cage. And as we speak, Alicia is still alive. Her heartbeat is weak, but still alive. Now finish her so that you can live." Wika pa ni Dr. Muerte kaya napatulala si Tasha.

           "Y-you want one of us to kill the other right? That's why you still want me to finish her?" Walang kaemo-emosyong sambit ni Tasha at napatingala sa direksyon ng CCTV camera. "Well, I won't. If she dies, then you should know that she died at her own hands, not mine. I will not kill her even if you torture me with everything that you have. Kleya did that to herself to save me, and I would do that to myself just to save me. None of us is evil. You lose."

          Ilang sandaling nanaig ang katahimikan. Nabasag lamang ito nang bumukas ang pintuan sa kanilang likuran. Napalingon si Aaron at napukaw ang atensyon ni Tasha.

         Natuon naman ang atensyon ni Tasha sa maliit na lalakeng naglalakad patungo sa kanya. Wala sa sariling naikuyom niya ang kamao dahil sa poot na nararamdaman para sa taong dahilan ng kanyang paghihirap.

         "Hey Dad. I wish I could say nice to fucking meet you but that would be lie." Sarcastic na sambit ni Tasha habang may nakakalokong ngisi sa mukha.

        "Finish your sister and you will be free." Muli, walang kaemo-emosyong sambit ni Dr. Muerte. Magkamukhang-magkamukha at magkasinglaki lamang sila ni Python, ang kaibahan lang ay wala siyang balbas at nakasuot siya ng isang kulay puting lab coat at makapal na salamin.

        Sarcastikong tumawa si Tasha "I'm not evil like you! We're not evil like you! Your theories are all trash, just like you!" 

        Tinanggal ni Dr. Muerte ang salamin na suot at napapikit, ngayon ay bakas na ang galit sa mukha na pilit paring pinipigilan. "Finish your sister or I will torture your Mother right in front of you."  May pagngingitngit na sa boses nito.

        "I don't even know what she looks like, do you think I care?!" Natatawang bulalas ni Tasha na animo'y ginagaya ang maangas na pananalita ni Kleya noon. At gaya ni Kleya, nagsisinungaling siya. "Go kill our Mom, Miller, Aaron, or whoever the fuck you want! I don't fucking care! You can even kill me and i'll thank you for it!" 

        Isinuot muli ni Dr. Muerte ang kanyang salamin at napabuntong-hininga.

       "You're making me do this, my child," wika ni Dr. Muerte na sa puntong ito'y nakakuyom na ang kamao dahil sa galit na kanina niya pilit na  hindi ipinapakita. Inilabas niya ang isang remote mula sa loob ng kanyang bulsa at napatitig sa mga mata ni Tasha. "I guess i'll continue to rape and impregnate women until I can have twin offsprings again."

        Dahil sa mga sinabi ni Dr. Muerte ay namilog ang mga mata ni Tasha dahil sa magkahalong gulat at pandidiri. "You monster!"

        "And you would've been among us if only you had the guts to end your sister's life. You would've been powerful  like us. You could rule with us and have the world at the palm of your hands." At sa pagkakataong iyon ay pinindot ni Dr. Muerte ang remote dahilan para unti-unting bumaba ang kisame ng glass cage.

        "Shit!" Napasigaw si Tasha nang mapagtantong unti-unti silang maiipit sa paglipas ng sandali.

         "Don't worry, my child. It's gonna hurt... alot," wika ni Dr. Muerte at kasabay nito ang paglitaw ng ngisi sa kanyang mukha. Ngunit agad ding naglaho ang ngisi niya nang umalingawngaw ang isang putok ng baril.

         Napalingon siya at nakita niya si Aaron na nakaupo sa sahig, lumuluha habang hawak ang isang umuusok na baril na nakatutok sa kanyang direksyon.

         Napasinghap si Dr. Muerte. Ibinuka niya ang labing nanginginig, ngunit imbes na boses, dugo ang lumabas mula sa kanyang bibig. Muling kinalabit ni Aaron ang gatilyo at ngunit sa pagkakataong ito'y naubusan na siya ng bala. Mabilis na tumayo si Aaron at inagaw ang remote.


****


        Nakita ni Tasha ang buong pangyayari at muli siyang napahagulgol nang magtama ang mga mata nila ni Aaron na siya na ngayong may hawak ng remote. Pilit man niyang itago, takot na takot si Tasha lalo pa't nagsisimula na siyang mapayuko dahil sa pagbaba ng kisame. 

        Pinindot ni Aaron ang remote dahilan para huminto sa paggalaw ang kisame at sa isang iglap ay nagsimula itong  umangat muli. Bumukas ang daanan palabas ng glass cage kaya mas lalo pang napaiyak si Tasha. "Aaron, si Kleya! W-we need to get help!"

        Mabilis na pumasok si Aaron sa glass cage at muling pumatak ang kanyang luha nang makita si Kleya na duguan at nakahandusay. Hindi na siya nag-atubili pang kargahin ito. Nakasunod naman sa kanila ang umiiyak at alalang-alalang si Tasha.

       Unti-unting dumilat ang mga mata ni Kleya nang tuluyan silang makalabas mula sa glass cage. Gumalaw ito na animo'y may gustong lingunin... na may gustong abutin. Kapwa nagbaba ng tingin sina Tasha at Aaron at nakita nilang si Miller ang gustong abutin ni Kleya. Si Miller na nakahandusay sa sahig, walang malay.

        "M-miller...." iyak ni Kleya na animo'y nakikiusap na makalapit sa binata.

        Nagkatinginan sina Tasha at Aaron.  Umiiyak na tumango si Tasha kaya naman dahan-dahang ibinaba ni Aaron si Kleya sa tabi ni Miller.

       Dumako muli ang tingin ni Tasha kay Aaron. "Call for help. They need to be taken to the--" Natigil sa pagsasalita si Tasha nang muling bumukas ang pinto.

       "Wolfgang!" Mabilis na nagtatakbo si Tasha patungo sa binata nang makitang hirap na hirap ito sa paglalakad habang hawak ang gilid ng sikmurang may tama ng baril. Ganun din si Shawn. Kapwa sila inaalalayan ni Ledory.

        "Traydor!" Sigaw ni Wolfgang na punong-puno ng galit habang nakatingin sa direksyon ni Aaron.


        Itinutok ni Aaron ang baril sa ulo ni Wolfgang ngunit sa pagkalabit niya ng gatilyo ay hindi niya mapigilang maikabig sa ibang direksyon ang nguso ng baril lalon pa't bumabalik sa isipan niya kung paano bumalik si Kleya sa Cosima para lang mailigtas ang mga ito. Dahil sa ginagawa niya ay  sa kisame tumama ang bala. Ganun din ang ginawa niya kay Shawn at Ledory. Sa huli, hindi niya ito mabaril hanggang sa kamatayan. Iniwan na lamang niya ang mga ito na duguan at sugatan kahit taliwas ito sa mga utos ni Dr. Muerte.


        "It's okay! It's okay! He's on our side now! He helped us!" Giit ni Tasha.

        "Brainwashed," mahinang sambit ni Ledory bilang pag sang-ayon. "But no matter how bad they got to his head, he knows where his heart is with."

         "Pero paano tayo--" Natigil sila sa pag-uusap nang bigla silang makarinig ng isang singhap. Napalingon silang lahat at nakitang buhay pa ang nakahandusay na si Dr. Muerte kahit pa naliligo na ito sa sariling dugo.

          "Is that.." hindi magawang tapusin ni Shawn ang sinasabi.

          "Dr. Muerte..." wika ni Ledory at kasabay nito ang pagdidilim ng ekspresyon sa kanyang mukha. 

          "Kleya and Miller needs help! We have to get help!" paalala ni Tasha sa mga kasamahan. 

          Akmang lalabas na sila upang humingi ng tulong nang bigla silang makarinig ng mga yapak. Napakaraming mga yapak. Agad na naglakad si Aaron patungo sa kanilang unahan at itinaas ang kanyang kamay na animo'y sinesenyasan ang mga kasamahan na wag gumalaw o gumawa ng kahit na anong ingay.

           Kinakabahang nagkatinginan sina Tasha, Wolfgang, Shawn, at Ledory.

          Sa isang aglap, muling nauwi sa takot ang kanilang kaba nang makita ang pagpasok ng napakaraming kabataang may matatalim na metal sa bibig bilang ngipin. Ang lahat ng ito'y nakatingin sa kanila na animo'y mababangis na hayop na susugod sa kanilang biktima.

          "C-can you guys still fight?" nanlulumong sambit ni Shawn.


END OF CHAPTER 47!

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3

Continue Reading

You'll Also Like

695K 47.2K 44
Crime and murder podcaster Wren Lozarte is desperate to earn money for her ailing uncle so she accepts a strange but high-paying offer from a mysteri...
Never Cry Murder By bambi

Mystery / Thriller

3.5M 177K 56
The Ripper Series #3 :: How far would you go to avenge and save the ones you love?
306K 7.9K 14
"Saan napunta ang kanilang mga katawan?"
82.6M 2.4M 73
Erityian Tribes Series, Book #1 || Not your ordinary detective story.