The Hypothetical Worth [Ace L...

By chasingplaridel

190K 4.5K 345

I was about to hug her when she turned to back to me. She pulled the comforter to her, at ibinalot yon hangga... More

DECLAN AND ARIANNA
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
EPILOGUE

Chapter Seventeen

3.9K 96 0
By chasingplaridel


Chapter 17


ARIANNA


"Uhhhhmm... Hmmmm..."


Inaantok ang mga mata kong dumilat dahil sa ungol na naririnig ko. Una kong napansin ang mabigat na braso ni Declan na nakapalibot sa bewang ko. Halos nakasiksik na siya sa mukha ko. Doon ko napagtanto na siya ang naririnig kong umuungol. Nakakunot ang noo niya na para bang nananaginip siya ng masama. Tinapik ko ang pisngi niya.


"Declan..gising!" tawag ko sa kanya pero mas lalo lang siyang umungol at para bang hinihingal siya.


Nataranta akong bumangon. Natanggal ang pagkakayakap niya saakin. "Declan! Gising!" Inalog alog ko siya ng malakas. Tumigil na siya sa kakaungol, at naging kalmado na ang paghinga niya. Tinapik tapik ko ang pisngi niya, at ilang segundo ang lumipas ay bumukas ang mga mata niya unti-unti.


Nag-aalala akong tumingin sa kanya. Halata ang masama ang panaginip niya. "Binabangungot ka, Declan."


Hindi niya ako sinagot. Ipinikit niya ang mga mata niya ulit. Niyakap niya ako sa bewang ko. Bumuntong hininga siya. "Thanks for waking me up, Angel."


Sumandal ako sa headboard ng kama bago ko sinagot ang sinabi niya. "Ano ba ang napanaginipan mo?"


"I always dream of my parents' death, and thankfully you wake me up." Mahinang sagot niya.


Parang may tumulak saakin suklayin ko ang buhok niya gamit ang daliri ko, kaya ginawa ko. Napapitlag ng bahagya si Declan pero mabilis din siyang narelax. "Kalmahin mo muna ang sarili mo. Alam ko ang feeling ng bangungutin e."


Doon na niya ako sinilip. Nagtatanong ang mga mata niya. Hindi ako nagsalita. Totoo naman kasi. Alam na alam ko ang napagdadaanan ni Declan. Ilang beses ko ng napapanaginipan ang pagkamatay ng mga magulang ko. Sa harap ko sila mismo namatay, para lang protektahan ako. Paulit ulit minsan, to the point na ayaw ko ng matulog para maiwasan na bumalik sa ala-ala ko ang pangyayaring 'yon.




***

Tahimik lang si Declan hanggang sa muli siyang makatulog habang naka-yakap siya saakin. Naisip ko kung ano ang ikinamatay ng mga magulang niya para maging bangungot 'yon para sa kanya. Katulad kaya ng akin? Walang kalaban laban din kayang namatay ang mga magulang ni Declan?


Napailing nalang ako. Ipinagpatuloy ko ang pag-aayos ng mga pagkain na binili ni Declan. Mukhang hindi na rin siya kumain kagabi kahit nagpakapagod siyang bumili nito. Iniwanan niya pa. Tsk. Mayaman nga naman.


Inilagay ko sa microwave oven ang mga manok, at habang ipinapainit ko ang mga manok sa microwave ay inayos ko ang mga kanin para isangag. Kinuha ko rin 'yung dalawang large fries at iprinito ulit 'yon. Halos kalahating oras ko din ginugol ang sarili ko sa pagpapa-init ng mga pagkain. Inilagay ko sa Ref ang coke float, tsaka ako nagtimpla ng kape para saamin.


HANGGANG sa matapos akong mag-ayos ng pang agahan namin ay walang Declan Lucas na bumaba. Nauna nalang akong kumain dahil kagabi pa ako gutom. Nakaubos ako ng dalawang manok at tatlong balik ng kanin. Busog na busog ako nang matapos akong kumain, kaya para bumaba ang kinain ko ay hinanap ko ang walis tambo at dustpan at basahan pati duster.


NANG mahanap ko ang mga panlinis ay pumunta na ako sa sala para umpisahan ang paglilinis. Inuna kong punasan ang napakaraming figurines sa malapit sa pinto. Parang galing sa iba't ibang bansa ang mga figurines. May mga nakatatak kasi na pangalan ng iba't ibang bansa.


Nang lumipat naman ako sa kabilang shelfs ng figurines ay puro Marvel collections naman ang nakikita ko, at pinaka-marami ang kay Hulk at Iron Man. Hilig niya siguro? Isip ko. Itinuloy ko nalang ang paglilinis, hanggang sa marating ko ang sets ng picture frames.


Kadalasan sa nakikita ko ay picture ng babae at lalaki na mga nasa 30's lang 'yata ang edad. Habang pinupunasan ko ang isang picture ng isang lalaki na naka itim na tuxedo at itim na neck tie ay para bang nakita ko ang mukha ni Declan sa kanya. Para bang kahawig niya.


Hanggang sa sunod kong pinunasan ang isang family picture. Nakaupo ang mag-asawa, habang kandong ng lalaki ang isang batang napaka gwapo. Tumama ang centro ng paningin ko sa itim na itim na mata niya.


Si Declan.


Wala sa sariling hinaplos ko ang picture frame. Napaka-ganda ng ngiti ni Declan. Para bang ang saya saya niya at ganun din ang mga magulang niya. Isang bagay ang napagtanto ko.


Sa bawat oras na tinitignan ko si Declan simula ng magtagpo ang landas naming dalawa, isang emosyon ang hinding hindi nawawala sa mga mata niya. Kahit pa sabihin kong may nangyari na samin. Sa bawat pagtama ng mga mata namin. Hinding hindi nawawala ang isang bagay.


Kalungkutan.


"Bat kaya tayo pinagtagpo, Declan? Siguro dahil pareho tayo ng pinagdaanan at para siguro may maka-intindi saatin pareho 'no?" nasabi ko nalang.


Sunod kong pinunasan ang picture niyang graduation ng college. Familiar ang suot niya. Naka barong siya habang may kulay orange na kasama. Sa UP pala siya grumaduate. Napangiti ako. Sabi niya, hindi siya matalino, pero graduate siya ng UP.





NANG matapos akong magpunas ay lahat ng alikabok na nagkalat dahil sa trinabaho ko ay winalisan ko. Hirap pa akong i-usod ang mga sofa dahil ambibigat! Samantalang yung sofa sa bahay namin ni Tiyong ay kaunting tadyak lang, parang lalabas na sa bahay namin e.


"What the hell are you doing?" napalingon ako nang marinig ko ang baritong boses ni Declan. Napatigil ako sa pagwawalis.


"Uy gising ka na pala." Nasabi ko nalang. Napatingin ako sa matipuno niyang braso. Litaw na litaw ang muscles niya dahil naka itim niya na sweat shirt. Naiimagine niyo naman siguro kung gaano siya ka...hot?


Napaubo siya nang mapansin ang kakaibbang tingin ko. "Sleep walking, Arianna." Sarkastikong sagot niya.


Napairap ako. "Mukha mo."


Natawa siya ng mahina. Naglakad siya papalapit saakin at ng maapakan niya ang inipon kong alikabok ay masama ko siyang tinignan. Napatigil siya sa paglalakad, at napatingin sa ibaba. Napangiwi siya saakin. "Ops."


"DECLAN!" sigaw ko sa kanya.


"Ano ba kasing ginagawa mo? Ba't ka naglilini—" Sinamaan ko siya ulit ng tingin. "I'm sorry."


"Alis ka diyan, kumain ka na nga 'don. Nakaka-stress ka e."


"Have you eaten?" tanong niya. Umatras siya ng lakad. Nagpatuloy ako sa pagwawalis.


"Oo, kagabi pa ako gutom."


Nag tsked siya. "Sorry. I'm waking you up to eat with me, but you were sleeping peacefully."


Nagkibit balikat nalang ako at hindi na siya pinansin.


NANG matapos akong magwalis ay dumiretso ako sa kusina. Nakita kong kumakain parin si Declan. Itinago ko muna ang mga panlinis na ginamit ko bago ako pumunta sa harap niya at umupo sa katapat na upuan. Napatigil siya sa pagkain.


"Okay ka na ba?" tanong ko sa kanya nang maalala ko ang nangyari sa kanya.


"Yeah, I'm okay. I'm a little bit out of my mood."


Napatango ako. "Okay lang. Naiintindihan ko 'yung ganyan."


Tumingin siya saakin saglit bago nagpatuloy sa pagkain. "I want to tellyou about my parents but I just can't right now. I'm sorry."


"Okay lang. Kumain ka nalang diyan."


"Tapos ka na bang maglinis?" tanong niya. Tumango nalang ako. "Anways, parang ang konti nalang nung chicken at nung rice, parang bitin nanaman ako."


Napaiwas ako ng tingin. "Ang dami kong nakain e. Nagutom ako."


Natawa siya. "Greedy girl. I like it."


"Uy hindi ah. Gutom lang ako 'no."


Kinindatan niya ako. "It's okay Arianna. Admit it, okay? Okay lang naman saakin ang tumaba ka at maging matakaw. Mahilig ako sa ganong klase ng babae, at ikaw palang ang unang babaeng pasok sa standards ko."


"Mukha mo, Declan."


"Gwapo."


Kumunot ang noo ko. "Pinagsasabi mo?"


"Sabi mo, Mukha mo,Declan." Panggagaya niya sa sinabi ko. Nagkibit balikat siya. "Edi sinagot ko ng, gwapo ako."


Ininkutan ko siya ng mata."Ewan ko sa'yo."


Hindi na siya sumagot. Sakto namang may ideyang pumasok sa isip ko kaya napa-ayos ako ng upo at tumitig kay Declan bago ko siya tinawag. "Dec!"


"Yes, honey?"


Hindi ko pinansin ang pagtawag niya saakin ng Honey. "Diba inaaya mo akong lumabas kagabi?"

 

Tumango siya. "Why?"


"Pwede bang ngayon nalang? Sige na. Pasyal tayo? Diba wala ka sa mood?" Napakagat ako sa labi ko. Hindi ko alam kung ba't ko naisip na ayain siya lumabas kahit malaki ang posibilidad na hindi niya ako payagan. Gusto ko lang naman lumabas dahil alam kong may gumugulo sa isip niya e dahil sa panaginip niya.


"Really, Arianna?" saktong natapos na siyang kumain. Naubos niya lahat ng tira kong pagkain. Nagkatitigan kami habang tahimik akong nagdadasal na sana pumayag siya.


Tumango ako. "Pumayag ka na."


"Alright."


Nanalaki angmga mata ko habang nakatingin sa kanya. "Pumapayag ka?"


Tumango siya. "Yes, why not? Ang tagal mo ng makakulong dito."


Unti unting sumilay ang ngiti sa labi ko. "Talaga?"


"Yep. And I trust you, Arianna..." halos bulong nalang 'yon pero narinig ko parin.


Tumango ako. "Hindi ka magsisising pinagkatiwalaan ako."





***

Napalingon si Declan nang marinig niya ang yabag ko pababa ng hagdan. Kumunot ang noo niya ng makita niya akong nakasimangot. Tinignan ko ang suot niya. Isang plain na itim na t-shirt at maong shorts ang suot niya habang naka-tsinelas siya. Teka...Tsinelas?


"Tara na?"


Umiling ako. "Ayoko na palang umalis, Declan."


Kumunot ang noo niya. "Why?"


Idinipa ko ang braso ko. "Tignan mo nga. Mukha ang gangster na hype beast sa suot ko o." Gray na t-shirt. Wala akong bra sa loob at short ni Declan na panlalaki ang suot ko. Nakakahiya naman sa gwapong siya, diba?


Napailing nalang siya. "Hindi naman nila papansinin yan."


"Ayoko. Wala nga akong bra e!"


"Suot mo nga boxers ko?"


Pinamulahan ako ng pisngi. "Declan!"


He laughed. "Kidding Arianna."


Naglakad siya papalapit saakin. At gaya ng nakagawian niya, inihilamos nanaman niya ang palad niya sa mukha ko pero nakabusangot parin ako matapos niyang gawin 'yon. Napabuntong hininga siya. "Don't be bothered by that. Halika nga."


Hinatak niya ako pabalik sa kwarto namin—este niya. Pinaupo niya ako sa kama niya bago siya pumasok sa walk in closet niya. Pagkalabas niya ay may hawak siyang kulay itim.


"Come on." Tawag niya. Tumayo ako at lumapit sa kanya. Binuklat niya ang nakatuping hawak niya. Isang jacket. Parang bata niya akong sinuotan ng jacket. Inayos niya rin ang suot kong damit panloob para mag-mukhang maayos ang itsura na ikinabubusangot ko. Pagkatapos ay ngumiti siya saakin.


Mabilis ang tibok ng puso ko na para bang tumakbo ako ng malayo dahil sa ginawa niya. parang bigla akong nailang pero hindi ko nalang pinahalata. 


"Better now?"


Sumilip ako sa salamin. Naging maayos naman kahit papano. "Okay na nga 'to."


"Let's go, then?"


Tumango ako at ngumiti.




NANG makalabas kami ni Declan ay hinatak ko siya papunta sa pool. May nakalimutan akong kunin doon. Nagpati-anod si Declan sa hatak ko. Nang makita ko ang hinahanap ko ay bumitaw ako kay Declan at pinulot 'yon. Kumalansin ang bagay na hawak ko. Bumalik ako kay Declan.


Posas.


Inilock ko ang posas sa kanang kamay ko at kinuha ko naman ang kaliwa niyang kamay at inilock ang isang side ng posas katulad ng ginawa niya kahapon.


Nang tignan ko siya ay magkahalong pagtatakha at pagka-mangha ang nakita ko sa kanya. "Para di ako makatakas?"


Natawa siya ng mahina. Para bang hindi siya makapaniwala at wala siyang masabi. Hinalikan niya ako sa noo. "You really never failed to amaze me, my Angel."




***

"So where do you want to go?" tanong ni Declan. Magkasaklob ang kamay naming dalawa dahil sa posas. Habang ang isang kamay niya ay ginagamit niya para magdrive.


"Hmmm, simbahan muna,Dec?"


"Let's go there then."


NANG makarating kami sa simbahan ay maraming tao. Walang misa nang araw na 'yon kaya pareho lang kami ni Declan na nagdasal, habang nakaluhod kami. Nakatingin ako sa harap. Kay Lord, habang nagdadasal ako.


Hi Lord, maraming maraming salamat po sa lahat ng blessings na palagi mong binibigay saakin. Maraming salamat at nanatili akong safe.


Napatingin ako kay Declan.


Maraming salamat po dahil binigay mo ang taong magtatanggol saakin. Maraming salamat po Lord sa lahat lahat. Sana bantayan mo po si Tiyong, at si Pina. At sana...i-guide mo rin po ako at si Declan. Ipinikit ko ang mga mata ko. Sana po Lord...mawala na ang kalungkutan ni Declan sa mga mata niya, at sana wag niyo na rin po siyang hayaang bangungutin palagi.


Yun lang po Lord! The best ka talaga kahit kailan!



Natapos akong magdasal. Idinilat ko ang mga mata ko, at dahil nasa likod kami ni Declan ay nakikita ko ang mga tao sa harap namin. Pero kahit marami sila ay pumukaw ng atensyon ko ang isang lalaking nakaharap sa direksyon ko. Nang magtama ang paningin namin ay ngumisi siya saakin ng para bang isa siyang demonyo.


Nanlamig ako bigla.


Iniwas ko ang tingin ko at luminga linga,pero lalo akong natakot dahil sa panibagong nakita ko. Nakatayo sa kabilang gilid ng inuupuan namin ang isang lalaking naka-mask naman...at matalim na nakatingin saakin. 


**** 


Gosh. I missed Declan, and Arianna! Oh well, never mind that. I just want to announce that I'm starting to write Jaxon's Skyler's story! Yay! I have plots for all of them because they are series! Now you know? Kidding! 

'Til the next update! 



--- 


Updates will be always on saturdays of fridays every week! 

Continue Reading

You'll Also Like

10.6K 562 41
She was lost and caged herself with the idea of being alone. Bitterness can be seen in her eyes but what if life surprises her that in a blink of an...
2.2K 186 34
14TH INSTALLATION OF YOUTH SERIES COLLABORATION Blind by the Truth YOUTH SERIES COLLABORATION Genre: Romance Status: COMPLETE Keialla Fioanne Crall...
38.1K 344 33
Heiress Trilogy Series#3 Lea's life been a hell for her... All she can do is to obey her Father want.. Everytime she disobey Him,He punish her... A p...