Psycho next door

Galing kay Serialsleeper

4.3M 203K 106K

Cosima Sanctuary is a one of a kind safe house for teenage survivors, but when they realize that one of them... Higit pa

Prologue
1 : The fighter
2 : The two sides of the shield
3 : The Director
4 : The wretched
5 : The thing about crowns and daggers
6 : Combat Night
7 : The vulture
8 : The Task
9 : The other side
10 : The Repercussion
11 : The Puppeteer
12 : Tables Turned
13 : The Anchor
14 : The leader of the wretched
15 : Mischief
16 : Salvo
17 : The Wake
18 : Behind enemy lines
19 : The devil's children
20 : Freaks
21 : Fight now, cry later
22 : On the way
23 : Mark my words
24 : Never leave my sight
25 : Survivors
26 : Criminals
27 : The Annihilator
28 : The Other Side
29 : Alison
30 : Kleya is a Gun
31 : This is how I fight
32 : Fragile
33 : Connections
34 : I will protect you
35 : A sigh
36 : The last straw
37 : Facade
39 : Moral Compass
40 : Daddy's little Psycho
41 : Army of evil
42 : The Truth that hurts
43 : Family ties
44 : The Guardian
45 : The Missing Piece
46 : The only thing that matters
47 : Gaslight
48 : The should haves
Epilogue 1 of 2
Epilogue 2 of 2

38 : Deadly Consequences

56K 3.1K 2K
Galing kay Serialsleeper



         Namulat si Miller na hilong-hilo at litong-lito. Nakaawang ang manipis niyang mga labi, naniningkit ang mga mata habang mabibigat ang bawat hininga. "R-ruth... K-k-kleya.." Usal niya agad sa mga pangalan nila nang maalala ang mga huling nangyari.

        Gustong sapuin ni Miller ang mukha ngunit nagulat siya nang hindi niya ito magalaw. Sinubukan niyang magpumiglas ngunit napasinghap siya nang mapagtantong nakaupo siya sa isang bakal na upuan at nakaposas ang kanyang mga kamay at paa sa bawat gilid ng upuan. 

        Nag-igting ang kanyang mga panga at napasinghap siya sa labis na galit. "Mga duwag! Pakawalan niyo ako rito!" Nagngingitngit niyang sigaw gamit ang boses na namamaos pa dahil sa panghihina. Nahinto lamang si Miller sa pagpupumiglas nang makitang hindi siya nag-iisa; nasa isa siyang malawak na silid na kulay puti at may mga upuan din sa kanyang tabi, nakaposas sa mga ito ang mga lalakeng kasamahan at sa harapan naman nila ang mga babaeng kasamahan na nakaposas din sa mga bakal na upuan. Mistulang andito silang lahat, wretched at crowned.

        "Ruth!" Agad na napasigaw si Miller nang mapagtantong ang nakababatang kapatid ang nasa kanyang tapat. Wala itong malay at nakahilig ang ulo sa likuran ng upuan. "Ruth! Ruth! Gising! Ruth!" Tuluyang nagwala si Miller habang nagpupumiglas. 

        Marahas na napabuga ng hangin si Miller nang makitang nagsisimula nang magising ang kapatid. 

        "Ruth... Ruthy look at me!" May desperasyon sa boses at mga mata ni Miller habang nakatitig sa kapatid.

        "K-kuya..." Napasinghap si Ruth nang makita siya. Agad na bumakas ang matinding takot sa mukha nito nang mapagtantong nakaposas sila sa mga upuan. "Kuya anong nangyayari?" Agad na dumausdos ang mga luha ng takot na takot na si Ruth.

         "It's okay..." Para sa kapatid, pilit na ngumiti si Miller at nagpakatatag. "Ruthy, just look at me. Hindi ka pababayaan ni Kuya, pangako 'yon. Tingin ka lang sakin okay? 'Wag kang matatakot." 

         Umiiyak man at hindi na halos makahinga dahil sa takot, napakagat si Ruth sa kanyang labi at tumango-tango habang nakatingin sa mga mata ng kapatid. "K-kuya I don't want to die..."

        "You won't! I won't let anything bad happen to you!" Mabilis na pangangako ni Miller sa kapatid, buong puso at sinseridad.

         Tumango-tango muli si Ruth.

        "Asan si Kleya?!" Parang nagpanting ang tenga ni Miller nang marinig ang boses ni Aaron. Agad siyang napatingin sa bandang kaliwa at nakita niyang katabi niya ang walang malay na si Wolfgang at ang katabi naman nito ay ang nagpupumiglas na si Aaron. Sa kanan naman ni Miller nakaupo si Shawn at katabi naman nito si Cloud at Nikel.


****

        Hilong-hilo at litong-lito si Tasha habang pilit na nagpupumiglas, huminto lamang siya sa pagpupumiglas nang mapansing nagsisimula nang magising si Wolfgang na nasa katapat niyang upuan.

        "Wolfgang!" Mangiyak-ngiyak na sigaw ni Tasha habang nakatuon ang buong atensyon sa binata.

        "Tasha?" Hinang-hina man, agad na sinubukan ni Wolgang na tumayo at lapitan siya ngunit bigo ito. Umiling-iling na lamang si Tasha nang mapatingin sa kanya muli si Wolfgang.

       "Hey," pukaw ni Wolfgang sa atensyon ni Tasha nang makitang mangiyak-ngiyak na ito. "Hey, look at me!" May otoridad na bulalas ni Wolfgang habang malamlam na nakatingin sa dalaga.

       "I'm sorry... Wolfgang I'm sorry." Umiiyak na sambit ni Tasha. Punong-puno ng pagsisisi habang nakatingin sa kanya.

       Ngumiti si Wolfgang at tinitigan muli si Tasha. "Asan ang flower crown mo? Nakakapanibago na wala kang suot na ganun." Biro ni Wolfgang upang malihis ang usapan.

       "Wolfgang..." Mas lalo lamang na napaiyak si Tasha habang nakatingin sa kanya.

       "You look naked without your flower crown." Humalakhak si Wolfgang, pilit paring nililihis ang usapan lalo na't ayaw na ayaw niyang makitang nagkakaganito si Tasha.

        "Asan si Kleya?!" 

         "Kleya..." Wala sa sariling napasinghap si Tasha nang marinig ang boses ni Aaron.

         "Oo nga! Asan si Kleya?" tanong naman ni Cloud.

          "Python! Python what the hell is going on?!" nagsisigaw naman si Shawn.

         Napasinghap si Tasha at hindi siya nakapagsalita. Nais niyang sabihin sa mga kasamahan na nauna nang tumakas si Kleya ngunit hindi niya magawa, alam niyang nasa tabi-tabi lang ang mga kalaban at maririnig siya ng mga ito. Nasisiguro ni Tasha na oras na malaman ng mga kalaban na nakatakas si Kleya, tiyak ay tutugisin ang dalaga. Kaya kung nakatakas na nga talaga si Kleya, tiyak ligtas na ito. "I hope you're safe..." Wala sa sariling sambit ni Tasha.

         Narinig nilang lahat ang isang malakas na kalabog, parang mga ilaw na sabay-sabay nagliwanag. Dumako ang paningin nilang lahat sa kaliwang bahagi ng silid at laking gulat nila nang mapagtantong gawa pala sa salamin ang dingding at mula rito ay nakikita nila si Lauren... dalawang Lauren.

        "What the hell?!" Sigaw ni Eva, nanlalaki ang mga mata at hindi makapaniwala sa nakikita.

         "Lauren?!" Bulalas naman ni Shawn.

          Kahit si Tasha ay hindi na nakapagsalita pa. Napatulala lamang siya habang nakatingin kay Lauren na nakatayo habang nakangisi sa kanilang lahat, at ang duguan at bugbog saradong si Lauren na nakatali sa isang upuan. Magkatabi ang mga ito, sa likod ng salamin.

          "A-anong nangyayari?" Naguguluhang sambit ni Eva at napatingin kay Shawn. "Shawn, anong nangyayari?!"

         "H-hindi ko na alam," nanlulumong sambit ni Shawn kasabay ng pagtakas ng isang butil ng luha mula sa kanyang mata. 

          "Crowned and wretched, allow me to introduce myself." Taas-noong sambit ng babaeng nakangiti mula sa kabilang bahagi ng salamin. Umalingawngaw ang boses nito mula sa mga speaker na nasa kisame. "I am Paula, Lauren's twin sister. Sorry for pretending to be Lauren for awhile."

          Gulat ang lahat sa narinig lalo na ang grupo nina Tasha. Napuno ng gimbal at katanungan ang buong silid.

          "I know you're confused but you don't have to worry about that anymore." Punong-puno ng kompyansa ang boses at tindig nito gaya ni Lauren. "I have a deal for you... tell me the truth and I will set all of you free."

           "The truth?" naguguluhang sambit ni Tasha.

           "Magsasabi kami ng totoo, pakiusap pakawalan mo lang kami!" Pagmamakaawa ng isa sa mga crowned.

            "Oo nga! Pakiusap kung sino ka man, gagawin namin ang lahat!" Sang-ayon naman ng isang wretched dahil sa labis na desperasyon.

           "Nice." Ngumisi si Paula, ang kakambal ni Lauren. "Survivors nga naman, will do anything to survive aye?"   

            "Ano ba talagang kailangan mo?!" Sigaw ni Wolfgang, punong-puno ng galit.

            Nilibot ni Paula ang paningin sa kanilang lahat habang may ngisi parin sa mukha. "All I want is to find Alison and I believe that Alison is among you. Whoever is Alison, please speak up otherwise, you'll be facing some very deadly consequences."

            "Guys sino si Alison?!" Umalingawngaw agad ang bulungan at tanungan ng marami.

           "Alison don't tell them who you are! They will still kill all of you! If you tell them who you are, you'll just be giving everyone an earlier death sentence!" Biglang nagsalita ang hinang-hina at bugbog saradong si Lauren. Punong-puno ng sugat ang mukha nito at halos wala narin itong makita dahil sa labis na pamamaga ng mga mata nito. "Don't give them what--"

          Umalingawngaw ang sigawan ng lahat nang walang ano-ano'y bigla na lamang hinawakan ni Paula ang leeg ni Lauren at walang kagatol-gatol na ginilitan ito ng leeg dahilan para sumirit ang napakaraming dugo nito sa salamin.

         "Lauren!" Umalingawngaw ang iyakan at sigawan ng lahat. Pilit silang nagpupumiglas at nagwawala ngunit sadyang wala itong pinatutunguhan.

         "I've been meaning to do that for years." Humalakhak si Paula at marahas na binitawan ang leeg ng ngayo'y naghihingalo nang si Lauren. "See that's whats going to happen if you won't tell me who Alison is." May panunuya sa pananalita nito.

         "Guys please! Sino sa inyo si Alison?!" Pagmamakaawa ng isang crowned na takot na takot.

         "No don't! Alison, whoever you are!" Buong lakas na anunsyo ni Shawn. Bilang leader ng mga crowned, punong-puno ng awtoridad ang pananalita nito habang nakatingin ng diretso kay Paula, walang katakot-takot. "Do not reveal yourself because Lauren's right! They will still kill us all!"

         Pumalakpak si Paula nang mabagal habang humahalakhak dahilan para mapatingin sa kanya ang lahat. "My my, what a tough leader we have," napapantastikuhang sambit ni Paula habang naglalakad at laking gulat nilang lahat nang dumiretso ito sa isang pinto... isang pinto na patungo sa kanila.

        "Hey everyone," pagbati muli ni Paula habang nakatayo na ito sa unahang bahagi ng silid. Sa pagkakataong ito ay rinig na rinig na nila ang boses nito, hindi na nagmumula sa speaker na nasa kisame.

        "Every hour I will be asking you the same question and in every hour that I won't get to find Alison, one of you will suffer the consequence." Paula spoke with confidence and authority. She smiled and moved like a normal corporate woman, unlike the monster that she is.

         "Paano kung wala naman talaga dito si Alison?!" Pasigaw na giit ng humahagulgol na si Tasha dahilan para mag-igting ang panga ni Wolfgang, natatakot itong baka ikapahamak nito ang pagsasalita.

          Paula walked towards Tasha with utmost poise and posture, her high heels leaving thuds along the way.  Paula's wearing a pencil skirt and blouse topped with a business coat. Clad in all black, Paula means business... Deadly business that is.

         "Get away from her! Don't you touch her!" Pagwawala ni Wolfgang.

          "Tasha!" Tuluyan namang napaiyak si Cloud dala ng labis na pag-aalala.

            Nagsisigawan ang lahat lalo na ang mga nakasalamuha ni Tasha sa matagal na panahon. 

            Lahat, kinakabahan sa mangyayari maliban lamang kay Tasha na kahit humahagulgol ay animo'y nakikipagtagisan ng matalim na titig kay Paula. Mistulang hindi natatakot si Tasha kay Paula. Pero sa kabila nito, hindi rin napigilan ni Tasha na mapapikit nang biglang tumayo si Paula sa kanyang harapan.

             "No! Don't!" Pagwawala lalo ni Wolfgang lalo pa't natatakpan na ngayon ni Paula si Tasha.

              May kinuha si Paula mula sa loob ng kanyang business coat; isang flower crown na kulay puti. "I believe this is yours." Wika ni Paula saka ipinatong ang flower crown sa ibabaw ng ulo nito. Nakuha pa ng babae na i-clip ang flower crown sa buhok ni Tasha sa pamamagitan ng clip na nakakabit dito.

                Matalim ang titig ni Tasha habang nakatingala kay Paula. "You're going to hell for this."

                "I'm willing to go to hell for Dr. Muerte." Ngumisi si Paula at tumayo sa mismong likuran ni Tasha.

                 Isa-isang tiningnan ni Paula ang lahat saka ngumisi. Magsasalita sana ito ng umalingawngaw ang isang boses.

                "Lauren was your twin sister. How could you do that to her?" wika ni Shawn habang naka-igting ang panga at mabibigat ang bawat hininga.

                  Napabuntong-hininga si Paula ngunit sa pagkakataong ito'y may iritasyon nang rumehistro sa mukha nito. "Your bravery is kinda annoying. Give me a number, Shawn."

                  "What?" Nakunot ang noo ni Shawn.

                "A number or I will kill flower girl here," pagbabanta nito sabay hawak sa leeg ni Tasha dahilan para magpumiglas na naman sina Wolfgang

                "Twenty!" Tarantang bulalas ni Shawn.

                Huminga nang malalim si Paula at inilabas ang isang maliit na remote control mula sa kanyang bulsa bagay na agad nilang ipinagtaka lahat. Walang paligoy-ligoy na pinindot ni Paula ang numerong 2 at 0.

                Sa isang iglap bigla na lamang umalingawngaw ang isang matinis na kalansing, animo'y tunog ng bakal. Napatingin silang lahat sa pinanggalingan ng ingay.


***


            "Cloud?" Bulalas ni Wolfgang nang makitang bumukas ang posas ni Cloud pagkatapos pumindot si Paula sa remote control.

             Tumayo si Cloud, akmang tatakbo na siya ngunit di niya naigalaw ang kanyang paa. Nakaposas padin pala ang mga paa niya sa upuan.

           "Hey there cute boy! Don't you dare do anything stupid okay kasi kahit patayin mo ako or atakihin, may mga bantay parin sa labas at mas lalo mo lang ipapahamak ang mga kasamahan mo." Ngumisi si Paula at naglakad patungo kay Cloud ngunit imbes na tumayo sa harapan nito, tumayo si Paula sa likod ni Cloud.

           "Don't you dare hurt him!" Pagwawala ni Shawn at ganun din si Tasha.

           Napalunok si Cloud nang mapatingin siya sa kanyang mga kaibigan. Nagsimulang bumigat ang kanyang hininga at nanginginig narin ang kanyang mga kamay. Bakas ang matinding takot sa mukha ni Cloud ngunit lumitaw parin ang isang ngiti sa kanyang labi. Isang ngiting para sa kanyang mga kaibigan.

           "Any last words?" Malambing na sambit ni Lauren at hinila pababa ang balikat ni Cloud dahilan para muli itong maupo.

            "No! Don't hurt him! Please!" Iyak ni Tasha nang mapagtanto ang punto ni Lauren. Lahat sila nagsisigawan at nag-iiyakan na.

           Huminga nang malalim si Cloud, nangangatog man ang labi ay pilit itong nagsalita. Punong-puno ng takot ang mga mata ng bunsong crowned. "I... I tortured and killed the serial killer who destroyed me and my family." Nauutal man ang namaaos na boses, pilit paring ngumingiti si Cloud para sa mga kaibigan. "And I'm sure you can do it to... And since I will die tonight.." tuluyang pumatak ang luha mula sa mga mata ni Cloud. "Please kill this bitch for me. Torture her if you can."

         Humalakhak si Paula at napapalakpak. "You're a funny kid! I almost forgot, you are the youngest so you're the most childish here."

         "To Alison... whoever you are..." Ipinikit ni Cloud ang mga mata. "Don't tell them who you are and none of this will ever be your fault."

         "Tapos ka na?" Nagsisimula nang mairita si Paula.

          Dumilat si Cloud at umiling. "One more thing.." 

          Dumako ang tingin ni Cloud kay Wolfgang. Luhaan man, hindi parin naglalaho ang ngiti sa mukha ni Cloud. "You have my blessing. Please take care of her."

          Biglang may hinugot si Paula mula sa loob ng kanyang bibig at laking gulat nilang lahat nang makita ang tunay na hitsura ng bibig nito--matatalas na bakal ang nagsisilbi nitong ngipin!

         Sa sobrang bilis ng pangyayari, sigawan at iyakan lamang ang nagawa ng lahat nang biglang sakmalin ni Paula ang leeg ng walang kalaban-labang si Cloud dahilan para mapunit ang mismong leeg nito at magtalsikan sa paligid ang dugo.

        Tanging sigawan at iyakan ang nagawa ng lahat habang naririnig nila ang mga palahaw ni Cloud, at nakikita ang inboluntaryong pangingisay ng katawan nito habang tinatakasan ito ng buhay.


END OF CHAPTER 38! 

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3


        

          

        

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

306K 7.9K 14
"Saan napunta ang kanilang mga katawan?"
82.4M 2.4M 73
Erityian Tribes Series, Book #1 || Not your ordinary detective story.
4M 173K 33
"My name is Maddieson Paredes but everyone calls me Maddy. I'm an 18-year old college student. I go to school by day and I work at a convenience stor...
338K 21.9K 63
An Epistolary Horror ✉ | When her best friend starts seeing an old lady outside her window every two in the morning, Marla takes it upon herself to s...