The Hypothetical Worth [Ace L...

By chasingplaridel

190K 4.5K 345

I was about to hug her when she turned to back to me. She pulled the comforter to her, at ibinalot yon hangga... More

DECLAN AND ARIANNA
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
EPILOGUE

Chapter Twelve

4.9K 162 10
By chasingplaridel

Chapter 12

ARIANNA

Papalubog na ang araw nang magising ako. Agad din akong iniwan ni Declan dito sa kwarto para kumain mag-isa, at nang matapos din akong kumain ay hindi ko alam kung bakit, pero bigla nalang akong inantok kahit kakagising ko palang. Nakatulog ako pagkatapos kong kumain at papalubog na ang araw nang magising ako.

Wala na ang mga pagkain na iniwan ko sa side table at kahit ang juice sa tabi. Hindi ako nakapag-tanghalian kaya ilang minuto matapos akong magising ay kumakalam na ang sikmura ko.

Tuluyan ng nilamon ng dilim ang paligid pero wala pang pagkain ang dumadating kaya wala akong ibang magawa kung di ang magpalakad lakad dito sa loob ng kwarto ni Declan para maibsan ang pagkalam ng sikmura ko dahil sa gutom.

Lumakad ako papalapit sa pintuan. Inis 'ko yung tinadyakan. "ayaw mo na nga akong palabasin ng kwarto mo, gugutumin mo pa ako! Buwiset!!!"

Pakunswelo niya siguro yung pinakain niya saakin kanina dahil bukas na niya ako ulit balak pakainin.

Napasuklay ako sa buhok ko at lumpit ulit sa pintuan. Idinikit ko ang kaliwang tenga ko sa pintuan ang pinakinggan kung may tao o kaluskos manlang para malaman ko kung may tao ba o wala. Pero napaka imposible naming mangyari 'yon dahil napakalaki ng bahay ni Declan.

Inumpisahan kong hampasin ang pintuan ng kwarto kasabay ng pagtadyak ko. "Declaaaaan! Nagugutom na ako!!! Palabasin mo ako dito!!!!!"

Paulitulit kong pinag hahampas yung pintuan habang sumisigaw. "DECLAAAAAAN!!!!"

Patuloy ako sa pagsigaw hanggang sa wala sa sarili kong nahawakan ang door knowb. Akala ko ay dudulas lang ang kamay ko dahil alam ko naming naka-lock 'yon pero laking gulat ko nalang nang maka-rinig ako ng isang click at bumukas ng konti ang pintuan. Napatalon ako sa gulat.

"Ba't bukas 'to?" tanong ko. Tuluyan na akong nakalabas. Hinayaan kong nakabukas ang pintuan. Nagpatuloy ako sa paglalakad dahil baka Makita ko si Declan sa paligid pero kusang huminto ang mga paa ko sa paglalakad anng maka-amoy ako ng sunog.



Putcha! Amoy nasusunog!

May sunog!

Napatakbo ako pababa ng hagdan. Mausok ng konti ang paligid. Parang hamog sa umaga pero mas malakas ang amoy ng nasusunog ngayon dito sa baba. Tinignan ko ang main door at ang mga bintana, at lahat ng 'yon ay sarado. Agad na sinalakay ng kaba ang dibdib ko ng wala akong makitang tao ni isa.

"Declan! Manang!" sigaw ko. Sumilip ako sa bintana at wala akong nakitang tao.

"Manang!" dinala ako ng mga paa ko sa kusina at bumungad saakin ang mas mausok na paligid. Halos mapa-ubo ako.

"Declan!" sigaw ko. "Declan may sunog!"

Hinanap ng paningin ko si Declan.

"Oh fuck! Fuck! Fucking eggs!!!!! Goddamn it!"

Kusang Nawala ang kaba sa dibdib ko nang Makita ko si Declan sa harapan ng kalan...at kinakalaban ang mga niluluto niya. Hindi ako kaagad nakapag-salita dahil sa gulat na nararamdaman ko. Unang una sa lahat ay dahil akala ko ay my nasusunog na. Akala ko may sunog na dito sa bahay ni Declan at baka ako lang ang may alam o pinakamatindi ay ako lang ang naiwan na matutusta, at pangalawa, nakikita ko si Declan na galit na galit sa mga niluluto niya na para bang ang laki ng kasalanan niya sa kanila.

"Oh shit! Pa'no ba gawin 'to?!"

At pang huli... Nakasuot lang siya ng manipis na short kung saan bakat na bakat ang pwet niyang matambok. Nakatalikod siya mula sa direksyon ko at kitang kita ko ang pagtalbog ng puwet niya at ang mahahabang binti niya. Tumaas ang tingin ko sa likod niya...at kitang kita ko ang napakaraming kalmot sa sexy na likod niya.



Agad na uminit ang pakiramdam ng pisngi ko. Ako ba ang may gawa niyan?



At higit sa lahat...wala siyang suot na pang itaas at tanging manipis na apron lang ang suot niya!



Hindi nagtagal ay nabahing ako dahil sa amoy na nasusunog. Natuhan ako bigla at kahit pati si Declan ay napalingon sa biglaang pagbahing ko! Putcha kasi! Ang usok ditto sa kusina dahil sa pinaggagawa ni Declan!



"Ari—"

"Anong ginagawa mo Declan?!" napabahing ako ulit. Letse!



Masama akong tumingin sa kanya pero unti-unting Nawala ang masamang tingin ko sa kanya nang Makita ko ang itsura niya. Una kong Nakita ang puro itim na para bang galing sa uling yung apron na suot niya, at ang mukha niya ay puro itim. Napaka-dungis ng mukha niya.

"I-I'm cooking." Napakamot siya sa ulo niya na para bang nahihiya. Bahagya siyang napangiwi sa sarili niyang sinabi.

"Cooking? Sigurado ka ba? Sinusunog mo na ata 'yung bahay mo eh!" sabi ko. Lumapit ako sa kalan at tinignan ko kung ano ang niluluto niya na nagkukulay itim na. Pinatay ko ang kalan pero dahil high tech ang kalan niya ay hindi ko nagawang patayin bagkus ay mas lalong lumaki ang apoy at pati 'yung kawali ay umapoy na rin. Napasigaw ako.



Mabilis na hinatak ni Declan ang braso ko papalayo sa umaapoy na kawali. Nagulat nalang rin ako ay may inilabas na fire extinguisher si Declan mula sa kanan at mabilis na tinapat 'yon sa kalan na umaapoy. Napapikit ako.



"Sorry, wala kasi si Manang kaya ako ang magluluto ngayon." Sabi niya sabay lapag ng ginamit niyang fire extinguisher sa gilid. Tumigin siya saakin. Para bang nahihiya siya. Umiwas ako ng tingin nang Makita ko ang utsura niya, at pinapanatili ko ang pagkasimangot ko kahit magkahalong awa at natatawa ang nararamdaman ko.



Nang makalma ko ang sarili ko ay bumalik ang tingin ko sa kanya at Nakita kong kumuha siya ng sibuyas at bawang sa isang basket. May isang lugar sa lababo ang walang kalat at malinis pa. Doon niya nilapag ang sibuyas at bawang pagkatapos ay kumuha siya ng talagdanan.

Lumingon siya saakin. "You sit there, Arianna Camille. Tatapusin ko na muna 'tong iniluluto ko."

Napabuga ako ng hangin. "Ano bang niluluto mo, uling?"



Hindi niya ako pinansin at tumalikod niya. Naupo nalang ako sa maliit na lamesa pagkatapos ay inilibot ko ang paningin ko sa kusina. Napaka-kalat. Dalawang sandok ang nakikita ko na wala sa tamang ayos at sa dulo 'non ay may sunog na parte. Sumunod ang tingin ko sa kawali sa lababo at kapareho ng mga sandok ay may laman 'yon na puro shells ng itlog at sunog na sunny side up egg.

Napailing nalang ako.

"Shit!" bumalik ang tingin ko kay Declan nang Makita kong dali-dali siyang lumapit sa lababo. Itinapat niya 'don ang daliri niya. "Fuck!"

Hindi ako nagsalita. Pinapanuod ko lang ang bawat kilos niya. Napahawak ako sa tiyan ko. Mas lumkas ang pagkalam ng sikmura ko dahil sa gutom pero kailangan kong magtiis dahil hindi ko pa alam kung anong oras pa matatapos sa pakikipag bakbakan si Declan sa mga ginagawa niyang pagkain.

"Oh damn! Ang sakit naman sa mata nitong hayop na 'to!" umangat ang tingin ko at naglakad nanaman siya pabalik sa lababo, at sa pagkakataon na 'to ay naghilamos naman siya. Mabilis kong iniwas ang tingin ko. Napahilamos ako sa mukha ko at pinipigilan ko ang sarili kong matawa.

Nang matapos siyang magpunas ng mukha ay tumayo ako. Hindi na ako nakatiis. Nagugutom na ako.

"Bibili-bili ka ng babae, tapos hindi ka marunong magluto?" tanong ko. Lumingn siya saakin.

 

Napakamot siya sa ulo niya. "Sorry naman. Si manang kasi taga luto ko dito sa kusina e."

"Oh tapos? Palibhasa kasi RK ka kaya puro pasarap lang ang alam mo e." ikot matang sabi ko. Nilampasan ko siya sa kinatatayuan niya pagkatapos ay una kong nilapitan ang pinaka-malinis at hindi masyadong napuruhan ng isang Declan Camerox na kawali.

"what's RK?" takhang tanong niya. Sinubukan kong buksan ang gripo pero pati ba naman gripo sa bahay ni Declan ay high-tech din kaya hindi ko mabuksan. hindi ko na nagawang sumagot nang Maya maya pa ay may mainit na bagay ang lumapat sa likod ko kasabay ng pagpatong ng kamay ni Declan sa kamay ko rin. Iginaya niya 'yon sa isang maliit na pindutan at kusang lumabas ang tubig mula saa gripo.



"There you go, Angel." Bulong niya sa leeg ko. Pakiramdam ko ay nagtayuan ang balahibo ko. Nahigit ko ang hininga ko.

"U-umalis ka nga diyan sa likod ko!" kanda utal pa ako!



Natatawang lumayo siya mula saakin. Nang makalayo siya ay kinuha ko ang sandok at hinugasan ko na rin. Inilagay ko 'yon sa kalan. Muling lumapit si Declan, pero bago niya pa idikit ang matipuno niyang dibdib sa akin ay binantaan ko na siya. "Subukan mo, Declan. Ihahampas ko sa'yo 'tong sandok!"



Tawa lang ang isinagot niya saakin. Hindi ko siya pinansin. Nakita ko ang isang pack ng HAM at apat na itlog sa gilid ng kalan. Mga maayos pa naman ang kalagayan mula sa pakikipag bakbakan ni Declan. Kunot noong nilingon ko si Declan.



Nakita ko siyang may kinukuting ting na kung ano sa daliri niya. Para bang seryosong seryoso siya sa ginagawa niya. "Itlog at ham para sa hapunan? Seryoso ka ba?"

Umangat ang tingin niya saakin. "Bakit, gusto mo ako? I'm willing."

Naramdaman kong uminit ang pisngi ko ulit! "Bastos!" tinalikuran ko na siya at nag-umpisa na akong magluto. Pilit kong iniiwasan ang mga magugulong gamit sa paligid.

"Hey Arianne, I wasn't able to introduce myself to you clearly, but my name is—"

"Declan" putol ko sa sasabihin niya.

"Yeah. Declan Lucas Camerox and 28 years old." Dugtong niya pa.

"Paki ko naman." Pagtataray ko.

"Ba't ba ang sungit mo?" tanong niya nanaman. Hindiko siya sinagot, hanggang sa namalayan ko nalang na nakatingin na lang siya sa tabi ko. Nasa tabi ko na siya. "Ba't nga?"

"Dahil naiinis ako sa'yo!"

"Ang gwapo ko naman para kainisan mo." Pinag krus niya ang dalawa niyang braso.

"Hambog!" inirapan ko siya. Sinandok ko na ang nalutong unang batch ng ham. Naglagay ako. Napalayo si Declan ng tumalsik ang mantika dahil sa paglalagay ko ng ham. Halos hatakin na rin niya ako papalayo 'don pero sinamaan ko siya ng tingin.

"Hindi naman sa hambog, pero totoo naman diba? Gwapo ako?" Hinawakan niya ang baba niya pagkatapos ay lumingon sa direksyon ko. Hindi ko siya nilingon. Sinisilip ko lang siya mula sa gilid ng mga mata ko. "Ba't kasi inis na inis ka sakin?"

"Dahil ayaw mo akong pakawalan ditto! Ano, masaya ka na? Naiinis ako dahil ayaw mo akong paalisin dito!" hindi ko na napigilan ang sarili ko. Pilit ko nan gang inaalis sa isip ko 'yon dahil nagugutom ako at nakikita ko ang mtipuno niyang katawan, pilit parin siya! Bwiset!

"I'm sorry, but I'm just trying to protect you from shits out there," lumambot ang boses niya.

"Save your sorry! Baliw ka lang! po-protektahan moko sa mga lalaki? Baliw ka! Baliw!" naiinis na tumingin ako sa kanya.

"Baliw agad? Protective muna kasi."

"Baliw lang ang mga gumagawa ng ganyan! Mayaman ka diba? Kadalasan sa mga mayayaman baliw dahil nabaliw sila sa kakapag parami ng pera nila! Kaya pati tao ibebenta at ipagbibili! Buwiset! Lumayas ka nga dito!"

Hindi pa siya nakakasagot sa mga pinagsasabi ko nang may gusto nanamang lumabas sa bibig ko. "At ang mga baliw! Hindi marunong magluto! Palibhasa, rich kid mayaman, panay kain sa labas! Eh punyeta, bibili bili ng tao, hindi naman papalabasin! Balak pa yatang mang tusta ng tao sa loob ng kwarto! Gugutumin pa! Kainis!!!!!"

Crinack ko ang itlog at itinapat 'yon sa kawali.

"Ang cute mo pala magalit," nilingon ko siya ulit. Naka-ngisi siya saakin. "But please, lower down your anger, baka maihampas mo 'yung kawali saakin e."

Hindi ko siya sinagot.

"I understand your anger. Believe me, I am Arianna." Seryoso niyang sabi mataos angilang minutong pananahimik. "But could you please stay, here? I mean, please wag mo munang isipin ang tumakas? Binuksan ko ang pintuan ng kwarto ko para makapag-gala ka ditto sa bahay, so please...."

"Tigilan mo ako, Declan" hindi ko pinansin ang unti-unting pagmamakaawa niyang boses.

"Could you please stay?" halos bulong nalang niya sabi.

"Walang dahilan! Umupo ka na 'don, magsasangang nalang ako—"

Pinatay niya ang kalan pagkatapos ay hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at iniharap sa kanya. Bumungad saakin ang halos magsalubong niyang kilay. Hindi ko nagawang makapagsalita.

"please stay because I want to protect you. Seriously, this is not just a crazy stuff you think. I'm serious..." napabuntong hininga siya.

"Please let me protect the girl I like." Nagtama ang paningin naming dalawa. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa narinig ko. Hindi ko alam kung bakit. "That's the valid reason why I want you to stay here with me. Inside this house."

Hindi ako nakapagsalita. "But rest assured that after I'm done with the danger outside, I'll let you go. You don't have to stay here because I know to myself that you're safe out there,without me."



Pagkasabi niya 'non ay biglang bumigat ang pakiramdam ko. Parang may mabigat na dumagan sa dibdib ko para masabing nasasaktan ako. 



***

Get a guy na sibuyas ang aawayin at makikipag bakbakan sa mga kusina kaysa sa babae! Heart Reacts please! Charot! Anyway, how's my update? Feel free to comment your thoughts about the story!

Continue Reading

You'll Also Like

275K 22.2K 4
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...
10.6K 562 41
She was lost and caged herself with the idea of being alone. Bitterness can be seen in her eyes but what if life surprises her that in a blink of an...
205K 1.3K 21
WILL BE REPUBLISHED. Book 3 of my series. 05.25.22
8.7K 541 39
May 8 2020 - May 21 2020 A strong love story of Carmenia Dela Verde and Ship Montefuerte. After the break up because of the shocking news that Ship h...