Psycho next door

Por Serialsleeper

4.3M 203K 106K

Cosima Sanctuary is a one of a kind safe house for teenage survivors, but when they realize that one of them... Más

Prologue
1 : The fighter
2 : The two sides of the shield
3 : The Director
4 : The wretched
5 : The thing about crowns and daggers
6 : Combat Night
7 : The vulture
8 : The Task
9 : The other side
10 : The Repercussion
11 : The Puppeteer
12 : Tables Turned
13 : The Anchor
14 : The leader of the wretched
15 : Mischief
16 : Salvo
17 : The Wake
18 : Behind enemy lines
19 : The devil's children
20 : Freaks
21 : Fight now, cry later
22 : On the way
23 : Mark my words
24 : Never leave my sight
25 : Survivors
26 : Criminals
27 : The Annihilator
28 : The Other Side
29 : Alison
30 : Kleya is a Gun
31 : This is how I fight
32 : Fragile
33 : Connections
34 : I will protect you
35 : A sigh
37 : Facade
38 : Deadly Consequences
39 : Moral Compass
40 : Daddy's little Psycho
41 : Army of evil
42 : The Truth that hurts
43 : Family ties
44 : The Guardian
45 : The Missing Piece
46 : The only thing that matters
47 : Gaslight
48 : The should haves
Epilogue 1 of 2
Epilogue 2 of 2

36 : The last straw

67.1K 3.4K 2.4K
Por Serialsleeper



        "Ano ba kasing pumasok sa isip mo at tinakbuhan mo sina Lauren? Yan tuloy nakatulog ka ng isang buong araw dahil sa chloroform nila." Natatawang sambit ni Shawn pero imbes na kumibo, itinuon ni Kleya ang buong atensyon sa kinakaing bacon. Naiinis si kleya dahil nalaman ng mga ito na binigyan pa siya ng pampatulog nina Lauren para madala lamang ulit sa Cosima.

        Magkakasama sila sa iisang mesa sa cafeteria; sina Shawn, Miller, Kleya, Eva, Ruth, Nikel, Nina, Wolfgang, at Tasha. Lahat silay nakasuot ng kulay puting t-shirt at jogging pants na may logo ng koronang gawa sa punyal; logo ng pinag-isang crowned at wretched.

       Saglit na nahinto si Kleya sa ginagawa. Bumalik sa isipan niya ang mga salitang narinig mula mismo kay Lauren noon at pati narin kay Sister Marge. Akmang sasabihin niya ito sa kasamahan nang mapahinto siya. Sa di malamang dahilan, hindi niya magawang sabihin ang kanyang ipinag-aalala. Kawalang tiwala, kawalan ng kasiguraduhan, may parte sa pag-iisip ni Kleya na nais magsalita ngunit may nais ding manahimik. Nalilito na siya sa nararamdaman.

      "You okay, Kley?" tanong ni Miller na napansin ang kanyang ikinilos.

      Umiling si Kleya. "F-find Python but don't---"

      "Are you guys like.. uhmm... a couple?" biglang tanong ni Nina kaya halos mabilaukan si Kleya sa kanyang kinakain. Mabilis naman siyang inabutan ni Miller ng tubig. 

       Sinubukang himasin ni Miller ang likod ni Kleya ngunit mabilis itong umilag at tumayo ng tuwid kahit pa ubong-ubo parin ito at halos mamula na ang mukha.

      "Ah eh, hindi." Sinagot na lamang ni MIller ang tanong, nakahawak sa batok habang nakangiti.

      "But you like her diba? Kuya ?" sabat ni Ruth habang nakangiti sabay taas-baba ng kilay na animo'y tinutukso ang kapatid. 

         Agad na naglaho ang ngiti sa mukha ni Miller at pinanlisikan niya ng mga mata ang nakababatang kapatid na si Ruth. Nagresulta naman agad ito sa tawanan ng grupo, pwera lamang kay Kleya at Miller na naiilang lalo pa't sila ang tinutukso. 

         Mahinang natawa si Tasha nang makita ang reaksyon nina Miller at Kleya. Tumawa rin si Wolfgang na nasa kanyang tabi. Ngunit dahil sa kanyang ginawa ay sa kanila naman napatingin si Nina. 

        "How about you guys? Wolfgang looks so head over heels for you eh?" wika bigla ni Nina dahilan para agad na maglaho ang ngiti sa mukha ni Tasha. 

         Agad na namula si Tasha at napaiwas naman ng tingin si Wolfgang. Akmang magsasalita si Tasha nang bigla na lamang umalingawngaw ang isang boses mula sa mga speaker na nagkalat sa kisame.

      "Good Evening, in 1 hour let us all gather in the auditorium for our sanctuary meeting."  Boses ito ni Lauren.

       "Whoa, tonight's supposed to be combat night right? Wala na naman sigurong combat night ngayon diba?" pabirong bulalas ni Cloud.

       "Pagkatapos ng lahat, wala na sigurong combat night ulit." Napatulala naman si Eva at kumislap ang kalungkutan sa kanyang mga mata. 

        Nang marinig ulit ang tungkol sa combat night, parang napatnig ang tenga ni Kleya. Napatulala siya nang bumalik sa isipan niya ang kagimbal-gimbal na alaala ng pagkamatay ni Baldiwn habang iisang salamin lamang ang naghihiwalay sa kanila. 

       "May combat night din pala kayo rito?" napapantaskuhang wika ni Nikel.

       Si Shawn ang tumango. "Yeah, but something really bad--"

       "'Wag na nating pag-usapan ang combat night." Maotoridad na putol ni Miller sa sinasabi ni Shawn. Bakas ang pait sa malamig niyang pananalita. Gaya ni Kleya apektado rin si Miller dulot ng alaalang iniwan ng pagkamatay ni Baldwin sa kanyang harapan.

       "But you guys know what we have to talk about?" wika ni Kleya dahilan para muli na namang mapatingin sa kanya ang lahat. "Cosima." pagpapatuloy niya gamit ang mahinang boses, sa pag-aalalang may ibang makakarinig sa kanya maliban sa mga ito.

       "What are you talking about, Kleya?" tanong ni Shawn.

       Bahagyang iniyuko ni Kleya ang ulo upang mas maitago sa iba ang pinag-uusapan. "Remember what they always said? Find Python but don't let Python found you! But guess who found who?" Paalala ni Kleya at hindi na niya napigilan ang panlilisik ng mga mata habang pilit na ipinupunto ang masamang kutob.

        Isang nakabibinging katahimikan ang naging tugon ng grupo kay Kleya. Wala sa kanila ang nakapagsalita agad, nagkatinginan lamang sila at nagpalitan ng mga tingin ng kalituhan.

       "Wait let me get this straight!" biglang umalingawngaw ang boses ni Tasha. "You had a hunch that we're in trouble since Python found us but instead of warning us about your hunch, you ran away and tried to leave us all behind?" may panunumbat at inis sa pananalita ni Tasha bagay na agad napansin ni Kleya.

        "And what's wrong about trying to save my ass?" Sarkastikong sambit ni Kleya sabay taas ng isang kilay.

        "You selfish bitch..." mahinang sambit ni Tasha habang may mapait na ngisi sa kanyang mukha.

        Imbes na mainis natawa na lamang si Kleya. "What's new?"

       Naikuyom ni Tasha ang kamao ngunit bago pa man siya makapagsalita, naramdaman niya ang mainit na palad ni Wolfgang na bumalot sa kanyang nanginginig na kamao. Napatingin si Tasha kay Wolfgang at tila ba unti-unting naupos ang nag-aapoy niyang galit nang makita ang mga mata nitong tila ba pinapahinahon siya.

      "Anyway, where was I..." wika muli ni Kleya. "So yeah, I don't think we can trust--"

      "Kleya, stop it." putol ni Shawn gamit ang maotoridad na tono ng pananalita. "We're saved. We're safe. We can trust them."

       Parang na-estatwa si Kleya sa mga sinabi ni Shawn. Ilang sandali siyang napatitig sa binata, maraming naglalaro sa kanyang isipan. Sa simula ay naiinis siya ngunit ilang sandali pa ay napalitan ito ng awa. Naawa siya kay Shawn. "You trust them too highly, Shawn. That will only get you killed.


****


      Mabilis na pumasok si Kleya sa kanyang silid na kapwa nila inuukupa ni Tasha. Isang oras na ang lumipas at nagsisimula na ulit sa pag-anunsyo si Lauren sa intercom, inuutusan ang lahat na magtungo sa auditorium. Mag-isa lamang si Kleya sa silid kaya mabilis niyang inilock ang pinto at tinungo ang aparador kung saan naroroon ang kanyang mga gamit. Andun padin ang kanyang backpack kaya naman mabilis siyang nag-empake.

      Nilipat niya ang mga gamit sa kanyang kama upang mas mapabilis at maayos ang ginagawang page-empake. Uupo sana siya nang bigla niyang mapansin ang isang picture frame na nakapatong sa kanyang unan.

      Dinampot niya ang picture frame at binasa ang isang kulay pink na sticky note na nakadikit sa ilalim nito.

The wretched needs a leader, preferably a bitchy one.

With Cosima starting all over again, lead the wretched

I still don't like you though.

- T

        "Crazy Tasha." Napabuntong-hininga si Kleya nang mapagtanto kung sino ang nag-iwan nito. Nilipat niya ang atensyon sa litrato at pinakatitigan; ang unang nakita at iyon ay ang nakangiting mukha ni Baldwin habang magkakatabi silang tatlo ni Miller. Nakangiti ang lahat ng mga wretched sa litrato maliban lamang sa kanya. Hindi namalayan ni Kleya, kahit siya ay nakangiti narin.

        "Noods, sa dami ng masasamang tao sa buong mundo, madadagdagan at madadagdagan ang mga kailangang protektahan at turuan ng Cosima kaya mas pinili kong manatili dahil alam kong mas marami akong matutulungan dito."

        Nag-angat si Kleya ng tingin at nakita niya ang malabong imahen ni Baldwin na nakatayo malapit sa pinto. Nakasilid sa bulsa ang dalawa nitong kamay habang may matamis na ngiti sa kanyang mukha.

       "Eh ano ngayon?" mapaklang sagot ni Kleya sa imahinasyong dulot ng mga alaala ng nakaraan. Ipinilig ni Kleya ang kanyang ulo upang maalis ang alaala sa isipan ngunit muli niyang narinig ang boses ni Baldwin. 

        "Noods, ikaw ang gusto kong pumalit sa akin. Mas matatag ka kumpara sa karamihan ng nandito, mas may kasanayan ka sa pakikipaglaban at alam kong sa kabila ng bawat kabulastugan mo, alam koy may nagtatagong kabaitan diyan sa puso mo."

         Napalingon si Kleya sa kanyang likuran at nakita niya ang imahen ni Baldwin na nakaupo sa kanyang kama habang nakangiti.

        Nakaramdam si Kleya ng inis. Sa sobrang inis, hindi na niya napigilan pang mapasigaw at mapapadyak sa sahig. Sa puntong iyon ay biglang naglaho ang imahen ni Baldwin at naiwan si Kleya na naguguluhan at hindi halos maipinta ang mukha.

       Napatingin siya sa kanyang mga bagahe at sa picture frame na iniwan ni Tasha. Palipat-lipat siya ng tingin sa mga ito.

     "Bullspit..." bulalas ni Kleya, pinulot ang mga bagahe at hinagos ang mga ito pabalik sa loob ng aparador. Isasara na sana niya ang aparador nang biglang may kumatok sa pinto. Naiinis man dahil sa pagbabago ng kanyang isipan, binuksan padin niya ang pinto at bumungad sa kanyang harapan si Miller. Mabilis itong ngumiti nang makita siya.

       "Ano?" Pataray na bulalas ni Kleya.

      "M-may problema ba? Mukha kang may kaaway? usisa ni Miller.

      "I was fighting with myself," walang pag-aalinlanagng pag-amin ni Kleya sabay irap kay Miller. 

      "Who won?" natatawang sambit ni Miller.

      "No one." Pataray na sagot ni Kleya at binalikan ang aparador na hindi pa nakasara. Inayos na lamang niya ang mga bagahe ngunit bago pa man niya maisara ang aparador, nagsalita si Miller na sumunod pala sa loob ng kanyang silid.

        "You're leaving?" 

        Napalingon si Kleya at nakita niyang naglaho ang ngiti sa mukha ni Miller. 

        "Supposed to." Pagtatama ni Kleya gamit ang walang kaemo-emosyong pananalita.

        "What made you change your mind, Kleya?"

         Hindi na nakasagot pa ang dalaga.

        "If you want to leave then tell me, we'll leave this place together." Wika ni Miller dahilan para mapako si Kleya sa kinatatayuan at maiwang nakatitig kay Miller. "S-sige mauna na ako." Paalam pa ni Miller at agad na lumabas.


       Napabuntong-hininga si Miller nang makalabas mula sa silid nina Kleya at Tasha. Gusto niyang pumasok ulit nang maalalang may hindi pa pala siya nasasabi ang pakay niya. Humarap siyang muli sa pinto at itinaas ang kamay, kakatok sana siyang muli pero napapikit siya't mabilis na ibinaba ang kamay at tumalikod ulit.

       Gustong-gusto na niyang kutusan ang sarili sa sobrang inis. Dahil dinadaga na siya, nagsimula na lamang siyang maglakad paalis. Ngunit hindi pa siya nakakalayo, bigla niyang nakasalubong ang iika-ikang si Aaron na naglalakad sa tulong ng kanyang saklay at hawak-hawak pa nito ang sikmura.

       "Andun si Tasha?" tanong ni Aaron na para bang nag-aalala.

        "Wala," mabilis na sagot ni Miller.

         Parang umaliwalas ang mukha ni Aaron sa narinig. "Nag-iisa lang si Kleya dun?"

       Nahigit ni Miller ang hininga at unti-unting dumilim ang ekspresyon sa mukha nito. "Wala si Kleya. Balik ka na sa kwarto mo."

       "Ha? Eh wala siya dun sa audito--"

      "Wala nga siya!" inis na bulalas ni Miller kaya agad na naningkit ang mga mata ni Aaron na animo'y kinikilatis si Miller. Napabuntong-hininga na lamang si Miller at giniya si Aaron paalis. Nang makitang unti-unti na itong nakakalayo, mabilis na naglakad si Miller pabalik sa silid ni Kleya.


***

       "Bakit?" Bakas ang iritasyon sa mukha ni Kleya nang buksan ang pinto at pumasok muli sa silid si Miller. Nakasilid ang dalawang kamay nito sa bulsa at mistulang hindi mapalagay.

       "Y-you doing something tonight?" Wika ni Miller at dahan-dahang napasapo sa batok na animo'y nahihiya. Ni hindi nito magawang tingnan si Kleya sa mga mata.

        Namilog ang mga mata ni Kleya. Kahit papaano ay marami naman siyang alam na social cues sa buhay kaya may ideya na siya sa pinupunto nito.

      "You're going to ask me out on a date?" Deretsahang tanong ni Kleya kahit pa pakiramdam niya'y nanuyo bigla ang lalamunan niya't nagsimulang tumibok ng mabilis ang puso niya.

       Miller groaned and sighed aloud. "Kita mo na ngang hirap na hirap ang tao na magsalita, uunahan mo pa?" He complained like a little kid and Kleya couldn't help but chuckle. 

       "I'm just helping you out!" Kleya's trying to sound mean but her chuckles are unstoppable as her cheeks began to flush red.

      "You find this funny huh?" Miller said sarcastically in between his fake laugh. 

      "No, this is so awkward." Kleya complained as she tried to hide her face by slapping her palm on her heated cheeks. "I'm seriously going to punch you right now if you won't leave my room right away." Pagbabanta ng dalaga sa kalmado at natatawang boses dahilan para mapangiti si Miller. Isang totoong ngiti.

      "So it's a yes then? You're gonna go on a date with me?" tanong ni Miller kaya agad na natigilan si Kleya at napako sa kinatatayuan. "Kleya?" sambit ni Miller na pilit kinukuha ang atensyon ng tila ba nakatulalang si Kleya.

      "You idiot, why would I even go out on a date with you?! Why would you even want to go on a date with me?" bulalas ni Kleya na animo'y nagtataray na naman.

       Napapikit si Miller at napatingala saka bumuntong-hininga. "Because this idiot, likes you and he doesn't want to waste time anymore. Isn't it obvious?" Pabalang na sagot ni Miller.

      "D-don't give me an attitude otherwise i'll punch you until you're in coma!" pagbabanta ni Kleya pero imbes na matakot, tuluyang natawa si Miller.

      "Are you stuttering?" Napapantastikuhang sambit ni Miller.

      "No!" mabilis na sagot ni Kleya, pilit na nagtaas-noo kahit ang totoo ay parang pipiyok na siya.

       Napabuntong-hininga si Miller. Unti-unting naglaho ang ngisi sa mukha nito hanggang mauwi ito sa isang tipid na ngiti na punong-puno ng senseridad. "I wish you'd remember me..."

      "Huh?" agad nakunot ang noo ni Kleya.

      Umiling si Miller. "I said, I wish you'd start breaking the wall you built around yourself."

      Hindi nakakibo si Kleya dahil sa sinabi ni Miller. Sinamantala naman ito ng binata at nagpatuloy siya sa pagsasalita.

      "When the Children of Milcom attacked Cosima and I had to let you go, I promised myself that it would be the last time that I will let you go. I was scared to lose you again but I convinced myself  that we'll get to see each other again because I still haven't been completely honest with you.  But when I saw you inside that burning truck, trapped under the closet, near death... I almost lost it, kleya. I thought I lost you again." Wika ni Miller at humakbang palapit sa gulat at naguguluhang si Kleya. Dahan-dahan niyang hinawakan ang pisngi ni Kleya at napatitig sa mga mata nito. "I wasted so much time. I wasted so many chances. But this time I won't. This time I will take my chances with you."

       "M-miller what are you talking about?" naguguluhang sambit ni Kleya at sa di malamang dahilan, nagsisimulang manubig ang kanyang mga mata habang nakatitig kay Miller. Kusang rumaragasa ang emosyong hindi niya lubos maintindihan.

       Magsasalita sana ulit si Miller nang bigla silang makarinig ng katok sa pinto. Agad na napalingon si Miller sa pinto pero mabilis niyang ibinalik ang paningin kay Kleya. "After the meeting... After the meeting i'll tell you something."

       Bago pa man makapagsalita si Kleya, nagtungo agad si Miller sa pinto na kanyang ini-lock. Binuksan niya ito at agad bumungad sa harap niya ang kunot-noong si Shawn.

      "Hoy anong ginagawa niyo?!" bulalas ni Shawn at pinanlisikan si Miller ng mga mata na may ibang pinapahiwatig..

      "Shut-up, Shawn." Inis na bulalas ni Miller.

      "Ruth's looking for you. Kawawa yung kapatid mo, di pa naman masyadong nakakagalaw yun tapos nas-stress kakahanap sa'yo." Paliwanag ni Shawn kaya mabilis na napalingon si Miller kay Kleya.

       "Puntahan ko lang si Ruth." Paalam ni Miller kaya Kleya kaya napatango agad si Kleya. Hindi naman nag-aksaya ng oras si Miller at mabilis siyang nagtungo sa auditorium kung saan naroroon ang kapatid.

       "You okay?" tanong ni Shawn kay Kleya nang mapansing hindi parin gumagalaw ang dalaga mula sa kinatatayuan at mukhang maluhaluha ang mga mata nitong punong-puno ng kalituhan.

        "Yeah..." tumango si Kleya at huminga nang malalim. Pilit niyang pinapakita na siya parin ang Kleyang walang pakialam at walang kinatatakutan.

         "Is this about that dead roommate doppelganger in the mall?" usisa ni Shawn kaya agad nakunot ang noo ni Kleya.

         "Sinabi sa'yo ni Miller na nakita ko ang patay ko na dapat na roommate?" bulalas ni Kleya.

         "Relax lang." Ngumiti si Shawn. "Kapakanan mo lang ang iniisip ni Miller kaya niya iyon nasabi. Pero kung ako ang tatanungin, konsensya mo ang dahilan kung bakit akala mo nakita mo yung dati mong roommate sa mall."

         "Anong ibig mong sabihin?" kunot-noong tanong ni Kleya.

        "Minsan naapektohan ng emosyon natin ang mga nakikita at naririnig natin. Siguro nako-konsensya ka lang masyado kaya akala mo nakita mo yung roommate mo. Kung ako sa'yo itigil mo na 'yan kasi wala kang dapat ika-konsensya, ginawa mo naman ang lahat para lang mailigtas yung roommate mo. Nasapak mo pa nga yung killer habang pinagtatanggol yung roommate mo?" bulalas ni Shawn kaya agad na napatulala si Kleya.

        "Uy okay ka lang?" usisa ni Shawn nang bigla na lamang mag-iba ang ekspresyon sa mukha ni Kleya. Namutla ito. Animo'y nabura ang lahat ng emosyon sa mukha.

        "Leave." Malamig na sambit ni Kleya.

        "Ha?" tanong ni Shawn, nagulat sa biglang malamig na pakikitungo ng dalaga.

        "I said get the hell out!" ubod ng lakas na sigaw ni Kleya kaya walang nagawa si Shawn kundi lumabas.


      Nang maiwang mag-isa sa silid, mabilis na kinuha ulit ni Kleya ang mga bag mula sa aparador at nagpatuloy sa pag-iimpake. Sa pagkakataong ito'y nagbago na naman ang isip ng dalaga at mas naging determinado itong umalis sa Cosima sa lalo't madaling panahon. 

      Naalala ni Kleya ang lahat ng mga sinabi niya sa imbestigador nang mamatay ang kanyang roommate. Ni minsan wala siyang binanggit na sinubukan niyang iligtas ito. Wala siyang ibang pinagsabihan na nasuntok niya ang salarin. 

       Dalawang tao lamang ang nakakaalam na nagawa niyang masuntok ang salarin nang gabing pinatay ang kanyang roommate; siya at ang mismong salarin.


END OF CHAPTER 36!

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3

       

Seguir leyendo

También te gustarán

9.3M 392K 86
"Hindi kami nawawala, Cielo! Nagtatago kami dahil kami nalang ang natitirang buhay! Patay na silang lahat sa taas! Yung mga nandun, hindi na sila ta...
29.8M 988K 68
Erityian Tribes Series, Book #2 || A story of forbidden love and friendship, betrayals and sacrifices.
106K 8.3K 98
A MUSICAL STORY Krissa Bermudez is a music lover. She always feel comfortable if her headset is on her ears. She's not a perfect girl that someone's...
8.2K 360 2
Amidst a town plagued by evil spirits, a lone doctor and a ravishing priest find themselves battling not only the demonic forces threatening their co...