The Hypothetical Worth [Ace L...

By chasingplaridel

190K 4.5K 345

I was about to hug her when she turned to back to me. She pulled the comforter to her, at ibinalot yon hangga... More

DECLAN AND ARIANNA
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
EPILOGUE

Chapter One

14.9K 248 38
By chasingplaridel


Chapter 1




Singing Radiohead at the top of our lungs
With the boom box blaring as we're falling in love
Got a bottle of whatever, but it's getting us drunk
Singing here's to never growing up



"Baklaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!" Full force ng boses na sigaw ko sa beshy ko na isang Gay Lusac! Oh, God! Nag-umpisa ng magwala ang malandi dahil nag-umpisa ng tumugtog ang pang-wild na kanta. Hindi ko alam kung anong trip nitong baklang 'to para manlandi ng mga lalaki sa dance floor eh putcha para namang may papatol sa kanya. Kahit sabihin pang—okay, may papatol nga! Pero God! He's Gay at ang tanging habol lang sa mga bakla ang PERA!


Itinabi ko ang hawak kong mop sa tabi nung bar counter. Naki-siksik nalang ako sa mga taong lasing na gumigiling sa dance floor at lumapit kay Pina. Ang pangalan niya kasi ay Joseph, ginawa niyang Josefina, at bilang bestfriend niya, tinawag ko nalang niyang Pina. Ang haba ng Josefina e.


Call up all our friends, go hard this weekend
For no damn reason, I don't think we'll ever change
Meet you at the spot, half past ten o'clock
We don't ever stop, and we're never gonna change

Say, won't you stay forever stay
If you stay forever hey
We can stay forever young


"Joseph the third!" tawag ko sa malandi kong bestfriend, at ayun, may nabingwit na isang pogi na halatang lasing na kaya naagpapahawak na sa malandi kong best friend. Juskopo!


"Malandi ka!" nasabi ko nalang sa inis ko. Hinatak ko na siya papalayo sa dance floor at mabuti nalang ay mahilig magpasexy itong malanding to kaya nahatak ko siya. Hmmmp! Payat eh!


"Aray naman, napaka-neto! May nabingwit na e! Ayon na e!" inirapan niya ako. Napataas ang kilay ko sa sinabi niya.


"Tigilan mo ako sa kakaganyan mo, Joseph ha! Nakakadiri!"


"Eeeeeeh. Gusto ko maranasan!"


"Ponyeta!"


"Juk lang, hehe. Himas lang naman."


We'll be running down the street, yelling, "Kiss my ass!"
I'm like yeah, whatever, we're still living like that
When the sun's going down, we'll be raising our cups
Singing, here's to never growing up

Oh whoa, oh whoa, here's to never growing up
Oh whoa, oh whoa, (yeah raise your glass and say) here's to never growing up
Oh whoa, oh whoa, (da de da de da) here's to never growing up (no we're never growing up)
Oh whoa, oh whoa, here's to never growing up


Napakamot nalang ako sa ulo ko. Nilapitan ko yung Mop na iniwan ko don sa may bar counter at ini-abot kay Joseph. "Ayan! Kesa lumandi ka, maglinis ka nalang."


"Che!"


"Che ka din!"


Habang lumalalim ang gabi ay mas marami kaming nililinis dito sa Bar. Okay, hindi ko ikakahiya ang trabaho ko dito sa Bar na'to dahil marangal naman e. Pareho kaming Janitress ni Pina. Kung ba't ito ang trabaho naming dalawa? Siya kasi, malay ko ba diyan sa bakla na 'yan. Mas nag-eenjoy daw siya sa ganitong trabaho. Wala naman daw siyang binubuhay na pamilya kaya't ayos lang daw na ganito ang trabaho niya, at ang pinaka-huling dahilan niya kung bakit? Dahil sa bar na 'to daw, maraming pogi. Syempre. Para maging inspired ang malandi.


At sa akin naman...


Grade 6 lang ang natapos ko. Buhay pa kasi ang mga magulang ko nung time na 'yon. Sa private school pa nga ako nag-aaral non, pero dahil sa isang aksidente na nangyari sa mga magulang ko, namatay sila at akong nag iisa nilang anak ay naiwang ulila. Pinag-pasa-pasahan ako ng mga kamag-anak ko, hanggang sa mauwi ako sa isang tyuhin kong naka-tira sa iskwater. Drug Addict, walang kakayanan ang tyuhin ko na pag-aralin ako kaya mula sa batang nagtitinda ng sampaguita sa bangketa, nagtitinda ng tagpipisong biko sa kalye, namamalimos, umaakyat akyat sa dyip kapag panahon ng pasko...ay heto ako ngayon. Isang Janitress.


Pero kahit ganon si Tiyong, hindi naman siya malupit saakin. Minsan lang mag adik yon pero matino 'yon kaya nga alam ko ang tama at mali, at kung ano ang marangal sa patapon. Napalaki niya ako ng maayos. 


Napabuntong hininga nalang ako. Okay na rin 'to. At least marangal. Kesa naman gumaya ako sa mga babae dito sa bar na pinagta-trabahuan ko na kulang nalang ay wag na nilang takpan ang mga P at D nila.


"Uy Dai! Lika na.Tapos na duty natin!" napatigil ako sa paglilinis nung tinawag ako ni Pina. Tumingin ako sa orasan sa pulsohan ko. Alas-dose na ng madaling araw. Tapos na ang duty ko.


"Tara, pagod na ako." Sabi ko. Binitbit ko na yung walis at dust pan na gamit ko tsaka kami pumasok ni Pina ng sabay sa isang staff room. Tinambak nalang namin yung mga gamit don tsaka kami pumunta sa locker para magpalit ng damit. Ay mali, si Pina lang pala, kasi hindi na ako nagpalit eh. Okay na to. Sa bahay nalang.


"Dai, hindi pala tayo makakapag sabay ngayon sa'yo pupuntahan ko si Mother Goose."


Tinignan ko si Pina na nag-sisintas ng sapatos niyang fake converse. "Sige."


"Pero ihahatid muna kita sa inyo, Dai, jusko ang daming adik 'don sa inyo eh."


"Boka mo! Wala namang rasyon ng drugs dun saamin ngayon kaya keri lang!"


Namaywang sa harap ko ang malanding bakla. "Che! Ihahatid muna kita bago ako pupunta kay mother!"


Tumayo narin ako. Kinuha ko na 'yung sling bag ko na wala namang laman kung hindi extrang damit. Ayoko kasing iwan 'yung mga gamit ko dito sa bar na pinagtatrabahuan ko, at the same time ayaw ko din iwanan sa bahay dahil baka malasin lang. "Ewan ko sa'yong bakla ka, hindi na nga eh. Kaya ko sarili ko! Tsaka anong oras ka na makakarating 'don kanila mommy mo kung ihahatid mo pa ako? Loka ka talaga!"


"Ay ewan ko sa'yo bakla ka! Pinagmamalasakitan ka na nga!Hmmp!" Ikinawit niya ang braso niya sa braso ko at hinatak ako papaalabas ng bar.


"Tangi, ikaw 'yung bakla hindi ako!"


"HOY! Mas mukha ka pang bakla kesa saakin, ang ganda ganda ko kaya!"


"Ewan ko sa'yo!" natatawa nalang ako sa pag-aassume niya na mas maganda siya. Dibale ng mag-assume siya, alam ko naman sa sarili kong babae ako, at kahit hindi ko sabihin sa kanya, mas maganda ako.


Bumagal ang lakad naming dalawa nang makarating ako sa sakayan ng jeep. "Pero alam mo tih, mas maganda ka sana kung mag-aayos ka, ay o siya! Ayon na 'yung sasakyan kong eroplano, babush na!"


Tumango nalang ako at hinintay kong makasakay ang baklang si Pina sa Jeep bago ako tumawid para maglakad pauwi. Nagsimula na rin akong balutin ng takot nang mag-isa nalang akong naglalakad dito sa gild ng kalsada. Parang bigla akong nagsisi dahil hindi ako nagpahatid kay Pina, pero kasi mas kailangan niyang unahin yung mommy niya na minsan niya lang makita.


Mag-iisang buwan na rin simula nung nagpahatid ako kay Pina papauwi. Nung una kasi ayaw niya pero nagpalusot ako sa kanya na may nagbalak mang-rape saakin nung papauwi ako, dahil nga puro drug addict saamin kaya siya pumayag. Kuta kasi ng mga iskwater, lasenggo at mga drug addict ang lugar ng tiyuhin ko. Kaya ayon, ayaw akong palabasin ng butin kong tyuhin.


Pero ang totoo niyan, kaya ako nagpapahatid kay Pina pauwi dahil nung mga panahong 'yon, isang linggo ng may nakasunod saaking kulay itim na Van. Kung wala naman 'yung Van, mula sa malayo ay may nakikita akong lalaki sa kabilang kalsada na naka-masid saakin. Para bang sinusundan ako, kaya ako nakaramdam ng takot.


At hanggang sa panahong inihahatid ako ni Pina ay nakikita ko parin sila.


NAPABUNTONG hininga nalang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Pinapakiramdaman ko ang paligid ko. Hinawakan ko ng mahigpit yung strap ng bag ko dahil sa kaba. Malamig 'yung gabi pero kinakabahan ako at namamawis 'yung kamay ko.


Hanggang sa makarinig ako ng tunog ng kotse. Napapikit ako.


Wag naman sana.


Pero mukhang hindi pinakinggan ang silent prayer ko. Nakarinig ako ng isang mahinang tunog ng lakad ng sapatos. Bumilis ang tibok ng puso ko. Sunod ko ring narinig ang tunong ng nagsarang pintuan ng kotse. Unti-unti na ring nanginig ang kalamnan ko, lalo na ang tuhod ko, pero kahit ganon ay pinagpatuloy ko parin ang paglalakad ko. Mas binilisan ko pa rin.


"Kung ako sa'yo, hindi na ako sisimple ng paglalakad ng mabilis."


Mas binilisan ko ang lakad ko, pero alam kong sinusundan ako. Hindi ako lumingon. Nararamdaman kong hindi lang iisa ang nakasunod saakin base na rin sa naririnig kong yabag nila. Nararamdaman kon ring nakasunod yung Van.


Tahimik akong nagdadasal na sana may taong maligaw dito sa kalsadang kinaroroonan ko. Pero imposible dahil napakatanga ko dahil dito pa ako dumaan sa short cut kung saan madilim na nga, bihirang tao pa ang dumadaan.


Binilisan ko ang lakad ko, bumilis rin ang lakad nila. Unti-unti akong bumwelo ng takbo.


Tumakbo ako ng tumakbo pero may isang nakahablot ng braso ko. Nagpumiglas ako.


"Bitawan niyo ako! Tuloooong! Tulong!!!!" sigaw ko. Iisa lang ang naka-hawak sa braso ko dahil siya lang ang nakahabol saakin.


Pero akala ko lang pala.


KINAGAT ko ng madiin ang kamay niya na nakahawak saakin. Basa na ng luha ang pisngi ko dahil napaiyak na ako sa kaba at takot. Napasigaw ang lalaking naka-itim sa sakit. Bumwelo ako ng takbo, pero hindi ko namalayan na nakalibot na  pala ang ibang kasamahan nung lalaking naka-habol saakin.


Nahawakan ako muli ng isa sakanila. Nagpumiglas ako pero sinabunutan ako, pero hindi ako sumuko. Sumigaw ako ng sumigaw.


"Tulong!tulong! Tulungan niyo kooo!!"


Naramdaman kong sinikmuraan ako ng isa sa kanila. Doon na ako tinakasan ng lakas. Bumigay ang tuhod ko sa lakas ng kamaong tumama sa tiyan ko. Sinalo ako ng isa sa kanila.


"P-pakawalan n-niyo ako!" nanghihinang sabi ko.


Hindi sila nagsalita. May panibagong sumampal sa akin. Mas lalo akong nanghina at nakaramdam ako ng hilo. May inilabas ang isa sa kanila mula sa bulsa niya. Itinapat niya 'yon sa ilong ko, hanggang sa mas lalong lumala ang hilong naramdaman ko.


Kusang dumilim ang paligid ko at nawalan na akong malay.     

Continue Reading

You'll Also Like

45.5K 1.5K 33
Teen Hearts #1 He's only a kid in my eyes. An arrogant, straightforward, kinda rude and perverted freshman high school student. And I'm a senior...
127K 6K 74
"OH MY GOSH SINO KA?! Bakit mo ko ginagaya! Hoy!" Gulong gulo ang isip ko habang nakatingin sa lalakeng nasa harapan ko. Bawat buka ng bibig ko ay na...
20.3K 429 35
Montenegro Series #5. One of the boys. 'Yan ang pinakamadedescribe mo sa buhay ni Gwendolyn Fiona Dela Cruz. Surrounded by three older brothers, it i...