Dear KILLER [Completed]

By Yengkoy

1.5M 57.2K 7.5K

유♥웃 Dear, Killer Una sa lahat, gusto ko magpasalamat sa pinadala mong love letter. Alam mo bang, tumatalon an... More

DEAR, KILLER (PLOT♥)
DK-♥PROLOGUE♥
DK彡Introduction^_^
DK彡Love at First Shot??!
DK彡Curiosity Kills the Cat
DK彡The Unexpected Visitor
DK彡OH NO!
DK彡Death Wish
DK彡FIRST LETTER♥♥
DK彡Guidance Office
DK彡♥FIRST KISS??!!♥
DK彡♥Hue, Hue! Textmate?♥
DK彡 ♥Tippy is Falling......♥
DK彡♥Crush, Crush, Crush! Three times a day?♥
DK彡 ♥TippyLoveKiller♥
DK彡 Next To Him♥♥
DK彡The Confession
DK彡 Never Say Die?^_^ (I♥Ginebra)
DK彡LETTERS TO KILLER♥♥♥
DK彡♥Alexander Dela Cruz♥
DK彡 I IIII III
DK■ Hero
DK彡Date?♥
DK彡⇨ School Fair ⇦
DK彡Missing Him╮(╯_╰)╭
DK彡Mutual Understanding♥♥
DK彡It's Complicated
DK彡Secret Admirer
DK彡YAM ♥ YAMO
DK彡Reippy or Xanppy?
DK彡Alexander's Confession
DK彡Pool Party
DK彡Pool Party Continuation
DK彡Best Night Ever?
DK彡Awkward!!
DK彡Inspector.Ramon Guevara & SPO1.Morgan Castro
DK彡Rumors
DK彡Doom
DK彡Killer's Identity
DK彡The Heartbreaks
DK彡Runaway
彡The Promises彡
☜The Deadly Finale☜
♥Dear, KILLER.♥
P.S. I Love You

DK彡Nine Months?!!

34.3K 1.3K 170
By Yengkoy


From: Killer

Rooftop, ASAP.

Nanginginig ang mga kamay ko habang binabasa ang text message galing kay Killer. Imbes na papunta akong library ay dumiretso nalang ako sa banyo para pag-isipan ang gagawin ko. hindi pwede na pumunta nalang ako bigla sa rooftop baka iyon na rin ang katapusan ko!

Buti nalang walang tao sa loob ng banyo, kaya solong-solo ko iyon. Inayos ko ang magulong buhok ko at tinali iyon, nagpulbos din ako at nag apply ng konting lipgloss sa labi ko, kukunin ko na sana ang eyeliner ng matigilan ako. 'Ano ba ang ginagawa ko? may mamatay ba na nagpapaganda pa?' Umiling-iling na binalik ko ang make up kit ko sa pouch at naghilamos, ginulo ko ulit ang buhok at tiningnan ang sarili sa malaking salamin na naroon. 'Ayan, tao na ako ulit hindi na Dyosa.' Nang makuntento na ako sa ayos, ay naglakad na ako sa tulong pa rin ng saklay ko na kinuha ni Jay kanina. Tumunog ulit ang cellphone ko kaya binasa ko kung sino na naman ang nagtetext.

From: Killer

Nasaan kana?

Atat lang?? baka nakakalimutan niya may saklay pa ako sa kanan braso, kaya malamang kasing bilis ko na ang pagong sa paglalakad. Idagdag pa na kailangan ko pa pumanhik ng hagdan. 'Litsi!'

Tumigil muna ako sa gilid ng hallway at nagreply sakanya.

To: Killer

Ikaw nalang kaya ang bumaba rito, haleer! may saklay po ako!

SENT!

Agad din siya nagreply.

From: Killer

Gusto mo ng mamatay?

Parang may bato na bumara sa lalamunan ko ng mabasa iyon. Bigla napabilis ang paglalakad ko patungo sa hagdan, doon ko lang napagtanto na magaling na nga ang pilay ko sa paa! Hindi ko na ginamit ang saklay ko habang humahagdan. Nang makarating na ako sa fourth floor kung saan naroon ang rooftop ay binalik ko ulit sa braso ang saklay ko at nagpanggap na pilay pa rin. Bakasakali kasi na i-postpone ni Killer ang pagpatay sa akin pag nakita ang kundisyon ng paa ko.

Humugot muna ako ng malalim na hininga bago binuksan ang isang pinto palabas ng rooftop.

Pagkabukas ko pa lang nun ay siya naman pag-ihip ng malakas na hangin sa mukha ko na parang sinasabi na 'Tumakbo kana Tippy!' Pero nabalewala lang iyon ng matanaw ko si Denson na seryosong nakatingin sa akin habang nakasandal sa pader na naroon. Naglakad na ako patungo sa direksyon niya. Nakapamulsa lang siya habang pinapanood ako sa ginagawa kong paglapit sakanya.'Shit! heto na naman, ang lakas na naman ng tibok ng puso ko.'

"Mapapabilis sana ang paglalakad mo kung wala na yang saklay na yan." Sabi agad niya ng tumigil na ako sa harapan niya.

"Masakit pa rin ang paa ko." pagkukunwari ko.

"Alam ko na magaling na ang paa mo."

Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya.

"A-anong ibig mong sabihin?"

Tumingin siya sa paa kong nakabenda. "Halatang tumakbo ka pa papunta dito kaya nadumihan yang benda mo."

Pagkasabi niyang iyon ay napayuko nalang ako at nakapakagat sa labi ko. Mukhang bistado ako.

"Bakit mo ba ako pinapunta rito?" Tanong ko nalang at muli siyang tiningnan. Nahuli ko pa siyang nakatitig sa labi ko. Medyo nailang ako doon kaya tumikhim ako ng malakas.

Umayos agad siya ng tayo at tinuon nalang ang tingin sa mga mata ko.

"Mamatay kana nga, hindi ka pa nag suklay man lang."

Nanlalaki ang mga mata ko na tiningnan siya.

"Pa-papatayin mo na ba ako?!"

Kumunot lang ang noo niya.

"Gu-gusto mo na ihulog ako rito sa rooftop pagkatapos ay ipapalabas mo na nagsuicide ako?! Iyon ba ang plano mo?!" Natataranta na tanong ko. Bumuntong-hininga siya at walang gana na tiningnan ako.

"Anong title ba ng movie ang pinanood mo?" tanong niya na pinagtaka ko.

"Huh?"

"Walang originality, masyadong common pag ganun ang ginawa ko sayo."

"So, bakit tayo nandito? kung wala ka naman plano na ihulog ako?" Tanong ko sakanya. Nakapamulsa pa rin siya na tumanaw sa kabuuan ng campus ng Academy.

"I'm here to offer you a deal."

"Deal??"

Lumingon ulit siya sa akin.

"Seryoso ka ba sa sinagot mo kanina sa akin na takot ka?!" Muling pag-iiba niya ng usapan. Ang gulo ng killer na ito. Tumango nalang ako bilang sagot.

"Kung takot ka sa akin, bakit nagpunta ka pa rin rito?"

Bakit nga ba??? Iyon na nga, dahil takot nga ako sakanya!! Takot din ako na madamay ang pamilya ko dahil sa katangahan ko na maging si Darna. Naisip ko pa talaga na iligtas ang mokong na ito gayon siya pala ang mapanganib.

"Bakit ang dami mong tanong? Ano nga iyong deal na iyon?" Ako naman ang umiba ng usapan.

Humarap siya sa akin at ngumiti. 'Please lang...... stop smiling like that............'

"Nine months."

Inalog ko ang ulo para mapalis iyong naiisip ko. At para na rin hindi tuluyan mahumaling sa ganda ng ngiti niya.

"Anong meron sa nine months?" Tanong ko sakanya. Hindi pa rin mapuknat ang magandang ngiti niya sa labi, isa siguro sa mga strategy niya iyon para malinlang ang ibang tao.

"Nine months nalang ang itatagal ng buhay mo."

Laglag ang panga ko ng marinig iyon at tiningna siya ng masama.

"Dapat ba ako matuwa dyan?!"

"Siguro. May pagkakataon ka pa para tuparin iyong death wish mo." Lalo sumama ang itsura ko.

"Itikom mo lang ang bibig mo at sisiguraduhin ko na hahaba pa ang buhay mo rito." Namulsa siya at nilampasan na ako.

"Bwisit." Bulong ko.

Naglalakad na siya patungo sa pinto ng tumigil siya at lumingon ulit sa akin.

"And by the way, Stay away from me." Iyon lang at tuluyan na siyang umalis. Naiwanan naman akong nag-iisip. 'Nine months??! Ano iyon, may taning na ang buhay ko?! Argh!'

웃♥☜유

Ilan araw ang nakalipas, parang walang Red Denson at walang Tippy Mercado ang magkakilala. Hindi kami nagpapansinan, hindi kami nagtitinginan at hindi na rin kami magkatabi sa upuan dahil nasa likuran na namin siya ni Jay nakaupo. Palaging late at palaging nagmamadali umalis ng academy. Ganyan na ang routine niya sa loob ng dalawang linggo. Samantalang back to normal na rin ang tibok ng puso ko, hindi na ako paranoid at palaging takot kapag nakikita siya. Tinatak ko na sa isip ko na nine months nalang ang itatagal ng buhay ko kaya dapat mabuhay ako ng normal, at ang normal na sinasabi ko ay ang palaging nabubully ng grupo ni Cathy.

"Lampa ka pa rin, Weirdo!"

Nagtatawanan nalang sina Cathy, Hazel at Fe pagkatapos nila akong itulak sa locker at binuhos ang laman ng bag ko sa sahig.

Nang makuntento na ang mga demonyita ay iniwan na lang ako. Napabuntong-hininga nalang ako na umupo at dinampot ang mga nagkalat na gamit ko sa sahig.

"Sige lang, magsasawa din kayo." Mahina na sabi ko.

"'Lampa ka pa rin Weirdo', eh bobo naman kayo." Patuloy ko na kausap sa sarili habang dinadampot ang mga gamit ko.

"Baka college na ako, nasa high school pa kayo at kumakain ng make up." Wika ko.

Lalo ako naasar nang mapansin ang bote ng perfume ko na galing new york pa na nabasag ang lalagyan at nagkalat ang laman nun sa mga notebook ko. 'Asar!!'

"Bakit hindi ka lumalaban?"

Napatalon pa ako sa gulat ng may biglang nagsalita sa tabi ko.

"Pwede ba! hindi mo nga ako papatayin gamit ang baril mo! Pero papatayin mo naman ako sa atake sa puso!" Gulat talaga na sabi ko at napahawak sa dibdib ko.

Lumapit siya sa akin kaya tumayo na rin ako ng madampot ko na ang gamit.

"Nasaan na ang word mo na 'Stay away from me'?" Asar pa rin na tanong ko at binuksan ang locker ko.

Tumingin siya sa direksyon na nilabasan ng grupo ni Cathy at tumingin sa akin.

"Saan nakatira iyong babaeng iyon?"

Nagdududang tiningnan ko siya.

"Bakit?? tatakutin mo rin ba siya tulad ng ginagawa mo sa akin?"

Tumingin siya sa akin at ngumiti.'Oh my god!'

"Magpapasalamat ako sa ginawa niya sayo." Naglakad na siya palabas ng hallway hinabol ko nalang siya ng tingin. 'Bwisit!'

Padamog na sinara ko na ang locker at naglakad na palabas ng building ng makatanggap ako ng text mula kay Jay.

From: Bestie Jay

I can't come bai, my biglaan meeting sa club, hope you understand, libre nalang kta. labyou.:)

Nagreply agad ako sakanya.

To: Bestie Jay

Ok bai, wag manlalaki. labyou too.

Pagkatapos ko siya mareplyan ay naglakad na ako palabas ng building. Habang naglalakad ako ay namataan ko sa gate si Denson kausap ang isang matabang lalaki. Mukhang may seryosong pinag-uusapan sila dahil dinuro-duro pa ng matabang lalaki sa dibdib si Denson habang may binubulong sakanya. Nasa ganun posisyon ako hanggang sa makaalis na ang matabang lalaki. Napalunok ako na naglakad patungo sa kinatatayuan niya at patay malisya na nilampasan siya. Naramdaman ko ang pagsunod niya sa likuran ko pero binalewala ko lang iyon kahit parang sumasabog na naman ang puso ko sa kaba.

"We need to talk." Mahina ang boses na sabi niya. Lumingon pa ako para masigurado na ako nga ang kinakausap niya.

"Ikaw nga, sumama ka sa akin." Nagulat ako ng hinawakan niya ako sa kamay at iginaya papasok ulit sa campus.

"Te-teka Denson, hindi pa tapos ang nine months." Natataranta na paalala ko sakanya pero parang wala siyang narinig. Pumasok ulit kami sa building namin at pumanhik ng hagdan habang magkahawak kamay pa rin.  Hindi ko maiwasan mapangiti habang nakatingin doon. Ang lambot ng kamay niya! At ganun pala ang feeling pag may kaholding hands ka while walking!

"Ay!" Nagulat ako ng malakas na sumarado ang isang pinto.

Doon ko nalang namalayan na nasa labas na pala kami ng rooftop at ang pinto nun ang sumarado.

"Magtransfer ka." Sabi agad niya na hindi ko gaano nagets.

"Ba-bakit?"

Lumingon pa siya sa paligid bago ulit nagsalita.

"May kutob sila na may saksi sa nangyari sa abandonadong building."

"And?" Naguguluhan na tanong ko.

Lumapit pa siya sa akin kaya para akong timang na nakatingin na naman sa gwapong mukha niya.

"Kapag nalaman nila na ikaw iyon, baka ipapatay ka nila."

'Kay gwapo talaga ng lalaking ito oi!'

"Nakikinig ka ba?!" Singhal niya kaya parang doon lang ako natauhan. Teka, may papatay daw sa akin?

"What?!" Late reaction na tanong ko. Umiling lang siya at napahilamos ng mukha niya.

"Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sayo." Nauubos ang pasensya na sabi niya bago ako muling tiningnan.

Napalunok ako ng laway ng wala sa oras, seventeen palang ako dalawang banta na agad sa buhay ang meron ako. grabe!

"Hindi ko kilala kung sino ang tinutukoy mo na sila, kaya wala akong kinalaman."

"Pag oras na nakilala ka nila at utusan ako na patayin ka gagawin ko."

Nanlalaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Kahit hindi pa tapos ang nine months?!"

Tumango siya bilang sagot. Hindi ko na mapigilan ang umiyak, ang bata ko naman mamatay!

"Wag ka ngang umiyak!" Sita niya sa akin pero lalo lang ako naiyak. Mamatay na nga ako, pinagbabawalan pa akong umiyak? Ganito ba kasama ang lalaking ito?

"Bakit kasi dito ka pa lumipat sa school namin?! Yan tuloy nakilala pa kita!" Umiiyak na sabi ko sakanya. Nakamasid lang siya sa akin.

"Seventeen palang ako, Denson, marami pa akong pangarap, ayoko pa mamatay."

"Kasalanan mo din ito, Mercado, bakit kasi nandoon ka sa lugar na iyon?"

Lalo ako umiyak ng maalala ang katangahan ko!

"I was there to save you dammit!"

Bigla siya natahimik sa sinabi ko.

"Save me?"

"Oo! pero mali pala, ang sarili ko dapat ang iligtas ko!" Para akong bata habang umiiyak, may papadyak-padyak pa akong nalalaman.

"Stupid." Hindi makapaniwala na wika niya. Patuloy pa rin ako sa pag-iyak. Narinig ko na napabuntong-hininga siya at may inabot na isang panyo sa akin. Lumuluhang tiningnan ko siya.

"Panyo lang ito, hindi ka mamatay rito." Sabi niya.

Kinuha ko iyon at pinahiran ang luha.

"Magtransfer kana."

Umiling lang ako sa sinabi niya.

"Bahala na, kapag oras ko na, oras ko na talaga." Muli na naman ako umiyak maisip pa lang ang kamatayan.

"Wag mo ako sisihin sa mangyayari sayo."

Naiiyak na naman ako ng tumingin ulit sakanya bago muli magsalita.

"Pwede mag-request?" Humihikbi na tanong ko sakanya.

"Ano iyon?"





"Kung papatayin mo ako, sana iyong hindi ko mararamdaman."

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 134K 34
What Sidra Everleigh wants, Sidra Everleigh gets-or at least that was the rule before she found herself trapped and alone with a shy Japanese guy in...
9.8K 369 51
Si Roseanne Barrinuevo ay ang tanging anak na babae sa kanilang pamilya, kaya naman iniingatan siya nang kanyang pamilya. Mahilig siyang sumayaw at n...
100K 4.6K 54
Everything change when I saw the future once. 🖇:: COMPLETED 🖇:: Photo that used in the book cover is not mine. Credits to the rightful owner.
5.4M 136K 60
WARNING: This story is my oldest story! You might encounter some cringe and immature scenes that needs some revisions! ... He bought me, but I didn't...