Our Fancy Romance | #Wattys20...

By ajabelsss

48.4K 1.5K 937

Bakit nga ba tayo napo-fall sa mga taong hindi natin ma-imagine noon na magugustuhan natin? O ako lang 'yon? More

Prologue
Our Fancy Beginning
SEASON ONE
2 - Day of Disaster
3 - Night to Remember
4 - It Hurts
5 - Tears and Rain
6 - Pursue or Give Up?
7 - Sleeping With You
8 - F-L-A-M-E-S
9 - The Bet
10 - His Point of View
11 - Changes
12 - Lies
13 - First Date
14 - Three Day Test
15 - Smell of Chocolate
16 - Revenge
17 - Meteor Shower
18 - The Confrontation
19 - Inconvenient Truth
20 - The Letter
21 - Voice of My Heart
22 - Solitary Love
23 - Hi Roommate!
Hide and Seek
25 - Farewell
26 - Sweet Goodbye
SEASON TWO
28 - Transfer Student
29 - Not Yet Over
30 - Lost and Found
31 - Umbrella
32 - Power Trip
33 - Tuxedo Mask
34 - Friendzone
35 - Now or Never
His Story (Part I)
His Story (Part II)
38 - Misunderstanding
39 - Confession
This Strange Feeling
41 - Yellow Shoes
42 -Underground Romance
43 - Creepy Stranger
44 - No More Fancytale
The Wedding
46 - Faded
A Scar Story I
A Scar Story II
A Scar Story III
50 - Crossroad
Who's Writing the Story?
FINAL SEASON
53 - Old Heart
54 - Time and Fallen Leaves
55 - CTRL + Z
56 - The One Who Made Me Cry
57 - Hear My Sobbing Heart
58 - Stay a Little Longer
59 - The One That Got Away
60 - Would You Choose Me Now?
Missing Me (Part I)
Missing Me (Part II)
Missing Me (Last Part)
64 - The Same Old Feeling
65 - Everything in Between
66 - One Drunken Night
Love Conquers All
Serendipity
✨Ate Ayeen's Pasasalamat ✨
Epilogue
Write Me a Happy Ending

67 - Almost Euphoria

153 8 14
By ajabelsss

Nagising ako sa sikat ng araw na tumatama sa muka ko. Ang sakit ng ulo ko pagbangon ko, para akong lutang na ewan. Ano bang ginawa ko kagabi?

Nakita ko si Daillie na tulad ko ay kalalabas lang din ng kwarto, kaso pagkakita sa 'kin ni chararat biglang sabog ang tawa n'ya. Kahit kelan talaga 'tong bruhang 'to! Bumalik tuloy ako sa kwarto at humarap sa salamin. Anong kalunos-lunos ang nangyari sa 'kin at ang laki at ang itim ng eyebag ko na parang isa akong Panda?

"Good morning!" bati sa 'kin ni Elavel sabay akbay, pumasok din si Daillie sa kwarto at tumalon sa kama ko para magpagulong-gulong.

"Breakfast na tayo. Hinintay ko talaga kayong magising para sabay-sabay na tayo," pag-aaya ni Elavel.

"Bakit mas malambot ang kama ni Simile kesa sa tinulugan ko!" panggugulo ni Daillie.

"Sa sahig ka kasi natulog. Nahulog ka sa kalikutan mo," sagot naman ni Elavel.

"Ah kaya pala ang sakit ng noo ko," tuwang-tuwang sagot ni Daillie. Kaya pala mapula noo n'ya, nagbabadyang bukol pala 'yon. "Ang sakit ng ulo ko, bukod sa bukol ko may ginawa ba 'ko kagabi na hindi katangap-tangap sa lipunan?"

Iniisip ko kung ano nga bang pinaggagawa ni Daillie kagabi pero ang sakit din ng ulo ko eh.

Napahawak sa noo si Elavel sabay iling. Kinakabahan ako ah! Bakit ang lakas ng kutob kong may ginawa akong kalokohan kagabi?

"Oh kumusta ang mga lasing kagabi?" biglang pagsulpot ni Errol kaya nagkatinginan kami ni Daillie na parehong naglalakihan ang mata sa kabila ng matinding sakit ng ulo. Uminom ba ako? Madami ba 'kong nainom? Nagwalwal ba ako kagabi? Isip, Simile! Isipin mo kung may nagawa kang kalokohan kagabi.

Walwal queen pa naman kapag nalalasing. Hindi naman siguro, hiya ko lang sa kanila kung susubukan kong maglasing dito at magwalwal. Oo tama, wala akong ginawa kagabi.

Napansin ko si Daillie na parang niri-recall n'ya ang mga nangyari kagabi tapos bigla s'yang nakahinga ng maluwag. Pagtulog lang naman ang ginawa n'ya kasi ako pa mismo ang kasama ni Blaire nang ihatid- teka? Si Blaire? Si Blaire!

"'Wag n'yo akong ibilin sa kanya! Kaya ko ang sarili ko!"

Ano yun? Bigla akong kinabahan sa naalala ko. Anong pinaggagawa ko kagabi? Oh please! Sana wala akong ginawang kahiya-hiya kagabi!

"Nakita n'yo ba si Blaire?" tanong naman ni Niel na bigla na lang sumulpot sa kwarto ko. Ayos! Dito talaga sila nagtipon-tipon sa kwarto ko habang sabog pa buhok ko at hindi pa 'ko nakakamumog.

"Umuwi na sila ni Irish. Si Devo din nagpaalam nang uuwi."

Nanghina ako sa narinig ko. Magkasama silang umalis ni Irish. Si Devo naman umalis na walang paalam, pasaway talaga.

Sabay-sabay kaming nag-almusal at kanina ko pa iniisip kung anong nangyari kagabi.

"Kailan ang balik mo sa Amerika n'yan?" usisa ni Niel habang ngat-ngat ang isang malaking parte ng manok. Walang nagbago sa gana n'yang kumain, nakakabilib.

"Humingi ako ng extension, mga one week ulet."

"May pastillas akong dala!" daldal ni Elavel bago inilapag sa mesa ang anim na pastillas.

Sabay-sabay kaming napatitig sa mga pastillas na 'yon.

"Sobra ng isa," bulong ni Errol na 'kala mo ang lungkot-lungkot.

"Bakit pakiramdam ko may may-ari dapat ng isang pastillas?" murmur ni Daillie. Ang aga-aga pero bigla kaming nakaramdam ng lungkot.

"Nami-miss ko na si Rhea," tumulo ang luha ko nang maalala ko ang isang kaibigang hindi na namin nakikita.

Nasaan na nga ba si Rhea? Bigla na lang s'yang nag-drop out noon kung kailan malapit na ang graduation. Ano bang nangyari sa kanya? Ni hindi man lang s'ya nagparamdam. Tuloy-tuloy ang pagtulo ng luha ko sa lungkot na nararamdaman ko. Gusto kong makita si Rhea.

***

Bumalik kami sa realidad kung saan kailangan na ulit naming maghiwa-hiwalay para ipagpatuloy ang sari-sariling buhay. This is adulthood, saya!

Pagbalik ko sa Manila hindi mawala-wala ang lungkot sa puso ko. Ano ba 'tong nararamdaman ko? Bakit ang lungkot-lungkot ko? Dumating ako sa puntong iyak lang ako ng iyak sa di malamang dahilan, basta ang lungkot ko, di maipaliwanag na lungkot.

Tumawag ang manager ko at nagpaalalang susunduin na lang daw n'ya ako sa airport pagbalik ko ng Amerika. Itong natitira kong mga araw sa Manila ay pahinga ko na lang talaga.

Maliligo na sana ako sa banyo nang sa kamalas-malasan bigla akong nadulas at tumama ang balakang ko sa sahig. Badtrip! Ang lakas ng iyak ko sa sakit eh. Ano ba namang kamalasan na 'to at magkaka-injury pa ata ako. Sinikap kong bumangon at ayusin ang suot kong tapis. Gusto kong paulanan ng kamehame wave ang tiles na 'to!

Sa sobrang sakit ng balakang ko namimilipit ako sa sakit kahit sabihing nakabangon pa ako. Sinong hihingian ko ng tulong? Iyak pa rin ako ng iyak sa sakit.

Kailangan ko ng tulong.

***

"Baldado ka na ba, friend?" pang-aasar ni Daillie pagkasilip n'ya sa 'kin. Bakit ba dinalaw pa 'ko nito sa ospital.

"Maya-maya lang makakabangon na ako dito para sakalin ka, friend," sagot ko kay Daillie.

"Ay friend ang violent mo talaga. Etong grapes para tumamis naman yang maasim mong muka."

Nandito rin sina Elavel at Errol na nagbabantay sa 'kin mula pa kagabi.

"Ang daming reporter sa labas, nakikibalita. Tinatanong kung seryoso ba daw ang injury mo at kung makakatakbo ka ba daw ulit?" seryosong balita ni Errol.

Naloko na. Ang career ko! Maiyak-iyak ako kapag naiisip kong baka hindi na ako makatakbo dahil dito. Kasalanan 'to ng talampakan kong nadulas sa hindi naman kadulas-dulas ng tiles ng banyo.

"Buti na lang dumating sina Elavel para saklolohan ka," daldal ulit ni Daillie.

"Tinawagan na lang n'ya kami noong naka-admit na s'ya dito," sagot ni Errol.

"Oh? Buti nakalakad ka pa papuntang ospital?"

Nagtakip na lang ako ng muka dahil hindi ko alam kung pa'no ikukwento sa kanila.

Lalo pa akong nagtago sa ilalim ng kumot nang pumasok ang doktor ko.

"Kumusta ang pasyente ko?"

Inangat ko ang takip sa muka ko at sinilip ang dumating. Nang aktong nagtama ang mata namin ni Blaire parehas kaming nag-iwasan ng tingin.  Hiyang-hiya ako promise. Bakit feeling ko pati s'ya naalala n'ya rin yung nangyari?

"Si Blaire ang doktor mo?" gulat na gulat si Daillie kaso may ikagugulat pa 'to tiyak.

"S'ya din ang nagdala dito sa kaibigan nating lampa," dugtong pa ni Elavel.

Medyo inangat ni Daillie ang kumot ko para kausapin ako, "friend, saan ka nga ulit nadulas?"

"Sa banyo, bakit?" iritable kong sagot. Bakit ba ang dami n'yang tanong?

"So wala kang suot na damit nun? Friend, aksidente ba talaga 'yon o-"

"Tandaan mo ang araw na 'to chararat! Kapag gumaling ako ilalabas ko lahat ng pinakatinatago mong picture noong mga bata pa tayo," desperada kong banta sa kanya para tumigil na s'ya sa pang-aasar.

"Hindi ka na mabiro. Ito na nga oh tatayo na para makapag-usap na kayo ng Doc. O pa'no, dyan lang kami sa labas."

Umalis sa tabi ko si Daillie at niyaya palabas sina Errol at Elavel. So kami na lang talaga ni Blaire ang nandito. Hindi pa rin ako makatingin sa kanya.

"Blaire?"

"Napatawag ka?"

Ilang beses ko nang tinatawagan si Elavel pero ayaw n'yang sagutin. Ala siete pa lang ng gabi bakit hindi n'ya sagutin ang tawag ko! Iba talaga kapag may asawa na oh!

"Busy ka ba?" namimilipit na ako sa sakit pero nahihiya pa rin akong magsabi na kailangan ko ng tulong.

"Nasa bahay ako. May nangyari ba?"

Nagtuloy-tuloy na ang pag-iyak ko dahil sa sobrang sakit ng balakang ko, "nadulas ako sa banyo."

"Pupuntahan kita pero kung kaya mong humingi ng tulong sa hotel-"

"Ayoko. Nakatapis lang ako."

Umiyak ulit ako kasi bukod sa sakit hiyang-hiya rin ako at hindi malaman ang gagawin.

"Ha? Sige pupuntahan kita."

"Ha! Dahil ba nakatapis lang ako!"

"Baliw! Diba kailangan mo ng tulong!" Uminit ang muka ko sa mga pinag-uusapan namin, pa'no pa kaya pagdating n'ya mamaya?

Siguro ilang minuto lang ay nagdoorbell s'ya pero hindi na ako makatayo sa sakit. Gumapang na lang ako para mapagbuksan s'ya at hiyang-hiya ako sa kanya.

Binuhat n'ya ako at inihiga sa sofa bago hinanap ang kwarto ko, tinanong n'ya kung nasaan ang mga damit ko.

Iyak ako nang iyak ngayon na hindi na dahil sa sakit kundi sa kahihiyan. Gusto n'ya akong bihisan ngayon. Hikbi na ako ng hikbi dahil sa kakaiyak.

"Calm down. May ambulance na sa baba at may stretcher na sa labas ng kwarto mo. Magsuot ka muna ng damit."

"Gusto mong magpalit ako ng damit? Alam mo bang sobrang sakit ng katawan ko? Tsaka lalake ka, babae ako!"

"Marami na 'kong nakitang ganyan kaya please bibihisan na kita," malumanay n'yang pakikiusap.

"Marami ka nang nakita! Paanong marami e hindi ka naman OB-Gyne!"

"Tatawag ako ng pwedeng magbihis sa 'yo," akto na sanang magda-dial s'ya kaso napahagulgol na naman ako.

"Si Irish ba ang tinatawagan mo? 'Wag ang girlfriend mo," sabay singhot ko ng sipon.

"Wala akong number n'ya at hindi ko s'ya girlfriend."

Bigla kaming tumahimik dahil bigla akong na-awkward. Tinitigan n'ya ako at sobra n'yang seryoso. Bakit biglang sumigla ang puso ko kahit sobrang sakit ng balakang ko.

"B-Bakit ganyan ka makatingin!" paninindak ko. Badtrip kasi yung tingin n'ya eh!

Napasapo sa noo si Blaire at binihisan ako, sinuot n'ya ang damit ko na hindi tinatanggal ang tapis ko sa loob bago n'ya ako sinuotan ng panjama bago n'ya inalis ang tapis ko.

"Kumusta?" tanong ulit ni Blaire sa 'kin pero heto ako pawisan lang sa kahihiyan.

"Natatakot ako. Baka hindi na ako makatakbo eh," umiyak na naman ako habang nasa ilalim pa rin ng kumot, itinatago ang muka ko sa kanya.

Lumapit s'ya at hinaplos ang buhok ko. Inalis n'ya ang kumot sa muka ko at tinitigan ako.

May pumasok na isa pang doktor at nag-wave sa 'kin. Mukang close sila ni Blaire.

"Hi! Totoo nga naka-admit ka dito. Pwedeng humingi ng autograph? Ako nga pala si Doc Elmer. Kapag kailangan mo 'ko tawagan mo lang ako," bubbly n'yang pagpapakilala kaya ayun napatango na lang ako.

"Kumusta po?"

"Sinundan mo pa talaga ako dito noh? Nagpapahinga ang pasyente ko, labas," cold na pagkakasabi ni Blaire pero tinawanan lang s'ya ng doktor na 'to sabay akbay sa kanya.

"Trending ka p're sa social media ah," asar ni Doc Elmer kaya napaisip ako kung pa'nong trending si Blaire. Kinuha ko ang phone ko at nagbukas ng net. Oh my gulay! Bakit puro muka ko ang nakikita ko! Binasa ko yung unang article. Yung tungkol pala kagabi. Oh my siomai! Pati si Blaire nadamay na. Sa ilang oras lang nadiskubre na nilang sa iisa kaming High School nag-aral at mag-ex kaming dalawa. 

Spicy siomai!  Teka! Bakit may nakagawa agad ng fan fiction tungkol sa 'ming dalawa?  Ano kami mga celebrity?  Ang tataba naman ng mga utak nila oh!  Basahin ko nga mamaya baka naman exciting.

"Ikaw pala ang punot-dulo ng lahat," seryosong sabi ni doc Elmer.

"Punot-dulo?"

"Kaya pala hindi na na-inlove ulit 'tong kaibigan ko kasi hindi maka-get over sa 'yo.  At least panatag na 'kong lalake talaga s'ya hahaha."

Medyo ilang cold seconds ang naramdaman ko,  masama ang tingin ni Blaire kay doc Elmer.

"May girlfriend s'yang iba. Si miss Irish, yung sikat na figure skater," pagsakay ko sa mga biruan pero tinawanan lang ako ni Doc Elmer.

"Ah hindi naman sila ni Iri—" hindi pa man din tapos magsalita si doc Elmer ay hinatak na s'ya ni Blaire para lumabas ng kwarto.

Ang awkward bigla nang kaming dalawa na lang ulit ang naiwan para makapag-usap.  Hindi pa rin kami makatingin sa isa't isa.  Nag-iiwasan kami ng tingin.

"Makakatakbo ba ulit ako?" seryoso kong tanong para mawala yung awkwardness na namumuo sa kwartong 'to.

Naramdaman ko ang lalong pagkaseryoso ng aura ni Blaire kaya medyo kinabahan ako.  Career ko kasi ang nakataya dito.  Pa'no kung sa isang iglap ay mawala ang lahat?  Kaya ko ba 'yon?

"Kailangang kang maoperahan. May fracture akong nakita, lalagyan ko ng bakal. Hindi lang siguro yung pagkadulas mo ang underlying cause nito, maybe may mga previous kang incident sa pagkahulog. Kung tungkol sa recovery mo ang pag-uusapan para makabalik ka sa pagtakbo, baka matagalan."

Hindi ako naka-imik sa mga narinig ko, pakiramdam ko kasi naputulan ako ng pakpak. Ang hirap tanggapin na hindi mo magagawa ang bagay na gustong-gusto mo sa loob ng mahabang panahon.

Tumutulo ang luha ko pero ayokong humikbi dahil ayokong may makarinig sa 'kin, sa sakit na nararamdaman ko.

"G-Gusto ko munang mapag-isa," pakiusap ko habang pigil na pigil na marinig n'ya ang paghikbi ko.

Nang maramdaman kong mag-isa na lang ako sa kwarto, sumabog na 'ko, iniyak ko ng sobrang lakas kaso paglingon ko hindi pala ako nag-iisa. Nakaupo sa tabi ko si Blaire.

"Sabi ko gusto kong mapag-isa," humihikbi-hikbi kong pananaboy.

"Walang magagawa ang pag-iyak," seryoso n'yang sabi kaya napatingin ako sa kanya ng masama. Parang hindi kasi magandang pakinggan sa ganitong sitwasyon, naiinis tuloy ako sa kanya, hindi s'ya nakakatulong.

"Kung ayaw mo 'kong makitang umiiyak edi lumabas ka!" bara ko at tuloy-tuloy na naman ang pagtulo ng luha ko, una dahil sa nangyari sa 'kin at pangalawa, ang tungkol sa 'min.

"Fracture lang yan, pagkatapos mong maoperahan paggising mo makikita mo pa rin mga mahal mo sa buhay, may pamilya ka pa rin."

Natigilan ako dahil kinukumpara n'ya ang nangyari sa kanya sa sitwasyon ko ngayon.

"Kung umiyak ka ngayon parang katapusan na ng mundo," naiinis n'yang sermon sa 'kin kaya lalo akong umiyak. Nakakabadtrip s'ya! Hindi ba pwedeng ilabas ko 'tong sama ng loob ko? Wala na ba akong kalayaang umiyak? May batas na bang nagsasabing bawal kong ipakita ang sama ng loob ko? Bakit bawal akong umiyak?

"Sorry.  I didn't mean that,  medy—"

"Lumabas ka na!" galit kong sabi bago nagtakip ng kumot. Ayoko s'yang makita ngayon o bukas o sa mga susunod pang araw! Ayoko na s'yang makita habang-buhay!

"After ng operation hindi mabilis ang recovery para makabalik ka sa pagtakbo. Iiyak ka na lang ba habang nagpapagaling?"

"Kung makapagsalita ka parang wala na 'kong karapatang malungkot. Oo alam ko mas mabigat pinagdaanan mo kesa sa nararanasan ko ngayon pero wala kang karapatang sabihing 'wag akong umiyak dahil hindi ako makakatakbo ng mahabang panahon. Hindi mo rin alam kung ga'no kahalaga sa 'kin ang pagtakbo. Yun lang naman ang tumulong sa 'kin para hindi ako magmukmok sa bahay noon sa pag-aakalang patay ka na. Hindi mo rin alam kung anong pinagdaanan ko kaya 'wag kang umasta na parang ikaw lang ang nahirapan. Get lost!"

"Hindi ako nakikipagkumpitensya kung sino sa 'tin ang mas nahirapan. Pasensya na."

"Sinusumbat mo!"

Kumuha ako ng unan para ibato sa kanya dahil sa sobrang inis ko.

"Kung isusumbat mo sa 'kin ngayon lahat, gawin mo na hindi 'yong pati pag-iyak ko pagagalitan mo 'ko! Hindi mo ba alam kung pa'no ako kinain ng guilt ko noon! Pakiramdam ko noon pinatay kita!" buong lakas kong sigaw.

Nakita ko ang pagtitimpi n'ya pero mukang napuno na s'ya. Masyado atang mabigat pag-usapan ngayon ang mga nangyari sa amin noon.

Baka pareho pa kaming hindi handa.

"Sige, gusto mong isumbat ko? Iniwan mo 'ko at ayoko mang isipin, kasalanan mo kung bakit ako nasagasaan. Alam mo ba ang pakiramdam na gumising na walang maalala? Alam mo ba ang pakiramdam na malaman mong may pamilya ka pala pero inabanduna ka na? Sabihin mo sa 'kin kung kaya mong magpanggap na hindi makaalala sa harap ng taong mahal mo at hayaan s'ya na may kasamang iba!"

Kitang-kita ko ang galit kay Blaire pero nagtitimpi lang s'ya at nagpunas s'ya ng luha. Parang pinupunit ang puso ko ngayon, nasaktan ko na naman s'ya. Bakit parang ang sama-sama ko? 

"Hindi ko na alam ang gagawin ko. Kahit gusto pa nating maayos 'to sirang-sira na tayo. Hindi na mabubura 'yong sakit na ginawa natin sa isa't isa."

Umiiyak sa harap ko si Blaire at wala akong magawa. Lahat ng galit ko kanina nawala na lang bigla. Anong nangyari? Nasaan na 'yong dating kami na napaka-inosente sa mundo? Na masaya na sa holding hands at pagkain ng sabay sa canteen. Bakit nag-uusap kami ngayon at puro masasakit na alaala ang nauungkat? Wala ba kaming pinagsamahang masaya kami pareho? 'Yong taong minahal ko pala ay hindi puro pagmamahal ang naibigay ko kundi masasakit na alaala.

Nasasaktan akong isipin na sana hindi na lang n'ya ako nakilala, baka hindi ganyan ang sinapit n'ya. Kasalanan ko lahat. Kasalanan ko kung bakit s'ya ganyan ngayon. Masaya siguro s'ya kung walang Simile na nabuhay sa mundo n'ya.

Naiinis ako sa sarili ko. 'Yong dating guilt na kumain sa 'kin ng buong-buo noon bumabalik na naman. Sana this time, kayanin ko ulit. Kaso baka sumuko na 'ko. Ang bigat-bigat na. Hindi ko na ata kaya. Tama na.

Dearest Fancy Readers 💋

Palapit na nang palapit ang ending whaaaaa.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko. Kahit gusto pa nating maayos 'to sirang-sira na tayo. Hindi na mabubura 'yong sakit na ginawa natin sa isa't isa."

Naiyak ako sa parteng yan promise. Bakit ang bigat 😭😭

One more thing, please don't expect for book two, I don't want to make you wait for another six years.

Love and peace everyone 🎶

Continue Reading

You'll Also Like

124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
3.4M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
15.1M 677K 75
(FHS#1) Braylee wants to make her friends happy, Denver wants to get some sleep. She's hell-bent on making the world a better place while he's desper...