Psycho next door

Autorstwa Serialsleeper

4.3M 203K 106K

Cosima Sanctuary is a one of a kind safe house for teenage survivors, but when they realize that one of them... Więcej

Prologue
1 : The fighter
2 : The two sides of the shield
3 : The Director
4 : The wretched
5 : The thing about crowns and daggers
6 : Combat Night
7 : The vulture
8 : The Task
9 : The other side
10 : The Repercussion
11 : The Puppeteer
12 : Tables Turned
13 : The Anchor
14 : The leader of the wretched
15 : Mischief
16 : Salvo
17 : The Wake
18 : Behind enemy lines
19 : The devil's children
20 : Freaks
21 : Fight now, cry later
22 : On the way
23 : Mark my words
24 : Never leave my sight
25 : Survivors
26 : Criminals
27 : The Annihilator
28 : The Other Side
30 : Kleya is a Gun
31 : This is how I fight
32 : Fragile
33 : Connections
34 : I will protect you
35 : A sigh
36 : The last straw
37 : Facade
38 : Deadly Consequences
39 : Moral Compass
40 : Daddy's little Psycho
41 : Army of evil
42 : The Truth that hurts
43 : Family ties
44 : The Guardian
45 : The Missing Piece
46 : The only thing that matters
47 : Gaslight
48 : The should haves
Epilogue 1 of 2
Epilogue 2 of 2

29 : Alison

65.1K 3.4K 1.5K
Autorstwa Serialsleeper



       "It's a hotel! Riverbank is an abandoned hotel!" Sigaw ni Cloud habang nakatitig sa kanyang cellphone dahilan para agad maihinto ni Wolfgang ang sasakyan. Lahat silay napatingin kay Cloud, maliban lamang kay Kleya na higit dalawang oras nang nakatulala buong byahe matapos silang makaalis mula sa orphanage.

      "An abandoned hotel? They want us to go to an abandoned hotel?" kunot-noong bulalas ni Tasha at agad na nakisilip sa cellphone nito.

       "Wait, it makes sense! Maybe it's another branch of Cosima, no one could tell na isang safe refuge ang isang abandoned hotel!" giit ni Ruela na tila ba muling nabuhayan ng loob.

      Lumingon si Tasha sa direksyon ni Kleya at nakaramdam siya ng awa para sa dalaga nang makitang tila ba wala ito sa sarili. "Kleya, what do you think?" tanong ni Tasha ngunit sa pagkakataong ito'y may malambot na itong ekspresyon at pananalita para kay Kleya.

       Hindi kumibo si Kleya kaya napabuntong-hininga na lamang si Tasha. Nagkatinginan silang lahat at nagsitanguan, buo ang pasya sa lugar na pupuntahan.


****

      "Seems like she really cared for that nun, huh?" Mahinang sambit ni Wolfgang kay Tasha.

       "Shut up and focus on the road," Napabuntong-hininga si Tasha at muling sinulyapan ang natutulog na si Kleya sa backseat sa pamamagitan ng rear-view mirror.  Katabi ni Kleya ang natutulog ding sina Cloud at Ruela.

       "Okay," ngumisi si Wolfgang at ibinalik ang tingin sa daang tinatahak. Gabi na ngunit patuloy parin siya sa pagmamaneho samantalang ang mga kasamahan naman ang nagbabantay kung may sasakyan bang nakasunod sa kanila.

       "It's already 11pm, sabihin mo lang kung inaantok ka na. We could always pull over, tutal malapit-lapit na tayo dun sa Riverbank Hotel," suhestyon ni Tasha dahilan mas lalong mapangisi si Wolfgang.

       Sumulyap sa kanya ang binata. "That's really sweet of you, Tasha."

       "Dude, i'm not worried about you, i'm worried na baka ma-aksidente tayo," giit ni Tasha at sarkastikong nginitian ang binata bagay na agad ikinalaho ng ngisi nito.

       "Sabi ko nga," mahinang sambit ng dismayadong si Wolfgang sa kanyang sarili.

       Napasandal si Tasha sa kinauupuan at lihim na napangiti dahil sa tinuran ng binata.  Ihinilig niya ang ulo sa direksyon ng binata at laking gulat niya nang bigla na lamang luminaw ang isang nakabubulag na liwanag ng isang sasakyan sa kanilang gilid. "Wolfgang!" Agad na napatili si Tasha nang makita ang sasakyang sasalpok na sa kanila.


***

        Walang humpay ang busina ng sasakyan, dahil dito ay tuluyang nagising si Wolfgang. Duguan ang binata at hindi halos makagalaw, pilit niyang inalala ang mga nangyari at agad siyang nabuhayan ng ulirat nang mapagtantong nakataob na ang sasakyan at kasalukuyan siyang nakabitin nang baliktad dahil sa suot na seatbelt.

       "Tasha?!" bulalas niya nang hindi niya ito makita sa kanyang tabi. Agad siyang napalinga-linga at laking gulat niya nang makita ang isang malaking truck na paalis nang mabilis. Pilit siyang lumingon sa likuran at tanging ang walang malay na si Cloud na lamang ang nakita niya rito.

        "C-cloud... Cloud si Tasha..." pilit na nagsasalita si Wolfgang ngunit muli siyang nawawalan ng lakas at ulirat. 


***


          "Teka si Wolfgang ba 'to?! Shit si Wolfgang 'to! Sigurado ako!"

           "Si Cloud!"

           "Asan si Kleya?! Kleya?! Kleya?!"

           "Wolfgang! Wolfgang gising!" Namulat si Wolfgang dahil sa isang pamilyar na boses. Idinilat niya ang mga mata at nakita niyang binubuhat siya ng dalawang lalake paalis mula sa sasakyang nakataob. Pinaupo siya ng mga ito sa damuhan, sa ilalim ng isang malaking puno, sa tabi ng walang malay na si Cloud. Malabo pa ang kanyang paningin kaya paulit-ulit niyang kinurapkurap ang mga mata hanggang sa tuluyang rumehistro sa kanyang paningin sina Shawn at Miller.

          "Anong nangyari?! Asan sina Kleya?!" Tiim-bagang na bulalas ni Miller, desperado sa isang sagot.

         "S-someone took them, i-it was a woman," hinang-hinang napasagod si Cloud na muling nagkaroon ng malay.

         "Baka hindi pa sila nakakalayo! Hanapin natin sila!" Sigaw naman ni Shawn at agad na nagtatakbo patungo sa kanilang motorsiklo.


****

        Unti-unting idinilat ni Tasha ang kanyang mga mata. Napakasakit ng kanyang ulo at nagsisirko-sirko ang kanyang paningin ngunit sa kabila nito ay pilit niyang kinurap-kurap ang mga mata. Nilibot niya ang kanyang paningin at laking gulat na lamang niya nang mapagtantong nasa isa loob sila ng isang maliit na silid na puno ng mga aparador, sinubukan niyang gumalaw ngunit hindi niya magawa dahil nakaupo siya sa malamig na sahig at nakaposas ang kanyang mga kamay sa dingding. Sinubukan niyang magpumiglas at nanlaki ang kanyang mga mata nang mapagtantong gawa ang dingding sa isang makapal na uri ng metal; nasa loob sila ng isang truck! 

        Nasa loob sila ng isang truck at tanging ang pinagkukunan nila ng liwanag ay isang maliit na gasera sa sahig.

        "You coward! Pakawalan mo ako at magtuos tayo nang maayos! Fight me you bitch!" Narinig ni Tasha ang boses ni Kleya at nakita niya ito sa kabilang dulo ng silid, nakaposas ang mga kamay nito sa isang malaking aparador.

         "What do you want from us?! We didn't do anything to you!" sigaw naman ni Ruella na nasa hindi kalayuan, nakaposas din ito sa isa sa mga aparador.

         Nag-angat ng tingin si Tasha at nakita niya ang isang babaeng hindi masyadong matanda kumpara sa kanila. Balingkinitan ito at may magandang pagmumukha, ngunit kapansin-pansin ang mala-demonyong ngisi sa pagmumukha nito habang hawak ang isang baril.

        "How convenient that the three of you have blue hair," sarkastiko itong ngumisi. "Anyway, Pakakawalan ko lang kayo oras na malaman ko kung sino sa inyo si Alison," dagdag pa nito dahilan para agad magkatinginan sina Tasha, Ruela, at Kleya. Kapwa kunot-noo at walang kaide-ideya sa itinatanong nito.

        "W-we don't know her! Just let us go!" giit ni Tasha at muling nagpumiglas.

        "Oh boo-hoo," sarkastikong umiyak ang babae ngunit mabilis na bumalik ang ngisi sa mukha nito. "Also, could you please tell me who killed Ninong? Ninang's pretty fucked up for losing her husband so I might as well kill two pathetic birds with one gun," sambit nito at dinilaan ang dulo ng baril na hawak saka humalakhak sabay kasa nito.

        "Now, who the hell is Alison?" tanong muli ng babae at sa pagkakataong ito ay bigla niyang itintutok ang baril sa noo ni Tasha.

        "Oh my God!" Agad na napaiyak si Tasha at napapikit nang maramdaman ang dulo ng baril na nakadampi sa kanyang noo. Napakalakas nang kabog ng kanyang puso dahil sa matinding takot. 

        "Ako! Ako si Alison!" umalingawngaw ang napakalakas na sigaw ni Ruela dahilan para agad mapahakbang paatras ang babae at mailayo ang baril mula sa kay Tasha. Si Tasha naman ay agad na napasinghap kasabay ng pagragasa ng kanyang luha dahil sa matinding takot.

        Lumapit ang babae sa direksyon ni Ruela. Lumuluha man, taas-noo si Ruela na napatingin sa babae. "I'm Alison! Pakawalan mo na kami!"

        Agad na pinulot ng babae ang gasera at inilapit ito sa mukha ni Ruela.

       "Hmmm," matamang pinagmasdan ng babae ang mukha ni Ruela. Tinitigan niya ang kulay asul nitong buhok, papunta sa mukha, hanggang sa mga mata nito. Matagal niyang tinitigan ang mga mata ni Ruela at sa isang iglap ay walang habas na binaril ito sa noo.

        Umalingawngaw ang napakalakas ng putok ng baril at kasunod nito ang pagtalsik ng dugo at utak ni Ruela sa dingding ng truck. Napatulala si Kleya sa nasaksihan samantalang agad na nagsisigaw at nagwala si Tasha dahil sa nasaksihan.

       "You don't look like Alison," sambit ng babae at hinipan ang usok na lumalabas mula sa baril.

       "Ruela! Ruela!" walang humpay sa pag-iyak si Tasha sa harapan ng ngayo'y bangkay nang si Ruela.

       "Now who among you is the real Alison?" tanong ng babae at sa puntong iyon ay agad na napatingin ang umiiyak na si Tasha sa direksyon ng naguguluhan ding si Kleya.



END OF CHAPTER 29!

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3

        

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

1.9M 103K 33
Sampu silang umalis, sampu rin silang bumalik. Ang hindi nila alam, isa sa kanila ang naiwan. Sino ang nagbabalatkayo? Sino ang hunyango? (Watty Awar...
306K 7.9K 14
"Saan napunta ang kanilang mga katawan?"
6.2M 218K 50
Si Serenity ay isang manunulat na bigo sa pag-ibig. Ginamit niya ang sakit na naramdaman niya para gumawa ng isang nobelang magbibigay sa kanya ng ka...
694K 47.2K 44
Crime and murder podcaster Wren Lozarte is desperate to earn money for her ailing uncle so she accepts a strange but high-paying offer from a mysteri...