Eva's POV
"Ano? Wala ka bang balak gisingin ang mga kapatid mo?" biglang tanong sa akin ni Trinity.
Minsan talaga gusto kong hambalusin to ng malapad na sitck sa mukha eh! Wala man lang galang sa mas matanda sa kanya! Oh well wala din naman pala ako nun.
Napatingin naman ako sa kanya ng malamig.
"Bat mo ba pinapakealamanan mga kapatid ko? Matulog sila hanggat gusto nila. Wala akong pake. Tsaka pakealamanan mo kapatid mo, wag ang mga kapatid ko." malamig na sagot ko dito at nakatanggap naman akong ng irap mula sa kanya.
Eh kung tusukin ko yan mga mata mo, tignan lang natin kung magamit mo pa yan sa pag-irap sa akin.
"nagtanong lang eh." nanlulumong sagoy nito sa akin
"dapat ba kasing tinatanong mo ang mga bagay na iyon?" taas kilay kong tanong at napapout naman sya sa tanong ko.
Oh ayan! Nawala na ang panlalamig sa boses ko! Tanging pagsusungit nalang ang natira.
Hindi na sumagot pa si Trinity bagkus ay naupo nalang ito at nanood ng TV.
Nasa sala kasi kaming dalawa. Lagi naman kasing ganito ang routine namin dalawa. Kung hindi sya ang mauunang gumising, ako. Kung hindi naman ako, sya. Kaya lagi kaming nagkakainisan tuwing umaga. Natalo nga lang sya ngayon araw na ito.
At alam nyo. Buti nakakaya namin ang tumira sa iisang bahay. Wala pa si Celes dito ah? Paano nalang kung nandito yun! Jusko! Baka hindi nalang inisan ang mangyari dito!
"Kung bakit kasi napaka-late nilabng gumising! Haist! Isa pa yung lintik na Grant!" rinig kong bulong ni Trinity.
Eh ano ba kasing prinoproblema nito kung late sila magising? Hayy ewan ko sa babaeng to!
Hanggang sa nagsilabasan ang tatlong ugok na tulog mantika na kasalukuyan kinukuskos ang mga mata. Napailing nalang ako sa itsura nila.
Kasi gulo-gulo ang buhok, tapos yung mga damit nila hayyyyyyy... Siguro kung ibang tao ang mga nandito, lalong-lalo na kung mga babae? Jusko! Baka maglaway sila sa mga makikita nila o baka naman mapunta pa sa point na reypin na nila ang tatlong ugok na to.
Ganito pala ang lalake pag natutulog. Sando at boxer lang sapat na. Iniimagine ko tuloy si Papa pag nakaganyan-- PFFFTTHAHAHAHAHA!!! I CAN'T STOP IMAGINING!!!
"ngiting may pinagnanasaahan.." biglang sambit ni Trinity kaya naman ay agad na nawala ang ngiti ko.
***
Nandito kami ngayon sa harap na hapagkainan at si Saviahna nalang ang kulang.
"Oh? May balak ba kayong tawagin ang prinsesa?" taas kilay kong tanong at napatingin naman sina Trinity at Ivan kay Cross na sya naman talaga ang nakakalapit dito. Kasi ayaw ipalapit sa amin!
Napaka-possessive masyado! Samantalang eh bloodline nya lang naman ito! Para nyang pagmamay-ari kung umasta. Kaya tong kapatid ni Trinity, magmula nung araw na nagkikita-kita kami ay hindi pa ito nakalapit kay Sav at nakausap man lang.
"Don't look at ne like that.." cold na sagot ni Cross.
"HIMALA!!!" sabay na bigkas nina Ivan at Trinity
Himala nga! Anyare sa taong to?? Parang wala sa mood??? At parang malalim ang iniisip???
"Oh Grant! Pagkakataon mo na! Tumanggi siya oh! Kaya GO!" sabi ni Trinity at binugaw ang kapatid nito.
Halata naman sa mukha nito ang gulat pero kalaunan ay napangiti din ito, sa kadahilanang makakalapit na ito.
Nang akmang tatayo ito ay...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Hindi nyo na ako kailangan tawagin." inaantok na sambit ng kasalukuyang naglalakad na parang zombie na Saviahna.
"Hala Sav! Anong nangyari dyan sa mata mo??? Bat anlaki ng eyebags mo?!?! Nakatulog ka ba ng maayos?!?! Okay ka lang?!?!" nag-aalalang tanong ni Trinity sa Saviahna na na nakaupo na pero imbes na sa tabi ni Cross ay sa tabi ni Grant ito naupo.
Ganito yung formation namin oh:
AKO
IVAN. T TRINITY
A
CROSS B GRANT
L
VACANT E SAVIAHNA
VACANT
"okay lang ako Ate. Hindi lang nakatulog na maayos.." inaantok na sagot nito.
"bakit? Meron bang bumabagabag sayo kagabi kaya ka di nakatulog??" nag-aalalang tanong ni Grant kay Sav at napqnsin namin napasulyap ito kay Cross bago sumagot.
"tsk. Oo. Anlaki ng bumabagabag sa akin. Na halos wala na akong tulog kasi hindi nasagot ang tanong ko. At nang dahil lang sa hindi nasagot ang tanong ko ganito ang nangyari. Nakikita nyo naman." matigas na sagot ni Saviahna at tumayo ito at umalis ng kitchen at sumunod din tayo si Grant at sinundan nya ito.
"what just happen??" litong-litong tanong ni Trinity sa sarili nito.
"puro kayo kadramahan sa buhay. Eva pakiabot nga yan ulam sa akin! Nagugutom na ako." walang pakealam na utos ni Ivan at agad ko namna itong tinaasan ng kilay.
"pinanganak kang may kamay at paa. Kaya gamitin mo yan." taas kilay kong sagot. Matapos nun ay bigla din tumayo si Cross at umalis din ng kitchen..
"wag na kaya tayong kumain?? Sumunod na kayong lahat??" taas kilay kong sabi at kung hindi naman pilosopo ang dalawang to ay biglang tumayo at iniwan akong mag-isa sa harap ng hapagkainan.
Napailing nalang ako dahil sa inasta nila. Sana kasi nandito si Celes eh! Para nagagawa ko din ang mga nagagawa nila! Pero kailangan kong tumayong mga magulang nila kasi ako ang pinakamatanda sa amin dito!
****
Sav's POV
"umalis ka nga dito Grant! Ayoko nang istorbo!" taboy ko kay Grant at kasalukuyan syang nasa labas ng kwarto ko at kinakatok ang pintuan ko.
"Dawn naman.. Buksan mo to.. Kung may inaalala ka o may problema ka, pag-usapan natin to.. Makikinig ako sayo.." nag-aalalang sagot ni Grant sa akin na medyo ikinaawa ko. Pero ayoko muna ng paistorbo.
"sino ba kasing maysabi na may problema ako? Kulang lang ako sa tulog! Gusto kong matulog kaya umalis kana muna Grant!" pagtataboy ko ulit dito
"Dawn nam---"
*togsh*
Nagimbal ako nang may marinig akong malakas na kalabog mula sa pader ng kwarto ko kaya naman mabilis akong napatayo at lumabas ng kwarto..
At nagulat ako sa nadatnan ko.
Nakita ko lang naman si Grant na dumudugo ang labi dahil sa pagsuntok ni Cross dito. Mabilis naman akong napalapit at hinawakan ang pisngi nito saka ko tinignan ng masama si Cross..
"Ano bang problema mo hah?! Wala naman ginagawang masama yung tao sayo ah!!" galit na sigaw ko
OO! GALIT AKO! Galit ako dahil sa ginawa nya kay Grant! At galit ako dahil sa di nya pagsagot sa tanong ko kagabi! Syempre! Iniwan nya akong di sinasagot ang tanong ko! At kung ano-ano na ang pumapasok sa isip ko ng mga oras na yun!
Nang bigla nya akong hilahin palapit sa kanya at binuhat na parang sako then hindi ko alam kung anong sumunod na nangyari dahil mabilis itong tumakbo na ikinahilo ko.
*.*.*.*.*.*.*.*.*.*.*
Hi readers!
What can you say about this part???
-Mysterious
(01-09-18)
----------
Don't forget to VOTE and COMMENT..