Vladpire Academy (COMPLETED)

Por Myst_Empress

267K 7.8K 386

Highest Rank: #9 #3 Reincarnation #66 Vampires Matatalim na mga pangil, Mapupulang mga mata, Mga uhaw sa dugo... Más

P R O L O U G U E
CHAPTER 01:
CHAPTER 02:
CHAPTER 03:
CHAPTER 04:
CHAPTER 05:
CHAPTER 06:
CHAPTER 07:
CHAPTER 08:
CHAPTER 09:
CHAPTER 10:
CHAPTER 11:
CHAPTER 12:
CHAPTER 13:
CHAPTER 14:
CHAPTER 15:
CHAPTER 16:
CHAPTER 17:
CHAPTER 18:
CHAPTER 19:
CHAPTER 20:
CHAPTER 21:
CHAPTER 22:
CHAPTER 23:
CHAPTER 24:
CHAPTER 25:
CHAPTER 26:
CHAPTER 27:
CHAPTER 28:
CHAPTER 29:
CHAPTER 30:
CHAPTER 31:
CHAPTER 32:
CHAPTER 33:
CHAPTER 34:
CHAPTER 36:
CHAPTER 37:
CHAPTER 38:
CHAPTER 39:
CHAPTER 40:
CHAPTER 41:
CHAPTER 42:
CHAPTER 43:
CHAPTER 44:
CHAPTER 45:
CHAPTER 46:
CHAPTER 47:
CHAPTER 48:
CHAPTER 49:
CHAPTER 50:
CHAPTER 51:
CHAPTER 52:
CHAPTER 53: Special Chapter for our Main Caharacters
CHAPTER 54:
E P I L O U G U E
CHARACTERS
Author's Note: MUST READ
SEASON 2 STARTS!

CHAPTER 35:

3.7K 108 2
Por Myst_Empress

Sav's POV

Nagising ako dahil sa naramdaman kong mga palad na humihimas sa akin mga pisngi.

Pagmulat ko ay nagulat ako at napayakap sa taong nasa harap ko.

"MA!" sabik na sambit ko habang kayakap sya. Pinisil-pisil ko ang katawan nito kung totoo na ba to o isang panaginip na naman.

At may naramdaman nga ako sa pagpisil ko. It's really my mom!!

"talagang namiss mo ako anak ah.." sabi nito habang hinihimas ang buhok ko. Agad din akong napakalas kay mama sa pagkakayakap.

"grabe ma! Ginulat mo ako! Sobra kitang namiss ma! Alam mo ba yun?! Ma so paanong nangyari to?! Kelan ka nagising?! Alam ba to nina Tita Grace at Tito Travis?! Nandito ba sila?!" sunod-sunod na tanong ko na may pagkagalak na boses, pero ngayon ko lang napansin na wala na pala ako sa silid ni Cross. Bagkus ay nasa isa akong kwarto na medyo may kalumaan na ang kulay at medyo madumi. Kasi may mga spider web pa sa kisame nito.

Well nevermind. As long as nandito si mama.

"wala sila dito anak. Ako lang ang nandito." nakangiting sagot ni mama

"ahhh ganun po ba.." sagot ko nalang at nagpatango-tango.

Agad naman napatayo si mama at may kinuha sa cabinet malapit sa kinahihigaan ko at inilabas ang puting bestida na below the knee.

Grabe! Ilang sabon at detergent kaya ang ginamit dito?! Napakaputi kasi ng kulay! Nakaktakot dumihan!

"Anak isuot mo ito. Palitan mo na yan damit mo. Puro kusot na kasi yan damit mo." sabi ni mama sabay aboy ng bestida sa akin.

"eh ma? Wala na bang iba? Ano kasi. Baka madumihan ko lang yan.." alanganin sagot ko at napangiti naman si mama sa akin.

"ano ka ba! Okay lang yan! Sige na! Isuot mo na to!" natatawang sagot ni mama kaya naman inabot ko nalang ito.

"Oh sya anak! Lalabas na muna ako ah! May aayusin lang ako! Magpalit kana!" paalam ni mama bago lumabas at kagaya ng sinabi nya ay agad akong nagpalit ng damit.

Matapos kong magpalit ng damit ay napag-isip-isip kong lumabas na kwarto.

At paglabas ko namangha ako sa lawang ng bahay na to.

Agad akong bumaba sa hagdan.. Para akong nasa palasyo sa lawang ng hagdan, pero napakadumi naman nitong bahay na to.

"Ma!" tawag ko kay mama pero wala man lang sumagot.

"Ma! Asan ka?!" tawag ko habang palakad-lakad sa baba.

*togsh*

Haist! Sabi nang hindi ko isusuot tong damit! Ayan tuloy! Puro alikabok na!

Agad akong tumayo at pinagpag ang laylayan ng bestida.. Lagot ako neto. Pero buti nalang konting bahid lang ng alikabok ang naiwan.

Agad ko naman pinulot ang dahilan ng pagkakasalampak ko.

Isa pala itong litrato. Litrato ng isang mag-anak.

Dalawang babae at isang lalake na nakaupo sa isang sofa ng pula.

Sino kaya sila???

Agad kong itinabi ang litrato sa isang maliit na cabinet hanggang sa bigla kong naalala ang cellphone ko. Agad naman akong bumalik sa kwarto at kinapkap ang cellphone ko sa bulsa ng skirt ko pero wala ni isang bagay akong makapkap! Aish! Baka nakalimutan ko sa kwarto ni Cross!

Agad naman akong bumaba ulit at lumabas ng bahay. Paglabas ko sumalubong sa akin ang mga naglalakihan puno.

Sandali? Asan ba kasi ako?! Tsaka. Nasaan na ba kasi si Mama?!?!

Hindi naman siguro magagalit si mama kung umalis ako dito noh? Kukunin ko lang naman phone ko, tsaka magpapalit na din. Kasi baka mag-iba kulay nitong damit ko pag pinagpatuloy ko pa itong suotin.

Mabilis akong sumulong sa loob ng mga naglalakihan puno at wala akong ginawa kung hindi tumakbo ng tumakbo at hinanap ang papunta sa Academy.

***

Ano ba yan! Tanga mo talaga Saviahna!!  Ngayon! Paano ka lalabas dito?!?! Haist!!!!

Mag-isip ka Sav! Mag-isip ka ng paraan! Kasi kagagawan at ginusto mo ito!!
.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Hanggang sa may naalala akong binanggit noon ni Ayu..

"nakita mo yung markang nasa leeg ni Cross? Tuwing may hindi magandang mangyayari sayo, iinit yan markang iyan.. Ngayon ko nga lang din napansin yan markang yan.. Angaling Cross.. Naitago mo sa amin ng ilang araw?"

-_-!

Eh??

Si Cross na naman. Pero wala akong magagawa. Sya lang ang naiisip kong makakatulong sa akin.

Agad akong pumikit at inisip ng inisip si Cross.  At sinambit ang mga katagang...

"Cross.. I need you.. Help me.." sabi ko at may malakas na hangin ang biglang sumalubong sa akin.

Pagmulat ko ay nakita ko ang pamilyar na kurba ng katawan. Pag-angat ko ng ulo ko ay nakita ko ang walang emosyon mukha ni Cross.

Pero imbes na masabik ako ay parang kinabahan ako. naistorbo ko ba sya sa pagtawag ko???

Hanggang sa bigla nalang nyang hinapit ang kamay nya sa likod ko at mabilis na hinila at NIYAKAP?!?!?!

Bigla naman bumilis at feeling ko lumakas ang tibok ng puso ko nang dahil sa ginawa nya? O baka naman nang dahil sa kaba??? Haist! Ano ba tong ginagawa mo sa akin Cross?!?! Baka sa sobra lakas at bilis ng tibok ng puso ko ay marinig nya ito!!

'Psh! OA  lang Sav! OA ka masyado!!! Minsan lang to sa Sav! Sulitin mo na!'

Yucks! Landi ko!

Habang mahigpit na nakayakap sa akin Si Cross ay sakto naman ang pagdating nina Queen Celestine, King Evan, Princess Eva, Ivan at ang dalawang babaeng na hindi ko kilala pero yung isa sa kanila ay nababalutan ng tela na may hood at yun isa naman ay babaeng kahawid ni Princess Eva. Sino sila???

"Is this LOVE??" biglang sambit ni Ivan gamit ang nakakalokong ngiti.

"uy Cross.. Kalas na.." bulong ko dito at kumalas naman ito.

"akala ko ba nasa gitna siya ng Vampire World?? Eh wala pa tayo sa gitna eh!" angal na tanong ni Princess Eva

At nakita ko naman na napakamot sa ulo yung babaeng balot na balot.

"mukhang nagkamali ako. Mukhang hindi pa ito ang araw ng pag-aalay.. Mukhang pinaglalaruan na tayo.." sagot ng babae at agad na nakatanggap ng irap ito mula kay Princess Eva

Agad naman lumapit ang babaeng nakahood sa akin at hinawakan ang bandang ulo ko na ikinakilabot ko.

Akmang iwawaksi ko sana ang kamay nya nung pigilan ako ni Cross.

"just let her touch you. She's Ezrah. The Oracle." cold na pigil nito sa akin at tumango naman ako.

Hindi naman nagtagal ang pagakakahawak nya sa ulo ko at agad din naman nya itong inalis.

"someone is coming.." biglang sambit ng isa pang babaeng kamukha ni Princess Eva.

"Oh no. They are Four.." biglang bawi nito habang nakapikit at para niraramdaman ang paligid.

At tama nga sya. Dahil may narinig kaming mga yapak ng paa na mabilis na lumalapit sa amin. Napahawak naman ng mahigpit sa akin si Cross at itinago nya ako sa likod nito.

Eh? Bat ba sya ganito kung kumilos? Masyado syang over protective.. Na dahilan kung bakit nawawala ang puso ko sa sobrang kaba ba? O sa sobrang saya?? Hayy ewan!

Hanggang sa biglang dumating ang mga pamilyar na mag-anak..

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

"Grace.. Travis.." banggit ni King Evan sa mga pangalan nila at napatingin ng masama si Tita Grace sa kanila.

"It's been a long time Evan." matigas na bati ni Tita Grace.

They know each other???

Syempre mga nakatataas sila sa buong Vampire world, kaya bat pa ako magugulat kung magkakilala sila. Wag maging tanga Saviahna.

*.*.*.*.*.*.*.*.*.*.*

Ayan na. Nagkaharap-harap na ang mga matagal na panahon nang hindi nagkita. Anong masasabi nyo sa parteng to?

-Mysterious
(01-06-18)
----------
Don't forget to VOTE and COMMENT..

Seguir leyendo

También te gustarán

21.2M 543K 37
"Do you want to be his favorite obsession?" DAHIL sa isang trahedya, ikinubli ni Virgo ang kagandahang taglay. Itinago niya iyon sa pamamagitan ng pa...
29.1K 1.6K 105
⚔TAMING THE LEGENDARY ASSASIN (S2)⚔ 6years ago .. I lost my family that been my whole world so suddenly... My weakness is my emotions but this weakn...
45.3K 1.5K 53
TAGLISH +++++++++ GANGSTER | BAD BOY | BULLYING | ALL BOYS SCHOOL | MYSTERY | CRIME | DEATH | ACTION | MAFIA | COMEDY | ROMANCE +++++++++ Icy was kno...
510K 12K 78
AOBDI-1st Half It all started when the second generation heiress of multiple companies Demonise Vizuelle received a call from her mother with a task...