Vladpire Academy (COMPLETED)

By Myst_Empress

267K 7.8K 386

Highest Rank: #9 #3 Reincarnation #66 Vampires Matatalim na mga pangil, Mapupulang mga mata, Mga uhaw sa dugo... More

P R O L O U G U E
CHAPTER 01:
CHAPTER 02:
CHAPTER 03:
CHAPTER 04:
CHAPTER 05:
CHAPTER 06:
CHAPTER 07:
CHAPTER 08:
CHAPTER 09:
CHAPTER 10:
CHAPTER 11:
CHAPTER 12:
CHAPTER 13:
CHAPTER 14:
CHAPTER 15:
CHAPTER 16:
CHAPTER 17:
CHAPTER 18:
CHAPTER 19:
CHAPTER 20:
CHAPTER 21:
CHAPTER 22:
CHAPTER 23:
CHAPTER 24:
CHAPTER 25:
CHAPTER 26:
CHAPTER 27:
CHAPTER 28:
CHAPTER 29:
CHAPTER 30:
CHAPTER 31:
CHAPTER 33:
CHAPTER 34:
CHAPTER 35:
CHAPTER 36:
CHAPTER 37:
CHAPTER 38:
CHAPTER 39:
CHAPTER 40:
CHAPTER 41:
CHAPTER 42:
CHAPTER 43:
CHAPTER 44:
CHAPTER 45:
CHAPTER 46:
CHAPTER 47:
CHAPTER 48:
CHAPTER 49:
CHAPTER 50:
CHAPTER 51:
CHAPTER 52:
CHAPTER 53: Special Chapter for our Main Caharacters
CHAPTER 54:
E P I L O U G U E
CHARACTERS
Author's Note: MUST READ
SEASON 2 STARTS!

CHAPTER 32:

3.8K 105 9
By Myst_Empress

Sav's POV

"Saviahna!"

Napalingon ako nang marinig ko ang pagtawag sa pangalan ko.

Halos malaglag ang panga ko sa gulat at saya nang makita ko si mama, kaya naman nagtatatakbo ako papalit sa kanya at niyakap sya ng mahugpit.

"Ma!!! Namiss kita!!!" umiiyak na sabi ko kay mama habang yakap-yakap ko sya ng mahigpit.

Naramdaman ko naman ang malambot na paghimas nya sa ulo ko na talagang namiss ko ng sobra.

"Anak.. I'm sorry.." mahinang sabi ni mama hanggang sa naramdaman ko ang malambot na paghimas nya kanina ay nagiging marahas na.

"Urzia."

Agad naman akong napalayo dito dahil sa takot.

Yung babae na naman!

Nasaan na si mama?!?!

"URZIAAAAAAAA!!!!!!!"

"WAAAAAAAAAAAH!!!!"

"Uy Sav! Sav!"

Halos mapaluha ako nang makita ko si Ayu sa harap ko kaya naman agad ko syang niyakap..

"huy! Panaginip lang yun!" sabi nito sabay tap sa likod kaya naman kumalma na ako agad naman akong kumalas matapos nun.

"ano ba kasing panaginip mo?" tanong ni Ayu sa akin.

"Ah wala yun. Napanaginipan ko lang si mama sa sobrang miss ko sa kanya.." sagot ko nalang kahit hindi naman talaga yun yung saktong napanaginipan ko.

"Ahh ganun ba. Ano ka ba! Magkakasama din kayo ng mama mo!" pagchecheer up sa akin ni Ayu at tumango nalang ako sa kanya sabay ngiti.

"tsaka.... Ano ba kasing nangyari sayo? Nakita ka nalang daw na walang malay sa may hagdan. Mabuti nalang at may mabait na mga estudyante ang nagdala sayo dito." nag-aalalang tanong at paliwanag ni Ayu sa akin.

Should I tell her what happened??? Pero wala naman sigurong masama kung sabihin ko diba?? Tsaka si Ayu naman to eh!

"Ano kasi.. Doon sa hagdan kas-- ahckk"

Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko nung bigla nalang nanakit ang bandang puso ko..

Grabe! Ansakit!!!

"Okay ka lang ba?! Ui Sav!" nag-aalalang tanong ni Ayu hanggang sa nawala din ang sakit kalaunan..

"o-okay na ako.." litong-litong sagot ko

"sure ka?!" nag-aalalang tanong ni Ayu

"oo.. Nawala na yung sakit.." sagot ko habang nakatitig sa kawalan.

"uhm Sav.. Kaya mo na ba? Kasi ano.. Medyo busy kasi kaming mga Council ngayon.." nag-aalangan sabi ni Ayu habang pilit na nakangiti.

Halata naman na bising-bising sila eh..

"oo kaya ko na to!" sagot ko at pilit na ngumiti

"sigurado ka ba??" tanong ulit ni Ayu.

"Oo naman! Ano ka ba! Sus! Ako pa!" nakangiting sagot ko nakita ko naman na napangiti ito sa akin pabalik.

"Oh sya! Sabay na tayong lumabas! Pero hihiwalay din ako ah!" sabi nito at tumango nalang ako.

****

Habang nasa hallway kami ay nagpaalam na sa akin si Ayu at lumakad na sa ibang direksyon habang ako naman ay dumeretso sa building namin nang makasalubong ko si Vivien..

"Sav.." tawag nito sa pangalan ko

Napatingin naman ako dito ay nginitian ito.

Medyo naiilang pa kasi ako sa kanya. Kasi medyo hindi maganda ang last na usap namin.. Remember? Yung araw na nalaman ko ang lahat tungkol sa kanila ni Cross..

(A/n: kung di nyo na maalala balik kayo sa Chapter 19.)

"pwede ba tayong mag-usap Sav?" maalumanay na tanong ni Viv sa akin at tumango naman ako.

Agad naman kaming dumeretso sa garden at umupo sa ilalim ng puno. Ito yung lugar kung saan ang huling usap namin ni Vivien.

Pero para kaming timang dito na nakaupo at mukhang wala ni isa sa amin ang balak na magsimulang magsalita.

"ahm Sav.." tawag sa akin ni Viv

"Hmm?"

"tungkol sa nangyari nung last na nag-usap tayo.." pagsisimula nya

"I'm sorry.." tuloy nya kaya naman napatingin ako sa kanya at nginitian sya.

"sorry din Vivien.." sabi ko dito at napangiti ito sa akin.

Mukhang okay na ah.. Mabuti naman at mabait tong si Vivien.

"ngayon okay na tayo. Siguro naman makikinig kana sa akin. Layuan mo na si Cross. Hindi sya makakabuti sayo." sabi nito sa akin na ikinadismaya ko.

Tss. Akala ko naman nakikipag-ayos na sya. Pero eto na naman sya. Sasabihin layuan ko yung taong hindi ko kayang layuan kasi lagi naman syang nandyan at paano ko lalayuan yung lalakeng yun kung konektado na kami sa isa't-isa.

Agad naman akong napaatras dahil sa inasta nya. Kasi para na syang nababaliw na ewan. Kasi yung kamay nya nanginginig.

"Kaya ka ba nakipag-ayos sa akin para sabihin sa akin yan? Sorry Vivien ah. Pero kahit gaano kasama ang tingin mo sa kanya, hindi ko sya magagawang layuan kagaya ng sinasabi mo. Vivien.. Oo aminado akong may kasungitan si Cross pero ramdam kong hindi nya ako magagawang saktan. Kasi kagaya ng tanong mo sa akin nung last na usap natin, kung bakit ganun nalang nya ako kung protektahan. Lumabas na mismo sa bibig mo ang salitang 'protektahan'. Kaya alam kong hindi nya ako kayang saktan. Dahil nung mga oras na aakalain kong kakagatin nya ako, ang tumatak lang sa isip ko na sinabi nya ay 'I won't bite you, without your permission'... Sa maniwala ka o hindi Vivien.. Sinabi nya ang nga katagang yun.." mahabang pagpapaliwanag ko na ikinakunot ng noo nya.

Napahawak naman sya ng mahigpit sa magkabilang braso ko at pinisil ito. At dahil sa marahas na pagpisil nya ay nakaramdam ako ng konting kirot kaya naman agad kong iwinaksi ang kamay nya..

"bakit?! Bakit andaya nya?! Ano bang meron sayo na wala ako?! Hah! Noong ako yan! He never say those words to me! Oo! Tama ang sinabi ni Cross! Na ako mismo at kagustuhan ko mismo ang pagiging bampira ko na sa pag-aakalang mamahalin nya ako! Pero f*ck! Wala pa din! Pero ikaw?!! Hamak ka lang din naman na tao kagaya ko nun! Pero bakit hindi sya naging patas?! Nagpakita sya ng pagproprotekta sa kabila ng kasamaan nya sayo! Pero ako?! Ginawa nya lang akong blood bank!" galit na galit na sigaw ni Vivien sa akin.

Kinabahan at nanginig ako sa takot nang makita kong namumula na ang kanyang mga mata at nakalabas na ang mga pangil nya sa galit.

"Oh ano?? Natatakot ka?? Kasalanan mo to Sav! Ginalit mo ako!" sabi ni Vivien at unti-unti lumalapit sa akin habang ako naman paatras ng paatras.

No please! Ayoko nito! Ayokong makakita ng Rouges!!

"V-Vivien.. Please.. T-Tama na..." nanginginig kong pakiusap sa kanya.

Ayoko sanang umabot sa puntong ganito. Kasi talagang takot na takot na ako!!!

Napapikit nalang ako sa takot nang..

*togsh*

Pagmulat ko nakita ko ang isang Vivien na nakahilata na ngayon sa may bandang pader at nakita ko ang isang pamilyar na kurba ng likod..

"Cross..." banggit ko sa pangalan nya at napalingon naman ito sa akin saka lumapit at hinablot ang braso ko ngunit hindi kagaya ni Vivien na marahas nyang hinablot ang mga kamay ko kanina, maingat nya lang itong hinawakan.

"Sabi ko naman sayo na lumayo ka sa babaeng to. Tapos ngayon matatakot-takot ka dyan. Napaka-stupid mo talaga!" cold na sabi ni Cross sa akin na may halong pang-iinsulto.

Okay na sana eh..

Pero dahil sa takot ay napaiyak nalang ako at mabilis na napayakap sa kanya.

Kakapalan ko na mukha ko! Kasi talagang mapapaihi na ako dito sa takot!!!

"I HATE YOU BOTH!!" galit na sigaw ni Vivien at mabilis na umalis.

Mabuti naman.. At hindi sya tuluyan naging Rouges..

Kahit na ganun si Vivien sa akin, ayokong ako ang maging dahilan para maturn sya sa pagiging Rouges at sapilitan siyang patayin. Tama na ang nangyari nun. Ayoko nang maulit pa yung nagyaring insidente nung mga oras na maraming Bampira ang naging Rouges ng dahil sa akin.

(A/n: kung hindi nyo maalala yung part na sinabi ni Sav, balik ka sa Chapter 5..)

*.*.*.*.*.*.*.*.*.*.*
Hi readers!

What can you say about this part???

-Mysterious
(01-01-18)
----------
Don't forget to VOTE and COMMENT..

Continue Reading

You'll Also Like

286K 2.5K 6
The life of being rich is not that far from being a normal one. Ressel Camil Buendia, a girl from a rich family is one of the people who lives her li...
1.9M 149K 54
Anna Merliz Callista is a wizard from Fevia Attero. To be born into a prominent wizarding clan should have made her happy, but as someone who was bor...
356K 11.4K 50
Ang hirap siguro ng buhay na wala kang kinilalang tunay na ina at ama. Swerte na lang ang iba dahil may nag-aampon sa kanila. Pero para sayo? Kumplet...
9.4K 630 35
The 20th generation of Miracle. Ang ikalawang beses na muli syang naisilang, ang ikalawang beses na muli nyang babagohin ang lahat, at ang huling bes...