Bulletproof (Querio Series #1)

Barneyeols tarafından

277K 10.7K 899

Kristoff Johannes Querio is a guy a girl can define perfect. Vicious, good looks, golden hair, a body to die... Daha Fazla

Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Wakas
Olivia Emerald Villafuerte

Kabanata 13

4.9K 203 32
Barneyeols tarafından

Kabanata 13

Nung kinaumagahan, naubos na ata ang oras ni Olivia katititig sa kahon ng sapatos sa kanyang harapan. Nawala lang siya sa pag-iisip ng tumunog ang phone niya sa isang mensahe mula kay Clarence.

Clarence: Good morning. Hope you'll like the shoes.

Naguguluhan siya habang binabasa ang mensahe nito. Binuksan niya ang kahon at tiningnan ang sapatos. Pero ang sabi ni Paris...

Napamura si Olivia at agad na sinuot ang sapatos. Malelate na siya at wala.na siyang pake sa sapatos. Patakbo siyang lumabas. Naabutan niyang nakasandal si Paris sa sasakyan at naninigarilyo. Nang makita siya nito ay agad na naubo at tinapakan ang sigarilyo.

"Ma'am!" gulat na gulat na sabi nito at tiningnan ang sapatos niya. "Diba sabi ko na—"

"Ano? Tara na." Nagulat sila sa boses ni Kristoff na nasa likuran nila.

Napailing si Paris at tumango na lang. Tiningnan siya nito bago umikot sa driver's seat. Nagkatinginan sila ni Olivia at kita niya ang pagdiin ng panga ni Kristoff habang nakatingin sa paa niya.

Ano bang issue sa sapatos na 'to?

Binuksan ni Kristoff ang pintuan at pinapasok siya. Nang akala ni Olivia ay papasok na ito. Tumigil lamang ito para ipasok ang ulo niya sa loob at tingnan si Paris.

"Paris. I'll drive." anito at sinara na ang pintuan.

Nakangusong pumasok sa backseat si Paris. Akmang tatanungin na niya ito ng magsalita si Paris at sinamaan siya ng tingin.

"Pa—"

"Galit ako sa'yo, Ma'am. Huwag mo akong kausapin." Parang bata niyang sabi at tiningnan pa ang bintana para lang di siya makausap.

Ngumuso si Olivia at kinuha ang kanyang phone para makapag-internet. Naghanap na lang siya ng pagkakaabalahan hanggang sa makarating sila sa school.

"Paris," tawag ni Kristoff na nilock ang pintuan ng sasakyan.

"Yes, Sir."

"Ikaw ang sasama sa kanya. I'll stay here as the parameter check." he said.

"Yes, Sir!" sigaw niya na tila nahihirapan. Nagtataka na talaga si Olivia sa ikinikilos ng lahat sa kanyang paligid.

Nang hindi na nakatagal ay hinarap niya si Paris na naglalakad sa tabihan niya.

"Anong mayroon, Paris?"

"Anong 'anong mayroon' ang sinasabi mo, Ma'am?"

"Ang weird niyo kaya ng Sir mo? Hello, anong mayroon sa sapatos?" tanong ko.

Tiningnan niya ang sapatos na suot ko.

"Malalaman mo din. Sabi na kasing huwag isuot yan. Ito lang ang nasasabi ko, Ma'am. Maraming pangarap ang nadudurog dahil diyan sa sapatos na 'yan."

"I don't get you. Tell me," naiinis na sabi niya.

Nagkibit balikat si Paris at tinaasan siya ng kilay.

"How I wish I could tell you, Ma'am. Kung alam niyo lang ang pinagdaanan namin kagabi. Ang mabuti pa, bago pa ako masabon dito, pumasok ka na sa loob."

Tumango naman si Olivia at pumasok dahil namataan na niya ang propesor. Pilit niyang inalis sa isip ang big issue na sapatos at kinuha ang cellphone para makapagtext kay Clarence.

Olivia: Thank you for the shoes. I liked it.

Matapos maisend ay agadan ang repky nito.

Clarence: So, can we hang out for lunch? My treat.

Umiling siya at nagtipa ng reply.

Olivia: No need. Let me treat you, this time. I need to say thank you for the shoes though.

Clarence: Then, consider it done.

Nakahinga naman ng maluwag si Olivia, binabalak na niyang ibalik ang sapatos kay Clarence. Simula kasi noong sa Nike, naging weird na ang paligid at aura ng protection squad niya.

Naglakad sila ni Paris sa cafeteria. Umupo siya sa usual spot kung saan siya kumakain at hinintay ang pagdating ni Clarence. Halos mabitawan niya ang hawak na coffee nang makita si Clarence, kasama ang teammates. Kita niya ang pagdikit ng titig ng mga kababaihan sa grupo.

Well, they're the guys who's on tv. Marami din silang fan outside school. Mas lalong nagbulungan ng lumapit sa kanya si Clarence at umupo sa harapan niya.

She just smiled and put her coffee down.

"So, shall we eat?" tanong niya.

Tumango si Clarence at tiningnan ang pagkain sa counter.

"Anong gusto mo? I'll go buy it."

"Oh, no. I told you, right? My treat." Hinawakan ni Olivia ang kamay ng papatayong si Clarence para pigilan ito.

Ngumuso si Clarence at tinapik ang kamay niya na nakahawak sa braso niya. There's a rumor in his face.

"I don't let a woman pay for me. It's no biggie, Olivia."

Wala na siyang nagawa. Pinanood nalang niya ang pagpila sa counter ni Clarence para pumili ng kakainin nila. Napalingon siya sa pintuan kung saan doon nakatayo si Kristoff na nakatingin din kay Clarence. Maya-maya pa'y nilipat nito ang tingin sa kanya kaya naman nag-iwas agad siya ng tingin at tinuon ang paningin sa mga kagrupo ni Clarence na nagtatawanan sa 'di kalayuan.

Shit, bakit ba nakatingin sa akin ang lalaking iyon? Aniya sa kanyang utak. Palagi na lang siyang naguguluhan kay Kristoff. Well, palagi siyang cold nung nakaraan sa kanya kaya naguguluhan siya. Kung hindi siya nagseselos, bakit ganito siya? Pagod sa trabaho? O dahil sa personal matter na pinuntahan niya?

Naputol lang iniisip niya ng dumating si Clarence dala dala ang pagkain nila. Umupo ito sa harap niya, dahilan para matakipan si Kristoff na nasa sa kabilang table lang.

"Umpisa na ulit ng UAAP season this weekend." Umpisa ni Clarence.

Ahh. Kaya siguro may dala dala na siyang gym bag. Sumubo na siya ng kanin at pilit na tinuon lang tingin sa pagkain.

Aksidente namang napatingin si Olivia sa sapatos ni Clarence at napanganga ng mapagtantong couple shoes ang sapatos nila.

Kaya ba ayaw ipasuot ni Paris lang sapatos sa kanya?

"Olivia? Are you listening?" Tanong ni Clarence ng mapansin ang pagkatulala ng dalaga.

"Uh. I forgot to do something for my next class. I need to go. Sorry."

Halos kumaripas siya at 'di na nilingon si Clarence kahit na tumatawag ito. Mabilis niyang sinenyasan si Paris patungo sa kotse.

"The heck, Paris? Bakit hindi mo sinabi?" Sisi niya sa bodyguard.

"Ang alin, Ma'am Olivia?" Nagtatakang tanong into habang kumakain ng burger.

"Na ang sapatos na ito ay couple shoes! Kaya pala panay ang ngisi ng mga kaibigan niya sa amin."

Agad niyang hinubad ang sapatos at tinaas ang paa niya sa backseat at sinamaan ng tingin ang binata.

Natahimik lamang sila ng pumasok sa driver's seat si Kristoff.

"May klase ka pa." Anito sa malamig na boses at 'di man lang siya sinulyapan sa rear view mirror.

Alam ba nila ang tungkol sa sapatos? Kaya siguro panay ang taas ng kilay nila noon nung binili iyon ni Clarence kagabi. Sa inis niya, wala na siyang pakialam kung mag-away sila ni Kristoff.

"Sa tingin mo papasok ako sa klase ko nang suot ang sapatos na 'yan?" Galit na tanong niya.

"Bakit? Mukhang wala namang issue sayo ang sapatos na iyon kaninang umaga? Anong pinagkaiba noon?" manghang tanong ni Kristoff.

Napanganga si Olivia sa binata. The heck? Bakit ba issue ang sapatos na iyon? Tahimik lang si Paris na nanonood sa kanila. Sinalikop ni Olivia ang buhok niya.

"Kanina 'yon! Nung hindi ko pa alam na couple shoes 'yon! Huwag mo na nga ako pilitin kasi 'di talaga ako papasok. Bwisit."

"Gusto mong malaman ito ni Senator? Wala nang magbabago pa, nakita na ng mga tao na couple shoes iyon at posibleng pinagkakamalan na kayong magboyfriend." mapait na sabi nito.

Hindi maintindihan ni Olivia ang biglang kasungitan nitong si Kristoff.

"Hindi nga kami magboyfriend ano ba?!" sigaw ni Olivia.

Alam niyang walang point, pero gusto niyang linawin iyon. Hindi sila magboyfriend ni Clarence. Magkaibigan lang sila. Hanggang doon lamang iyon.

"Sabi mo eh." sabi ni Kristoff at tiningnan ang cellphone niya.

"What the hell is your problem, Captain Querio. Para kang bata! Bigla ka na lang nagsusungit."

"For your information, Miss Villafuerte... this is my usual face. Ikaw ang parang bata dya-"

"Teka nga! Manahimik kayong dalawa!" Naputol ang awayan ng dalawa ng sumigaw na din si Paris na naiipit sa awayan nila.

Parehas nilang tiningnan si Paris na aburido sa tabi ni Olivia. Binuksan nito ang pintuan ng backseat.

"Alam niyo, guys. Ang cute niyong dalawa pero ang sakit niyo sa tainga. Mag-usap nga muna kayo diyan. Saka na ako papasok dito kapag tapos na ang LQ niyo!"Padabog na sinara ni Paris ang pintuan.

Para namang nagising ang dalawa at nanahimik. Padabog na sumandal sa upuan si Olivia habang patay malisya namang tumikhim si Kristoff.

"Papasukin mo na si Paris. Hindi ako aattend ng klase. Wala akong sapatos. No rebuttals." pinal na utos niya.

Tiningnan siya ni Kristoff sa rear view mirror at binuhay ang makina. Nang akala niyang papapasukin na nito si Paris para makauwi sila ay pinaharurot nito ang sasakyan, iniwan si Paris na nagtataka at sumisigaw sa kinatatayuan niya.

"Saan tayo pupunta? Bakit iniwan mo si Paris?" nagtatakang tanong niya.

Hindi naman sumagot si Kristoff at nagdrive papunta sa isang shoe store na nasa malapit. Nang tumigil ay lumabas ito para pumunta sa tapat niya at pinagbuksan siya ng pintuan.

"Labas," utos nito.

Naguguluhan man ay hindi niya sinunod ito. Tiningnan lamang siya nito na halatang naiinis na. Tinaasan niya ang kanyang kilay para ipakitang hindi siya nasisindak rito. Siya ang boss, kaya dapat siya ang mag-adjust. At saka, tapak siya at walang sapin sa paa.

"Wala akong sapatos." mataray na sabi niya at isasara na sana ulit ang pintuan nang mapasigaw siya dahil hinawakan siya ni Kristoff sa baywang at puwitan para buhatin.

Napakapit siya sa leeg ng binata para hindi mahulog. Walang kahirap hirap naman siyang binuhat ni Kristoff papasok sa shoe shop. Maraming magagandang sapatos doon. Sinalubong sila ng babaeng nagbabantay doon. Binaba ni Kristoff si Olivia sa couch na nandoon at binalingan ang babae.

"Give her the shoes she wants..." Tila batong sabi nito at lumingon sa kanya. Para namang bata si Olivia na nag-iwas ng tingin.

"Choose what you want, brat... I won't let you to absent your class because of a pair of stupid shoes. Use this," sabi ni Kristoff at nilabas ang isang mastercard mula sa kanyang wallet.

"No, thanks." sabi ni Olivia at tumayo para maging magkalebel silang dalawa. Binalik niya ang card kay Kristoff na nakatitig lang sa kanya. "I can pay for my shoes, Captain."

"So you've learned not to accept shoes from guys, now, huh?" mapang-asar na sabi niya kay Olivia.

"Jerk! Can you please shut up?" Naiinis na sabi niya.

Kahit kailan, palagi na lang silang nauuwi sa away ni Kristoff. Kailan ba sila magkakasama ng matino tino naman? Palagi na lang silang sumasabog at palaging naiipit si Paris sa bangayan nila.

Habang namimili siya ng sapatos ay napapatingin siya sa gawi ni Kristoff na ngayon ay nakatayo sa may pintuan at nakatingin sa labas ng glass wall. Nasa dibdib ang mga braso nito at seryosong seryosong nakatanaw sa labas.

Nag-iwas ng tingin si Olivia.

Bakit ba habit ko nang palagi siyang i-checkout. Oo na, Olivia! Gets ko na na crush mo siya pero pwede bang magkaroon ka naman ng kaunting delikadesa? Baka bukas hindi mo na mapigilan at sunggaban mo na lang siya?' Aniya sa sarili at pilit na itinuon sa mga magagandang sapatos ang atensyon.

Namili siya ng sapatos at nang maisuot ay nagpunta siya sa counter. Sa dami ng magagandang sapatos, nauwi sa limang pares ang nabili niya. Tinandaan niya maigi ang store at tinatak na palagi na siyang bibisita dito. Habang nasa pila, panay ang usapan ng mga sales lady.

"May girlfriend? May katawagan eh?" Ani noong isa. Tumaas ang kilay niya at hindi na lang pinansin ang medyo may kalakasang usapan.

"Baka work? Kanina pa siya tumitingin sa gawing 'to eh. Teka, baka nahahalata na tayo?" sabi naman noong isa.

Hindi na napigilan ni Olivia at tiningnan niya ang pinag-uusapan ng dalawa at doon, nakita niya si Kristoff na kabababa lang ng phone at ngayon ay parang lawin na nakatingin sa kanya. Nagpigil ng tili ang mga saleslady kaya napairap siya lalo na nang lumakad ang binata papunta sa kanila.

"You done?" tanong nito.

"Obvious ba? Ano sa tingin mo trip kong pumila dito?" mataray na sagot niya at binalik sa cashier ang tingin.

Napailing na lang si Kristoff sa pagpapahiya ni Olivia. Nang siya na, inunahan niya si Olivia sa pagbabayad. Agad niyang iniabot ang tinanggihan nitong card.

"Ano ba?" Mataray na sabi ni Olivia. "Kaya ko nga magbayad diba?"

"Take that as a gift. Birthday mo bukas 'di ba? Halika na, bilisan na natin at late ka na sa klase." Hinila siya ni Kristoff matapos matanggap ang card.

Napatingin siya sa kamay niyang hawak hawak ng binata. Panay ang kabog ng dibdib niya sa sinabi nito.

Nang makarating sa sasakyan ay sasakay na siya sa backseat ng isara ito muli ng binata at hinila siya para ipasok sa front seat.

"Huwag mo akong pagmukhaing driver. Sa una ka na, para maprotektahan kita."

Natigilan na naman siya sa sinabi nito. Nakatitig lang siya sa binata hanggang sa isara ito. Nakasunod ang kanyang tingin hanggang sa makasakay ito sa driver's seat.

"Stop staring. It's rude, brat. Wear your new shoes. Madudumihan ang mga paa mo." sabi nito sa malamig na boses.

Lumunok siya at hindi iniiwas ang tingin. Malakas ang kabog ng dibdib niya. No one knows about her special day tomorrow. It's a secret. Siya lang at ang pamilya niya ang may alam ng secret tungkol sa kanyang kapanganakan kaya naman ang alam ni Kristoff ay nakakapagtaka. Ever information about their family is confidential.

"How did you know that tomorrow's my birthday?" Aniya.

Tinitigan naman siya ng binata. May kung ano sa tingin nito na nakapagpanatili ng titig ni Olivia rito.

"I know because I care, brat. Let's go, you're late for your class."

--------------------------

#BPKab13

Sorry, for being inactive! I promise, I'll update whenever I have the time :) Please, bear with me.

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

7K 66 14
Sam Golbach has daughter he has kept her a secret for her safety she's 1 years old now how long with she be 𝓱𝓲𝓼 𝓼𝓮𝓬𝓻𝓮𝓽
5.7K 163 14
Was Miya Fucking Atsumu always his number one? Or did Sakusa Kiyoomi just decide that as a spur of the moment type of thing?
516K 33K 41
Let's see how different personalities mends with each other to form a beautifull bond together. Where the Eldest is calm and cold, Second is aggress...
397K 13.3K 53
Anhay Sharma:- Cold business tycoon who is only sweet for his family. He is handsome as hell but loves to stay away from love life. His female employ...