Psycho next door

By Serialsleeper

4.4M 207K 108K

Cosima Sanctuary is a one of a kind safe house for teenage survivors, but when they realize that one of them... More

Prologue
1 : The fighter
2 : The two sides of the shield
3 : The Director
4 : The wretched
5 : The thing about crowns and daggers
6 : Combat Night
7 : The vulture
8 : The Task
9 : The other side
10 : The Repercussion
11 : The Puppeteer
12 : Tables Turned
13 : The Anchor
14 : The leader of the wretched
15 : Mischief
16 : Salvo
17 : The Wake
18 : Behind enemy lines
19 : The devil's children
20 : Freaks
21 : Fight now, cry later
22 : On the way
23 : Mark my words
24 : Never leave my sight
26 : Criminals
27 : The Annihilator
28 : The Other Side
29 : Alison
30 : Kleya is a Gun
31 : This is how I fight
32 : Fragile
33 : Connections
34 : I will protect you
35 : A sigh
36 : The last straw
37 : Facade
38 : Deadly Consequences
39 : Moral Compass
40 : Daddy's little Psycho
41 : Army of evil
42 : The Truth that hurts
43 : Family ties
44 : The Guardian
45 : The Missing Piece
46 : The only thing that matters
47 : Gaslight
48 : The should haves
Epilogue 1 of 2
Epilogue 2 of 2
Announcement

25 : Survivors

73K 3.6K 1.3K
By Serialsleeper


25

Survivors

Kleya


        "Where's Lauren?! Where are the others?! Thank God you guys are okay!" Mangiyak-ngiyak na bulalas ni Tasha nang makasakay siya sa sasakyan kasama si Wolfgang. Bigla niya akong niyakap nang mahigpit, nang bumitaw siya ay si Cloud naman ang agad niyang niyakap mula sa likuran—di niya alintana kahit nasa driver's seat si Cloud at muntikan niya itong masakal. Masyado siyang masaya at nakalimutan niyang hindi kami magkaibigan.

        "Wolfgang lipat ka sa front seat," giit ko pero parang hindi niya ako narinig. Napatingin na lamang ako kay Ruella na nasa tabi ng bintana, "Lipat ka sa harap—" pero bago ko pa man matapos ang sinasabi ko, biglang pinaharurot ni Cloud ang sasakyan bagay na lubos ikinagulat ni Tasha.

        "Cloud sandali! Hindi natin sila pwedeng iwan! Nasaan ang iba?!" Giit ni Tasha pero imbes na huminto ay mas binilisan ni Cloud ang pagmamaneho.

        "Ito ang bilin ni Lauren! Kailangan na nating umalis!" giit ni Cloud. Nag-angat ako ng tingin sa rearview mirror at nakita kong umiiyak na si Cloud.

        "Teka hindi natin sila pwedeng iwan!" Giit ni Tasha. Agad kong naikuyom ang kamao ko at sisigawan ko sana siya pero muli siyang nagpatuloy sa pagsasalita. "Paano sina Shaun?! Sina Miller, sina Lauren?! Yung ibang mga babae?! Cloud maaring marami pang nakaligtas!"

        Nang marinig ang mga pangalan nila, parang tinakasan ng lakas ang kamao ko at unti-unti itong nanlambot. Sa isang iglap, wala na akong ganang magsalita at igiit ang pinaniniwalaan ko kasi sa totoo lang, hindi ko na alam kung ano ang pinaniniwalaan ko.

          Hindi kumibo si Cloud. Nagpatuloy siya sa pagmamaneho. Walang nagawa ang mga protesta ni Tasha. Sa huli, lahat kami walang magawa kundi lingunin ang Cosima at pagmasdan ito habang unti-unti itong naglalaho sa aming paningin.

        Napabuntong-hininga ako at naupo na lamang ng maayos. Naagaw ng atensyon ko ang isang bag na kandong ni Tasha. Binaling ko ang tingin rito at napansin kong bahagyang nakabukas ang zipper nito, nakikita ko ang maliit na bulaklak na lumalabas—wait are these her flower crowns?

        "Did you just risked your life just to get your stupid flower crowns?!" hindi na ako nakapagpigil pa. Nanlisik ang mga mata ko habang nakaharap kay Tasha at nakaturo sa mga bulaklak na lumalabas mula sa malit na siwang. Para lang sa flower crowns papasok siya sa isang lugar na puno ng mga kalaban?! Nababaliw na ba talaga siya?!

        "They're not stupid!" sigaw pabalik ni Tasha, para bang gulat.

        "Yeah, you're the stupid one!" Hinigit ko ang buhok niya nang marahas ngunit bago ko pa man siya masabunutan, pumagitna si Wolfgang sa amin kahit umaandar pa ang sasakyan.

        "Let go of me!" sigaw ni Tasha habang hinahampas ang kamay ko.

        "Kleya! Uy tama na! Kleya!" awat naman ni Wolfgang sabay hawak sa pulso ko at palo sa noo ko nang paulit-ulit. Nararamdaman ko rin ang mga kamay ni Ruella mula sa likuran ko na yumayakap at humihila sa akin palayo kay Tasha.

        "Tama na!" kasabay nang napakalakas na sigaw ni Cloud ang bigla na lamang paghinto ng kotse. Sa sobrang lakas ng impact, pare-pareho kaming napasigaw nang halos tumilapon kami mula sa kinauupuan.

        Nagulo lalo ang gulong-gulo ko nang buhok at natakpan nito ang paningin ko. Humarang ito sa mukha ko kaya hinawi ko ito patungo sa likod. Agad kong nakita si Cloud na lumingon sa amin, lumuluha ang nanlilisik na mga mata at parang nagpupuyos sa galit.

        "Those monsters just destroyed our home! They killed our friends! They made us victims again! They took everything from us and all we have left is each other! Punk, Shey, Willy, Botyok, Lauren, and the others did not die for this shit!" bulalas ni Cloud, wala akong ibang nababasa sa mukha niya kundi galit. "Utang na loob! Iilan na nga lang tayo, mag-aaway pa kayo?! Tayo nalang ang natitirang buhay kaya utang na loob, kalimutan niyo na ang salitang crowned at wretched! Kalimutan niyo na ang away niyong dalawa!" 

        Gusto kong magsalita ngunit walang boses na lumalabas mula sa bibig ko, ni hindi ako maka-organisa ng salita sa isip ko. Wala akong ibang magawa kundi titigan ang luhaang si Cloud. Lahat kami, hindi nakapagsalita. Lahat kami, binalot ng katahimikan.

      Humarap muli si Cloud sa manibela pero mula sa rearview mirror ay nakita ko siyang umiyak ng umiyak habang nakasandal ang nakakuyom niyang kamao sa kanyang bibig. Sa isang iglap, marahas niyang pinaghahampas ang manibela dahilan para tumunog nang tumunog ang nakabibinging busina nito.

       "Cloud," mabilis na bumaba si Ruella mula sa sasakyan at binuksan niya ang pinto sa driver's seat. Kahit sina Wolfgang at Tasha ay bumaba rin at inalalayan si Cloud saka ito pinalipat sa backseat, sa tabi ko.

        I can't believe i'll ever get to see this... Cloud, the kindest and most angelic boy in Cosima, is having a mental breakdown and I think it's our fault---No wait, si Tasha lang pala ang may kasalanan kasi medyo tanga at shunga siya.

        "So magsisiksikan na naman tayong apat dito sa backseat samantalang bakante sa tabi ng driver's seat?" sarcastic kong sambit kay Wolfgang na nasa kabilang dulo ng upuan. Ba't ba ayaw niyang maupo sa harapan?! "Ako na nga lang," napabuntong-hininga ako at ako na lamang mismo ang lumipat sa front seat.

       "Buddy, i'm sorry. Just  breathe okay, we'll figure this out. We'll be okay, we'll all be okay," mangiyak-ngiyak na inalo ni Tasha si Cloud at hinimas-himas ang likod nito. Hindi rin naman nagpaligoy-ligoy pa si Ruella na ngayo'y nakaupo na sa driver's seat. Nagsuot si Ruella ang seatbelt at mabilis niyang pinaharurot ang sasakyan upang mas lalo pa kaming makalayo mula sa Cosima.

        Lumingon ako kay Cloud at pinagmasdan ang lumuluha niyang mga mata, "Lauren's not dead. She can't be dead. She was the one who taught everyone who to fight. She can't just die like that. And besides, Shaun and Miller are alive too. They were looking for other survivors so we're not the only ones left."

         "I saw Batman too... He was with the other wretcheds, they were trying to find a way out, hindi nga lang kami nagkasundo sa kung saan dadanan kaya nagkahiwa-hiwalay kami," paliwanag naman ni Ruella habang pasimpleng pinupunasan ang luha niya. Di niya pinapahalata na nasasaktan siya sa nangyayari.

       Naupo ako ng maayos at huminga ng malalim. Pinagmasdan ko ang nagtatayugang mga puno na siyang nadadanan namin, isang patunay na nasa gitna pa kami ng kawalan at wala kaming kaide-ideya saan kami pupunta. Sana naman wag kaming masundan ng mga kalaban. ...Sana naman hindi lang kami ang natitirang buhay.

         "Oh," bigla akong may naramdamang isang bagay na dumampi sa siko ko. Lumingon ako at nagulat ako nang makitang may inaabot sa akin si Tasha na isang cellphone.

       "Ha?" napakunot ang noo ko.

        "Aside from my flower crowns, I also took my phone and money. Lauren said you should call your mom so call her now," malamig na sambit ni Tasha at nakataas pa ang isang kilay. 

        Imbes na tanggapin ito, nagtaas din ako ng kilay. "I don't have a Mom. I grew up in an orphanage, my parents died when I was young." Pataray kong sambit.

        Biglang nanlambot ang ekspresyon sa mukha ni Tasha at ibinaba niya ang kanyang kilay. Napaiwas siya ng tingin, dumako ito sa gilid, hanggang sa sahig. Nailang ba siya sa akin?

        "Lauren knows everything about our lives. Imposibleng mali siya. May rason kung bakit niya sinabi iyon. Sigurado ka ba talaga, Kleya?" tanong ni Ruella habang hindi inaalis ang kanyang tingin mula sa daan. 

         Napasinghal ako at sarcastic na ngumiti, "Kung may nanay ako, edi sana wala ako sa orphanage no?" 

        "What's the closest thing you have to a mother?" Napalingon ako sa direksyon ni Cloud, nakatulala man, pinupunasan niya ang mga luha sa kanyang pisngi.

        Dahil sa sinabing iyon ni Cloud, isang tao lamang ang pumasok sa isipan ko. Sister Marge is the only person I have to a mother. I mean, she's not my mother or whatever, but she has this habit of treating me like a child. "May kaibigan akong madre," sabi ko.

        Bigla na lamang natawa si Tasha dahilan para mapatingin kaming lahat sa kanya. Tinakpan ni Tasha ang kanyang bibig at pinigilan ang kanyang tawa. "Sorry... what was that? You have a friend who happens to be a nun?"

        "Are you deaf?" sarcastic kong sambit.

       "No, I just can't picture you as a person whose friends with a nun," sarcastic na sambit ni Tasha.

        "Just call the damn nun," biglang sambit ni Wolfgang na para bang atat na atat na. Napatingin kaming lahat sa kanya dahilan para makunot ang noo niya.

        "May mali ba sa sinabi ko?" isa-isang napatingin si Wolfgang sa amin, naguguluhan.

        "You just swore at my nun. Swear at her again and I will end you," pagbabanta ko habang may sarcastic na ngiti sa mukha dahilan para maitaas ni Wolfgang ang dalawa niyang daliri bilang peace sign.

         Sinubukan kong tawagan si Sister Marge ngunit agad akong napangiwi nang mapagtantong walang load si Tasha. Lumingon ako sa kanila ngunit bago pa man ako makapagsalita, inunahan na ako ni Tasha.

         "Shit, wala akong load," napasinghap si Tasha.

 ***

         Habang bumabyahe sa madilim na daan, wala sa amin ang nakatulog. Lagi kaming nagmamatyag at nakikiramdam sa paligid. Nagiging maingat kami dahil baka sumulpot na naman bigla ang mga kalaban. Matapos ang higit dalawang oras na pagpapaikot-ikot at pagtatalo sa kung saan dadaan, para kaming nakahinga nang maluwag nang sa wakas ay matagpuan namin ang isang kongkretong kalsada--Isang patunay na nasa sibilasyon na kami.

        "I can't believe this..." napahawak ako sa dibdib ko habang nakatanaw mula sa bintana. 

        "Normal people..." manghang sambit ni Cloud sa mga taong dumadaan. Sinusundan pa niya ng tingin ang mga ito.

        "Convenience store," mangiyak-ngiyak na sambit naman ni Tasha habang tanaw ang mga establismentong nakapaligid sa amin.

        "Booze," sambit ni Wolfgang dahilan para sabay-sabay kaming mapalingon ulit sa kanya. "What?!" bulalas ni Wolfgang na namimilog ang mga mata. "Para naman kayong hindi umiinom."

        "I don't drink," sabay-sabay naming sambit ni Ruella, Tasha, at Cloud.

        "Ewan ko sa inyo," ngumiwi si Wolfgang at agad na lumalabas mula sa sasakyan.

        The sun is just rising, the calm blue sky is making its way and the streets are just starting to get busy. It's only 5 in the morning but it's everything for us. Nakakapanibago, napaka-sarap sa pakiramdam.

       "Magpa-load na kayo," wika ni Ruella at nang akmang tutungo si Tasha sa loob ng convenience store, dali-dali kong hinigit ang braso niya.

      "No wait! We have to talk about this," giit ko dahilan para mapatingin silang apat sa akin. Dumako ang tingin ni Tasha sa kamay kong nakahawak sa kanya kaya naman agad ko siyang binitawan bago pa man kami magsabunutan ulit at mag-mental breakdown na naman si Cloud.

       "Anong problema?" tanong ni Cloud.

       "Look at how we look like," sabi ko sabay turo sa mga suot naming may bahid ng mga dugo at ang mukha naming napakarungis. "And that guy looks like forking Zombie" giit ko sabay turo kay Wolfgang na putlang-putla parin at mukhang isang naglalakad na bangkay. Agad na nagbaba ng tingin si Wolfgang sa kanyang sarili.

        "Nang huli kaming mag-usap ni Sister Marge sa ospital, giniit niyang wag na wag nating kukunin ang atensyon ng ibang tao. Sa suot nating 'to, kahit atensyon ng batang hamog makukuha natin!" giit ko pa.

       "So anong gusto mo? Magbihis pa tayo?" sarcastic na tanong ni Tasha.

      "We have to think this through, we don't know who we're up against, we don't even know what's going on but one thing's for sure, we have to be low-key," giit ko pa. Mabuti nalang at madaling kausap 'tong mga kasama ko. Sa huli, napagpasyahang si Ruella na lamang ang papasok sa convenience store tutal siya ang pinaka-hindi marumi at sugatan sa amin.


****

      Imbes na magtungo sa ospital, napagdesisyunan naming lahat na sama-samang tumungo sa isang motel para doon magpahinga nang pansamantala. Wala sa amin ang nakakaalala sa ospital kung saan naroroon sina Eva at masyado pa kaming pagod para maghanap. At isa pa, hirap kami sa budget dahil isang libo lang ang pera sa wallet ni Tasha.

       "Let's just get one room," giit ko.

       "They're boys!" giit naman ni Tasha.

       "Heto na naman sila," reklamo ni Ruella na nakatingala na sa kisame.

        "Tasha, wala tayong ibang pera," giit naman ni Cloud.

        "Mas mapo-protektahan natin ang isa't-isa kung sama-sama tayo. Baka sumulpot na naman ang mga yon at magkawalaan tayo," giit ni Wolfgang.

         Tasha rolled her eyes in defeat. "I really hate you guys."

         Napatingin ako ulit sa front desk staff, nakaawang ang bibig niya habang nakatitig sa mga suot namin. Mukha siyang litong-lito at diring-diri.

        "We got into an accident, nothing to worry about," sabi ko sabay agaw sa susing nasa kamay niya.

****

        I woke up to a strange room that I don't recognize. I looked over my right and saw Tasha sleeping soundly. I looked over my left and saw Ruella in the same condition. And then it all came back to me... the deaths.. the destruction... We're on our own now.

       Naupo ako sa kama at napahikab. Sumuyap ako sa orasan at nakita kong alas-sais na ng gabi. Nilibot ko ang paningin at nakita ko ang mga basura namin sa mesa, matapos kumain ni hindi na namin nagawang magligpit pa at nagsitulog na kaming lahat. Napatingin ako sa sahig at nakita kong tulog na tulog din sina Cloud at Wolfgang, halos madaganan na nga ng napakatangkad na si Wolfgang ang napakaliit na si Cloud.

       Kinuha ko ang cellphone ni Tasha mula sa bedside table at sinubukan ulit tawagan si Sister Marge. Ilang ulit ko na siyang sinusubukang tawagan ngunit hindi ko na siya ma-contact. Hindi ko tuloy maiwasang mag-alala sa kanya.

       Humiga na lamang ako ulit sa kama at sinubukang matulog, baka sakaling makalimutan ko ang problemang hinaharap namin kahit sandali lang.


END OF CHAPTER 25

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3

Continue Reading

You'll Also Like

56.3M 994K 32
Join Lorelei and Loki as they unravel the threads of mystery, unveil the masks of evil intentions and put together the pieces of the puzzle in their...
293 132 26
*Under revision, but you can still read it, just expect typos, grammatical errors and other mistake, I wrote it when I was a minor.* 'The Nostalgic M...
153K 8.4K 40
❝No one killed them, it's just because of love.❞
1.5M 26.9K 52
Just give me the peace that I want and I won't ask for anything more. - HERA