Isla Verde #5: All Sweet Noth...

By cinnderella

4.3M 125K 41.4K

WARNING (!) THIS STORY CONTAINS MANY GRAMMATICAL ERRORS, TYPOS AND LOOPHOLES. DO NOT READ IF YOU ARE A PERFEC... More

All Sweet Nothings
Simula
Phase 1
Phase 2
Phase 3
Phase 4
Phase 5
Phase 6
Phase 8
Phase 9
Phase 10
Phase 11
Phase 12
Phase 13
Phase 14
Phase 15
Phase 16
Phase 17
Phase 18
Phase 19
Phase 20
Phase 21
Phase 22
Phase 23
Phase 24
Phase 25
Phase 26
Phase 27
Phase 28
Phase 29
Phase 30
Phase 31
Phase 32
Phase 33
Phase 34
Phase 35
Phase 36
Phase 37
Phase 38
Phase 39
Phase 40
Wakas

Phase 7

99.9K 3.5K 806
By cinnderella


Phase 7

Weeks ran so fast. Tuwing masaya ay mabilis ang mga araw na dumaraan, tuwing malungkot ay siyang pagbagal nito na tila sadyang pinaparamdam ang sakit na dulot noon.

Sa kabutihang palad, mabilis ang bawat araw ko. Meaning, happy days and weeks. Siguro nga ay ganoon talaga, mas maganda nga namang mabilis ang araw para lalong tumibay ang bawat pagsasama habang tumatagal ang araw na magkasama.

Friday to Sunday, magkasama kami ni Minther kung saan maisipan. Every morning of those days, he was in the office located at La Cerde. Doon ang kanyang inaaral na lugar para sa kanilang Resort and Hotel. He's just a worker there, ayon sa kanya. Ganoong pinalaki ang mga Legaspi'ng lalaki.

Magsisimula sa mababa at aaralin ang tungkol sa negosyo, Minther is the heir of their clan together with Kurt Legaspi pero sa pamilyang nahahati. Kung sakaling sa Legaspi, sa mismong kay Lola Evangeline at Lolo Krus ay pwede silang dalawa na maghawak ng negosyo. Kukulangin pa silang dalawa dahil sa dami ng Hotel and Resorts noon kung sakali.

"Engaged na rin si Kurt at sa susunod ay siya na ang ikakasal." sabi ni Zarjiel Alarcon, kaibigan nila Minther.

Kausap ko si Minther sa kabilang linya at panunuya kay Kurt ang aking naririnig ngayon.

Batid kong uso talaga sa kanilang pamilya ang arrangement. Hindi ko alam kung bakit, pero hindi naman nila kailangan ng pakikipagsunduan sa ibang pamilya para magsanib ng negosyo dahil sobra sobra pa ang kanila. Maybe, I should ask Minther about it.

"Tss, I won't marry the girl. Hanggang engagement lang sabi ni Mama." iritadong agap ni Kurt.

Nagtawanan sila.

"Ba't naman? Wala namang mawawala sa'yo." halakhak ni Bronson.

"May iba akong gusto..." si Kurt.

"Bakit? Ilang taon na, ah? Hindi ka pa rin nakakaalis kay Crayon Carlos?"

Nakuha noon ang aking atensyon. Carlos? Kapatid ni Clay si Crayon, sa pagkakaalam ko. Clay was my first crush, first love and first heartbreak. He was my best friend way back in Grade School to High School but he left me.

"Hala ka, seryoso, pre?" ani Lay nang hindi nakasagot si Kurt. "Marami pala ang nabihag ni Color. Si Cyprian din, hindi pa."

"Huh? Cyprian Segovia? How come? Nagkakilala sila?" buong atensyong tanong ni Kurt.

They laughed.

"Oo, dude. Sa hacienda ng Roscoe. Damn, he's crazy for the girl. He introduced Crayon to us years ago. Tell you, he was a coward. He was too stunned when Crayon held his arm." humagalpak si Bronson sa tawa. "And... then boom, pinagbigyan uminom. In the end of the month, nasawi."

"Tsismis pa." Minther butted. "Hey..." tawag niya sa atensyon ko.

I smiled.

"Mmm?"

"Mmm?" he chuckled huskily. "What are you doing?"

"I'm browsing..."

"Facebook? Nasa cafe ka pa ba?"

"Yup." tipid kong sagot.

I was stalking his profile but I won't tell him that, mamaya ay iba pa ang maisip. I saw his tagged photos with some of his friends in Brentdale, so technically I don't know them. Unfamiliar good faces, marami palang gwapo sa eskwelahan niya.

Napatango-tango ako. Hindi ako triggered na marami ang mababaliw sa kanya roon dahil marami ding kababaliwan.

"Have you eaten lunch? I thought you'll be out at lunch? Uuwi ka sa mansyon?"

Madalas kaming magkausap tuwing tanghalian at walang ginagawa sa trabaho. Ngayon ay wala naman siyang trabaho pero may usapan silang magkakaibigan sa araw na ito.

I sighed.

"Oo, uuwi ako maya-maya. Hinihintay ko lang si Lavern."

"Uh-mm. Ingat."

Napabuntong hininga ako nang ibaba ang tawag. Gusto ko pa sanang makausap siya at magtanong kung anong oras siya uuwi mamaya para makapaghanda ng hapunan pero naunahan ako ng kaba at hiya. That would be very unusual of me, if I did.

Kauuwi niya galing Maynila ay doon dumiretso kila Kurt, kahapon dinaos ang engagement party ni Kurt sa kanilang mansyon. Katulad sa amin ay magarbo iyon pero pormal ang tema, Minther didn't had a time to go because of his defense yesterday. Ako man ay nakadalo kasama ang parents ni Minther, My parents were invited also.

We had some talks and kumustahan. I told them I was fine with Minther, inasahan naman nila iyon. Lingid sa kaalaman ang unang trato sa akin pero hindi ko na kailangang banggitin pa.

Ang nakaraan ay hindi na dapat ibinabalik pa. Ang nakaraan ay mananatiling nakaraan kahit ano pang pag-alala ang iyong gawin ay walang saysay. Better focus on the days and happenings ahead of you. Learn to let the bad things go and keep the good ones.

"Ano sa tingin mo ang bagay sa akin ngayon?" nakanguso ako sa harapan ng salamin habang nakatingin sa aking repleksyon.

Cora giggled.

"Lahat naman ay bumabagay sa iyo, anuman ang piliin mo ay walang problema."

I flinched a bit.

"Baka lumaki na ang ulo ko sa kakapuri mo sa araw-araw."

"Ayos lang, katotohanan naman." she smirked. "Hindi ka naman magugustuhan ni Sir kung hindi ganyan ang itsura mo."

Bumaling ako sa kanya.

"What do you mean? He's up for display girls? Ibig sabihin kung hindi ako ganito ay baka hindi siya umayon sa kasal?"

Kung ganoon, maswerte pa ako na kahit papaano ay may sinasabi naman ang mukha ko? Ilan na ba ang naging nobya ni Minther? Nakilala din ba ni Cora ang lahat at nakita ang itsura ng mga iyon? What must be his type? How was it?

Does he like these curvy, tall and fair girls?

Tila nag-isip siya at naguluhan sa nasabi.

"E, hindi naman kayo nagkakilala man lang noong bago kayo ikasal. Sa tingin ko ay ganoon na nga." tumango siya at ngumisi.

Napanguso ako at tamad na naupo sa upuan ng tukador.

"Um..." I bit my lower lip shyly. "Sa tingin mo ba ay nagugustuhan na niya ako ngayon o nakikisama lang siya dahil wala naman siyang magagawa?"

Hindi naman masamang umasa... na kahit katiting lamang ay ganoon nga... hindi masamang umasa, huwag lang sosobra dahil sa huli ay ikaw ang iiyak.

Kumunot ang noo niya. Lumungkot ang mga mata pero agad winala iyon kaya hindi ka na pinuna pa.

"Ikaw ang makakaramdam, hindi ang ibang tao. Ano ba ang nararamdaman mo? Nagugustuhan mo na ba siya? O nararamdaman mo ba na nagugustuhan ka na niya?"

What if he's in denial? Ayan ka na naman sa asa, Cadence! Stupid! He's not in denial, he's really like that!

Namilog ang mga mata ko at agad nagprotesta.

"Hindi naman sa ganoon!" I defended. "Gusto ko lang malaman kung... kung..." I sighed heavily.

"Kung?" she asked.

"Kung ganito lang ba kami. Magpapakisamahan lang..."

She smiled.

"Hindi ka mahirap gustuhin, Miss."

I smiled, content of what she said.

Sana nga... kasi kung ako lang ay may balak akong gustuhin siya, katulad ng sinabi ni Cora ay hindi rin mahirap gustuhin si Minther.

The past weeks with him, masasabi kong sa sandaling oras ay pupwede siyang magustuhan ng kahit na sino. He's caring, sweet and happy to be with.

"Hoy, babae. Dadaan si Minther ngayon o hindi?" si Lavern.

Tumingin si Alzhera sa akin habang sumisimsim sa kanyang fruitshake, Reidjan was busy talking with Theonoah about some thing they do in Manila every weekend. Maingay si Theonoah at Kienzo, Deshawn is just laughing.

I shrugged.

"Hindi ako sigurado, may trabaho at baka abala lang kung dadaan pa rito."

Hindi ko na nahintay ang pag-uwi niya kagabi dahil sa pagod ay nakatulog ako sa sofa at sa silid nagising kinabukasan, Cora told me Minther carried me to my room that night. Nakakahiya nga at hindi man lang kami nagkasabay sa hapunan.

Kumain na siguro siya kila Kurt?

Kaninang umaga ay hindi ko inabala ang kanyang pagtulog, maybe he was tired and tipsy last night. Maaga ako sa cafe ngayon dahil kila Zhera na sumadya ngayong linggo para manatili ng ilang araw.

Ngumuso si Lavern.

"Eh, ganoon? He should drive you everyday here, kung narito siya sa Isla Verde. Iyon lang ang araw na magkasama kayo at may oras ay nasasayang pa."

I chuckled.

"Ayos lang, nagkakaoras naman kami kung minsan at nagkakasabay sa hapunan."

It's really okay, I don't want to make him feel caged about our marriage. He can do anything he wants, hindi naman porke nagpakasal kami ay magsasakalan na kami. Ganoon rin naman siya, mas mabuti nga ngayon at malaya na ako sa pagpunta sa amin o pag-alis kasama si Lavern basta daw ay magsasabi sa kanya.

Ngumiwi si Lavern.

"Hindi ayos iyon. Mag-asawa na nga kayo pero parang hindi naman-"

"Why do you care so much about them? Mag-asawa sila, hindi kayo." Theonoah cut her off, laughing.

Natawa kami. Lavern's lips parted in annoyance, she glared at Theo.

"Why do you care that I care? Hoy! Para sabihin ko sa'yo, gusto kong maging maayos ang pagsasama nilang dalawa at tinutulungan ko si Cade."

"I care because I'm human, Lav. And you care because you like her husband? Yie!" Theo teased her. "You should have told them earlier, para kayo ang inarrange."

Halos umusok si Lavern sa galit. Napangiwi na lamang ako, alam kong mapang-asar at palabiro si Theo pero hindi rin pumasok na maganda ang ideya na iyon sa akin.

Paano nga kaya kung ganoon ang nangyari? Napakahirap isipin noon ngayon lalo na at magaan ang loob ko kay Minther. Paano nga kaya kung kay Lavern siya naipakasal? Mas maayos kaya ang trato niya rito? Ganoon din ba siya kalambing at kaalaga? Mas magiging masaya kaya siya?

Huminga ako ng malalim nang mas dumami pa ang dumating sa isip kong senaryo. Ang hirap.

"Will you shut your mouth kung wala kang magandang sasabihin? Asawa ng pinsan ko iyon, pinsan!" pagdidiin ni Lavern, pagalit. "Wala ka talagang kwenta mag-isip!"

Humagalpak sila sa tawa. Reidjan tapped Theo's shoulder.

"He's just jealous, Lavern. Don't mind-"

Theonoah punched his arm and growled.

"Why would I? Hindi naman kagandahan si Lavern para magustuhan." he smirked.

Lalo silang nagtawanan.

"Dude, sabi ko selos. Hindi, gusto. You're slipping..." Reidjan chuckled, he put his arms around Alzhera's waist and kissed her temple sweetly.

Theonoah made a face, Lavern blushed in irritation.

"Mas lalong hindi kita magugustuhan, ang pangit mo! Pangit pa ang ugali at fuck boy! Duh? Who would like such animal?"

Nagtawanan kami. My phone vibrated, natatawang sinagot ko ang tawag. Panay ang asar nila kay Theo dahil sa sinabi ni Lavern.

"I'm outside..."

Namilog ang mga mata ko nang makilala ang boses ni Minther, I quickly rose from my seat. Iniwan ko silang nagtatawanan, nakita ko agad si Minther na nakatayo tabi ng kanyang sasakyan. Cellphone on his ear and our eyes immediately met.

"Bakit hindi ka pa pumasok?" nagtaas ako ng kilay.

Hindi ko man inaasahan ang kanyang pagpunta ngayon ay pinili kong huwag magpahalata na masaya at nasorpresa ako sa kanyang pagpunta. Tinitigan ko siya habang naglalakad ako palabas. Wearing a casual navy blue polo shirt, black pants and a pair of sneakers, he looks dashingly fresh.

Girls are giggling while ogling at him, napanguso ako dahil doon. Umangat ang sulok ng kanyang labi nang mabuksan ko na ang glass door. He put his phone down and walked towards me, my heart is wildly beating.

"Good morning," I smiled shyly.

I think he went straight here, his hair is a bit damp and messy. Medyo mahaba na iyon, hindi katulad noon na shaved sides. His puffy eyes are so cute in the morning, nakasanayan ko iyon tuwing bagong gising siya sa mansyon.

Humilig siya ng bahagya para abutin ang aking pisngi, I felt his soft lips on my cheek. Tumindig ang balahibo ko at lalong kinabahan. He held on my small back and sniff on my cheek a bit.

"Morning..." he said gently.

Pakiramdam ko ay guguho ang dibdib ko sa sobrang pintig ng puso. Mainit ang pisngi na ngumiti ako ng hilaw nang kumalas siya.

He looked at me for a second and glanced behind me where my cousins and the others are.

"Am I welcome?" he chuckled huskily.

"Bakit naman hindi?" natatawa kong sabi.

He shrugged.

"Let's go. Kumain ka na ba?" tumalikod na ako para unahan siya.

"Not yet. You left me," he said coldly.

He opened the door for me, pagkatapos ay agad humawak sa aking baywang habang naglalakad. Some customers were greeting him, mga kakilala niya. Tango lang ang kanyang tugon.

"Pagod ka kagabi, siyempre. Ayaw kong istorbohin ang pahinga mo." I said carefully.

Ngayon nga ay mukhang aantok-antok pa siya at puyat, sana ay namahinga muna siya sa kanyang silid.

"You can wake me up anytime." he slightly caressed my bare waist. I shivered. "And what are you wearing, mm?"

Uminit ang pisngi ko at bumaba ang tingin sa kanyang kamay na nasa aking tagiliran, I'm wearing ay beige sweetheart dress. Butas ang magkabilang tagiliran at hanggang itaas ng tuhod ang ikli o mas maikli pa ng bahagya. Sakop ng kanyang malaking kamay ang aking kanang tagiliran.

"I bet Cora chose this," he whispered when I did not respond. "Should I get your own stylist or just throw these kind of dresses?"

Napangiwi ako at inangatan siya ng tingin.

"Nagustuhan ko lang naman..." I said in a tiny voice.

"Hindi na mauulit, mm?" he asked gently but sounds more a command. I bit my lower lip and nodded. "Good,"

Nakakapanghina ang kanyang mga kilos pati na rin ang malambing ngunit mapag-utos na boses. I think I should just do what he wants, wala namang mawawala at para na rin maging mas maayos. Kung tutuusin ay wala namang masama sa kanyang mga demand, ayaw niya lang na nababastos o ano pa man dahil sa kasuotan.

Bumati sa kanya ang mga pinsan ko at iba pa nang makarating kami, Lavern looks content. Nakikita kong nagugustuhan ni Lavern si Minther para sa akin, I told her everything about our everyday interaction in home. She seems fine and proud.

"I saw you once in a party." sabi ni Alzhera kay Minther.

Matapos kumain ni Minther ay nakikinig na siya sa usapan namin. Si Minther kasi iyong tipo ng tao na walang pakealam sa paligid kapag kumakain siya, madalas ay tahimik sa harap ng hapagkainan.

Minther's lips pursed.

"Party, where?"

"You're a friend of Spiral Roscoe, sa party noon sa La Riva." Alzhera said, Reidjan is clinging onto her waist.

I wanted to laugh, mukhang ayaw niyang may kinakausap na iba ang nobya. Naiilang ako sa braso ni Minther na nasa aking hita, he'd gently caressed my thighs and stayed for awhile then caressed again, tila gawain na iyon.

Minther nodded.

"Yeah, I remember. I didn't see you that time."

"Sinundo ko agad." Reid said.

Sumimangot si Alzhera. Nagtaas ng kilay si Minther, he shifted a bit and his arm flew on my back. Pumulupot iyon at namahinga muli sa aking hita. Lavern was smiling like a dog while watching us.

"Hmm." Minther nodded. "I'll surely do the same, if ever. Most of the visitors were boys. Kung maari ay hindi ko papayagan."

Reidjan chuckled.

"We fought that night, that was her revenge."

Nagtawanan kami. Umirap si Alzhera pero nangingiti agad. Ngumisi lang si Minther at hindi na tumugon pa, he busied himself playing with my fingers. I felt tickles on my tummy.

Naging abala muli sa pag-aasaran si Lavern at Theo. My brother, Kienzo was watching me like we're some kind of puzzle in front of him. Inasahan ko na iyon dahil alam niya noong hindi kami magkasundo ni Minther.

Hindi man ako nagkukwento tungkol roon ay alam kong nagsasabi si Lavern sa kanila. Naalala ko pa noong tumawag si Kienzo para kumustahin ako, alam ko na may nasabi si Lavern. Hindi kasi ganoon ang ugali ni Kienzo, he wouldn't just call me out of the blue and asked my condition.

Magkakaibigan rin silang tatlo nila Deshawn pero hindi na gaanong nagkakasama ngayon dahil may kanya-kanyang kaibigan at grupo.

"So, up for the night?" Deshawn asked.

Nagsitanguan sila Kienzo at Theo sa tuwa. Ngumuso ako at nilingon si Minther, his mysterious dark eyes were on me already. It looks like he's waiting for me to answer. Kiliti sa aking tiyan ang muling nanaig.

Inangat ko ang dalawang kilay para magtanong, he inhaled deeply. I think I know the answer, I smiled and looked at them.

"Hindi kami pwede, may pasok si Minther bukas." I shook my head and smiled.

I felt his chin on my blades, arms slowly snaking my waist. He chuckled lowly, para akong sinisilaban ng apoy sa sobrang kaba at hiya. They're all eyes on us, pero parang ako ang pinakailang dahil normal lamang ang tingin nila.

"We're in."

Natuwa agad sila Theo sa kanyang sinabi. Nanigas lamang ako sa kinauupuan, his nose touched my blades and sniffed. Halos magsitayuan ang mga balahibo ko. I breathed sharply, bahagya akong naurong sa pagkailang pero muli niya lamang akong pinirmi.

Nakita ko agad ang mapanuya at kinikilig na ekspresyon ni Lavern. I smiled awkwardly.

"May pasok ka bukas, Minther." I said in a tiny voice, nilingon ko siya para mawala ang kaba.

Nakapikit ang mga matang tumango siya at hinapit ang baywang ko para ituko muli ang kanyang baba sa aking balikat.

I inhaled harshly.

"I know..." he murmured softly.

"Why did you tell, we're in?" I scowled.

"I want to be with you."

"Huh? Magkasama naman tayo sa bahay." natatawang sabi ko.

"Tss, not like this..." he said. "I can always skip classes, may ibang araw pa naman."

Napangiwi ako at muli siyang hinarap, walang pakealam sa amin ang mga kasama dahil may kanya-kanyang pinag-uusapan rin at topic.

He slowly opened his eyes, gusto ko tuloy biglang mag-iwas dahil sa kanyang pagmulat. His eyes are damn captivating and always serious that turns me into jellies everytime he looked at me.

"P-Pero baka malaman ni Lola Evangeline. Magiging bad influence pa ako, kung ganoon." I pouted.

He looked down on my lips, I pursed my lips and looked away. What the hell? Hindi ako sanay ng ganoon, naalala ko iyong unant halik niya sa akin. Iyong siya'y bayolente pa at ayaw sa akin.

Bakit gusto niya na ba ngayon? Tss.

He sighed heavily.

"She'll be happy about it." he chuckled. "You're my bad influence..."

A smile crept my lips, lalo pa nang marahan niyang pagsiklupin ang aming mga daliri.

This is my complete day of the week.

Continue Reading

You'll Also Like

19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...