Psycho next door

By Serialsleeper

4.3M 203K 106K

Cosima Sanctuary is a one of a kind safe house for teenage survivors, but when they realize that one of them... More

Prologue
1 : The fighter
2 : The two sides of the shield
3 : The Director
4 : The wretched
5 : The thing about crowns and daggers
6 : Combat Night
7 : The vulture
8 : The Task
9 : The other side
10 : The Repercussion
11 : The Puppeteer
12 : Tables Turned
13 : The Anchor
14 : The leader of the wretched
15 : Mischief
16 : Salvo
17 : The Wake
18 : Behind enemy lines
19 : The devil's children
20 : Freaks
21 : Fight now, cry later
23 : Mark my words
24 : Never leave my sight
25 : Survivors
26 : Criminals
27 : The Annihilator
28 : The Other Side
29 : Alison
30 : Kleya is a Gun
31 : This is how I fight
32 : Fragile
33 : Connections
34 : I will protect you
35 : A sigh
36 : The last straw
37 : Facade
38 : Deadly Consequences
39 : Moral Compass
40 : Daddy's little Psycho
41 : Army of evil
42 : The Truth that hurts
43 : Family ties
44 : The Guardian
45 : The Missing Piece
46 : The only thing that matters
47 : Gaslight
48 : The should haves
Epilogue 1 of 2
Epilogue 2 of 2

22 : On the way

65.8K 3.6K 1.1K
By Serialsleeper

22

On the way

Kleya


"Arayyyyy!" sigaw ko habang ginagamot ng doktor ang sugat sa balikat ko.


"Arayyyyy!" sigaw naman ng nurse na aksidente kong nasabunutan dala nang labis na sakit na nararamdaman ko. Nawalan ako ng control sa sarili kong mga kamay kaya tulong-tulong ang mga nurse para mahiwalay ang kamay ko sa buhok ng kasama nila.


"Grabe, paano mo ba natamo ang sugat na'to?" tanong ng doktor pero sa sobrang hapdi ay tanging singhap na lamang ang nasagot ko. Sana lang talaga hindi ako matetano dahil sa ngipin ng hinayupak na 'yon.


Hinang-hina ako matapos akong magamot. Tagaktak ang pawis ko't humahangos ako. Buti nalang at binigyan nila agad ako ng tubig. Nakakapanibago makakita ng maraming tao, at mas nakakapanibago makapunta sa ibang lugar bukod sa Cosima. I've been stuck in that place for months.


Nang mahimasmasan, pasimple akong bumangon mula sa kama at nakigamit ng telephone mula sa front desk. Nagkaroon ng karambola ng mga sasakyan at napakaraming tao rito sa ospital kaya naman abala ang lahat ng staff at ni hindi na nila napansin ang pagbangon ko.


"Please pick up, please pick up, pick up," hindi ako mapalagay habang bumubulong-bulong sa kabilang linya. Para akong nakahinga nang maluwag nang tuluyan niyang sinagot ang tawag ko.


"Sino 'to?" Napatingala ako't napabuntong-hininga nang muli kong marinig ang boses niya. Hindi ko naiwasang ngumiti sa kabila ng mga nangyari.


"It's Kleya... Sister Marge, we're in big trouble. We snuck out and now we're here at the hospital after some—"


"Kleya?! Kleya anong nangyari?! Ba't nasa ospital ka?! Okay ka lang ba?!" Bahagya kong nailayo ang telepono mula sa tenga ko nang marinig malakas na boses ni Sister Marge mula sa kabilang linya. Sandaang libong litanya na naman aabutin ko nito. Paano nalang kaya pag nalaman niyang may mga napatay ako?!


" I'm okay but some of my housemates were kinda killed by this group of freaks with weird teeth—"


"Kleya, makinig kang mabuti sa sasabihin ko!" Napabuntong-hininga na lamang ako nang hindi na naman ako pinatapos ni Sister Marge sa sinasabi ko. She should really work on her listening skills.


"I'm listening," sabi ko saka napalingon kay Cloud, Tasha, at Eva na nakaupo sa waiting area.


"Kleya, don't let anyone know who you are! Wag niyong sasabihin sa kahit na sino ang pangalan niyo at wag na wag niyong sasabihin sa iba ang tungkol sa Cosima! Keep your heads down, naiintindihan niyo?! Umiwas kayo sa mga CCTV! They could be monitoring everything by now!" bulalas pa niyang muli kaya agad nakunot ang noo ko.


"What are you talking about?" tanong ko at muli akong napatingala. Nang makita ko ang CCTV na sa kisame ay agad akong tumalikod.


"Tatawagan ko si Lauren. Diyan lang kayo at hintayin niyo siya. 'Wag na wag kayong kakausap sa kahit na sino—" Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang makita ang mga pulis na lumapit sa kanila at para bang kukunan na sila ng salaysay. Dali-dali kong binaba ang telepono at nagtatakbo patungo sa kanila.


Dali-dali kong hinarang ang sarili ko sa harapan ng mga pulis. "Mamaya na kami magbibigay ng statement oras na dumating ang abogado namin," bulalas ko.


Saglit na nagkatinginan ang mga pulis. "O sige, sa ngayon pangalan niyo nalang muna ang hihingin namin," sabi nito.


"Wait for our lawyer," giit ko at sa puntong iyon ay muling nagkatinginan ang mga pulis. Naguluhan man sa inasal ko, nagtanguan naman sila at nagtungo na lamang sa vending machine.


"They just wanted our names, Kleya," sambit ng walang kabuhay-buhay na si Eva kaya agad akong napalingon sa kanya.


"We can't tell anyone who we are or where we're from. We're all technically dead, we literally have death certificates," pabulong kong paalala sa kanilang tatlo. "Lauren's coming, let's wait for her before we talk to anyone or even go anywhere. And as much as possible, umiwas tayong mahagip ng CCTV." Giit ko pa at nagsitanguan naman sila.


"M-magiging okay sila diba?" mangiyak-ngiyak na sambit ni Cloud habang nakatingin sa kawalan. At kahit nakatulala man ang luhaang si Tasha, nakita kong hinawakan niya ang kamay ni Cloud upang mapakalma ito.


"We're not called survivors for nothing," giit ni Tasha.


Umupo ako sa harapang nasa tapat nila. Ipipikit ko sana ang mga mata ko nang pansamantala pero bigla kong napansin ang flower crown ni Tasha na ngayo'y tabingi na. "We were almost slaughtered by a bunch of ugly freaks but your flower crown is still on top of your head. That's just weird."


Hindi kumibo si Tasha, bagkus ay napasandal lamang siya sa kanyang kinauupuan at napapikit. I guess she's too tired to fight with me.


"Wala ba kayong nahanap na bag o kung ano man doon sa restaurant?" tanong ko kay Cloud pero bigla na lamang dumilat si Tasha at napatingin sa akin.


"What kind of bag are you looking for?" tanong pabalik ni Tasha. Sa tono ng pananalita niya, para niya akong pinagsusupetsahan.


"Narinig ko si Ninang kanina, naiwan daw ang bag niya sa loob ng restaurant. Hinanap niya iyon kaya malamang may laman iyong importanteng bagay," giit ko.


"Iniwan namin ang bag pero nakay Cloud ang laman nitong tablet, cellphone, at baril," walang kaemo-emosyong sambit ni Tasha at nilabas naman agad ni Cloud ang tablet mula sa loob ng kanyang jacket.


"May password ang tablet at cellphone," sabi ni Cloud.


"Hold on to it, it could help us figure out who those freaks are," giit ko.


Gusto ko sanang magpahinga o umidlip man lang habang hindi pa dumadating si Lauren pero hindi parin ako mapalagay kaya naman pinili ko na lamang na puntahan ang mga kasamahan kong sugatan. Ayon sa isang nurse, nasa surgery parin daw si Aaron samantalang sina Wolfgang at Ruth naman ay nasa kanya-kanyang mga silid.


Pumasok ako sa silid ni Ruth at nakita ko siyang walang malay. Ngayon ko lang nalaman na nasaksak pala siya sa simura. Hindi ko man lang napansin sa sobrang abala namin sa pakikipaglaban kanina.


"A-ate?" mahinang sambit ni Ruth. Naididilat na niya ang kanyang mga mata.


"You're a tough kid, Ruth," puri ko na lamang sa kanya sabay tango.


"I'm f-fourteen." Nanghihina man, pilit siyang ngumiti.


"And you're pretty dumb." Deretsahan kong sambit sa kanya. Naupo ako sa gilid ng kama niya. "Hindi ka dapat lumabas mula sa pinagtataguan natin kanina, tingnan mo tuloy 'tong nangyari sa'yo. Muntikan ka nang mamatay." Giit ko. "M-muntikan narin akong madamay," dagdag ko pa. Baka kasi akalain niyang may paki ako sa kanya.


"P-pero kinailangan nila ang tulong natin kanina," giit ni Ruth.


"Paano ang Kuya mo? Hindi mo man lang ba naisip ang kuya mo?" tanong ko. "You're Miller's only family. You have no idea how desperate he was just to see you again. If you die, it will break Miller's heart. You don't want your brother to get hurt right?" giit ko pa.


Imbes na sumagot, nakita kong pilit na inabot ni Ruth ang kamay ko. Alam kong hinang-hina parin siya kaya inabot ko na lamang ang kamay niya at ako na mismo ang humawak sa kamay niya. "I'm sorry," sabi ni Ruth at nagtaka ako nang nagsimulang mangilid ang luha sa mga mata niya.


"Don't cry, you're already dumb," sita ko sa kanya.


Tumayo ako mula sa kinauupuan at lumapit sa kanya. Marahan kong hinimas ang noo niya. "You better rest. Ihanda mo narin ang tenga mo kasi tiyak papagalitan ka ng kuya mo."


"P-please look after him," umiiyak na sambit ni Ruth kaya agad akong napasimangot. Ano ba 'tong batang 'to?! Nasaksak lang naman siya! Pakiramdam niya siguro mamamatay na siya.


"Remember this, Ruth," sabi ko na lamang. "Never sacrifice your life for anyone, unless they're your family." Pagdidiin ko. "Rest, kiddo," sabi ko na lamang bilang paalam at lumabas na mula sa silid.


Pagkalabas ko mula sa silid ni Ruth ay sinubukan kong magpunta sa operating room at tyempong inilabas nila si Aaron mula rito sakay ng isang stretcher. Wala parin siyang malay at ayon sa nurse na napagtanungan ko, sa ICU parin daw ang bagsak ni Aaron.


Nakakainis, ba't ba niya ako iniligtas? Yan tuloy, ako 'tong nakokonsensya ngayon.


Babalik na sana ako sa waiting room kung saan naroroon sina Eva pero laking gulat ko nang bigla kong nakasalubong si Wolfgang na ngayo'y may benda na sa kanyang balikat. Nanghihina parin siya at mukhang nahihilo pa pero mukhang determinado siyang maglakad. Suot-suot pa niya ang kulay puti niyang t-shirt na halos magkulay pula dahil duguan siya.


"N-nasaan si Tasha? Okay lang ba siya?" tanong niya.


"Worry about yourself, Wolfgang," sabi ko na lamang at nagpatuloy sa paglalakad. Hinayaan ko na lamang si Wolfgang na sumunod sa akin. Sabi kanina ng mga nurse sa amin na nasalinan na ng dugo si Wolfgang at okay naman daw ang kundisyon niya. Kasalanan ni Wolfgang kung sakaling mabinat siya.


Nang makarating kami sa waiting area ay saktong dumating si Lauren na parang nagpupuyos sa galit. Mukhang nadistorbo namin ang tulog ni Lauren, nakasuot pa siya ng satin pajama at polo niya. May eyemask pa nga siya sa ibabaw ng ulo niya. Ngayon ko lang naalala, weekend pala kaya hindi sa Cosima natulog si Lauren.


"What happened?!" bulalas ni Lauren nang makita ang mga hitsura naming duguan at sugatan.


"We snuck out and hitched a ride on a seemingly friendly couple then poof—we are almost slaughtered by a bunch of freaks with metallic teeth," kaswal kong paliwanag kay Lauren dahilan para mamilog ang mga mata niya dahil sa labis na gulat. Ilang sandali siyang hindi nakapagsalita. Palinga-linga siya, balisa at parang hindi mapalagay.


"L-lauren are you okay?" tanong ng mangiyak-ngiyak na si Eva. Magang-maga na ang mga mata ni Eva kaiiyak.


Umiling si Lauren pero agad niya kaming tiningnan isa-isa. "K-kayo lang ba ang lumabas?" taranta niyang sambit.


"There were others," nanlulumong sambit ni Tasha.


"Punk's dead," umiiyak na bulalas ni Eva kaya agad siyang niyakap ni Lauren nang mahigpit.


"So is Shey, Botyok and Willy. Aaron and Ruth are still in the ICU," sabi naman ni Cloud.


"We have to go. Tatawag ako ng magbabantay kay Aaron at Ruth. Sa ngayon kailangan nating lahat na bumalik sa Cosima. Hindi kayo ligtas dito kung sila talaga ang gumawa sa inyo nito," bulalas ni Lauren na animo'y taranta at tensyonado.


END OF CHAPTER 22

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3

Continue Reading

You'll Also Like

8.6K 536 4
Amidst a town plagued by evil spirits, a lone doctor and a ravishing priest find themselves battling not only the demonic forces threatening their co...
5:45 AM By x

Romance

56K 3.3K 33
Posible ka bang mahulog sa taong madalas mong makasabay sa pagsakay sa jeep?
694K 47.2K 44
Crime and murder podcaster Wren Lozarte is desperate to earn money for her ailing uncle so she accepts a strange but high-paying offer from a mysteri...
4.7M 102K 32
Kingdom University Series, spinoff || Mahirap turuan ang puso na magmahal, lalo na kung sa simula ay wala ka namang feelings para sa kanya.