Cyrus POV
Nagising ako nang may iba't ibang aparato ang nakakabit sakin katawan. Huminga ako ng malalim habang palinga linga sa paligid.
Naamoy ko ang preskong bulaklak na nagmumula sa katabing mesa; sumabog ang kabanguhan nito sa bawat sulok ng kwarto.
Naramdaman ko ang bigat ng isa kong kamay at pinagmasdan ang palad ng babaeng hindi ko alam ang pangalan. Ginalaw ko ang aking mga daliri dahilan para magising ito sa mahimbing na pagkatulog.
At nung magtama ang aming mga mata, nakaramdam ako ng kakaiba sakin damdamin. Nagsimulang rumigodon ang tibok ng aking puso at ramdam ko ang pamumula ng aking tenga.
Napalunok ako ng masilayan ang kanyang ngiti..
May pakiramdam akong parang sinisigaw ng aking puso ang kanyang pangalan, subalit hindi matandaan ng aking isip kung ano yun.
"Cyrus kamusta ang pakiramdam mo?" Her voice is sweetest voice I've ever heard.
Napaisip tuloy ako kung ilang araw akong walang malay at nakaratay sa higaan ito.
Cyrus
Iyon ba ang pangalan ko? Hindi ko alam...Ang totooý wala akong maalala..Blangko ang aking isipan sa anumang memorya ng aking nakaraan.
Pero ang puso ko, ang tibok ng puso. Pakiramdam ko kilalang kilala ko ang babaeng nasa harapan ko.
Hindi ko marinig ang kanyang mga sinasabi. Ukupado pa ang aking isipan sa mga bagay na gusto kong alalahanin at balikan, pero wala. Walang wala akong mahihita sa aking ginagawa.
Sinundan ko ang bawat paggalaw ng babae sa kwarto. Nagsalin ito ng tubig sa isang baso at binigay yun sakin.
"Tatawagin ko lang ang doktor." Aniya at nagmamadali itong lumabas.
Maya maya lang ay dumating ang isang nakaputing lalaki. May dalawa itong kasama na hindi ko alam kong ano ang tawag sa kanila.
"Mr.Brazil,We're glad na nagising kana after you're operation, ako nga pala si Doctor Benitez and this are the nurses who will also take care of you." Pinakilala nito ang mga kasama. may ilang mga taong pumasok sa loob.
Naiiyak na niyakap ako ng isang nakasalamin babae. Siguro ay nasa edad 50 na ito dahil sa mga kulubot nito sa mukha. Although parang hindi halata pero nahihinuha ko na yun ang edad nito. Sa katabi nito ay isang matandang lalaki na may katamtaman lang ang pangangatawan.
"Cyrus Anak., God..Thank you so much you're awake." Pinugpog nito ng halik ang aking pagmumukha. Siguro siya ang mama ko at ang katabi nitong lalaki na umaakap din sakin ay ang papa ko naman.
Umiiyak sila? Bakit?
Hindi ko alam.. wala nga pala akong maalala..
Sandali akong inobserbahan ng doktor. May mga tinatanong ito na hindi ko alam ang mga sagot. Mga taong natatandaan ko na wala akong masabi.
Sumasakit ng bahagya ang aking ulo. Aniya,iyon daw ay dahil sa operation ginawa sakin. Nakabenda ang aking ulo at isa isang tinanggal sakin kamay at braso ang mga kung anong nakalagay don.
Sinilip ko ang nakaawang na pinto at umaasa akong babalik ang babaeng may pinakamagandang mukha sa lahat.
Sino kaya siya?
Ano kayang ginagawa niya rito?
I'm sure malaki ang papel niya sakin buhay at nagawa niyang magbantay sakin. Aniya ng doktor, halos tatlong araw na raw akong tulog. Epekto raw iyon ng mga gamot na tinurok sakin at ngayon nga, dilat na dilat ang aking mga mata habang pinakikinggan ang iilang kwento ng mga taong nakapaligid sakin.
Pero ang isipan ko, nasa babaeng yun pa rin. Hindi siya mawalang wala sakin utak. animoý umiikot ang kanyang mukha sa kin panaginip at ang ngiti nito ang nagpapabilis ng tibok ng aking puso.
Lumipas ang ilang araw..Umaasa ako na magbabalik ang babaeng yun pero bigo ako sa pag-asang magpapakita ito sakin.
Hindi ko naman magawang magtanong sa mga taong dumadalaw sakin dahil natatakot akong ungkatin nila ang isang babaeg ngayon ko lang nakita sa tanang buhay ko o kung ngayon nga lang ba?
Ako si Cyrus Brazil
Nag-iisang anak ni Mr. and Mrs. Antonio Brazil. May ari ng isa sa malaking korporasyon sa Pilipinas. Ang Brazil's Empire. Edad 27, may asawa at dalawang anak. Pero ni minsan hindi ko nasilayan ang aking pamilya.
Ani sakin ni mama, umalis nang bansa ang mga ito para magbakasyon.
Hindi ko alam kung tama ba yun? bilang pamilya,kailangan nasa tabi ka ng mga ito sa kahit na anong mangyari..kaya anong kalokohan ang ginawa ng mga ito at nagawa akong iwan na nakaratay na mag-isa.
Siguro ay hindi ako mahal ng aking asawa kaya nagawa niya yun.
Hindi ko pinarating ang aking nararamdaman sakin pamilya. mas mabuti ng maging tahimik ako at hayaan ko na lamang na pagalingin ang aking sarili.
Bawat pagpikit ng aking mga mata, nakikita ko ang kulay kape na mga mata ng babae sa ospital. Ang mapupulang labi nito. ang pagtikwas ng buhok nito; hindi ko mawaglit waglit ang kanyang larawan sakin isipan.
Dumating ang araw na nailabas ako ng ospital. Still walang sign ng aking pamilya.pati ng misteryusang babaeng yun.
Nahinto ang sinasakyan namin sa isang malaki at modernong bahay.
Nakita ko ang pamilyar na mga mukha na dumalaw sakin sa ospital at ilang mga bata.
"Welcome home Daddy!!!" Salubong sakin ng tatlong mga bata. Nagtatakbo ang mga ito sakin at yinakap ako sa paanan.
Hindi ko alam kung anong reaksyon ang aking gagawin lalo na't wala akong maramdaman sa kanila.. Hindi ko sila mga kilala at wala akong maalalang anuman.
"I'm Carlo, this is my twins Cristine and our cousin Tristan." Magiliw na pagpapakilala ng batang may matabang pisngi.
Napangiti ako at kusa kong inabot ang aking yakap sa kanila.
Pinikit ko ang aking mga mata habang hinahagkan ang mga anak ko.
Sinalubong pa kami ng aking mga kaibigan. Nandon si Nilo, kelvin, Anthon at rafael. Tapos isang pamilyar na mukha ng babae ang humalik sakin pisngi. Natigil ako sakin paghinga. Hindi ako maaring magkamali, kamukha niya ang babaeng nasa ospital, pero hindi ko rin maiwasan mapakunot ng noo lalo pa't nang pagmasdan ko ang kabuuan nito, at ikumpara sa naalalang mukha ng aking isip, agad din akong natigil.
"I'm tricia, masaya kami at nakauwi kana.. Baby trina, nandito na ang daddy mo." Aniya sa bitbit nitong bata. Hinawakan ko ang pisngi nun at narinig ko ang munting paghagikhik nito.
Lumipas ang ilang oras, marami akong nalaman sakin sarili. Tungkol sa kung san ako pinanganak, nag-aral, anong tinapos ko; anong mga kinahihiligan ko.
Pero may isang tao ako na hinahanap sa mga oras na yun na hindi ko alam kung san nagpunta..
Ang aking asawa.
Hindi ko magawang magtanong lalo na't maraming baon kwento ang bawat taong aking nakakasama.
Naeejoy ko naman silang lahat at masaya ako na malaman galing sa kanila kung sino ako.
Lumipas ang hapon. Napagdesisyunan kong pumunta ng gazeebo upang lumanghap ng sariwang hangin. Pinikit ko ang aking mga mata at sinalubong ang init ng dapit hapon.
Pagdilat ko ng aking mga mata ay nakita ko ang babae sa ospital.
Nakaupo ito sa isa sa mga nakahilerang upuan sa gilid ng hardin.
Nakatingin sa kalangitan pero bakas sa mukha nito ang lungkot.
Her beauty is captivating. May pagkapareho sila ni Tricia pero siya ang pinakamaganda sakin mga mata.
Dahan dahan bumilis ang pagtibok ng aking puso. Pakiramdam ko ngaý lumulundag ito habang hinahakbang ko ang aking mga kamay papalapit sa kanya.
"Hi.." Inagaw ko ang kanyang atensyon sa gitna ng malalim niyang pag-iisip.
Agad itong napalingon sakin at bahagya pa itong nagulat ng makita ako.
Tumayo ang babae pero hindi na ito gumagalaw sa kinaroroonan.
Nakasuot ito ng isang puting damit na hanggang tuhod. Pansin ko na tila umbok ang tyan nito. Malamlam ang mga mata at mas maayos ang anyo nito ngayon kumpara ng nakita ko siya sa ospital.
"Hindi na kita nakita ng sumunod na araw nang nagising ako sa ospital. Hindi ko alam kung bakit, pero napag-isip isip ko na siguro isa kalang sa mga taong dumalaw at nagkataon na ikaw ang unang nakita ko." Paninimula ko.
Ngumiti siya, pero ramdam ko ang kakaibang ngiti nito. Humakbang ako palapit sa kanya at mas lalong naging klaro ang anyo nito sakin mga mata.
"Kilala mo ba ako? kasi ang totoo niyan, nawala lahat ng alaala ko. pati pangalan ko ay hindi ko matandaan. "
"Pero ang puso ko, pakiramdam ko kilalang kilala kita." Hindi ko maiwasan sabihin yun sa kanyag harapan.
Mas lalong lumapad ang mga ngiti at nakita ko ang pangingilid ng luha nito.
"Oo, kilalang kilala kita." Pati ako ay napangiti ng marinig kong muli ang tinig nito.
"Ako nga pala si Anna." Inabot nito ang kamay sakin.
Hindi ako nagdalawang isip na abutin yun at bigla akong nakaramdam ng milyong milyong bultahe ng kuryente sakin kamay.
"Mommy Mommy Mommy!!!" Sigaw ng dalawa kong anak. Lumingon ako sa kanila at sa babaeng tinatawag nitong mommy.
At hindi ko maiwasan paglakihan ng mga mata lalo na't sinalubong ni Anna ang aking mga anak.
Kung ganun,
Siya
Siya si Anna.
Ang aking asawa.
Ang mapagmahal kong asawa.
Ang babaeng nakaukit na ang mukha sakin puso..
Ang babaeng laman ng bawat panaginip ko..
Dali dali akong lumapit sa kanila at kinulong ko siya sakin mga bisig.
Doon ko narinig ang malumanay nitong paghikbi sakin dibdib.
Wariý may kung anong bigat itong nararamdaman at ngayon niya lang inilalabas.
"Hush Mommy.. I'm sorry if my mind doesn't remember you." Pag-aalo ko sa kanya.
Patuloy lamang ito sa pag-iyak at mahigpit na nakayakap sakin.
"Cyrus." Tinawag nito ang aking pangalan na mas lalong nagpangiti sakin.
Alam kong mahal na mahal ko ang babaeng ito..
At base sa pag-iyak nito, ramdam ko na napagtagumpayan namin ang malaking pagsubok na kinaharap namin.
Wala akong pakiaalam sa mga nawalang alaala. Ang mahalaga ang ngayon, bubuo kami ng panibagong mga memorya ng pagmamahal at kasiyahan.
Ako si Cyrus Brazil at ito ang estorya ng walang hanggang pagmamahal ko kay Anna Camille Brazil.
THE END.....
TO GOD BE THE GLORY....