Psycho next door

By Serialsleeper

4.3M 203K 106K

Cosima Sanctuary is a one of a kind safe house for teenage survivors, but when they realize that one of them... More

Prologue
1 : The fighter
2 : The two sides of the shield
3 : The Director
4 : The wretched
5 : The thing about crowns and daggers
6 : Combat Night
7 : The vulture
8 : The Task
9 : The other side
10 : The Repercussion
11 : The Puppeteer
12 : Tables Turned
13 : The Anchor
14 : The leader of the wretched
15 : Mischief
16 : Salvo
17 : The Wake
18 : Behind enemy lines
20 : Freaks
21 : Fight now, cry later
22 : On the way
23 : Mark my words
24 : Never leave my sight
25 : Survivors
26 : Criminals
27 : The Annihilator
28 : The Other Side
29 : Alison
30 : Kleya is a Gun
31 : This is how I fight
32 : Fragile
33 : Connections
34 : I will protect you
35 : A sigh
36 : The last straw
37 : Facade
38 : Deadly Consequences
39 : Moral Compass
40 : Daddy's little Psycho
41 : Army of evil
42 : The Truth that hurts
43 : Family ties
44 : The Guardian
45 : The Missing Piece
46 : The only thing that matters
47 : Gaslight
48 : The should haves
Epilogue 1 of 2
Epilogue 2 of 2

19 : The devil's children

76.4K 3.7K 2.6K
By Serialsleeper



19

The Devil's Children

Tasha


Kahit saan ako tumingin, nakikita ko sila, napapalibutan nila kami. Kung titingnan, mukha lamang silang normal na mga kabataang gaya namin; pero iba ang nakikita ko sa mga mata nila, naninindak ito at tila ba punong-puno ng galit. Mukha silang mababangis na hayop na uhaw pumatay.


"Ate! Ate anong nangyayari?" Iyak ni Ruth. Nararamdaman ko ang lamig sa balat niya at panginginig ng mga kamay niyang nakapulupot sa akin. Takot na takot siya; pati ako; pati ang lahat.


"Fuck! Start you piece of fuck!" Taranta na si Wolfgang at kung ano-ano na ang sinasabi niya habang pilit na pinapaandar ang sasakyan.


"Wolfgang bilis! Paandarin mo!" Taranta namang giit ni Cloud.


"It's not fucking working!" Halos magwala na si Wolfgang sa sobrang pagmamadali.


"Lock the door! Stay away from the windows!" giit naman ni Aaron kaya lahat kami ay nagkumpulan sa sahig habang palipat-lipat ang tingin sa mga kabataang nakapalibot sa amin.


Biglang umalingawngaw ang isang kalabog dahilan para mapasigaw kaming lahat; kahit si Kleya na siyang pinakamatapang sa amin, napasigaw din. Nakita namin ang isang binatilyo, nakadampi na ang kanyang palad sa salamin. Habang nakatingin kaming lahat sa kanya, tinanggal niya ang palad sa salamin dahilan para mag-iwan siya ng bahid ng dugo.


"Don't look! Just close your eyes!" Bulong ko kay Ruth habang mas hinihigpitan pa ang yakap ko sa kanya.


"Shit! Shit! Shit! What's he doing?!" Nagsisigaw si Eva kaya muli kong ibinalik sa binatilyo ang tingin ko.


Tinaas ng binatilyo ang kanyang hintuturo at gamit ang dugo sa kanyang kamay, nagsimula siyang gumuhit. Pigil ang hininga ko habang pinapanood siya. Hanggang sa isang iglap, huminto siya.


"What the—" bahagyang tumayo si Punk at inilapit ang kanyang mukha sa bintana. Tahimik kaming lahat, sa sobrang tahimik, naririnig ko na ang mabibigat nilang hininga. Gaya ni Punk, pinagmasdan ko nang maigi ang ginuhit ng binatilyo sa bintana at nagtaka ako nang makitang isa itong smiley face.


Mula sa guhit na smiley face, tiningnan kong muli ang mukha ng binatilyo at unti-unting kumurba ang kanyang labi sa isang malaking ngiti. Nagimbal kaming lahat nang makitang ibang-iba ang hitsura ng kanyang mga ngipin—napakatalas ng mga ito, parang mga pangil ang lahat, kahit sa harapan. Sa sobrang talas, mukhang hindi na ito mga ngipin. Para itong metal, napakatalas na metal.


"Anak ng!" Sa sobrang gulat ni Punk, mabilis siyang bumagsak sa sahig nang maaptras. Napaiyak naman lalo Eva at napayakap nang mahigpit kay Punk.


Sunod-sunod na ngumiti ang iba pang mga kabataang nakapalibot sa amin. Naglalakihan ang mga ngiti nila na tila ba pinagmamalaki sa amin ang kanilang mga ngipin na animo'y sa isang halimaw. Sapat ang mga ginawa nila para umabot sa sukdulan ang takot ko. Hindi na ako nakagalaw at bagkus ay tila ba nanigas ako sa sobrang takot.


"You've got to be kidding me," narinig kong bulalas ni Aaron.


"N-namamalikmata lang ba ako?" tanong naman ni Cloud.


"The fuck is wrong with their teeth?!" sigaw ni Wolfgang na tila ba diring-diri. "Bitch that's nasty! What are you, vampires?!" Pagwawala ni Wolfgang habang nakatingin sa direksyon ng babaeng halos pumatong na sa bumper ng sasakyan.


"Vampires aren't real. Psychos are." All of us turned to look at Kleya; not because of what she said, but because of how she said it. Kleya sounded angry and just like what I expected, her eyes are fuming again. I've been with her long enough to know what happens whenever she has this look in her eyes.


For the first time, I felt glad to see her angry. Because seeing her angry means there will be a fight. And tonight, the only way to live is to fight.


Hinubad ni Kleya ang suot na jacket at itinali ito sa kanyang bewang. Pinatunog niya ang kanyang mga daliri at kanyang leeg na tila ba hinahanda ang kanyang sarili sa isang laban. Habang ginagawa niya ito, hindi niya inaalis ang tingin kay Ninang na nasa bintana parin at pinagmamasdan kami. "That woman and her husband took us here so I'll be taking their lives."


"Teka, anong plano?" tanong ni Aaron.


Ngumisi si Kleya, "Fight like a wretch and stay alive."


"That doesn't sound like a plan!" giit ni Cloud.


"Tama si Kleya! Napapalibutan na nila tayo kaya sa pagkakataong 'to, kailangan nating gamitin ang lahat ng mga natutunan natin sa Cosima!" giit naman ni Punk dahilan para agad mapabitaw si Ruth sa akin.


"I- I don't want to die! P-patay na ang mga magulang namin at ako nalang ang natitira kay Kuya! Ayoko siyang maiwang mag-isa!" Napapahikbi man, pilit na pinupunasan ni Ruth ang kanyang mga luha. Pilit niyang pinapatatag ang kanyang sarili.


"That's the spirit, kid. Now quit crying and prepare yourself for the fight of your life," sabi pa ni Kleya habang may ngisi sa kanyang mukha. I can't believe I'm saying this but this is actually the nicest thing Kleya has said to someone.


"Guys! We don't have a plan!" Muling giit ni Cloud na sa pagkakataong ito ay mas tumindi pa ang takot at taranta.


"Fight like a wretch!" Buong lakas na sigaw ni Kleya dahilan para matahimik kaming lahat na nasa loob ng van. "We're survivors! Wretched or crowned, all of us are survivors! Now if you don't want to die, better fight like a wretch!" giit pa niya.


I hate Kleya. She's impossible to get along with. She's dumb and reckless. I have hundreds of reasons why we can't be friends. But for the first time, I agree with her. Kleya's right.


Magsasalita sana ako ngunit laking gulat ko nang bigla kong naramdaman ang paggalaw ng paligid. Sa isang iglap, umalingawngaw ang sigawan naming lahat nang nagsimulang yumanig ang buong sasakyan dahil kinukuyog na nila kami.


"Hold on to each other!" sigaw ni Eva at nakita kong agad siyang napahawak kay Punk at Ruth. Humawak naman agad si Ruth sa akin samantalang napahawak naman ako kay Aaron. Naghawakan kaming lahat maliban lamang kay Wolfgang na nasa driver's seat at kay Kleya na animo'y walang pakialam dahil parang abala ito sa kanyang iniisip.


Napakabilis ng mga pangyayari. Sa sobrang bilis, namalayan ko na lamang na ang katawan ko na tumilapon sa bintana dahil tagumpay nilang napatumba ang sasakyan sa pamamagitan ng sabay-sabay na pagtulak.


Napakalakas man ng naging pagbagsak ng van, hindi naman nabasag ang mga bintana. Nanatili ring nakasara ang mga pinto. Ngunit kaming lahat ay bagsak at hilo dahil sa nangyari.


"Guys okay lang kayo?!" sigaw ni Eva at sinagot lamang siya ng kanya-kanya naming mga daing dahil sa sakit ng katawan.


"Shit!" mura ni Wolfgang na halos tumambling dahil palibhasa nakaupo siya sa driver's seat nang patumbahin nila ang sasakyan.


"Bullspit!" Napasigaw si Kleya nang malakas dahil sa patuloy na pagyanig ng van, mas lumakas pa nga ito at naging mas higit na nakakahilo. Napatingala ako at mula sa bintana ay nakikita ko ang mga kabataang nasa ibabaw, patuloy nilang sinisipa at tinatadyakan ang bintana. Gustong-gusto na nilang makapasok.


Mas lalo pa kaming nataranta dahil sa nangyayari. Ano mang oras ay mukhang bibigay na ang mga bintana. Hindi man namin sila naririnig, nararamdaman namin ang bawat pagtama nila sa sasakyan.


"Teka ano yun?!" biglang sumigaw si Wolfgang na sa pagkakataong ito'y literal nang nakatayo sa driver's seat. May itinuturo siya sa labas habang nakaharap sa windshield.


"Anong meron?!" Sigaw ni Aaron.


"Sina Botyok at Willy! Tangina, sina Botyok at Willy yon!" pagwawala ni Wolfgang. "Mga gunggong takbo! Mga kalaban sila, takbo! Takbo!" nagsisigaw pa si Wolfgang na para bang maririnig siya ng mga ito.


Binaling naming lahat ang paningin sa direksyong tinuturo ni Wolfgang at napatakip ako sa bibig ko nang maaninag sina Willy at Botyok na naglalakad patungo sa direksyon namin na para bang galit. Wala silang dalang kahit na ano. Hindi namin naririnig ang mga boses nila pero sigurado kaming sumisigaw sila dahil dumuduro pa si Botyok. Shit! Baka wala parin silang kaide-idea sa nangyayari! Baka akala nila adik lang sila na pinagt-tripan kami!


Muling yumanig ang van pero sa pagkakataong ito'y nakikita ko sila na tumatalon pababa. Nang muli kong ibinalik ang paningin sa direksyon nina Botyok at Willy, nakita kong tumatakbo na ang maraming kabataan patungo sa direksyon nila.


"Pagkakataon na natin 'to, labas!" sigaw ni Punk nang pagkalakas-lakas dahilan para muling sumiklab ang matinding kaba at taranta sa sistema ko.


"Ano?!" sigaw ko ngunit hindi na ako nakakuha pa ng sagot.


"Takbo na!" sumigaw si Aaron nang pagkalakas-lakas.


Bigla na lamang binuksan ni Kleya ang pinto at nakita ko ang mabilis niyang pagtakbo palayo. She ran as fast as she could without even looking back at us. Litong-lito man, pinilit kong tumayo at kumaripas narin ng takbo.


Habang tumatakbo ako palabas ng nakabagsak na van, nakita ko ang paglingon sa amin nina Ninang at ang mga kabataang kasama niya. Ngayon lang nila kami napansin dahil na-distract sila sa pagdating nina Botyok at Willy.


Nasa parking lot kami at napapalibutan ng maraming sasakyan. Sa sobrang takot ko at taranta ko, nalilito na ako kung saan pupunta. Nakakadagdag sa taranta ko ang pag-alingawngaw ng mga car alarms. Palinga-linga ako habang tumatakbo. Nakakarinig ako ng mga sigaw, hindi ko sigurado kung kanino ito pero hindi na lamang ako lumilingon.


Sa isang iglap, umalingawngaw ang isang malakas na kalabog at nakita ko ang isang dalagitang tumalon patungo sa ibabaw ng sasakyan na pinakamalapit sa akin. Nanigas ako sa sobrang takot at ni sumigaw ay hindi ko nagawa nang bigla na lamang niya akong tinalunan.


Namalayan ko na lamang na nakabagsak na ako sa sahig at nakapaibabaw na sa akin ang dalagita. Sinakal niya ako at ibinuka niya ang kanyang bibig dahilan para makita ko ang napakatalas na mga pangil sa kanyang bibig na gawa sa metal. Ni isang ngiping normal wala siya.


"No, don't!" pagmamakaawa ko at sa isang iglap bumalik sa isipan ko ang nangyari noon.


"Sabing huwag maingay!" sigaw ng babae nang mairita siya dahil sa walang tigil na pag-iyak at pagmamakaawa ng mga magulang ko. Marahas niyang tinapon ang mga kubyertos sa mesa at kinuha ang kutsilyo na nasa lalagyan. Lumapit siya sa kapatid kong nakaupo sa tabi ko.

"No, don't!" Wala akong ibang nagawa kundi tumili at umiyak habang paulit-ulit na sinasaksak ng babaeng 'yon ang kapatid ko. Hindi ako ang sinasaksak pero puso ko ang nawawasak. Kitang-kita ko ang pagdurusa ng kapatid ko. Nasa hapagkainan kami at nakatali sa mga upuan namin. Nasa tabi ko siya pero wala akong magawa maliban lamang sa pagsigaw. Naririnig ko ang walang habas na iyakan at sigawan ng Mommy at Daddy ko habang pinapanood nila ang kamatayan ng kapatid ko.

"Ngayon at tumahimik kayo at hayaan niyo akong maghapunan nang tahimik!" sigaw ng babae matapos patayin ang kapatid ko. Parang wala lang sa kanya ang nangyari. Naupo siyang muli sa kanyang pwesto at pinunasan ang kamay niyang may bahid ng dugo sa pamamagitan ng table napkin na nasa kanyang harapan. Nagpatuloy siyang kumain habang may ngiti sa kanyang mukha.

Napatingin ako kay Mommy at umiiyak man siya, pumikit siya at umiling-iling na tila ba nakikiusap na huwag na lamang akong gumawa ng ingay.


"Tasha, tayo!"


Nagulat ako nang nakita ko si Wolfgang na hawak-hawak na ang kamay ko at tinutulungan ako sa pagtayo. Hinanap ko ang dalagitang sumugod sa akin kanina at nakita ko siyang nakahandusay sa tabi ko. Nang magawa kong tumayo sa tulong ni Wolfgang, bigla na lamang bumangon ang dalagita. Bago ko pa man mabalaan si Wolfgang, bigla na lamang siyang sinakyan ng babae sa kanyang likuran at kinagat sa leeg.


Napatili ako kasabay nang pagsigaw ni Wolfgang dahil sa sakit. Tutulong sana ako pero bigla na lamang umatras si Wolfgang patungo sa sasakyang nasa kanyang likuran at paulit-ulit at marahas niyang binangga rito ang dalagita hanggang sa bumitaw ito sa kanya at bumagsak sa sahig nang walang malay.


"Takbo!" narinig ko si Cloud at nang lumingon ako ay nakita ko siyang tumatakbo patungo sa direksyon namin at ang masaklap ay may mga kabataang humahabol sa kanya.


Cloud was heading exactly at our direction and he was leading them towards us. Wolfgang and I had no choice but to run as fast as we could. Everything happened so fast. All of us kept running until I saw that we were literally inches away from the restaurant.


"Pasok bilis!" sigaw ko at sumunod naman sa akin sina Wolfgang at Cloud.


Nang makapasok, dali-dali naming isinara at inilock ang pinto. Sabay-sabay kaming napaatras palayo sa pinto. Umikot ako at nilibot ang paningin sa buong restaurant; napakatahimik dito sa loob, mistulang walang katao-tao.


"Let's look for something we could use as a weapon!" giit ko.


Hindi ako nag-aksaya ng oras, dali-dali kong pinulot ang pinakaunang matalas na bagay na nakita ko—isang tinidor. Mabilis ko itong itinago sa bulsa ng pantalon ko. Mabuti nalang at sa araw na'to pinili kong magsuot ng ripped jeans at hindi mini-skirt.


"Sa kusina! Baka may kutsilyo sila doon!" suhestyon naman ni Cloud at mabilis siyang tumakbo sa direksyon nito. Habang naghahanap si Cloud ng kutsilyo sa kusina, si Wolfgang naman ay nakatuon ang atensyon sa pinto at mga bintana na animo'y naghahanda sa ano mang pagsalakay.


Biglang naagaw ang atensyon ko ng isang shoulder bag na nasa upuan. Kung hindi ako nagkakamali, dito umupo si Ninang kanina. Dali-dali kong binuksan ang bag niya at tumambad sa harapan ko ang isang make-up kit, cellphone, tablet, at baril. Jackpot!


"Wolfgang there's a—" hindi ko natapos ang sinasabi ko nang bigla nalamang namilog ang mga mata ni Wolfgang na animo'y gulat na gulat siya habang nakatingin sa likuran ko.


Dali-dali akong lumingon at nakita ko ang pianista na nakatayo na sa likuran ko. Gaya ng kanyang mga kasamahan, nanlilisik rin ang kanyang mga mata at kakaiba rin ang hitsura ng kanyang mga ngipin. "'Wag na kayong manlaban, mauuwi parin ang lahat ng ito sa inyong kamatayan."


These people... they may have weird teeth and actions but they're not zombies or vampires. They're people. They're rabid people. There's too many of them, they can't be all psychopaths. What if.. Just what if this is another case of the devil's breath?!


"You don't want to do this! Dude, listen to me, someone is controlling your mind! Snap out of it!" Dali-dali kong pinulot ang isang baso ng tubig na nasa ibabaw ng mesa at binuhos ang laman nito sa kanyang mukha. Ngunit ni katiting na reaksyon ay wala siyang pinakita. Ni hindi siya pumikit nang tumama ang tubig sa mga mata niya.


"W-what?" sa sobrang utal ko, naiwan ang bibig kong nakaawang at hindi ko na natapos pa ang sinasabi ko.


Nakita ko siyang kumilos nang mabilis patungo sa akin. Aatakihin na niya ako kaya pumikit na lamang ako. Naghintay ako na makaramdam ng sakit pero sa huli wala akong ibang naramdaman. Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko at tyempong bumagsak ang pianista sa harapan ko—duguan habang may nakatarak na kutsilyo sa kanyang likod.


Tumambad sa harapan ko si Cloud. Nakatulala habang pinagmamasdan ang kanyang kamay na nanginginig.


Hindi ko na kailangang analisahin ang lahat para malaman ang nangyari. Malinaw sa akin ang lahat.


"It's okay! It's okay!" Agad akong napayakap sa kanya nang mahigpit.


Cloud has always been the baby of the crowned. He's the youngest and despite of his mischievous words and actions, he's always been the adorable ray of sunshine for all of the crowned. He's not just a babyface, he's got a pure heart. He always had a way to make us smile. He's really nice to everyone. He was one of my closest friends back when I was still one of the crowned but I ignored him the moment I became a wretched thinking he was among those who betrayed me.


"I—I killed someone," bulong ni Cloud na tila ba balisa at hindi mapalagay.


Bumitaw ako sa kanya at agad na hinawakan ang magkabila niyang pisngi. "Cloud, listen to me! You killed a monster, not a person! You killed a monster to save me!"


Balisa man, tumango-tango si Cloud. My words aren't enough, I have to do something.


Huminga ako nang malalim at kinuha ang kutsilyong nakatarak sa likod ng pianista at pikit-mata ko siyang inundayan ng mga saksak—para masiguradong patay na talaga siya at para ipakita kay Cloud handa rin akong gawin ang ginawa niya.


Matapos kong pagsasaksakin ang pianista, kinuha ko ang baril sa loob ng bag ni Ninang. "Remember what Shawn keeps on saying, Cloud." Kinuha ko ang kamay ni Cloud at pinahawak rito ang baril. His hands were still trembling but I made him hold onto it tight.


"The c-crowned are bound to survive," sambit ni cloud bilang pagpapatuloy sa sinasabi ko.


"That's our boy. Now get your shit together, okay? I'm going to need you to be on fight mode. I know how good you are with a gun. Shoot 'em up," paalala ko sabay tapik ng pisngi niya.


Mula sa gilid ng mga mata ko, nakita kong naupo si Wolfgang sa ibabaw ng isang mesa. Napatingin ako sa kanya at labis akong nagulat nang makitang duguan na ang kanyang leeg habang pilit niya itong hinahawakan. Nakagat nga pala siya kanina!


Agad ko siyang nilapitan at mas lalo pa akong nabahala nang makita ang dami ng dugo na umaagos mula sa kanyang leeg. Punong-puno na ng dugo ang mga kamay niya at napakaputla na niya pero sa kabila nito ay nagawa parin niyang ngumisi. "Chikinini gone wrong," biro niya.


"We have to go! Can you walk?" bulalas ko. Hindi ko makita ang sugat niya pero sigurado akong malalim ito. He's losing blood.


Tumango naman agad si Wolfgang at tumayo ngunit agad siyang nawalan ng balanse sa kanyang sarili. Dali-dali ko siyang inalalayan sa tulong narin ni Cloud.


"Sa kusina! May nakita akong daan palabas!" bulalas ni Cloud kaya dali-dali kong kinuha ang bag ni Ninang.


Sa kabila ng lagay ni Wolfgang mabilis kaming nakarating sa kusina. Dali-daling ini-lock ni Cloud ang pinto at hinarangan ito ng malalaking bagay samantalang inalalayan ko naman si Wolfgang na maupo.


Dahil mas matangkad at malaki siya kumpara sa akin, halos sumubsob ako sa sahig habang inaalalayan siya pero buti nalang at pabagsak lamang akong naupo sa kanyang tabi. Agad kong inalis ang kamay niyang nakahawak parin sa sugat niya para makita ito.


"Cloud there's a phone on this bag! Call for help!" utos ko at agad naman niya itong ginawa.


Hindi ko makita ang sugat ni Wolfgang kaya hinubaran ko siya agad ng jacket. Sa puntong 'yon, nakita kong halos mag-kulay pula na ang ibabaw ng puting t-shirt na suot niya dahil sa dami ng dugong lumalabas mula sa sugat niya. May butas ang jacket at t-shirt niya, palatandaan kung saan siya nakagat. He was bit just above his collarbone. He was only bit once but it cut so deep, blood is still spewing out of it. If Wolfgang wasn't wearing a jacket, the cut would've been deeper and he's probably dead.


Pumikit si Wolfgang at napakagat sa kanyang labi. Napahinga siya nang malalim dahil sa labis na sakit.


"Don't pass out," giit ko at ako na mismo ang humawak sa sugat ni Wolfgang upang malagyan ito ng pressure.


"Shit! There's a password! Tasha hindi ko mabuksan!" giit ni Cloud.


"There should be an emergency dialer on the bottom!" giit ko naman.


"Got it!" A smile of relief curved on Cloud's face as he dialed. Makaraan ang ilang sandali, mas tumindi pa ang adrenaline rush ko nang marinig si Cloud. "You have to help us! We're being attacked! Our friend is bit! Ano?! Hindi 'to animal attack! Shit hindi ko alam! Hindi ko alam nasaan kami!"


"The wake!" napasigaw ako nang maalala ang pangalan nitong restaurant. "Cloud this restaurant is called The Wake!"


"The wake! Oo ito yung pangalan ng restaurant! Bilisan niyo!" sigaw pa ni Cloud na halos magtatalon na sa sobrang taranta. Adrenaline is taking over our systems.


Napatingin ako sa mga mata ni Wolfgang. "You heard that, Wolfgang? Help is coming. Help is coming so don't you dare pass out!"


Hinang-hina man, tumango si Wolfgang habang may ngisi parin sa kanyang mukha.


Sa isang iglap, bigla naming narinig ang pagkabasag ng mga salamin. Kasunod nito ang mga ingay na animmo'y mga taong nagmamadali. "Andito lang sila, hanapin niyo!"


Otomatiko kaming nagkatinginan nina Cloud at Wolfgang. Naglaho ang ngiti sa mga mukha namin ni Cloud at sa puntong 'yon, sabay-sabay kaming napatitig sa bahid ng dugong naiwan ni Wolfgang. Shit! Masusundan nila kami!


"May bintana dito!" pabulong na sambit ni Cloud.


Nakita kong pumatong si Cloud sa isa sa mga stove na nasa dulo ng silid. Para akong nakahinga nang maluwag nang makita ang isang malaking bintanang nakabukas.


"Let's go," sabi ko kay Wolfgang sabay patong ng braso niya sa leeg ko upang maalalayan ko siya sa pagtayo ngunit hindi pa man kami nakakatayo, bumagsak na agad kami.


"I C-can't do it, just go." Hinang-hina na si Wolfgang at hindi na niya kayang gumalaw nang mabilis. Ni hindi niya magawang panatilihing dilat ang mga mata niya ng matagal. He'll just slow us down or worse, he'll suddenly pass out.


Kinuha ko ang jacket ni Wolfgang at dinampi ito sa kanyang sugat. "Hold this," sabi ko.


Mabilis akong tumayo at agad na lumapit kay Cloud. "Go get help, hindi natin alam anong oras darating ang mga pulis. Hindi ko iiwan si Wolfgang," giit ko habang pilit na hinihinaan ang boses ko.


"Pero Tasha!" giit naman ni Cloud nang pabulong.


"We don't have time to argue, bilis!" giit ko at dali-daling tinulak si Cloud upang umalis.


Kinuha ni Cloud ang kamay ko at iniwan rito ang baril. "Just aim and shoot! Babalik ako, babalik ako pangako!" aniya at mabilis na umalis.


Bumalik ako sa tabi ni Wolfgang at ako na ulit ang humawak sa kanyang leeg upang malagyan ito ng pressure.


"Umalis ka na," sabi ulit ni Wolfgang kahit pa halos wala nang lumalabas na boses mula sa kanyang bibig. Pikit mata siya at mukhang ano mang sandali ay mawawalan na ng malay.


"Shut up and open your eyes," giit ko. Gamit ang kaliwa kong kamay, hinawakan ko ang pisngi niya at pinaharap siya sa akin. "Open your eyes, you dumb wolf," sabi ko pa.


Unti-unti niyang idinilat ang kanyang mga mata.


Sa puntong iyon ay wala na ang ngisi sa mukha niya.


Walang ginawa ang kanyang mga mata kundi titigan ako.


"That's it. Keep your eyes open. You can't pass out. You have to stay awake, Wolfgang." Mabilis at pabulong kong sambit habang hawak ang sugat niya sa leeg gamit ang kanan kong kamay, at ang kaliwa naman ay nakahawak sa pisngi niya.


Nagsimula akong makarinig ng malalakas na kalabog sa pinto. Sunod-sunod at napakalakas. Alam na nilang andito kami.


"Go," muling sambit ni Wolfgang pero sa pagkakataong ito ay wala nang boses na lumalabas mula sa bibig niya.


Umiling ako at ngumiti.

Tinitigan niya ako sa mga mata.



END OF CHAPTER 19!

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3

Continue Reading

You'll Also Like

5:45 AM By x

Romance

56K 3.3K 33
Posible ka bang mahulog sa taong madalas mong makasabay sa pagsakay sa jeep?
694K 47.2K 44
Crime and murder podcaster Wren Lozarte is desperate to earn money for her ailing uncle so she accepts a strange but high-paying offer from a mysteri...
306K 7.9K 14
"Saan napunta ang kanilang mga katawan?"
291K 3.4K 6
Isulat ang iyong nais, upang bukas wala nang pagtangis. Pangalan mo’y kailangan, para maisakatuparan. Tatlong araw na puno ng saya. Sa pang-apat na b...