Bulletproof (Querio Series #1)

Von Barneyeols

277K 10.7K 899

Kristoff Johannes Querio is a guy a girl can define perfect. Vicious, good looks, golden hair, a body to die... Mehr

Simula
Kabanata 1
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Wakas
Olivia Emerald Villafuerte

Kabanata 2

6.4K 208 10
Von Barneyeols

Kabanata 2

The people never truly cared for her. She always thought it everytime someone made something for her. They only did things just because she's the niece of a Senator, and a daughter of a businessman.

Naramdaman niya agad ang katahimikan ng ipasok siya ni Paris sa loob ng kotse. Sumakay si Paris sa driver seat dahil ito ang magsisilbing driver.

Sinandal niya ang likuran sa malambot na upuan. Kinuha niya ang cellphone para itext ang mga ka-org mate na uuwi na siya. Hindi niya namalayan ang pagpasok ni Kristoff sa tabihan niya.

"Why are you here?" tanong niya rito.

"Mahirap na. Baka may umasinta sa'yo sa likuran. Walang magpoprotekta sa'yo. Gusto mo bang mataniman ng bala sa ulo?" He asked her.

Umiling ang babae rito at hinayaan na lamang ang lalaki sa kanyang tabihan. Lumayo siya ng kaunti dahil ramdamn niya ang mainit nitong braso na tumatama sa kanyang braso.

Nagkatinginan sila saglit at sabay na nag-iwaa ng tingin. Kinagat niya ang labi niya sa sobrang kuryosidad.

Nasaan ang lalaking ka-org mate niya? May suntukan bang naganap sa loob? Bakit natagalan siya roon? Tanong niya sa sarili habang binabagtas ang pabalik sa bahay.

Napatingin na lamang siya sa baba ng sasakyan at hindi maiwasang makita niya ang hita ng lalaki. Sa faded maong nitong suot, halata ang dugo roon.

Dugo niya ba iyon? O dugo ng ka-org mate niya? Binaril niya ba ito?

"Ano 'yan? Are you hurt?" tanong niya nang hindi makapagpigil.

Nilingon siya ni Kristoff na nakatingin sa bintana na akala mo ay banta doon ng pagsalakay. Tiningnan din niya ang sinasabi ni Olivia.

"Wala 'yan. Maliit na sugat lamang." sagot nito.

"Saan mo nakuha 'yan?" tanong ulit ni Olivia. Hindi naman siya sinagot nito at bumalik lamang sa pagtingin sa labas. Tiningnan niya mula sa rear view mirror ang hitsura ni Paris.

Nagkatinginan sila saglit bago nito binalik ang mata sa kalsada. If he won't talk, sisiguraduhin niya na magsasalita din si Paris.

"First Lieutenant." tawag niya. Nilingon siya ni Paris na nakatingin sa kalsada.

"Yes, Ma'am."

"Saan nakuha ni Captain Querio ang sugat niya?" tanong niya muli. "Mukha kasing naputulan ito ng dila."

Tumikhim naman si Paris at umayos ng upo sa kanyang silya.

"Ma'am, confidential po." Sagot niya dahil sa mariin na tinging binibigay ni Kristoff. Alam niyang sa tingin na iyon ay agad siyang mapaparusahan kapag may salitamg lumabas sa bibig niya.

"Why confidential? I'm just asking. Hindi ko naman ipapalagay sa dyaryo 'yan." Umirap siya sa hangin.

"Why would you want to know? Hindi ka naman mapapayaman ng sagot. Just rest. May klase ka pa bukas. Who in their right mind would go partying kahit na alam na maaga ang klase kinabukasan." pagputol ni Kristoff sa pangungulit niya.

Padabog na sumandal si Olivia. Hindi niya mawari kung bakit feeling niya ay napakaperpekto nitong bantay niya. Masyadong sumusunod sa batas kaya nagiging boring. Akala mo, robot.

Sungit. Akala mo naman napakagwapo. Iyon lamang ang kanyang nasabi. Well, gwapo nga talaga siya! Pero may kung ano sa kanyang pagkatao ang mapapaisip ka. Napakamisteryoso ni Kristoff. At hindi na siya makapaghintay na malaman ang mga sikreto ng lalaking ito.

Nakarating sila sa bahay. Hinatid siya ni Kristoff hanggang sa pintuan. Hindi ito nagsalita man lang hanggang sa makarating sila sa tapat ng pintuan.

"Are you sure you don't want to go sa hospital?" tanong niya dahil hindi siya mapakali habang nakatingin sa pantalon ng lalaki.

Malaki na ang marka ng sugat doon. Naisip niya tuloy na bakit parang hindi nasasaktan ito? Nakakapaglakad pa siya kahit na sugatan ang hita niya.

"No, I'm fine. Just go inside." tanggi ni Kristoff.

Napanguso siya. Yes, she's a brat. Pero hindi naman siya walang puso para hindi mag-alala. Hindi man maganda ang pagkikita nila ng bantay, isa siyang tao na pinalaki na may soft side.

"Gusto mo pahiramin muna kita ng first aid kit? Kumpleto kami from bandages to pain killers." sabi niya.

Umiling siya. Tinanguan lang niya ang pintuan hudyat na pumasok na si Olivia. Hindi pa rin ito gumalaw.

"Kristoff," tawag niya sa mababang boses.

This time, she's serious. Hindi niya maipapagkaila na humahanga siya sa katapangan ng lalaking ito pero para sa kanya ay katangahan din iyon.

"Tao ka pa ba? Hindi ba masakit?" tanong niya.

Walang emosyon ang lalaki. Unti-unti ay nilagay niya ang mga kamay sa bulsa at tinalikuran ang babae. Walang imik siyang naglakad papunta sa barracks. Naiwang laglag panga si Olivia.

"Weird. Ang weird niya." bulong niya.

"Sinong weird?" tanong ni Stefania na nasa likuran na pala niya. Umiling siya rito. Nakapantulog na ito ngayon at weird na nakatingin din sa kanya.

"Wala. Bakit gising ka pa, Stef?" tanong niya rito. Pinakita ng babae ang cellphone niya.

"Ah, si Robbie." sagot niya sa sariling tanong. Kinawayan niya si Stef na bumalik na sa pakikipag-usap sa kanyang kasintahan. Apat na taon ang tanda sa kanya nito kaya mas nagkakaimtindihan sila kaysa kay Diana.

Si Diana kasi parang girl version ata ni Kristoff. Hindi marunong lumabag sa rules. Kung ano ang gusto ni Senator, iyon ang masusunod. She's the perfect daughter while Stefania knows how to have fun sometimes but she's almost perfect too. Brains and beauty, unlike her. She's a brat, spoiled, delinquent? Name every negative adjective and she has it. Palagi siyang nasasangkot sa gulo sa eskwelahan.

She ruined the Villafuerte name. At sa totoo lamang, she'll still ruin everything. Ganoon naman talaga kapag lumaki ka sa isang pamilya na maraming matang nakapagmatyag. Isang mali mo lang, katumbas noon ay ilang mga masasakit na salita mula sa mga taong wala namang alam sa nangyari.

Umakyat siya sa kwarto niya. Her room belongs at the corner of the floor, malayong malayo sa kwarto ng iba. She was isolated from them. In this family, only Stefania acknowledged her as family.

She slowly closed the door and drowned herself in the solitude. She dimmed the lights and tucked herself in her bed.

Another fucking day has ended. Good job. One down, more to go. Bulong niya.

Nakatingin siya sa kisame. She still wants to be a journalist. Malayong malayo sa kursong ipinakuha sa kanya. Kung siguro, buhay lamang ang kanyang ina, malaki ang pag-asa niya ba makapag-aral sa kurso niyang gusto.

Everything in her life became miserable after she died ten years ago. She was eleven and naive back then. Hinayaan niyang kontrolin siya ng mga tao sa paligid niya, which she realised when she turned sixteen.

She's a rebel. Sakit ng ulo ng mga Villafuerte. Basag ulo rito, gulo dito. Lahat na lang ng puwedeng kasangkutan niya, nasasangkutan niya na. But with her surname and money, nakakalusot siya.

She tried to be the best version of herself once but she can't pretend to be someone she doesn't know. Ito siya. Ito talaga si Olivia Villafuerte.

May kumatok sa pintuan. Napabalikwas siya at binuksan iyon. Nakita niya ang lalaking simula pagkabata ay naniniwala sa kanya. It is Borris.

"Borris." Aniya.

Binuksan niya ang pintuan at hinayaang pumasok doon si Borris. Umupo ang lalaki sa stool niya na ginagamit sa pag-aaral.

"Saan kayo galing?" Tanong nito at pinanood siyang umupo sa kanyang kama.

"I went out for drinks. Come on, I'm already legal." Sagot niya.

She knew Borris since she lived in this house. Tanda pa niya noong bata pa siya ay tumutulong na si Borris rito sa bahay bago pumasok ng PMA. He is her friend, a brother.

"You're still young, Olive. But I think I should let you enjoy your life. Mapapagkatiwalaan naman si Kristoff." Aniya.

Agad nakuha noon ang kuryosidad niya. Parang kape, nagising siya mula sa pagkahilo.

"You know him? What was he like Borris?" Tanong niya.

"Yup. He's my junior in PMA. He's quite skilled kaya tingnan mo, pareho na kami nang ranggo. Why did you ask?" Tanong niya.

"Nothing. Kasi kanina, he's weird. Meron siyang sugat sa binti but he doesn't even react. And for someone's sake, it's bleeding."

Pinagpagan ni Borris ang pantalon niya. He doesn't like where the conversation's heading. He knew that she's interested to Kristoff and he doesn't want it.

He likes Olivia. Even with a nine year old gap, he can't think of her as a younger sister. Ang alam lamang niya, unang patak pa lamang ng mata niya kay Olivia, he knew that she's the one kahit hindi na pwede.

"As expected of him. He wasn't called Bulletproof for nothing." Sabi na lamang niya.

"What? Bulletproof?" Tanong niya.

"That's his nickname noon sa Academy and until now. He never showed his soft side sa kahit na anong sitwasyon. Iyon ang nakakuha sa atensyon ng lahat noon."

"Kaya pala hindi man lang mukhang nasasaktan. Alam mo, Borris. Ang gwapo niya. Akala ko nga noong una, artista o kaya model na mag-eendorse kay Tito sa eleksyon." Sabi ni Olivia ng wala sa sarili. Maybe, she's a little drunk pa rin.

May sakit na gumuhit sa dibdib ni Borris. Napatunayan noon na talagang interesado si Olivia. Tumayo na siya sa stool at ginulo ang buhok nito.

"Mauuna na ako. Matulog ka na. Dumaan lang ako para kamustahin ka." Sabi nito sa dalaga.

Tiningala siya nito at matamis na ngumiti. God, he likes her so much.

"Salamat, Borris. You're a gentleman. Diana made the right choice." She remarked.

Napahinga siya ng malalim. Yes, he is set to marry Diana. Pinagkasundo sila ng mga magulang niya. Or to be honest, pinressure siya ng mga ito para ligawan ang dalaga.

"Tsk. Oo na. Matulog ka na." Sabi niya at lumabas sa pintuan.

Nang mawala si Borris ay napagpasyahan niyang maligo muna. Balak kasi niyang puntahan si Kristoff. Kinuha niya ang isang first aid kit para magamot ang sugat ng binata.

Kahit pa sabihing bulletproof ito o kung anuman, alam niyang may pakiramdam ito. Magaling lang talaga magtago.

Nauubusan din naman ng dugo kahit hindi nasasaktan hindi ba?

Dahan dahan siyang bumaba at lumabas patungong barracks. May kaunting ilaw doon sa labas ng barracks. May mga ingay ng sundalo mula sa gate.

Nahihiya siyang kumatok sa barracks. Naiisip niya kasi na maaaring tulugan na ang iba o kaya naman ay mapag-usapan sila.

Wala akong gusto sa sundalong poker face na iyon. Gusto ko lang talaga na magamot iyong sugat niya para mabantayan niya ako ng maayos. Paano kung may sumugod sa akin at hindi siya agad makatakbo? Eh 'di namatay ako? Simple!

Nakita niya ang bintana kaya sinilip niya ito doon. Sigurado niya na ang isang nakatalikod na pigura sa kanya ang katawan ni Captain Querio. Kilala niya ang kulay ng buhok na iyon dahil siya lamabg ang may gintong buhok sa mga sundalong naririto.

Nakahubad ang pantaas nito at nakayuko na parang may ginagawa. Pilit niyang pinalinaw ang mata para matingnan iyon kaya hindi niya namalayan na sa pagtapak niya sa bato ay madulas ang kanang paa niya.

"Shit." Mura niya at agad na tinakipan ang kanyang bibig. Umupo din siya sa lupa at sinandal ang likuran sa dingding habang minumura ang sarili sa isipan.

Tanga mo, Olivia! Paano kung narinig ka niya? Baka sabihang namboboso ka? Isip niya.

"Anong ginagawa mo rito?"

Napalingon siya dahil nanggagaling iyon sa direksyon ng taas ng ulo niya. Bukas na ang bintana ngayon at nakadungaw doon si Kristoff na seryoso ang mukha.

Hindi siya nakapagsalita sa hiya. Nakatitig lamang si Kristoff sa kanya. Sa hiya naman niya ay tumayo na lamang siya at pilit na iniabot ang medicine kit na dala niya at tumakbo na pabalik sa baha nila.

Anak nang pating! Ano ba ang naisip ko at tumapak ako sa bato? Bakit hindi na lang ako kumatok sa pintuan? At bakut ba pumunta pa ako doon? Mura niya sa sarili nang maisara niya sa wakas ang main door ng bahay. Nakasandal lang siya roon hawak ang mainit na mukha.

Sa kabilang banda naman ay nakatulala lang si Kristoff sa bintana at nakatingin sa hindi kalayuang bahay. Napatingin suya sa hawak na kit at napailing.

Sinara niya ang bintana at bumalik sa kama niya. Binuksan niya ang locker at nilagay doon ang kit. Huli na para doon, nakahingi na siya sa katulong ng kit at nagamot na rin ang sugat niya.

That little devil has a heart. He thought while looking intently at the kit like it was Olivia's bratty face.

Tinitigan niya ito bago isara ang pintuan ng locker. Hindi siya sanay na may nag-aalala sa mga sugat niya maliban sa kanyang ina.

Hindi siya sanay na makisama sa mga babae lalo na kung kasing tigas ni Olivia. At hindi siya sanay na ituon ang atensyon niya sa isang tao lamang.

This whole thing is new to him. But it feels nice. Hindi niya alam pero gumaan ang loob niya. Someone genuinely cared for him. And the fact that it wasn't his family. Hindi rin isa sa mga babaeng nagkakagusto sa kanya dahil una pa lang ay ayaw na nito sa kanya. He doesn't know pero mas lalo noong pinagaan ang nararamdaman niya. A random stranger cared for him.

And that was enough just to make him smile.

#BP2

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

5.7K 163 14
Was Miya Fucking Atsumu always his number one? Or did Sakusa Kiyoomi just decide that as a spur of the moment type of thing?
14.5K 437 57
Raise Acelle Davis was a daughter of the governor in the city. She wasn't an ideal daughter, she's a hardheaded partygirl in town, her doings start a...
314K 22.8K 27
Avantika Aadish Rajawat Aadi, with his fiery nature, adds intensity and excitement to their relationship, igniting a spark in Avni. Avni, like the ca...
400K 13.4K 53
Anhay Sharma:- Cold business tycoon who is only sweet for his family. He is handsome as hell but loves to stay away from love life. His female employ...