THE UNFORGIVEN LOVE (under re...

By Theblackwdow

8.7M 130K 4.1K

Si Ana,isang babaeng nabuhay na walang ibang hinangad kundi ang makamit ang tiwala ng kanyang Papa. Wala siya... More

THE UNFORGIVEN LOVE
Chapter 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23 (present times, next to 17)
CHAPTER 24
Chapter 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 56
CHAPTER 57
Chapter 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 70
CHAPTER 71
CHAPTER 72
CHAPTER 73
CHAPTER 74
CHAPTER 75

CHAPTER 69

85.8K 1.3K 41
By Theblackwdow


"Are you sure about your decision." Dahan dahan tumango si Jocel habang nakatuon ang namumugtong mga mata sa nakakuyom na kamay.


"I should be happy for him anyways. Desisyon ko to, at kailangan kong panindigan ang lahat." Kinagat nito ang pang-ibabang labi upang pigilan ang paghikbi.


Pinagmasdan ko siya ng mga sandaling iyon.

Simula ng dumating ito ng bahay ay wala na itong tigil sa pag-iyak. Wala na siyang magagawa kundi ang hayaan na lamang si rafael na magpakasal kay hillary.

She tried to talk to him. but rafael refused. aniya ayaw nitong mapabago ang desisyon gagawin dahil sasaktan at sasaktan lang din siya ni Jocel.


" It hurts the worst when the person that made you feel special yesterday, makes you feel unwanted today."


Hinawakan ko ang kanyang nanginginig na kamay.


" Don't feel bad that way. Galit lang ang tao, mahal ka pa rin nun. alam natin yun." Hinaplos haplos ko ang kamay niya para lumikha ng init.

Umiling ito sakin. Wari'y hindi sapat ang mga salitang yun para mawala ang sakit na nararamdaman.


" Ang tanga tanga ko Anna, ang tanga tanga ko.." Yumuyogyog ang balikat niya habang sinasabi yun. lumapit ako sa kanya upang yakapin ito. Hinaplos haplos ko ang kanyang braso.


" Nagmamakaawa na siya sakin nun na makipagbalikan sakin, but I pushed him away and go to her fiancee. I pushed him for the second time and now, I extremely wrecked for what I did."


"Hush jocel." Kahit ako ay nahihirapan na rin. Bukas na ang kasal ni Rafael. Madalian kumbaga at mga malalapit lang na tao ang imbitado roon.


Rafael confirmed this to me one time nung nakausap ko siya matapos ang pagkikita namin ni Jocel.


" Wala na akong magagawa pa sa kong ano ang gustong gawin ng kaibigan mo Anna. Ang gusto ko lang ay tigilan na niya ako, wag na siyang umasa kung maari dahil tapos na ang mga nasimulan namin noon." His word was firmed but I can see betterness on his face.

Pain was written on his eyes. Hindi nito kayang itago ang katotohanan mahal pa nito si Jocel.

" She pushed me away. I lost my faith in love because of her. I lost my self, my everything because of her. kaya wala, wala siyang babalikan at wala siyang aasahan." Matigas ang boses nito.


Sinulyapan ko nalang si Cyrus na tahimik na tumitikim ng wine sakin tabi.

Naiintindihan ko siya kung bakit ganon na lamang ang nararamdaman nito kay Jocel.

Kinuwento sakin ni Cyrus ang lahat; kung pano naging miserable at warak ang buhay ng kaibigan ng piliin ni jocel na maengaged kay lake.

He also tried to kill his life. Mabuti nalang at nandun silang magkakaibigan.

Tinulungan nila itong bumangon. Kasabay nun ay ang pagbalik nito sa sariling pamilya na matagal na nitong nilayuan.

Tinanggap ni rafael ang lahat ng responsibilidad na nakapatong sa kanya sa kompanya ng pamilya, maging si hillary na naging kaagapay niya sa pagbangon.

Now jocel is back, ito naman ang naghahabol sa naiwan pag-ibig.

Sa pag-ibig na nasira at nasaktan.

Sa pag-ibig na bumangon at nagbago.

Sa pag-ibig na napagod at kinalimutan.

"Nakakapagod mahalin ang kaibigan mo. " Napailing ito. "Hindi ako laruan na kapag pinagsawaan nalang ay iiwan at babalikan kapag kailangan."


Ganun nga ba yun? Ang makaramdam ng pagkapagod sa pagmamahal na noo'y pinangarap mong makuha.

Sa pagmamahal na minsa'y naisip mo sa sarili mo na dapat hindi mo na pinagbuksan ng pinto dahil alam muna ang pakiramdam kung pano madurog at mabaon nang walang kamay na aabot sayo.

Sa pagmamahal na minsa'y nagdulot sayo ng sobrang kasiyahan, at hiniling mo rin sa diyos na sana panghabang buhay mo na siyang makasama.


Sa pagmamahal na nagparamdam sayo ng lahat ng pakiramdam, emosyon at nagpaintindi sayo ng tunay nitong kahulugan.


Given nang mapagod, pero ang sumuko at hayaan na lamang ito ng hindi lumalaban, parang hindi patas.


Katulad namin ni Cyrus. Sinubukan kong kalimutan ang nararamdaman ko sa kanya nang matagal na panahon. Inalagaan ang galit at pagkamuhi ko sa kanya at sakin pamilya. Napagod ako Oo, pero nalaman ko ng mga oras na magkita kami na hindi nawala ang pagmamahal ko sa kanya.

Maaring natulog lamang ang damdamin iyon pero binuhay ng mga sandaling pinaramdam niya iyon sakin.


Sa pagmamahal, normal nang makaramdam ka ng pagkapagod, nang lamig at init, nang panghihinayang at pagsisisi..


pero hindi ibig sabihin na mawawala ito.


Dahil sa tanang buhay mo, minsan ka lang makakaramdam ng ganitong klaseng pagmamahal sa isang tao. Pagmamahal na gagawin mong inspirasyon para mabago ang iyon buhay.


Dumating ang araw ng bukas. Nagtext sakin si Jocel na pupunta sila ni Lake sa Fort lauderdale sa Miami, aniya aasikasuhin ang negosyo ng kanyang pamilya. but I doubt. malamang ay tatakbo na naman ito sa pagkadurog ng kanyang puso.

Ano pa bang aasahan ko, kahit ako, akala ko ang pagtakbo sa lahat ng sakit ang siyang tamang gawin para mawala ito, pero hindi pala.

Oo kailangan natin ng time at oras para eabsurb ang reyalidad sa buhay pero hindi aabot ng panghabang buhay at hindi habang buhay ay tatakbo ka nalang ng tatakbo.



Naging masaya ang kasalan. Masayang masaya ang bagong mag-asawa lalo na si hillary at napakaswerte ni rafael sa kanya. Napakabuting tao ng asawa nito at ideal ito ng lahat ng lalaki.


"Pano ba yan, wala nang night out!! may asawa kana tol!!'" Sigaw ni Nilo habang nagbibigay ng speech isa-isa ang magkakaibigan.


Nakatingin kaming lahat sa bagong mag-asawa. Parehong nakangiti at kitang kita ang kasiyahan sa kanilang mga mukha.

Tahimik ang lahat habang nagbibigay ng speech si hillary para kay rafael.


" Akala ko hanggang daydream nalang ako sa lalaking mahal ko." Then she giggle. Rafael was smiling while looking to his wife.


"Thank you bestfriend, boyfriend,fiancee, mahal, hubby for giving me a chance to love you wholeheartedly. Masayang masaya ako dahil ako ang naging asawa mo. Kasama maging satin pagtanda."


Tahimik ang dagat ng mga tao habang nagpapatuloy sa pagsasalita si Hillary.


"I will forever hold our promises and promise you from this day on until forever, I will love you for the rest of my life." Lumapit sa kanya si Rafael at nakangiting hinalikan ito ng mainit sa harap ng maraming tao.


Nagtilian ang lahat. Pati ako ay napangiti.

Mahal na mahal ni Hillary si Rafael.

Katulad ng pagmamahal ko kay Cyrus.

Kahit na alam nitong may ibang mahal ang kanyang asawa, handa siyang magtiis, handa siyang mangako, handa siyang magbigay, handa siyang magsilbi.

Totoong napakaunconditional ng ganitong klaseng pagmamahal. Yung hindi ka titingin sa pangit na nakaraan ng taong minamahal mo dahil tanggap na tanggap mo siya kung ano at sino pa ito.

I know time will come, matutunan din ni Rafael na makalimutan ang kaibigan ko. Katulad ng paglimot ni Cyrus kay Tricia. Mamahalin niya rin ang babaeng pinangakuan niya ng panghabang buhay na pagsasama.

Kapareho ni jocel, makakamove on siya sa sakit at makakalimutan rin ang mga nangyari at umaasa ako na darating ang mga araw na pasasalamatan nila ang mga taong sumalo at nagmahal sa kanila sa kabila ng kanilang mga kamalian.



//~//



"Ateng may naghahanap po sa inyong madre sa baba, Mother Elena daw po." Si Tyra pagkatapos kong pagbuksan ng pinto. Kasalukuyan kaming nasa kwartong mag-anak. Nanunuod ng TV ang mag-ama habang ako nama'y nag-aayos ng mga damit.


Sabado at parehong wala kaming pasok ni Cyrus. Mamaya ay pupunta kami ng theme park at mall.


Umaliwalas naman agad ang aking mukha ng marinig ko ang pangalan ng madre.


"Pakisabi hintayin lang ako sa baba." Ani ko. Agad akong nagtungo sa banyo para mag-ayos at magpalit ng damit.


Matagal ko nang gustong puntahan ang bahay ampunan nila Mother Elena. Hindi naman naputol ang mga donasyon pinapadala ko sa kapilya kaya kahit papano ay nagkakamustahan pa rin kami ng madre.


Pagbaba ko ng kwarto ay naabutan ko si Mother elena. Maluwang ang mga ngiti nitong sumalubong sakin pero tila may kakaiba sa mga mata nito. Nasa katabing upuan si Mother Kristy at dalawang di pamilyar na mukha sakin.


Siguro mag-asawa ang mga yun. Kasing edad ko lang rin ang dalawa base na itsura at postura ng mga ito. Ang lalaki'y nakasalamin at nakasuot ng pormal na damit. Ang babae nama'y naka dress. May nakalagay na make up sa mukha pero alam kong kunti lang yun. Maputi ito at mas matangkad sakin ng kunti.


"Mother Elena, Mother Kristy. kamusta po?" Masaya akong nagmano sa dalawang madre na tinanggap naman ng mga ito.


"Ayos lang kami iha, masaya ako't nakita ka namin." Tumingin ito sa mag-asawang kasama. Hindi nakaligtas sakin ang mapanuring anyo ng dalawa. Pinagmamasdan ako ng mga ito. Pero nanlalamlam ang mga mata.


"Siya nga pala, This is Mr. and Mrs Bringuela. Daibby, Jerome, si Anna." Pagpapakilala ng matandang madre samin.


" Kamusta? Ano po ba ang ipaglilingkod ko sa inyo?" Tanong ko nang makaupo kami sa couch.


Dumating ang mga katulong bitbit ang ilang baso ng inumin. Hindi sumagot ang dalawa pagkatapos abutan ng inumin na tinanggap naman ng mga ito.

Bigla akong nakaramdam ng kakaiba habang pinagmamasdan ko si Daibby. Para itong di mapakaling pusa. Kitang kita ko ang pagkatense sa mukha nito. Pinapakalma naman siya ni Jerome na hinahaplos ang likod ng asawa.


"Ah anna, kamusta nga pala ang kambal? balita ko nag-aaral na ang mga ito ah." Natuon ang atensyon ko kay Mother Elena, pero hindi ko maiwasan mapasulyap sa babaeng tila naiiyak na.


"Maayos naman po, kakalipat lang po nila sa bagong nursery school."

Lumunok ang kaharap kong madre at sumimsim ng inumin.


"Anna meron sana kaming gustong sabihin sayo tungkol sa dalawang bata." Pagpapatuloy ng madre. Unti unti na akong kinabahan sa pagiging seryuso nito.

Somehow, nararamdaman ko na may kinalaman ito sa mag-asawang kasama nito ngayon.


" Mommy Mommy Mommy!!!" Sigaw ng dalawa. Nakapasan sa likod ni Cyrus si Carlo samantalang nasa harapan naman si Cristine.


Pero hindi natuon ang aking mga mata sa kanila kundi sa babaeng tinakpan ang mukha at napaiyak.


Nakunot lalo ang aking noo sa kanila.

" Are we going to take a bath mommy? daddy told us to ask you first." Nagmumulukat lukat ang mga mata ni Carlo at hindi nito pansin ang mga bisitang kaharap ko.

Cyrus noticed them. Umigham ang aking asawa. hindi ko pinansin ang tanong ni Carlo.


" Ah Daddy, sila Mother Elena and Mother Kristy, tsaka mga kasama nila, si Mr. and Mrs.."

"Mr. Bringuela." Putol sakin ni Cyrus at matalim na tiningnan ang lalaking tila nakakita rin ng multo.


"Mr. Brazil, hindi ko alam na kayo pala ang mister ni Ms. Anna." Aniya at natuon ang tingin sakin.


Nagpapalitan kami ng tingin lahat, pero natigil ang mga mata ko sa babaeng nakatitig sakin kambal. Ang mga mata nito, kaparehong kapareho ng sa...

Biglang nanlaki ang aking mga mata ng nakumpirma ko ang aking mga iniisip.

Mas lalo itong nahikbi sa kinatatayuan. May kung anong pumipigil dito na lapitan ang aking mga anak. May binubulong ang asawa niya pero hindi ko yun marinig dahil ukopado ang aking isipan sakin mga nalaman.


Ito na ba ang kadulo duluhan ng lahat?

Mawawala na ba sakin ang aking mga anak?

Naiiling ako at di ko maiwasan mapatulo rin ang aking luha.

Hindi, hindi ito maari.

Ako, ako ang ina ng aking mga anak.

Walang pwedeng umangkin sa kanila kundi ako lang.


"Mommy why are you crying?" Nakita ko ang pag-aalala sa mukha ni Cristine. agad ko siyang kinarga pagkatapos ay pinunasan ko ang aking luha.

Inabot ko ang mga bata kay Cyrus.


" Utusan mo si tyra na paliguan ang dalawa, susunod ako sa kwarto." Ani ko kay Cyrus. Tumango naman ito at tinapunan ng tingin ang lalaking inaalo pa rin ang asawa.

Nang makaalis na ang mag-ama ay hinarap ko silang lahat.


"Mother Elena, ano ho ba ang gusto niyong sabihin tungkol sakin mga "ANAK"" Ayoko nang magpaligoy ligoy pa, Kahit na alam ko na ang totoo, gusto kong marinig ang totoo sa kanila.


"Anna." Garalgal ang boses ni Daiiby. Nilingon ko ito.


"Anna ako ang ina ng mga batang iniwan sa pinto ng kapilya, Kami ang mga magulang ng mga batang inampon mo." Umiiyak sa sabi nito.

Napailing ako.

Ako lang ang ina ng aking mga anak. Wala nang iba. Hindi siya, hindi kahit sino, ako lang.


"Anna they here to settle everything. Hindi nila kukunin sayo ang mga bata.."


"Hindi, ako ang ina ng aking mga anak. Anong karapatan niyong bawiin ang nasakin na pagkatapos niyo silang iwan at pabayaan."


Mas lalong lumakas ang hikbi ni Daibby.


"We are the biological parents, may karapatan kami sa mga anak namin."

"Huh.." Napabuga ako ng hangin at napangisi." Anong klaseng magulang ang pwedeng itawag sa inyo? Iniwan niyo ang kambal sa gitna ng ulan, pinabayaan at inabanduna. Hindi ninyo naisip kung ano ang mangyayari sa kanila? Kung hahayaan niyo na lang bang mamatay ang mga ito sa ulan at manigas sa sobrang lamig. Ganyan ba ang tunay na mga magulang ha?! ganyan ba?!" Hindi ko maiwasan mapabulalas sa galit na nararamdaman ko sa mag-asawa.


Anong klaseng mga magulang sila?

Mga wala silang puso..


Walang pagmamahal sa anak.


" You don't understand Anna, may malaki kaming pinagdadaanan ng mga pana..."

"Kaya iniwan niyo ang mga bata ganun ba? Bakit? Sa tingin niyo ba nasolusyunan niyo ang inyong mga problema nung iniwan niyo silang walang wala. For god sake!! mga sanggol ang iniwan niyo!! tao sila!! hindi pusa na niligaw sa daan!!"


"Anna huminahon ka.." Lumapit sakin si Mother Elena dahil sakin paghehesterical.


Natahimik ang dalawa sakin mga sinabi. This is ridiculous. Kukunin nila ang aking mga anak.

Hindi ako papayag. Lalaban ako kahit san man kami humantong.

Naramdaman ko ang kamay ni Cyrus sakin balikat at pinakalma ako nito.


"hush mommy." Aniya habang binubulong yun sakin tenga. Sunod sunod ang aking paghinga. This is suffocating.


" Pasensya na ho mother, kung maari ho sana'y iwan niyo muna kaming mag-asawa. Kailangan lang po namin mag-usap." Si Cyrus ang humarap sa kanila.


Hindi ko ito kaya.


Iisipin ko palang na mawawala na ang aking kambal ay mababaliw ako.


"Cyrus no, wag kang papayag.. Hindi ako papayag." Hagulhol ang aking iyak habang niyayakap niya ako mahigpit.


"Yes, mommy, hindi natin ibibigay ang mga anak natin. " Pero hindi kayang dalhin ng mga salitang yun ang pangambang nararamdaman ko lalo pa't mas malaki ang laban ng mga ito sakin.

Continue Reading

You'll Also Like

9.3M 103K 35
This is a story about a young lady who fell in love with his brother's friend who is nine years older than her. She did everything to win the heart o...
5.2M 74.9K 55
*Not Suitable for 13yrs old and below readers.* First love never fades. Yan ang lagi kong naririnig. Kasabihan na pinaniwalaan ng lahat at isa na ko...
2.2M 10.3K 12
An indecent proposal. A woman who needs him, his money. A man who needs her to satisfy his needs.
137K 2.1K 28
[TAGALOG STORY] PDA GIRLS SERIES #2: Camille Lia She accepted the deal without realizing what might happen. A cliche'story starting with a deal with...