Leam University : School for...

By valiantriri

1.1M 33.1K 6.2K

University Series # 1 She's Aubrey Mae Clark, an ordinary girl in an ordinary world. She thought that... More

front matter
Leam University
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Wakas

Chapter 57

13.4K 374 25
By valiantriri

Note: This chapter will be in a third person's point of view. Hindi pa ako masyadong kabisado gumawa ng ganitong eksena kaya pasensyahan niyo na. And also, if you can't remember some of the characters who are going to be mentioned in this chapter, kindly re-read some parts of the story (LU Festival arc). Hihi. Enjoy reading!



~*~

Chapter 57 - Justice

THIRD PERSON

Nananabik, matalsik at mapuno ng dugo ang paligid. Ingay dito, ingay doon, ingay kung saan-saan. Kung ikaw ay nandito sa kinaroroonan kung saan ang digmaan ay naganap, sigurado'ng matatakot ka at kakabahan ka sa bawat dugo na tumalsik galing sa isang katawan na pinatay at sinugatan

Nagkakaguluhan ang mga Witches sa pakikipagdigmaan laban sa mga Mages. Ang mga Mages naman ay sumunod lamang sa kanilang plano.

Dumadagan si Elder Eunel sa patungo sa kagubatan ng isla habang sumusunod naman ang kanyang mga sundalo sa kanyang likuran. Napatingin-tingin siya sa paligid at may senyasan siyang presensya na kakaiba at malakas. At alam niyang mahirap ito kalabanin.

"Elder Marjuri, puntahan mo ang Class E ngayon din. Tulungan mo sila. Kami ang bahala dito", pagsasalita ni Elder Eunel sa kanyang kasama na matandang babae na si Marjuri. Tumingin ng seryoso si Marjuri at agad namang tumango. Tinawag niya ang kanyang mga sundalo upang puntahan ang Class E na sinusugod ng mga kalaban ngayon.

Tumigil sa pagtatakbo si Elder Eunel, pati ang kanyang mga kasamahan. Nakatitig ito sa kanyang harap at nanliliit ang kanyang mga mata.

Itinaas niya ang kanyang staff at itinututok sa kanyang harap. "Ekrixi!"

Isang malakas na sabog ang sumunod pagkatapos niyang sambitin ang kanyang chant. Isang malakas na tawa ang kanyang narinig mula sa sabog--at isang palakpak. At 'di sa kinalalayuan ay biglang may humugis na tao na gawa sa usok. Kahit usok ito ay may makitang mga mata--kulay pula na mata--at isang ngiti ng demonyo.

"It's been a long time, Eunel", pagsasalita ng isang Heneral ng mga Witches na kung tawagin ay Kathleen. Siya ang nasimuno sa mga Witches at isa sa mga right hand ng kanilang prinsesa. Unti-unti ng naging tao ang hugis na tao na usok. Nakangiti ito kina Eunel at napatiim bagang naman ang matanda.

Bago pa man nakapagsalita si Eunel ay bigla nawala si Heneral Kathleen sa kanyang kinatatayuan at bigla na lamang niyang namalayan na nandito na ito sa kanyang harapan. Napaatras agad si Eunel at napamura. Agad siyang sinuntok ng kalaban na may itim na borg sa kanyang kamao.

Napamura si Eunel at sumugod na ang kasamahan ng kalaban patungo sa ibang mga Mages. Nagsigawan ang karamihan at nagsimula na ang labanan. Napatiim bagang siya at agad nag-cast ng borg upang proteksyunan ang kanyang sarili ngunit agad itong nabasag. Napangiti naman ang kalaban at agad namang tumalon si Eunel pataas upang hindi siya masuntok.

Napatambling siya patungo sa likuran ni Heneral Kathleen at agad niyang hinampas ang kanyang staff sa kalaban. Napaduko ang kalaban at nagteleport pataas sa kanya. Agad namang tinukod ni Eunel ang kanyang kamay sa lupa at dumistansya palayo sa kalaban niya.

Si Heneral Kathleen ay biglang nawala sa kanyang paningin at naging usok ito. Si Heneral Kathleen ang isang Water-Air type Witch habang si Eunel naman ay isang Fire-earth type na Mage. At ang kanilang mga elemento na ginagamit ay magkasalungat.

Napahinga ng malalim si Eunel habang hinahanap niya ang presensya ni Kathleen. Napamura siya sa kanyang isipan. Ang ingay kasi ng paligid at naguguluhan siya kung asan ito. Mas lalo siyang nagpokus sa kanyang isipan.

Mas naging palalim ang kanyang vision at...

nakita na niya ito.

"O pnévmata tis Fotiás, sou parangéllo. Vreíte tin kai kápste tin psychí tis", pagsasalita niya sa kanyang isipan at initaas niya ang kanyang staff.

Biglang may sumabog sa ibabaw niya at narinig niya ang mura ng kalaban. Napangisi naman si Eunel at nagteleport sa likuran nito. Agad niyang sinipa si Heneral Kathleen at agad namang napaduwal ng dugo ang kalaban sa kanyang ginawa.

Lumipad si Heneral Kathleen at nauntog sa isang puno. Napamura ito at pilit siyang tumayo habang sinasamaan ng tingin si Eunel. Nag-teleport agad si Eunel patungo sa kanya at nag-cast nanaman ng spell.

"O ta pnévmata tis Gis kai tis Fotiás, sas diatázo. Ekrixi--!", agad na-cancel ang kanyang spell no'ng biglang lumakas ang ihip ng hangin.

Napapikit siya sa kanyang mga mata at napaatras. Alam niyang si Heneral Kathleen ang may kagagawan nito. Napatingin siya sa kalaban at nanlilisik ang mga mata nito kaya napaatras siya. 

"How dare you did that to me?!", pagsasalita ni Heneral Kathleen na may nakakatakot na mukha. Napatiim bagang ang matanda at umatras ng konti habang hindi niya pinapansin ang pinagsasabi nito.

Mag-ca-cast na sana ng spell ulit si Eunel ngunit mas lalong naging malakas ang ihip ng hangin sa kanyang paligid. Napakapit siya sa kanyang staff ng mas mahigpit.

Napangiti si Heneral Kathleen no'ng nalaman niyang hindi na makakagalaw si Eunel at dahan-dahan siyang lumakad patungo nito. 

At sa isang malakas na iglap ay biglang nasugatan ang kasuotang pandirigma ni Eunel dahil sa lakas ng impakt ng hangin nito sa kanyang katawan. Agad na bumugad ang malaking katawan ng matanda--kahit siya ay matanda na ay malaki pa rin ang mga muscles nito sa kanyang katawan dahil sa ehersisyo.

At sa sunod naman ay may namuong mga sugat sa kanyang mabakat na katawan. Napamura si Eunel sa nangyayari sa kanya at panay ngiti at halakhak naman ang ginawa ni Heneral Kathleen ngayon.

"Ahhhhhh!", napasigaw si Eunel dahil hindi na siya makagalaw sa kanyang katawan habang nasugatan ang kanyang katawan. Maliit lamang ang sugat  ngunit marami ito. 

The strong pressure of the wind was slicing and made cuts all over his body. Heneral Kathleen was already smiling in victory because she knew that her opponent will be meeting his end.

Habang nagkakaguluhan ang paligid ni Eunel ay hindi pa rin  niya maiwasang mag-alala sa nangyayari sa Class E ngayon na ang siyang ang susi patungo sa pagkatapos ng digmaang ito. Napapikit siya sa kanyang mga mata habang tinitiis niya ang sakit ng kanyang katawan. 

Kailangan naming proteksyunan ang Class E sapagkat sila ang siyang daan patungo sa aming kalayaan.

Pagsasalita ni Eunel sa kanyang isipan.

At sa isang iglap ay biglang yumanig ang lupa, umilaw ang langit at mas lalong rumami ang mga dugo sa paligid. Napaangat ni Eunel ang kanyang tingin sa itaas at nanlaki ang kanyang mga mata sa kanyang nakita. 

Hindi siya makapaniwala. Napatigil din ang ibang Witches at Mages dahil sa nangyayari. Napatahimik ang paligid habang nakatunganga sila sa kanilang nakikita.

Mga bato. Mga bato na may apoy---ay kung tawagin ay meteorites ang kanilang nakikita ngayon. Hindi nila alam kung asan ito galing dahil wala naman ito sa kanilang mga plano.

"Elder Eunel, can you hear me?"

Napukaw ang matanda no'ng narinig niya ang bose ng kanyang kasamahan na si Elder Jasper sa kanyang isipan. Napatingin-tingin siya sa kanyang paligid upang hanapin ito ngunit siya na lamang ay nabigo.

"Tumakas na kayo at puntahan niyo na ang Class E. Ang mga meteorites na ito ay isang ilusyon lamang na gawa ko. Ginawa namin ito dahil marami na ang nasugatan at namatay sa ating mga kasamahan. Ang mga Witches na kinakalaban niyo ngayon ay nakulong na sa sarili nilang ilusyon kaya't tumakas na kayo at tulungan ang Class E bago mag-solar eclipse.", pagsasalita ni Elder Jasper sa kanyang isipan.

Napatango naman si Eunel sa kanyang narinig at ipinikit niya ang kanyang mga mata at naki-konekt sa mga isipan ng kanyang mga mandidirigma. 

"Makinig kayo. Halina't tumakas na tayo at pumunta sa kinaroroonan ng Class E. Walang mangyayaring masama sa atin. Ang mga sugatan ay bumalik do'n sa dalampasigan at hanapin si Doktor Rhea at ang kanyang mga kasamahan. Ang mga ayos pa ay pumunta na tayo. Ang nakikita niyo ngayon ay isang ilusyon na gawa ni Elder Jasper. Tara na.", pagsasalita ni Eunel sa kanyang mga kasamahan.

Agad namang sumunod ang kanyang mga tauhan at nagsimula na silang tumakas sa kinaroroonan nila at hinanap si Elder Marjuri at ang Class E.





SA kabila sa nangyari ay panay sa pagtatakbo lamang ang ginagawa nina Aubrey at ang kanyang mga kasamahan habang pinupuksa nila ang mga kalaban na nakikita nila. Pagod na silang lahat ngunit wala sa isa sa kanila ang sumuko. Kailangan nilang puntahan si Prinsipe Patrick.

"Makinig kayo Class E, dapat niyong mahanap ang prinsipe bago mag-solar eclipse. Dahil sa panahon na mag-solar eclipse na ay magsisimula nang mag-activate ang Unmei Dungeon at hinay-hinay ng mamamatay ang mga tao sa mundo.", ito ang bilin ng Hari bago sila pumunta sa islang kinaroroonan nila ngayon. 

Kinakabahan si Aubrey habang hinampas niya ang kanyang staff sa isang witch na nasa kanyang harapan. Isa-isa niyang hinampas ang kalaban na nakikita niya habang siya ay tumatakbo at sinusundan si Elder Marjuri na tumutulong sa kanila ngayon.

Napatingin siya sa kanyang mga kasamahan. Seryoso naman sina Dranreb habang isa-isa niyang sinipa ang kalaban gamit ang kanyang sixth sense habang si Miles naman ay panay lamang sa pagsuntok. Si Emy at Mai naman ay nasa kanyang likuran habang si Bryl ay nasa kanyang kiliran. Ang dalawa niyang kaibigan na mga Witches na sina Brandon at James  ay tinutulungan din sila.

"Brandon?!", pagsisigaw ng isang witch na babae habang kinakalaban niya si Brandon. Napakagat sa labi si Brandon habang nakipag-away sa babaeng iyon. "T-Tinatraydor mo ba ang mahal na prinsesa?", pagtatanong nito sa kanya.

Napatiim bagang si Brandon at huminga ng malalim. "Ano sa tingin mo?", malaseryoso niyang pagsasalita sa babaeng iyon. "Paumanhin na, Dhayn ngunit kailangan ko itong gawin dahil alam kong ito ang tama", pagsasalita niya kay Dhayn na isang kaibigan niya sa Kuro Tribe.

Si Dhayn ay isang matalik na kaibigan ni Brandon noong bata pa sila. Isa siya sa mga anak ng mga opisyales ng mga Heneral sa Kuro Tribe at nagdadalawang isip si Brandon na saktan ang kanyang kaibigan.

Napangiti ang dalaga sa kanya. "'Wag kang mag-alala, Brandon. Hindi ako tutol sa mga ginagawa mo ngayon.", pagsasalita ng babae at napapikit siya sa kanyang mga mata at bigla niyang sinugatan ang kanyang sarili. Nanlaki ang mga mata  ni Brandon, pati na si Aubrey na tumitingin sa kanila dahil sa ginawa ni Dhayn sa kanyang sarili.

"D-Dhayn", banggit ni Brandon sa pangalan ng kanyang kaibigan. Napatingin siya sa sugat sa bandang tiyan ng babae at napalunok. Gusto niya itong tulungan ngunit agad siyang pinigilan.

"Umalis na kayo at 'wag mo na akong pansinin. Ako nalang ay magpapanggap na isang patay dito.", nakangiting pagsasalita ni Dhayn.

"Ngunit--"

"Pumunta ka na!", sigaw ni Dhayn at wala ng magawa si Brandon.

"Tara na, Brandon.", pagsasalita ni Aubrey kay Brandon at tumingin kay Dhayn. "'Wag kang mag-aalala, binibini. Ako ang bahala sa kaibigan mo. Babalikan ka niya dito.", dagdag nito.

Ngumiti na lamang si Dhayn at ipinikit na ang kanyang mga mata at nagpanggap na isang bangkay kuno.

Nagpatuloy naman sila sa pagtatakbo at mas lalong lumalaki na ang toreng pupuntahan nila ngayon sa kanilang mga paningin na ang siyang ibig sabihin na malapit na sila nito.

"Aubrey!", agad namang napalingon si Aubrey no'ng sumigaw si Bryl. Nanlaki ang mga mata ni Aubrey nang biglang may parang isang panang kulay asul na papunta sa kanyang direksyon. Hindi niya alam ang kanyang gagawin at bigla nalang napatigil niya ang mga tao sa paligid dahil sa kanyan sudden activation sa kanyang sixth sense.

Napaatras si Aubrey at napatingala dahil sa kanyang ginawa. Napailing-iling siya at nag-snap sa kanyang mga daliri upang maibalik 'yong oras. At dahil sa ginawa niya ay napaupo siya sa lupa dahil nanghina ang kanyang katawan.

Nabigla na lamang siya dahil nakikita na niya ang mga kulay dilaw na lumilipad patungo sa Unmei dungeon. May pagkamedyo malabo ang kanyang paningin ngunit nakikita niya ito. At narealize na lamang niya na ang mga ilaw na ito dumadaloy patungo sa torreng iyon.

Rukh

Ang rukh ang kanyang nakikita at naramdaman n'yang unti-unti ng nagdidilim ang kalangitan. Nagpatuloy ang labanan at may nakita siyang mga mga parang meteorites sa kinalalayuan niya. Kinakabahan siya na ewan.

Napatingin siya sa kanyang paligid at unti-unti ng bumagsak ang mga kasamahan ni Elder Marjuri. Napalunok siya. Nasasaktan siya sa kanyang nakikita. Maraming dugo, maraming ugol, maraming sugatan. Alam na alam niyang kasalanan niya kung bakit ito nangyayari ngayon.

Napatulala siya habang siya ay nakaupo pa rin sa lupa. Hindi niya maigalaw ang kanyang katawan. 'Yong tipong parang nanghihina siya dahil sa nangyayari. Agad naman itong nakita ng kanyang mga kasamahan ang nangyari sa kanya kaya gad nila itong pinalibutan.

"Aubrey, ayos ka lang ba?", pagtatanong ni Emy habang sinipa niya ang Witch na papunta sa direksyon niya.

"O-Okay lang ako.", mahina niyang pagsasalita.

"Paligiran niyo si Aubrey! We need to protect her!", sigaw naman ni Dranreb at sumunod naman ang kanyang mga kaklase sa sinabi niya.

"You need to reattain your energy, Aubrey. We need you.", pagsasalita ni Bryl habang nakatalikod ito sa kanya. 

Napaduko si Aubrey. Gusto niyang gumalaw ngunit hindi niya maigalaw ang kanyang katawan. Gusto niyang tumulong ngunit hindi niya alam kung paano. Masyadong nanghina ang kanyang katawan dahil sa pagbiglang paggamit niya sa kanyang sixth sense. 

Lalo na ngayon ay ginagamit niya ang kanyang Haki. Ang Haki ay isang kapangyarihan na p'wede mong makita ang bagay na hindi nakikita ng mga normal na tao. Ginagamit niya ito ngayon dahil nakikita niya  ang rukh na dumadaloy patungo sa Unmei Dungeon. Hindi niya alam kung paano ito i-undo.

Napatingin siya sa kalangitan at nanlaki na lamang ang kanyang mga mata no'ng may nakita siyang isang bato na may apoy na patungo sa direksyon nila. Napatingin silang lahat sa itaas at napalunok na lamang si Aubrey dahil sa kaba.

Katapusan ko na ba?

Napapikit siya sa kanyang mga mata.

"Hindi. Hindi mo pa katapusan."

May nagsalita sa kanyang isipan. Pilit niyang ibinuka ang kanyang mga mata at nabigla na lamang siya dahil nasa isang malawak na madilim na kalawakan siya ngayon. Naguguluhan siya. Asan ba siya? Bakit siya nakarating sa gano'ng tahanan?

"Nasaan ako?!", pagsisigaw ni Aubrey. Napatingin-tingin siya sa paligid at agad namang dumapo ang kaba sa kanyang sistema.

Nabigla na lamang siya no'ng biglang may nakita siyang lalakeng matanda na may mataas na balbas. Seryoso itong nakatingin sa kanyang habang hinahawakan nito ang kanyang balbas.

"Aubrey Mae Clark.", pagsasalita ng matanda sa kanya. "Binabati kita, binibini. Kailangan ka naming kausapin. Ikaw... Ikaw ang pinili ng namin. Ikaw ang pinili naming maging susi sa kalayaan.", pagsasalita ng matanda sa kanya.

"P-Po?", kinakabahan pagsasalita ni Aubrey.

"Ako si Master Hades of the 15th century.", pagsasalita ng matanda. "Hoy Elizabeth at Liro! Lumabas nga kayo!", sigaw ng matanda sa kanyang likuran.

Master Hades? Elizabeth? Liro?

Napakunot si Aubrey sa kanyang nakita. Ano bang pinagsasabi ng matandang ito? 

"Pasensya na po, Master Hades. Nahihiya kasi ako sa kagandahan ng bata e.", biglang sumulpot ang isang babaeng may blonde na buhok sa likuran ng matanda. May maamo siyang mukha at ngumiti ito sa kanya. 

"Argh, ojii-sama! Gusto ko pang matulog e!", sigaw naman ng isa pang lalake sa likuran ng matanda. Napakamot ito sa ulo niya habang inaayos niya ang kanyang salamin. 

Binatukan ng matanda ang dalawa. "Hay nako! Bakit ba kasi kayo ang pinili ng Tree of Life upang gawin ang misyong ito?! Sagabal lang kayo e!", pagsesermon ng matanda at muling tumingin kay Aubrey at huminga ng malalim.

"S-Sino po kayo?", naguguluhang pagtatanong ni Aubrey sa tatlo.

"Hindi mo ba kami matatandaan, iha? Nasa History subject kami ninyo. 'Wag mong sabihin na hindi iyon tinuro ng iyong guro? Kami ang mga mages na makagamit ng apat na elemento at nandito kami ngayon upang gabayan ka sa iyong misyon.", pagsasalita ng matanda.

Nanlaki ang mga mata ni Aubrey sa kanyang narinig. Napa-isip-isip siya at bigla na lamang niyang tinakpan ang kanyang bibig sa pagkagulat. "Master Hades?! Lady Elizabeth?! Master Liro?! N-Natatandaan ko na!"

Hindi makapaniwala si Aubrey sa kanyang narinig at nakikita. Naalala na niya ang leksyon na sinabi ni Ma'am Michi sa kanya at napakamot siya sa kanyang ulo. Agad naman siyang dumuko upang magpakita ng respeto sa kanyang mga ninuno.

Hindi niya alam kung bakit ito nangyayari sa kanya ngayon pero kailangan niyang alamin ang mga ito!


"Mabuti naman at natatandaan mo kami, Binibini.", pagsasalita ng lalakeng may salamin na si Master Liro. "Nandito kami ngayon sa isang mini-world na ginawa ni Master Hades. Kumbaga parang panaginip mo ito"


Napatango-tango naman si Aubrey. Parang nanginginig ang kanyang mga kamay habang nakikinig sa tatlong mga Mages na may malaking nagampanan sa kanilang kasaysayan.


"Aubrey, iha. Gamitin mo ito.", pagsasalita naman ni Elizabeth at lumapit sa kanya. Kinuha ni Lady Elizabeth ang kamay ni Aubrey at may inilagay siya doon na mga bato--isang kulay pula na bato na parang isang krystal.


Napatingin si Aubrey sa batong ito t'saka tumingin sa babaeng iyon. "A-Ano po ito?"


"'Yan ang tutulong sa'yo sa pag-alala sa mga alaala na nawala sa'yo no'ng nag-cast si Bryl sa'yo ng isang sumpa. 'Yan din ang tutulong sa'yo sa pagkamit ng iyong misyon.", pagsasalita naman ni Master Hades. "Ipinabigay 'yan ng Mahal na tagapagbantay ng Tree of Life kung saan kami ay natutulog. Pinukaw niya kami para gawin ito."


Halos nawalan na ng hininga si Aubrey sa mga sinasabi ng matanda. Napatango-tango siya. Hindi alam kung bakit siya ang pinili nito para gampanan ang ganitong misyon ngunit wala na siyang iba pang magagawa kundi manalig sa kanyang sarili.


"Ngunit paano ko po ito gagamitin?", pagtatanong ni Aubrey sa kanila ngunit parang nag-fe-fade na ang mga katawan nila. Napangiti na lamang si Master Hades sa kaniya.


"Malalaman mo rin ito, iha", mahinang bulong niya.


"Pero--!"


"Nakasalalay ang mundo sa iyo, Hara."


"Teka lang! 'Wag niyo muna akong iiwan dito--!"


"We are counting on you.", sabay nilang pagsasalita at unti-unti ng nawawala ang tatlong Mages na 'yon sa kanyang harapan.


At sa isang iglap, napukaw na lamang si Aubrey sa gitna ng digmaan. Napatingin-tingin siya sa kanyang paligid. Naguguluhan pa rin siya. Bakit siya ang pinili ng mga ito? Bakit siya pa?


Napatingin siya sa kanyang kamay at nanlaki ang kanyang mga mata sa kanyang nakita. Nasa kanya ang batong ibinigay nila Master Hades sa kanya. Napatingin siya sa kanyang itaas at may malaking bato na may apoy sa kanyang ibabaw ngunit hindi pa rin ito bumagsak sa kanya. Napatingala siya kaya napatingin siya sa kanyang kiliran.


"Class A?!", narinig niya ang sigaw ni Emy at napatingin siya sa direksyon na do'n. Nakita niya si Reina Valdez--'yong babaeng kalaban niya sa isang paligsahan sa LU Festival--na hinihinto niya ang bato sa pag-landing nito sa kanila.


"Bilis! Lumayas na kayo d'yan!", sigaw ni Reina at agad namang tumayo si Aubrey at umalis sa kinaroroonan nila.


"Aljun! Edie Mae! Ashley! Novah! Bilisan ninyo!", sigaw ni Reina habang tinawag niya ang kanyang mga kasamahan sabay sa pagdating ng mga kalaban.


Kinakabahan si Aubrey na ewan. Napatingin siya sa kanyang mga kaklase habang mas hinigpitan niya ang kanyang paghawak sa mahiwagang bato na nasa kanyang mga palad.


"R-Reina.", banggit ni Aubrey.


Lumingon si Reina sa kaniya sabay ngisi. "Kami na ang bahala dito. Tumakas na kayo at puntahan na ang mahal na prinsipe at ang iyong mga kaibigan na mga Witches. Hinihintay na nila kayo."


"Tara na!", sigaw naman ni Dranreb sabay palabas sa kanyang espada at initaas niya ito.


"Dalhin niyo ang mga sugatan sa dalampasigan!", sigaw naman ni Elder Marjuri na nasa kanilang kiliran sa kanyang mga kawal. "Bilisan niyo!"


Dumagsa ang kayraming mga Witches sa kanilang harapan. Napalunok ng 'di oras sina Aubrey habang nasa unahan ang mga Class A na nakikipaglaban sa mga kalaban.


"Emy! I-teleport mo kami patungo sa dulo do'n ng mga kalaban. Kailangan natin silang lagpasan!", sigaw pa naman ni Bryl. Napatingin si Emy sa kanya at tumango.


"Bilis! Hawakan niyo ako!", sigaw ni Emy at agad namang sumunod ang iba pang taga-Class E.


"Kayo na ang bahala dito, Reina at Aljun", sabi naman ni Miles sa lider ng Class A. Ngumiti ito sa kanila at tumango.


"Malaki ang kasalanan namin sa inyo. Dapat lang ito naming gawin.", sabi naman ni Aljun sabay hampas sa kalaban.


Tumango naman silang Aubrey at humawak kay Emy.


"1, 2, 3, go!"


At lumipat na sila ng p'westo.


Konti nalang, aabot na kami sa Unmei Dungeon. We shall finish this!


~*~


A/N: Sorry for the long wait!  Masyado kasi akong busy ngayon kaya ngayon pa. Huhu. Pasensya na ah? Huhuhu. T'saka! Maraming salamat sa mga sumupporta sa kwentong ito. Happy 70K+ reads LUSFM! Mahal ko kayong lahat mga tsokolate!


-Ate Ay

Continue Reading

You'll Also Like

163K 6.8K 45
After discovering that she has an elemental power, Bridget must find a way to fight against those hunting her which is the Dark University. She must...
108K 6.9K 33
Highest ranks reached: #3 in Zombie #2 in Zombieapocalypse #8 in Survival #3 Horror-Thriller "They die feeling unlucky, but I consider them the lucki...
150K 8.9K 55
Rhia Zacharius yearns for nothing more than peace for her family, striving to lift them out of poverty and provide them with the basic necessities to...
49.2K 1.4K 35
Book 1 Mirror, mirror on the wall...who's the strongest of them all?