The End of Us

By darisinagtala

28.2K 435 13

Nag bulag-bulagan siya kaya kahit kailan, hindi siya natahimik hangga't hindi siya nakaka bawi sa mga nagawa... More

Intro
First Part
The End of Us - Chapter 1
The End of Us - Chapter 2
The End of Us - Chapter 3
The End of Us - Chapter 4
The End of Us - Chapter 5
The End of Us - Chapter 6
The End of Us - Chapter 7
The End of Us - Chapter 8
The End of Us - Chapter 9
The End of Us - Chapter 10
The End of Us - Chapter 11
The End of Us - Chapter 12
The End of Us - Chapter 13
The End of Us - Chapter 14
The End of Us - Chapter 15
The End of Us - Chapter 16
The End of Us - Chapter 17
The End of Us - Chapter 18
The End of Us - Chapter 19
The End of Us - Chapter 20
The End of Us - Chapter 21
The End of Us - Chapter 22
The End of Us - Chapter 23
The End of Us - Chapter 24
The End of Us - Chapter 25
The End of Us - Chapter 26
The End of Us - Chapter 27
The End of Us - Chapter 28
The End of Us - Chapter 29
The End of Us - Chapter 30
The End of Us - The Last Chapter - Part 2
'The End of Us' - A Letter for Her

The End of Us - The Last Chapter - Part 1

727 9 3
By darisinagtala

Kahit ano pang klaseng paghihiganti ang gawin mo para lang maibsan ang sakit na nararamdaman mo; ito ay hindi tama, ito ay hindi ka palalayain kailan man at ito na rin ang maaaring maging katapusan mo. Kung ikaw ay nagbabalak mag higanti sa mga taong nanakit sayo, siguraduhin mong hindi mo sila sasaktan kagaya ng pananakit nila sayo. Kundi, siguraduhin mo na ang tulad nila ang ayaw mo maging. Ang pinaka magandang higanti na hindi makaka sakit sa iba, ay ang higanting walang galit na dumadaloy sa dugo mo.


Ang isang kasabwat nila na pulis ay tahimik sa buong pangyayari, ni hindi niya sinabi kung saan nila iniwan ang mag kasintahan. Ngunit nung bumalik na si Alan at Selmo sa lugar kung saan iniwan nila ang dalawa, hindi na nila ito kasama dahil bumalik siya sa crime scene sa Carson Hotel para hindi halata ang pagtulong niya sa pag takas ng suspek na si Nathalie.

Matapos ang mga masasakit na pangyayari na mga nasaksihan ni Alan, hindi siya makagalaw sa kanyang kinatatayuan habang naka tingin na lang sa wala nang buhay niyang anak na hawak hawak ni Alex sa kanyang mga braso. Samantala, nakita rin niyang lumuluha na si Alex dahil labis itong nasaktan nung makitang wala nang buhay si Nathalie.

Sa kabilang palad, hindi alam ni Alan kung magagalit siya kay Alex o hindi dahil meron siyang mga katanungan dito.

Pero bago pa niya maitanong kay Alex ang buong pangyayari, bigla itong may dinampot sa sahig na malapit sa kanya kung saan naka luhod pa rin siya habang hawak si Nathalie.

"Ibaba mo 'yan." Sabi ni Alan habang naka tutok nanaman ang baril kay Alex. Dahil nakita ulit ni Alan ang hawak na baril ni Alex kanina na ngayo'y hawak nanaman niya. Ngunit, hindi ito para kay Alan. Para ito sa kanyang sarili.

Ngumanga si Alex at pinasok ang dulo ng baril sa bibig niya.

"Anong ginagawa mo?" Tanong ni Alan kay Alex na hindi naging hadlang sa kanya para tuluyan na niyang tapusin ang kanyang sariling buhay.

*bang!

Nagulat si Alan at si Selmo sa kanilang nakita, ulit.

Bumulagta si Alex sa sahig habang nasa braso pa rin niya si Nathalie. Yun nga lang, wala na rin siyang buhay.

3:00 a.m.

Inabutan na ng umaga si Alan sa lugar kung saan dalawang tao ang nakita niyang namatay. Matapos ang buong pangyayari, si Alan naman ang may hawak kay Nathalie sa sahig habang umiiyak siya sa lungkot. Dahil yung akala niyang pagkakataon na sila ay magkakasama ng masaya, ay mauuwi lang sa isang bangungot. Lahat ng hinangad niya para sa kanyang anak, ay wala na. Naglaho na ito ng parang isang bula at tila ba parang hindi niya alam kung sino ang sisisihin sa nangyari sa kanyang anak. Samantala, di niya maiwasan ang sisihin ang kanyang sarili kung bakit nagka ganito ang naging buhay ni Nathalie. Sana hindi na lang niya iniwan ang anak niya sa kamag-anak niyang walang ginawa kundi ang apihin siya. Sana hindi na lang siya umalis.

Nung pumasok sa isipan ni Alan ang mag asawa na sina Cynthia at Bernard habang naka tingin sa wala nang buhay na si Nathalie, nakaramdam siya ng sobrang galit at pagka lito kung saan hindi niya alam ang kanyang pwedeng gawin sa mag asawa para pagbayarin sa naging buhay ni Nathalie. Dahil kung meron mang dapat sisihin dito, wala nang iba kundi sina Cynthia at Bernard.

"Selmo." Tawag ni Alan sa kaibigan niyang naka sandal sa kotse, at lumapit ito nung pagkatawag sa kanya.

"Alam mo na ang gagawin." Sabi ni Alan.

Tumango si Selmo, pero... "Sigurado ka? Kapatid mo yun."

"Wala na 'kong pakielam." Sagot ni Alan.

Maya maya pa, naglakad palayo si Selmo kay Alan at may tinawagan ito.

Apat ang patay nung gabing nangyari ang insidenteng hindi inakala ng lahat. Marami pa rin ang takot at wala sa kanila ang naka tulog ng mahimbing kahit naka uwi na sila ng ligtas sa kanilang mga bahay.

Nung nahanap ng mga pulis ang bangkay nung dalawa sa loob ng hotel kung saan ginanap ang reunion, una nilang nakita si Vernon na may isang tama ng bala sa ulo at namatay siya agad pagka baril sa kanya. Si Brent naman ay nahanap malapit sa banyo ng mga lalaki kung saan sinundan ito ni Nathalie nung nagpaalam siyang magbabanyo lang siya saglit. Pero hindi talaga banyo ang punta niya, kundi si Brent. Tinawag ito ni Nathalie habang naka talikod. Nagulat si Brent sa kanyang nakita at sinabihan ni Nathalie na wag siyang maingay, dahil pag nag ingay siya, papatayin niya si Brent.

"Oras na para unahin na kita." Sabi ni Nathalie.

"Wag... please." Sabi ni Brent.

Kahit ano pang makaawa ni Brent, hindi siya pinakinggan ni Nathalie, kahit pa na hindi siya nag ingay. Dahil ang plano talaga ni Nathalie ay ang patayin ang mga taong nanakit sa kanya noon.

Nung hindi naman nahanap ng mga pulis ang suspek na si Nathalie, agad nag patrol ang tatlong kotse ng pulis habang tig apat ang sakay nito. Hanap sila ng hanap kung saan maaaring mahanap si Nathalie o kung saan siya maaaring dumaan. Pero nabigo sila sa halos 12 hours na paghahanap sa suspek.

Alas otso ng umaga, may isang balita sa telebisyon kung saan binalita ang nangyari sa Carson Hotel. Lumabas din ang buong pangalan ng suspek na si Nathalie pati ang dalawang biktima niya. Si Alex ay hindi rin mahanap ng mga taong nagmamahal sa kanya. Isa na dun ay si Maya. Pero mga ilang saglit pa, biglang may nagsabi sa balita na si Alexander Buencamino ay patay na rin.

"Ano?" Tanong ni Maya. "Pati si Alex?"

Walang ibang naramdaman si Maya kundi ang magalit at ang malungkot. Anong ginawa mo kay Alex, Nathalie? Sa isip isip niya habang lumuluha.

Sa sobrang pangit ng balita, pinatay na lang niya ang T.V. at humiga sa kanyang sofa habang yakap yakap ang isang unan.

Bakit? Sa isip isip ni Maya. Bakit?

Pero wala siyang alam sa naging desisyon ng dalawa.

Ang sisi ay walang katapusan, dahil hindi alam ng mga tao kung saan nagmula ang problema, kung sino ba talaga ang maya kasalanan ng lahat, na kung bakit umabot sa puntong ganito na kailangan marami ang masasaktan.

Nagulat si Julien nung mabalitaan niyang wala na ang kanyang boss. Gusto rin niyang malaman kung may kinalaman siya sa mga biglaang pangyayari, dahil ang huling pagkikita nila ay nung nag sumbong siya sa kanyang boss tungkol sa ginawa sa kanya nung dalawa. Meron din siyang alam kung saan maaaring nagmula ang lahat, ngunit walang nagtatanong sa kanya, kaya mas pinili na lang niyang tumahimik at ang makiramay. Hinding hindi rin niya makakalimutan ang kabaitan sa kanya ni Alex.

Dati pa niya pinapanalangin na sana makahanap na si Alex ng babaeng magmamahal sa kanya, dahil mag isa lang ito sa buhay. Nung nakahanap na siya, bigla naman silang nawala ng pareho. Pero para kay Julien, masaya na rin siya kahit papaano na natagpuan din ni Alex ang babaeng matagal na niyang hinahanap, at magkasama na silang dalawa habang buhay... kahit pareho na silang patay.

Ang balita ay naka rating din sa tatay ni Alex na si Gilbert habang nasa airport ito papunta sanang Singapore nung gabing may nangyaring hindi maganda sa Carson Hotel. Hindi siya naka punta sa hotel kung saan huling nakita ang kanyang anak. Pagka balita sa kanya nun, agad siyang umuwi pabalik ng kanyang bahay at tumawag ng mga kamag-anak para ipaalam ang nangyari kay Alex.

Nung umagang hindi pa nahahanap ang dalawa, si Nathalie at Alex. Nagbukas ng T.V. si Gilbert habang inaabangan ang balita. Pero hindi nila alam kung saan huhugutin ang lakas nung malamang, pati si Alex ay patay na rin kasama ng suspek.

Nung marinig niya ang pangalang Nathalie Anne Cortez, ito ay pamilyar sa kanya, at narealize na nabanggit ito ng anak niya sa kanya nung araw na may meeting silang mag ama.

"Hinde!" Iyak ni Gilbert habang naka tingin sa litrato ng anak niya sa T.V.

"Samantala... hindi pa nakaka usap ang pamilya ng mga biktima pati na rin ang pamilya ng suspek para mag bigay ng pahayag tungkol sa pagkamatay ng kanilang kaanak." Sabi ng isang reporter sa balita.

May mga kasama si Gilbert na mga kamag-anak sa paligid niya dahil nag aabang sila ng balita; at yun ang tumambad sa kanilang umaga.

Inalalayan nila si Gilbert na napa luhod sa sahig, dahil sobra ang sakit na nararamdaman niya, pati ang kanyang asawa na ina ni Alex; habang ang mga kamag-anak nila ay umiiyak na rin.

Nung malaman niyang biglang nawala ang kanyang nag iisang anak, hindi niya maintindihan kung bakit nangyari ito. Anong sagot sa mga katanungan ng mga tao? Anong puno't dulo ng lahat ng 'to? Bakit kailangan biglang mawala ang taong pinahahalagahan mo ng wala man lang warning signs o kahit anong paalam?

Ang sagot diyan ay... ang mapait na nakaraan.

Kung ikaw ay may nararamdaman para sa isang tao, wag mo nang palampasin pa. Wag kang magpapadala sa sasabihin ng iba kahit pa na buhay mo ang maging kapalit. Sa bagay, hindi mo masisisi ang isang tao na naunahan ng takot. Wala din namang masama kung iisipin mo ang sarili mong reputasyon. Diba?

Matapos malaman ni Gilbert na wala na rin ang kanyang anak, ang isa pang tanong niya ay... asan na ang katawan ni Alex?

Maya maya pa, biglang may kumatok sa kanilang pintuan.

"Ako na magbubukas." Sabi ng isang babaeng pamangkin ni Gilbert na pinsan ni Alex.

Pagbukas niya ng pintuan... "Ako si Alan... Alan Cortez."

Tumayo si Gilbert at lumapit sa lalaking naka tayo sa labas ng bahay niya dahil pamilyar ang apilyedo nito.

"Cortez?" Tanong ni Gilbert.

"Oho... ako ang ama ng suspek." Nagtanggal ng sumbrero si Alan pagkasabi niya nun, as a sign ng respeto sa nangyari sa anak ni Gilbert.

"Asan ang anak ko? Anong ginawa ng anak mo kay Alex?"

"Walang kasalanan ang anak ko sa pagkamatay ng anak niyo."

Umiling ng umiling si Gilbert. "Nasaan si Alex?"

"Ang totoo ho niyan... ako ho ang naka patay sa anak ko dahil babarilin ko dapat ang anak niyo na may hawak na baril habang naka tutok sa ulo ni Nathalie. Pero hinarangan niya... kaya siya ang nabaril ko."

"Anong ibig mong sabihin? Pano namatay si Alex?"

Tumingin si Alan sa mga kamag-anak ni Gilbert na nakikinig ng usapan bago siya sumagot sa tanong na yun.

Nagbuntong hininga si Alan. "Hindi niya kinaya ang pagkawala ni Nathalie... kaya siya ho ang tumapos ng buhay niya."

Hindi naka sagot si Gilbert, ngunit... "hindi... hindi magagawa ni Alex ang bagay na yun."

"Sa tingin ko ho... nagpaplano silang magpakamatay ng magkasama."

"Ano?"

"Nakikiramay po ako. Sana po maintindihan niyo na pareho tayo--" napa hinto si Alan sa kanyang sasabihin dahil bigla siyang naiyak. "Pareho lang ho tayo nawalan ng anak." Iyak ni Alan.

Sa nakita ni Gilbert sa ama ng suspek, mukhang sakit na sakit din ito sa pagkawala ng kanyang anak.

Nagpunas ng luha si Alan at sinabing: "Nasa mabuting kamay ho ang katawan ng anak niyo."

Napa tingin si Gilbert ng mas seryoso kay Alan, na medyo lumambot ang puso niya sa ginawa ni Alan para kay Alex. Samantala, biglang nakita ni Gilbert na may bahid ng dugo ang jacket at t-shirt ni Alan.

Tinuro ni Gilbert ang kanyang nakita at tumingin si Alan sa damit niya at sinabing: "Parehong pareho ho kami ng anak ko... naniniwala sa paghihiganti."

Nagulat si Gilbert sa sinabi ni Alan habang maraming tanong nanaman ang tumatakbo sa utak niya, kagaya nang: Anong ibig sabihin nun? Paghihiganti?

Ang dugong yun ay hindi dugo ni Nathalie o ni Alex. Ang ibig kasing sabihin ni Alan sa mga dugong yun ay... dugo ng dalawang taong binalikan niya na nagpasakit rin kay Nathalie.

Pagtapos tumawag ni Selmo sa mga kakilala niyang pwedeng tumulong para tirahin ang mag asawa, agad silang pumunta sa bahay nina Cynthia at Bernard. Hindi baril ang ginamit nila sa pagpatay ng dalawa, kundi kutsilyo. Pagtapos nun, sinigurado nilang hindi mahahanap ang dalawa ng kahit sino, kaya tulungan silang binitbit ang katawan ng dalawa at inilibing sa malayong lugar.

Bago umalis si Alan, humiling si Gilbert na kung pwede ay dalhin siya kay Alex para makita niya ang kanyang anak sa huling pagkakataon, at para mabigyan man lang siya ng magandang burol at libingan.

Nung maka rating sila sa katawan ni Alex na wala nang buhay, agad tumulo ang luha ni Gilbert at hinalikan ito sa noo kahit na malamig na siya.

Nanalangin si Gilbert para malaman ang kasagutan sa lahat kung bakit ito nangyari. Mahal na mahal niya si Alex. Nagsisisi siya kung bakit hindi man lang niya kinausap ang kanyang anak kung meron mang problema. Ngunit naging busy siya sa trabaho at matagal nang nag sarili si Alex, kaya malimit na nilang makita ang isa't isa. Hinding hindi niya makakalimutan ang mabait niyang anak, pati na rin ang malambot nitong puso... na kahit kailan ay hindi kayang manakit ng kahit sino. Pero ng dahil sa pag-ibig, pati na rin sa pagsisisi sa kanyang mga nagawang mali noon... wala nang naging hadlang para maka bawi sa taong sinaktan niya noon, na minahal niya ng sobra sobra ngayon.

Sa tutuosin, kulang pa... kulang na kulang pa ang panahon na sila'y magkasamang dalawa, ng mapayapa at ng masaya.

Alam nila sa kanilang sarili na gusto pa nilang magsama ng matagal. Kaya naman ginusto na rin nila ang mamatay ng magkasama.


---------------------------------------------------------------------


Thanks for reading my story, and don't be afraid to vote or write a comment. I truly appreciate it. Thank you. ^_^

You can now proceed to the next Chapter. :)

Continue Reading

You'll Also Like

169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
3.2M 159K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
5.9M 274K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...