The End of Us

By darisinagtala

28.2K 435 13

Nag bulag-bulagan siya kaya kahit kailan, hindi siya natahimik hangga't hindi siya nakaka bawi sa mga nagawa... More

Intro
First Part
The End of Us - Chapter 1
The End of Us - Chapter 2
The End of Us - Chapter 3
The End of Us - Chapter 4
The End of Us - Chapter 5
The End of Us - Chapter 6
The End of Us - Chapter 7
The End of Us - Chapter 8
The End of Us - Chapter 9
The End of Us - Chapter 10
The End of Us - Chapter 11
The End of Us - Chapter 12
The End of Us - Chapter 13
The End of Us - Chapter 14
The End of Us - Chapter 15
The End of Us - Chapter 16
The End of Us - Chapter 17
The End of Us - Chapter 18
The End of Us - Chapter 19
The End of Us - Chapter 20
The End of Us - Chapter 21
The End of Us - Chapter 22
The End of Us - Chapter 23
The End of Us - Chapter 24
The End of Us - Chapter 26
The End of Us - Chapter 27
The End of Us - Chapter 28
The End of Us - Chapter 29
The End of Us - Chapter 30
The End of Us - The Last Chapter - Part 1
The End of Us - The Last Chapter - Part 2
'The End of Us' - A Letter for Her

The End of Us - Chapter 25

572 9 0
By darisinagtala

"Pano natin hahanapin si Nathalie? Ni hindi ko alam kung nasaan na siya. Pano pag hinanap siya sakin ni Kuya? Saan natin siya hahagilapin? Uuwi na siya sa linggo."

Nagulat si Bernard sa sinabi ni Cynthia, dahil ang buong akala nito, hindi na babalikan si Nathalie ng kanyang ama na si Alan. At oo, yun ang kuya na tinutukoy ni Cynthia, ang tatay ni Nathalie.

"Uuwi na siya sa linggo? Akala ko ba--" Napahinto si Bernard.

"Ako rin... ang akala ko wala na siyang pakielam kay Nathalie. Pano na tayo niyan Bernard? Kasalanan mo 'to!"

"Kasalanan ko?"

"Oo! Kasalanan mo! Sa tingin mo ba hindi ko alam mga pinaggagawa mo sa pamangkin ko!"

"Teka! Kung makapag salita ka... parang tinrato mo ng maganda si Nathalie ah."

Hindi nakapag salita si Cynthia sa sinabi ni Bernard, kaya tumahimik na lang siya.

Ito namang si Bernard, nakaligtas dahil buti na lang hindi siya sinapawan ng sigaw at suntok ni Cynthia.

Natatakot ngayon si Cynthia dahil parating na ang kuya Alan niya na galing Saudi. Balita rin niya na medyo umangat na ito sa buhay at kayang kaya na niyang bumuhay ng limang pamilya o mas marami pa. Kaya si Alan ay malakas na ang loob puntahan ang nag-iisa niyang anak na naiwan sa pinas at matagal na niyang hindi nakikita. Yung mga kapatid ni Nathalie ay hindi na niya nakilala, at sa tutuosin, lahat sila ay buhay na buhay, malulusog, mga nagsipag tapos na ng pag-aaral at maganda na ang mga buhay. Samantalang si Nathalie, parang pinagkaitan ng tadhana.

Sa kabilang palad, hindi na balak hanapin pang muli ni Nathalie ang kanyang mga magulang, lalo na ang kanyang ina na kahit kailan ay hindi niya naka usap o matandaan. Pero ang kanyang ama, may natatandaan siya kahit papano. May manipis na balbas ito, kayumanggi ang balat niya, at ang pinaka natatandaan niya sa lahat, ang amoy nito, amoy sigarilyo.

Samantala, muling babalik si Alan matapos ang ilang taon na hindi siya nakabalik sa pinas. Wala rin siyang balita tungkol sa buhay ng kanyang anak ngayon na si Nathalie. Pero ang expectation niya ay, alagang alaga ito, nakapag tapos na rin ng pag-aaral, at higit sa lahat, may matinong trabaho na ito. Yun nga lang, lahat ng inaasahan niya ay, isang malaking kabaligtaran. Hindi rin niya alam ang mga nangyari kay Nathalie noon. Kung alam lang nila kung anong klaseng tao si Alan.

Kaya niya iniwan si Nathalie kay Cynthia noon, ito ay biglaan at dahil kailangan niyang mangibang bansa para mas kumita ng malaki at para masuportahan niya si Nathalie na nasa pinas. Pero hindi niya nagawa ang mga bagay na yun, kaya ito na siya, babawi na sa kanyang anak. Hindi lang yun ang dahilan kung bat nangibang bansa siya... si Alan ay isang miyembro ng mga hired killer at nagtatrabaho sa ilalim ng mga taong nasa politiko. Oo, siya ay hit man for hire. Pero simula nung naging wanted sila at pinagtangkaang patayin, tumakas ito at umalis ng Pilipinas para mag tago at para na rin mas makahanap siya ng mas matinong trabaho, at higit sa lahat, ang mag bagong buhay. Nung nakarating na siya ng Saudi, ang naging trabaho niya ay construction worker, at malaking malaki talaga ang sahod dito kumpara sa mga construction workers sa Pilipinas.

Kaya ngayon, sapat na at sobra sobra pa ang naipon ni Alan para balikan na niya si Nathalie.

Higit sa lahat, walang nakakaalam kung anong maaaring gawin ni Alan oras na malaman niya ang naging trato nila kay Nathalie, pati na rin ang naging buhay nito.

Gabi na at late nang naka uwi si Alex. Kadalasan, mga 8:00 ng gabi ay nasa bahay na siya. Pero ngayon, naka uwi na siya ng mag aalas dose.

"Alex." Tawag ni Nathalie na naghihintay sa kanya. "Kamusta ka?" Tanong ni Nathalie, dahil parang hindi maganda ang pakiramdam ni Alex.

"Ayos lang ako." Sagot nito habang inaalis ang relo. "Ikaw... kamusta ka dito?" Tanong ni Alex.

"Ayos lang din naman. Nagluto pala 'ko ng adobo. Ikaw na lang ang hinihintay."' Biro ni Nathalie ng may konting ngiti sa mukha niya.

Si Alex naman ay napa ngiti rin, at hindi dahil sa biro ni Nathalie, kundi, sa ganda ng ngiti nito.

"Kumain ka na?" Tanong ni Alex.

"Hindi pa. Hinihintay kasi kita para sabay tayo."

Hindi naka imik si Alex dahil bigla siyang may naramdamang kaba at saya, pero hindi niya ito pinakita kay Nathalie.

Nung kaninang sinabi niya na mahal niya si Nathalie ngunit di siya narinig, feeling ni Alex ay hindi talaga sila para sa isa't isa. Pero ngayong nasa harapan na niya si Nathalie, ito na ang pagkakataon para sabihin na niya ang totoong nararamdaman niya para kay Nathalie. Kaya naman, feeling din ni Alex ngayon ay, naibabalik yung dati na magka harap sila habang naka tingin sa mata ng isa't isa at may mga sinasabing linya. Pero ngayon, totoo na. Totoong totoo na ang mga sinasabi at nararamdaman nila.

Tumingin ng seryoso si Alex sa mga mata ni Nathalie, habang ganun din ito sa kanya.

Ang mata niya. Sa isip isip ni Alex. Ito rin ang linya na natatandaan ni Alex na sinabi niya kay Nathalie sa acting club noon. At mas naalala pa niya lalo ang linyang ito: "Ang mga mata mo... mapungay at mapang akit. Saakin ka na lang, pati ang mga tingin mo... saakin mo lang ibaling ang mga hinaing sa buhay. Nandito ako para alalayan at mahalin ka ng walang alinlangan."

Nakaka suka. Diba? Pero ayos lang, mas tumugma ito sa nararamdaman nila ngayon kaysa sa nararamdaman nila noon.

Lumakad si Alex ng konti palapit kay Nathalie at ngumiti, hanggang sa hindi na niya mapigilan ang kanyang nararamdaman.

"Sinabi ko sa sarili ko na hinding hindi na 'ko magsisinungaling sayo." Lumakad pa ng mas malapit si Alex habang sa unti unting napapasandal si Nathalie sa pader na nasa likod niya. Hindi rin nakakaramdam ng takot si Nathalie, at wala siyang ibang nakikita kundi ang lalaking nasa harapan niya.

"May problema ba?" Tanong ni Nathalie.

Umiling si Alex at nagsalita. "Wala naman, gusto ko lang ang magpaka totoo na sa mga nararamdaman ko... para sayo. Kaya sana wag kang magalit sa sasabihin ko."

"Ano yun?"

"Pwede bang... pwede bang..." Nagbuntong hininga si Alex dahil parang nahihiya siya. At nung naka hanap na siya ng pagkakataon para sabihin na ito ng diretso, agad na niyang sinabi ang nasa isip niya.

"Pwede bang maging tayo?" Sabi ni Alex habang naghihintay si Nathalie kung ano ang ibig niyang sabihin. "Ang ibig kong sabihin... pwede ba kita maging girlfriend?"

Namula si Nathalie sa sinabi ni Alex at hindi siya makagalaw dahil hindi siya makapaniwala na meron nang lalaki ang nanliligaw sa kanya.

Kung sakaling sasagutin niya si Alex, siya ang magiging first boyfriend ni Nathalie. Samantala, biglang nahiya ng husto si Alex.

"Kung hindi ka pa ready... willing ako maghintay kahit gaano pa katagal. Or kung ayaw mo... ayos lang din." Sabi ni Alex. "I'm sorry... I'm so sorry kung nawiwirduhan ka sa--" Napahinto si Alex.

"Sige. Ayos lang sakin." Sagot ni Nathalie.

"Ano?" Gulat ni Alex.

"Wala namang masama kung itatry natin diba?" Sabi ni Nathalie.

Napalunok si Alex at hindi niya alam kung ngingiti ba siya o hindi. Kaya naman kahit nag uumapaw ang tuwa niya, kinailangan niya pa rin ang mag dahan dahan sa paglapit kay Nathalie para mag offer ng yakap. Nung yayakapin na niya ito, agad naman siyang niyakap pabalik ni Nathalie. Ang yakap na 'to... ay hindi pang mag kaibigang yakap, kundi ang nag-iibigang yakap na. Sa kabilang palad, ilang beses na nila nayakap ang isa't isa, at ito ang mas kakaiba sa lahat, na kahit kailan ay hindi na sila mapaghihiwalay ng kahit sino.

Inangat ni Nathalie ang kanyang ulo para tignan sa mukha si Alex habang magka yakap pa rin sila. Sa tangkad ba naman ni Alex, hindi maaaring magpapantay ang ulo nila sa isa't isa, kaya nagsisilbing alipin si Nathalie sa taas ni Alex.

"I love you." Sabi ni Alex habang naka tingin sa nanliliit na si Nathalie na naka yakap sa kanya.

"I love you, too." Sagot ni Nathalie. Pagkasabi niya nun, bigla siyang nahiya at binaba ang ulo niya at sinandal sa dibdib ni Alex.

Ito na ata ang gabing nakaramdam siya ng saya at yung pakiramdam na parang wala nang pwedeng manakit sa kanya kahit kailan. Lalo na't kasama na niya ang lalaking matagal na niyang gusto, ang lalaking nanakit sa kanya, na muli niyang pinatawad at pinagkatiwalaan; at ngayo'y mahal na rin niya ito kagaya ng pagmamahal nito sa kanya.


-------------------------------------------------------------

Thanks for reading my story, and don't be afraid to vote or write a comment. I truly appreciate it. Thank you. ^_^

You can now proceed to the next Chapter. :)

Continue Reading

You'll Also Like

63.1M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
449K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022
797K 9K 19
[Currently Revising] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
2.1M 61.1K 14
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...