The End of Us

By darisinagtala

28.2K 435 13

Nag bulag-bulagan siya kaya kahit kailan, hindi siya natahimik hangga't hindi siya nakaka bawi sa mga nagawa... More

Intro
First Part
The End of Us - Chapter 1
The End of Us - Chapter 3
The End of Us - Chapter 4
The End of Us - Chapter 5
The End of Us - Chapter 6
The End of Us - Chapter 7
The End of Us - Chapter 8
The End of Us - Chapter 9
The End of Us - Chapter 10
The End of Us - Chapter 11
The End of Us - Chapter 12
The End of Us - Chapter 13
The End of Us - Chapter 14
The End of Us - Chapter 15
The End of Us - Chapter 16
The End of Us - Chapter 17
The End of Us - Chapter 18
The End of Us - Chapter 19
The End of Us - Chapter 20
The End of Us - Chapter 21
The End of Us - Chapter 22
The End of Us - Chapter 23
The End of Us - Chapter 24
The End of Us - Chapter 25
The End of Us - Chapter 26
The End of Us - Chapter 27
The End of Us - Chapter 28
The End of Us - Chapter 29
The End of Us - Chapter 30
The End of Us - The Last Chapter - Part 1
The End of Us - The Last Chapter - Part 2
'The End of Us' - A Letter for Her

The End of Us - Chapter 2

1.2K 29 0
By darisinagtala

Grocery Store

Pagtapos maligo ni Alex, nag decide siyang pumunta ng grocery store para bumili nanaman ng maaari niyang inumin. Sa totoo lang, matagal na siyang hindi umiinom ng alak o beer o kahit anong nakaka lasing. Halos limang taon na siyang hindi nakaka tikim ulit ng mga alcoholic drinks, wala na rin ang mga wine na dating naka tabi sa mga cabinet ng kusina niya. Madalas, ito ay nireregalo sa kanya sa kahit anong okasyon. Pero matagal na niya pinamigay ang mga ito.

Nasa aisle siya ng mga alak at softdrinks, matagal tagal na rin niyang hindi napupuna na may mga bagong brand na pala ng alak. Samantala, nilalagay niya agad sa bitbit niyang basket kung ano man ang madampot niya, basta may nakalagay na nagsasabing beer ito.

Since wala rin naman siyang taga luto, dumiretso siya sa aisle ng mga frozen goods, delatang pagkain, instant noodles, mga junk foods na pwede niyang makain. Hanggang sa hindi niya namamalayan na nakarating na pala siya sa aisle ng mga prutas.

Bakit hindi ko naisip ang pumunta dito? Tanong niya sa sarili niyang pag iisip.

Agad na siyang dumampot ng mga prutas kagaya ng, saging, orange, ubas... at nung lalapitan na niya ang mga mansanas na katabi ng mga ubas, bigla niyang nakita ang babaeng muntikan na niyang masagasaan kahapon. Nabitawan niya ang kanyang hawak na prutas.

Natulala siya habang ang babaeng tinitignan niya ay tumitingin sa paligid niya na tila ba parang may tinataguan siya.

Inobserbahan ito ni Alex habang pasimple siyang nagtatago sa likod ng mga prutas.

Naka jacket na itim yung babae na medyo oversize sa kanya, at nakita niyang may inilagay itong isang maliit na plastic ng tinapay sa bulsa ng kanyang jacket.

Nag nakaw siya, at nagulat si Alex ng masaksihan niya mismo ito. Sa alala niya, nagdadalawang isip siya kung lalapitan ba niya ito o hindi. Ngunit hindi niya mapigilan ang wag mangielam, since gusto din naman niya itong makita at maka usap.

Nilapag niya ang basket sa sahig at nagtatangkang lumakad palapit sa babae, at bago pa iyon, may isang guwardiya ang biglang lumapit sa babae at hinila siya sa isang braso.

"Ano yan?" Tanong nung guwardiya habang naka turo sa bulsa ng jacket nung babae.

Napahinto si Alex habang pinapanood niya ito na may halong alala sa kanyang mukha.

"Sinabing ano yan e?" Tanong ulit nung guwardiya, pero hindi nagsasalita ang babae. "Miss, halika at sumama ka na lang sakin sa opisina." Sabi niya habang hinihila niya na yung babae sa isang braso nito.

Nag pupumiglas ito, kaya pag mas lalo siyang pumapalag, mas lalo pang hinihigpitan ang hawak sa kanya.

"Halika na!"

"Ayaw ko nga e!" Sigaw nung babae habang kumakawala.

For the first time, narinig din ni Alex ang boses niya. At dahil dun, mas lalo na siyang sigurado na siya nga talaga si Nathalie.

"Miss, ano ba?!" Nagtatalo na sila sa loob ng malaking grocery, at madami na din ang tao, kaya nagtitinginan na silang lahat... isa na dun ay si Alex.

Nasasaktan na yung babae sa hawak nung guwardiya sa kanya habang hinihila na siyang sumama papuntang opisina, at doon na tuluyang lumapit si Alex.

"Kuya, sandali lang... wag niyo naman ho siyang saktan."

Nagkatinginan silang dalawa nung babae, at nagulat nanaman ito nung makita niya ulit si Alex.

"Ano bang sinasabi mo diyan? Nag nakaw eh. Ayaw pang ilabas."

"Kasama ko ho siya." Biglang sagot ni Alex, na parang totoo nga ang kanyang sinasabi. At doon, lumapit pa ng husto si Alex sa guwardiya, at may binulong ito sa kanya at hinawakan ang isang kamay nito. "Pag usapan na lang natin 'to kuya... sa madaling usapan." Bulong ni Alex habang may inilalagay siya sa kamay nito ng pasimple. Nakita nung babae, isang makapal na tig-iisang libo. Nanlaki ang kanyang mata, pero hindi niya pinapahalata kay Alex.

Tumahimik yung guwardiya, at siniguradong walang nakaka kita ng kanilang transaksyon.

Nung nakita niya ang hawak niyang pera, unti unti niyang binitawan ang babae.

Pagtapos nun, tinignan niya ulo hanggang paa si Alex at lumingon siya ulit sa babae sa huling pagkakataon, at tumingin ulit kay Alex para tumango.

Pag alis nung guwardiya, may ibang naka tingin pa rin sa kanila, at ayaw ni Alex ng ganun.

"Ano pang tinitingin tingin niyo? Tapos na yung palabas." Sabi ni Alex sa mga nakiki usisa.

Sa takot nila kay Alex, agad agad silang nag hiwahiwalay.

Sa pag alis ng mga tao sa paligid nila, tumingin siya sa babae at nginitian ito. "Ayos ka lang ba?" Tanong ni Alex.

Hindi sumagot yung babae habang naka tingin lang ito sa kanya, at napuna rin ito ni Alex kaya lumapit pa siya ng konti.

"Pasensiya ka na nga pala sa nangyari kahapon... ano bang pangalan mo?"

Hindi sumasagot ang babae.

Samantala, napansin ni Alex na napuna nung babae yung bendang naka palibot sa isang braso niya.

"Wala 'to." Sabi ni Alex habang nagtatangkang itago yung benda sa isang braso niya.

Gustong gusto ni Alex na makuha ang loob ng babaeng pinaniniwalaan niyang si Nathalie, kaya nagpatuloy siya sa pakikipag usap dito kahit halatang ilag ang babae sa kanya.

Nagkatitigan sila... hanggang sa naluha na ito.

"B-bakit?" Tanong ni Alex sa babae.

Pagtapos niyang tanungin ito kung bakit siya umiiyak, bigla siyang tumakbo ng mabilis, at hindi na ito hinabol ni Alex.

Pag uwi ni Alex sa kanyang bahay, nilapag niya lang ang plastic ng mga pinamili niya sa sahig at sabay umupo sa sofa at nagbuntong hininga. Sa kadahilanang, gulong gulo nanaman ang isipan niya dahil nakita nanaman niya ang babaeng 'yon.

Nathalie. Sabi ni Alex sa isip niya habang naka sandal ang kanyang ulo sa sandalan ng sofa at naka tingin lang siya sa kisame. Hanggang sa, may naisip siyang paraan kung pano matatagpuan ulit ang babaeng 'yon.

Kinuha niya ang kanyang cellphone sa bulsa at may tinawagan siya.

Pagsagot nung lalaki sa kabilang linya, "Sir, how may I help you?"

Nagbuntong hininga ulit si Alex habang hinihilot niya ang kanyang noo.

"Make a research about Nathalie Anne Cortez."

"Pwede po bang maka hingi ng kaunting background about her?"

"She's my schoolmate in highschool... and she's... she's umm..." Napahinto si Alex. Meron din siyang gustong sabihin, ngunit hindi na lang niya ito tinuloy. "Just make a research about her and report back to me."

"Okay, sir."

"Thank you."

Pagbaba niya ng kanyang cellphone, nilapag niya ito sa kanyang coffee table at kumuha ng isang mansanas sa plastic bag. Tumayo siya at dumiretso ng kusina, at hinugasan ito. Pagtapos nun, kumuha siya ng kutsilyo para hiwain ito dahil ayaw niyang kumagat dito ng hindi pa hiwa. Pagka hiwa nung mansanas, kumuha siya ng hiwang bahagi nito at kinagatan. Yun nga lang, bigla niya itong nabitawan at napa isip nanaman siya tungkol sa babaeng iyon.

Bakit nangyayari kay Alex 'to? Sino ba yung babaeng yun talaga?

May nararamdamang kurot si Alex sa kanyang damdamin pag sa tuwing naalala niya ang babaeng si Nathalie Anne Cortez kahit na hindi pa niya natutukoy talaga kung sino at nasaan ang babaeng yun. Pero siguradong sigurado na siya dun na siya nga si Nathalie, ang babaeng muntikan na niyang masagasaan at ang nakita niyang nag nakaw ng tinapay sa grocery store kanina.

Hindi siya matahimik hangga't hindi niya nakaka usap ang babaeng yun. Pero kung hindi nga siya talaga si Nathalie... nasaan ang totoong Nathalie Anne Cortez na nasa isip at hinahanap ni Alex?

Pinulot ni Alex ang mansanas ng biglang may kumatok sa pintuan niya.

"Sandali." Sabi ni Alex bago lumakad papuntang pintuan para buksan at silipin kung sino ang kumakatok sa kanyang pintuan.

At sa kanyang pagbukas, "Sir." Sabi nung lalaki.

"Julien." Sabi ni Alex.

Si Julien ang responsableng journalist ng kompanya nila, na binilinan niya kanina lang na mag research tungkol kay Nathalie Anne Cortez. Kung iisipin niyo, alam na alam pa ni Alex ang buong pangalan ni Nathalie. Bakit nga ba hindi niya makalimutan ito?

"Sir, is Nathalie a good news or a bad news?" Tanong ni Julien.

"Good news."

"Then I found the good news."

Sa sala ni Alex, pinaupo niya si Julien sa isang sofa habang may kinakalikot ito sa kanyang laptop.

"She's 23 years old, single, no parents, and I believe meron din siyang mga kapatid kaso nagka hiwa-hiwalay na sila dati pa nung siya ay... let me check..." Sabi ni Julien habang may hinahanap sa kanyang computer. At habang busy siya sa paghahanap ng iba pang impormasyon tungkol sa Nathalie na yun, tahimik lang na nakikinig si Alex habang nag iisip.

"Oh here..." Sabi ni Julien pagkahanap niya ng iba pang impormasyon, kaya umayos ng upo si Alex at naghahandang malaman ang lahat ng gusto niyang malaman tungkol kay Nathalie. "Her parents are separated since she was 3 years old. I also found out na, binubully din siya nung kabataan niya kahit ngayong adult na siya. Nakatira siya kasama ng tito at tita niya at pareho silang abusive. And recently... she was actually caught stealing from a grocery store."

Dahil sa sinabi ni Julien, nagulat si Alex at nanlaki ang mga mata niya. Ganun din si Julien, dahil nagbigay ng sign si Alex na natumbok ni Julien ang kanyang pinapahanap.

"Nag nakaw? Kailan yan?"

"Kanina lang daw siya nagnakaw at kanina ko lang nalaman, sir. May mga tinanong kasi ako na mga taga dito lang. Tinanong ko kung may kilala silang Nathalie Anne Cortez. May isang guard sa gorcery store na nakaka kilala sa ganung pangalan. Sabi niya, madalas daw yun sa store na yun, halos kilala na siya ng mga staff dun dahil madalas daw bumibili yun ng tinapay... as in puro tinapay lang wala nang iba. Pero sadly, nag nakaw siya for the first time."

"How about kung saan siya nakatira?"

"Oh! Oo nga pala Sir. Sabi nung mga cashier sa store, dito pa rin daw siya nakatira. Never silang lumipat. Kaso hindi nila alam yung eksaktong bahay."

"Shit!" Sabi ni Alex.

"Sir?"

"Sabi na nga ba... all this time... kaharap ko lang pala siya."

"Bakit niyo po ba siya hinahanap?"

Ang tagal bago masagot ni Alex ang tanong na yun. Bakit nga ba?

"Like I said she's my schoolmate in high school. It's been a long time actually. Hindi ko rin alam kung bakit ko siya hinahanap simula nung nakita ko ang babaeng yun ulit."

"May I ask what's her role in your life, sir?"

Tumingin ng diretso at seryoso si Alex kay Julien. "She's a schoolmate of mine." Yun lang ang nasagot ni Alex.


------------------------------------------------------------------

Thanks for reading my story, and don't be afraid to vote or write a comment. I truly appreciate it. Thank you. ^_^

You can now proceed to the next Chapter. :)

Continue Reading

You'll Also Like

2.2M 144K 50
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
2.1M 60.7K 14
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...